Share

CHAPTER 3

Maagang Gumising si rena upang ayusin ang mga dapat nitong ayusin.Bago sila umalis ni ashley patungo sa kanilang pupuntahan,at sa di inaasahang pagkakataon,may bumisita sa kanilang mag ina.

"Nagulat si rena nung makita kung sino ang nasa harapan ng kanilang inuupahan.

"Albert,,Anong ginagawa mo rito?"paano mo nalaman kung saan kami nakatira?

Ang sunod sunod niyang tanung.

Rena,, sandali lang naman isa isa lang ang tanung mahina ang kalaban,sabay sulyap ng ngiti sa dalaga.

Hindi mo ba ako papapasukin sa bahay mo"

Ang lupit mo naman rena.

Pasensiya kana pero hindi ka welcome sa bahay ko.Umalis kana bago kapa makita ng mga tao rito baka sabihin nanaman nilang napakalandi ko.

Lagi kasing pinagshishismisan si rena sa lugar nila,tuwing may mga lalaki silang nakikitang dumadalaw dito.kahit delevery man pa ang dumating sasabihin nilang ang landi ko.Akala nila lahat ng lalaking pumupunta rito ay may kaugnayan sa akin

Kung tutuusin ay nakakaakit parin si rena

kahit pa may anak na si rena ay para parin itong dalaga. Sa taglay nitong ganda ay hindi mo aakalaing may anak na ito.

Kumusta na kayo ng anak mo?Anong ginagawa mo rito paano mo nalaman kung saan kami nakatira,At isa pa"

wala kang pakialam sa amin,kaya pwede ba albert umalis kana dito.

Ano bang kaylangan mo at