Share

Honeymoon Tea

Author: Miss Briannah
last update Huling Na-update: 2025-07-17 15:37:06

AV ➭ 004

LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX †

Ilang araw matapos ang insidente ng silipan sa office ni Feitan, napansin ko na iniiwasan niya ako. Kahit dapuan ng konting tingin ay hindi niya ginagawa. Hindi ko matyempuhan ang makapasok sa office niya ng ako lang. Kahit uwian na kasi ng mga empleyado ay narito pa rin siya. Hindi niya rin kami pinapayagan ni Ruby na mag-overtime pa. Bagay na nagpalakas ng hinala ni Kohen na baka narito sa mismong  opisina ni Feitan o sa loob lang ng building na ito isinasagawa ang transaksyon sa illegal business ni Danilo. Kailangan ko malaman ito sa lalong madaling panahon baka sakaling may impormasyon akong makuha kung saan nila tinago ang target ko. Kailangan ko pa yata maging mas malapit kay Feitan. 

“Ms. Levana, wag mo po kalimutan ang kape ni Sir Zach ha? Aalis na muna ako para bilhin ang pinabibili niya.” Bilin sa akin ni Ruby bago nagmamadaling umalis. 

Saktong pag-alis ni Ruby, tumunog ang intercom, agad ko naman itong sinagot. “Bring me coffee.” Dominanteng utos nito.

“Right away, Sir.” Sagot ko sa kanya at binaba agad ang telepono. 

“Here’s your coffee, Sir.” Nilapag ko sa harapan niya ang kape. Hindi niya pa rin ako tinapunan ng tingin. Busy siya sa pagpirma ng papeles. 

“Thank you. Nakabalik na ba si Ruby?” Tsaka pa lang siya nag-angat ng ulo at nagtatakang nakatingin sa ‘kin. 

“May mali ba sa mukha ko?” Tanong ko sa aking isipan. 

“Hindi pa, Sir. Tawagan ko ba?” Tanong ko pero hindi siya sumagot at nakatitig lang sa akin na parang nahihiwagaan? 

“Sir Feitan?” Tawag pansin ko. 

“Sa kaliwa ba talaga nakalagay ang nunal mo? Kung hindi ako nagkakamali nasa kanan yan.” 

Oh, shīt! Hindi ko napansin! 

“N-nagkakamali lang kayo, Sir. Diyan talaga y-yan. Tatawagan ko na ba si Ms. Ruby?” Pag-iiba ko ng usapan. Kinabahan ako. Mapapahamak pa ako dahil sa pisting nunal na ‘to. Sabi na kasing wag na maglagay nito eh. Sapak talaga sa ‘kin ang hikain na ‘yun! 

“Oo nga pala. No need to call her. Ikaw na lang ang gumawa. Hanapan mo ko ng isang magandang lugar for the lunch meeting with our prospective investors. Schedule it the next day. Magpa-reserve ka na rin for 5 persons. Kailangan ko makapag-close ng deal sa kanila.” Seryosong wika nito at humilot sa ulo na parang namomroblema. 

Tumango ako. “Noted, Sir. Anything else?”

“Yes. After mo makahanap, inform right away Mr. and Mrs. Laude’s secretary for the meeting’s time and location.” Sumandal si Feitan sa swivel chair at tumingin sa kabuuan ko. 

“Consider it done, sir.” Casual kong sabi. 

“That’s all. By the way, I like your coffee. Ngayon lang ako nakatikim ng masarap na kape.” Makahulugan niyang wika bago humigop ng kape na hindi na nakatingin sa ‘kin. 

Tipid lang ako ngumiti. “I'll leave now, sir.” Pagtalikod ko ay awtomatikong lumawak ang ngiti ko pero agad ko din itong inalis. 

Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung para saan ba ang ngiti na ‘yon. 

Tsk. Cringe. 

Marami akong alam na high-end restaurant, pero dahil gusto ni Feitan na makuha ang oo ng kliyente niya, dito sa private dining room ng Maximo's Restaurant ko napili. Relaxing dito at warm ang ambiance. Premium din ang alak at pagkain. Ilang beses na kami nakakain ng mga kapatid ko dito kaya proven and tested ko na ‘to. Makakatulong ang magaan na ambiance para sa pagiging smooth ng transaction. 

Bago dumating ang araw ng meeting ni Feitan sa clients niya, ni- review ko muna ang powerpoint presentation na ginawa ni Ruby since gusto ni Feitan na ako na lang ang sumama sa kanya. 

May ilan lang ako na binago at dinagdag kagaya ng advantages ni client kapag pumayag sila mag-invest ng malaking halaga sa Huxley Enterprises. Kailangan ma-emphasize sa kanila kung ano nga ba ang magandang makukuha nila. Gumawa na rin ako ng panibagong report ng breakdown upang mas maipakita ang projected returns of income every quarter at dapat malapit ito sa katotohanan kung sakaling hanapin o kailanganin.

Sanay ako sa ganitong gawain dahil kahit nag undergo ako ng training sa pagiging āssāssin, sinanay din ako noon ni Mommy Haleth magtrabaho sa company niya. Kahit isa na akong ganap na āssāssin, nagtayo pa rin ako ng sarili kong negosyo dahil hindi naman ako papātay ng kriminal habang buhay. Isa itong coffeeshop na madalas tambayan ko kapag walang āssignment na binigay sa ‘kin si Kohen or Mr. Hadisson.  

➮ MAXIMO'S RESTAURANT

Nagsimula na ang pag-uusap ng dalawang negosyante matapos namin kumain. Katapat ko sa upuan si Luis, ang secretary ng mag-asawang Laude. Nasa tabi ko naman si Feitan habang minamando ko ang slideshow na nasa laptop para sa ma-visual ng clients kung ano ang ini-explain ni Feitan. Maayos naman ang naging paliwanag ni Feitan pero parang hindi gaano satisfy ang mag-asawa. Pakiwari ko ay nakukulangan pa sila.

“Maganda ang pinakita mo sa amin, Mr. Huxley. Pag-iisipan muna namin ng asawa ako ang tungkol dito.” Sabi ni Mr. Laude.

Tumango naman si Feitan. Bago pa siya magsalita ay nagsalita na agad ako. “Excuse me, Mr. and Mrs. Laude, may nais pa sana ko ipakita na presentation bago nyo pag-isipan kung ano ang magiging desisyon. Kung papayag lang kayo?” Propesyonal pero malumanay kong sabi. 

Naguguluhan silang nakatingin sa akin pero tumango naman si Mr. Laude. “Go ahead, hija.” 

“With due all respect, Sir may konting ipapaliwanag lang ako kay Mr. and Mrs. Laude.” Kausap ko kay Feitan. Kahit nagtataka ay tumango na lang din siya.

Pinakita ko ang mas detalyadong projected return of income na hinanda ko and I explained it all confidently na para bang siguradong sigurado ako na ganun talaga kalaki ang halaga na pwede nilang kitain kapag nag-invest sila. Ipinaliwanag ko din kung paano maging posible ang kumita ng ganung kalaki na halaga. I told every strength of our products and services at sinabi ko rin ang posibleng maging problema pero sinugundahan ko kaagad ng matibay na solusyon. 

“Kung hindi namin maaabot ang inaasahang resulta nito, mayroon kaming contingency plan na nakahanda.” I assured them. I explained to them every detail.

“We have also established marketing department na gumagalaw hindi lang 8 hours a day sa loob ng opisina. We also have outdoor marketers and online workers na malaki ang fanbase to market our products and services.” Patuloy ko pa.

Tumango-tango ang mag-asawa matapos ko magsalita. Ito ang hinihintay ko makita sa kanila, ang mukha ng satisfaction. They looked impressed. Nang tingnan ko si Feitan, he is seriously looking at me pero hindi naman mukhang galit or disappointed. Pinaghalong humahanga at nagtataka ang nakikita ko sa mukha niya, para siyang may gustong itanong sa akin na hindi pwede marinig ng iba.

“I’m impressed. Good job. Ms. Levana. Balak pa sana namin pag-isipan ng ilang araw ang proposal ni Mr. Huxley but with you have said, we decided na pirmahan na ang kontrata ngayon din mismo.” Seryosong sabi ni Mr. Laude tapos ay matipid na ngumiti.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang simpleng pag-ngiti ni Feitan at proud na nakipag kamay sa mag-asawa matapos mag pirmahan ng kasunduan. 

“Hindi ko akalain na may back-up plan ka pala. Good job for that, Ms. Levana.” Bulong ni Feitan sa ‘kin. 

Lihim na lang ako napangisi. 

MAKALIPAS ANG TATLONG LINGGO…

Tuluyan ng umalis si Ruby sa kumpanya. Sa huling araw niya, binalaan ko siya tungkol sa nalalaman niya sa akin. Kampante naman ako na walang makakaalam ng usapan namin dahil buhay ng pamilya niya ang nakataya dito. Nauunawaan naman niya at umalis ng tahimik.

“Oh! Who’s this beautiful lady?” Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Maganda ang ngiti niya sa ‘kin at tila humahanga sa nakikita.

Tumaas ang isang kilay ko ng ilahad niya sa akin ang isang kamay niya na parang nagpapakilala pero hindi ko inabot. Kamot-ulo naman niya itong binawi na parang napahiya. “Sorry, Ms. Beautiful baka isipin mo baliw ako. Ako nga pala si Wesley, ang pinaka gwapong best friend ni Chairman Zach Feitan Huxley.” Buong pagmamalaki na pakilala nito. 

“And what are you doing here, jerk? Wag mo pormahan ang secretary ko.” Parang kulog ang boses ni Feitan ng magsalita. Masama din ang tingin nito sa nagpakilalang Wesley.

“Oh! So, siya pala ang tinutukoy mo na —” 

“Shut up, āsshøle! Leave her alone o ipapakaladkad kita sa secuties palabas? At kapag pinalabas kita sisiguraduhin ko na nasa blacklist ka na sa kumpanya ko.” Pagbabanta ni Feitan.

Kunot ang noo ko sa nais sabihin ni Wesley tungkol sa akin. Tinutukoy na ano? Pinag-uusapan ba nila ako?

“Ito naman, joke lang eh. Pag pina-block mo ko, hindi na masisilayan ni Ms. Levana ang kagwapuhan ko. Paano naman siya mai-inspire magtrabaho niyan kung puro pāngit ang nasa paligid niya?” Nakakaloko na sabi ni Wesley. Para din pala siyang si Hikaru, may signal number 4 sa utak. Bonding siguro nila ang mag rugby.

“Lumayas ka, ngayon din!” May gigil na sigaw ni Feitan at parang sasapakin na ang kaibigan.

“Oy, teka! Seløs ka naman agad eh. Pinapatawa ko lang naman ang girlfriend mo.” Natatawang sabi ni Wesley bago mabilis na pumasok sa opisina ni Feitan.

Lalo pang kumunot ang noo ko na nakatingin kay Feitan. “Wag mo siyang panisin, Ms. Levana. Takas kasi sa mēntal ang  isang ‘yan.” Tumango na lang ako pero sa loob-loob ko ay natatawa ako. “Please make us coffee.” ‘Yun lang ang sinabi niya at tumalikod na.

“Girlfriend?” Wika ko sa aking sarili. Bigla akong napangiti habang nagtitimpla ng kape. Nang makita ko ang repleksyon ko sa salamin na nakangiti, binawi ko rin agad ito at muling sumeryoso.

“Ano ba ‘tong nangyayari sa ‘kin? Bakit napapangiti na lang ako bigla sa mga simpleng bagay. Delikado ‘to. Hindi pwede.” Inis na sabi ko sa aking isipan.

Muli kong pina seryoso ang mukha ko bago pumasok sa office ni Feitan. May narinig pa akong sinabi ni Wesley ng pumasok ako pero bigla silang tumahimik ng mapansin ako. Bahagya akong yumuko para ilapag ang dalawang tasa ng kape. 

Nag tikhim si Feitan habang niluluwagan ang suot na necktie at ng tingnan ko siya, umiwas siya ng tingin. Si Wesley naman ay nagpipīgil ng tawa. Binaling ko ang tingin ko sa kanya ng may seryosong mukha. “Sorry, sorry, Ms. Beautiful may bigla kasi akong naalala. Don’t mind me. Haha!”

“Bwīsit talaga.” Bulong lang ito ni Feitan pero matalas kong narinig.

“Here’s your coffee, sirs.” Walang emosyon kong sabi.

“Bakit nga pala coffee ang pinatimpla mo kay Ms. Beautiful? Dapat honeymoon tea yung sa ‘yo eh! Wahaha!” May panunukso na sabi ni Wesley.

“Fūck you, āsshole. Manahimik ka diyan.” Nanggigigil na sabi naman ni Feitan.

“Alam mo kasi Ms. Beautiful, itong bff ko may sakit ka siya at ang pwede niya lang inumin ay honeymoon tea. Sa sunod kahit magsabi siya ng kape, honeymoon tea ang ibigay mo. Ako na ang bibili ng stocks.” Nakangiti niyang sabi. Nagdududa ako sa ganyang klase ng ngiti parang may halong kalokohan. Narinig ko naman ang sunod-sunod na mura ni Feitan. 

Hindi ko alam kung anong klaseng tsaa ba ang honeymoon tea na tinutukoy niya, ngayon ko lang kasi ito narinig. 

“I will consider that, sir. May iba pa ba kayong kailangan?” Pormal kong sabi.

“Nothing. You can leave now.” Seryosong sabi ni Feitan habang masamang-masama ang tingin sa kaibigan.

Base sa reaksyon at body language ni Feitan, malakas ang kutob ko na sa oras na lumabas ako ng pinto, bubūlagta sa sahig si Wesley.

Well, hindi ko rin naman sila aawatin kung mag sapakan man sila. Ihanda ko na lang ang first-aid kit. 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • ASHEN VEIL | The Assassin's Collaboration   BINUGBOG

    AV ➭ 083❀❀❀LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX †Holy sh-t… Ang sakit ng katawan ko partikular sa puson, balakang at paa. Mukhang nabalian pa yata ako ng buto. Tinalon ko lang naman mula sa ikatlong palapag ng laboratory ni Herbert bago pa ako mapasama sa pagsabog. Gumapang ako papasok sa drainage na nasa likod lang ng gusali dahil hirap na ako maglakad. Hindi ko na alintana ang baho at dumi dito. Pinilit ko gumapang sa loob nito hanggang sa makakaya ko. Mas ligtas ako dito. Ilang segundo lang, naramdaman ko na ang pagyanig. Sumabog na ang mga bomba. Bago ang naging paghaharap namin ni Herbert, natanaw ko na ang drainage dito. Naisip ko na pwede ko ito isama sa plan B ko. Sinundan ko ito ng tingin at konektado ito sa isang estero. Ang dulo nito ay isang ilog at karaniwan sa ganito ay dagat ang karugtong. Tagumpay akong nakalabas at narating ang ilog pero hinang hina na ako dahil sa mga sugat ko sa katawan. Nawala na rin ang earpiece at GPS tracker na nakakabit sa akin bago kami magtungo dit

  • ASHEN VEIL | The Assassin's Collaboration   BUNTIS

    AV ➭ 082 WARNING: MATURED CONTENT❀❀❀ZACH FEITAN HUXLEY †Bagsak ang balikat na umuwi ako sa inuupahan namin. Sobrang sakit at bigat ng dibdib ko. Naabutan ko sila tatay at Wesley na nagsisimula ng uminom kasama ang dalawa pa na matandang lalaki. Naroon din ang dalawang babae na kasama ni Wesley kanina na kulang na lang maghubad na dahil sa sobrang iksi ng suot at lumuluwa na ang boobs. Parang nagmamakaawa na ang mga suso nila na pakawalan na sa sobrang sikip ng suot nila. Nailing na lang ako sa isip ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako tinitigasan ng pagka lalaki sa ibang babae. Malayong malayo sila sa asawa ko. Wala sila sa kalingkingan. Sinalubong ako ni Wesley at inakbayan. Kusa na lang akong sumunod ng pina-upo niya ako sa bakanteng upuan na katabi niya. Hindi ako pumayag makatabi ang mga babae niya. “Malungkot na naman itong kaibigan ko. Halika, inumin mo ito, siguradong matutupad mamaya sa panaginip ang pangarap mo.” Tumitig ako sandali sa isang baso na inabot sa akin ni W

  • ASHEN VEIL | The Assassin's Collaboration   LOOK-A-LIKE

    AV ➭ 081❀❀❀ZACH FEITAN HUXLEY †“Just kidding. Ang sungit mo talaga, bro. Menopausal baby ka siguro?” Mabilis ako nagtungo sa pinto at binuksan ito. Isang malakas na sapak sa pisngi ang binigay ko sa kanya pero sadyang matigas ang mukha ng kaibigan kong ito. Hindi niya ininda ang suntok ko, kinamot niya lang ito na parang nangati lang.Tibay talaga ng mukha.“Tumigil ka na kasisira ng mood ko. Sa sunod hindi na lang sapak ang abutin mo sa ‘kin.” Inis kong turan. Tumalikod ako sa kanya at sinuot ang damit ko. Hubad-baro lang kasi ako na natulog kanina.“Sakit naman ng sapak nito.” Dinig kong bulong nito. “Kakain na. Sabay na tayo kumain para sweet.” Nilingon ko ng mabilis si Wesley para batuhin ng unan pero nakaalis na agad ito. Hindi pa rin siya tapos bwisitin ako.Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya sumunod na rin ako sa kanya matapos ko magbihis. Pababa pa lang ako ng hagdan, amoy na amoy ko na ang napaka bangong amoy ng ulam. Nag ningning ang mga mata ko ng makita kong pork ado

  • ASHEN VEIL | The Assassin's Collaboration   VACATION

    AV ➭ 080❀❀❀ZACH FEITAN HUXLEY †“I’ll go now, son. Behave to your grandma and grandpa, okay?” Bilin ko sa aking anak matapos ko ihatid dito sa tahanan ng in-laws ko. One week daw nila hihiramin ang apo nila. Pumayag naman ako ng walang pag-aalinlangan.“Yes, dad! Enjoy your vacation there with Tito Wesley. Also, take care of yourself, daddy and please remove those stubbles. Mommy doesn’t like it.” Napangiti ako sa sinabi ng anak ko at ginulo ang buhok niya. My son is right, my wife doesn’t like when I have stubbles. Kung narito lang siya at naabutan niya na may bigote ako, sermon na naman ang aabutin ko. I miss her so much. I still love her everyday. “Yes, little boss. Mag-ahit na po ako ng bigote ko.” Ngumiti ako at humalik sa noo niya. Hindi na rin ako nagtagal at nagpaalam na pati sa in-laws ko. Alam nila na isang linggo ako mawawala kasama ni Wesley sa hindi ko pamilyar na lugar. Hindi na ako nag-abala na alamin pa kung ano ang meron sa lugar na ‘yun. Basta ang sabi lang s

  • ASHEN VEIL | The Assassin's Collaboration   MISSING AGAIN

    AV ➭ 079❀❀❀THIRD PERSON'S P O V 𖤐“Ano'ng nangyari? Akala ko ba nakalabas na siya?” Hinampas ni Furiae ng malakas ang lamesa. Galit na galit ang magkakapatid ng malaman na nawawala ang ate nila. “Hindi rin namin alam kung ano ang nangyari. Basta ang huling sabi niya ay palabas na siya. Fuck! Dapat talaga pinuntahan ko na lang siya!” Naluluha na sabi ni Hikaru. Frustrated na sinabunutan niya ang buhok at hinilamos ang dalawang palad sa mukha. "Fuck! Fuck! Fuck! Ugh! This is all my fault!"“Paanong hindi niyo alam? Kayo ang huling magkakasama!” Galit naman na sigaw ni Lilith. Lakad-balik ang ginagawa niya dahil sa labis na pag-aalala. Habang tahimik naman na nkakuyom ang kamao ni Lilura at namumula ang mga mata sa pagpigil ng luha, sinisisi din ang sarili sa nangyari. Bigo sila mahanap si Levana mula sa sumabog na laboratoryo at maging sa buong paligid nito. Wala sila nakita na kahit anong bakas ni Levana kahit anong suyod nila sa kapaligiran at tila bigla na lang naglaho na par

  • ASHEN VEIL | The Assassin's Collaboration   PATAWAD

    AV ➭ 078 ❀ ❀ ❀ THIRD PERSON’S P O V - “Nakikita mo ba itong binti ko? Muntik na ako mapatay ng babaeng baliw kanina tapos narito ka lang naman pala.” Hinihingal na sabi ni Herbert. “Kill her. Kill that crazy woman. Now!” Dominanteng utos nito kay Gia. Hindi kumilos si Gia, nanatili lang itong nakatingin ng malamig sa kinilalang ama. “Ano pa ang titingin tingin mo diyan? Hindi mo ba narinig ang inutos ko? Bilisan mo kumilos. Wala ka talagang silbi kahit kailan!” Galit na galit na sigaw ni Herbert. Ang kaninang malamig na mga mata, ngayon ay nag-aalab na sa matinding galit. Walang pag-aalinlangan na sinakal ni Gia kinalakihan na ama. “B-bitawan mo ko. H-hayop ka! Wala kang utang na loob!” Hirap na sabi ni Herbert. Namumula na ang mukha nito. Pilit na nagpupumiglas si Herbert at pilit na inaabot ang mukha ni Gia. “Hindi lang ako isang hayop, demonyo ako. Pinalaki mo akong ganito. Papatayin kita. Narinig ko lahat ng inamin mo tungkol sa tunay kong pagkatao. Ngayon naiintindihan ko

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status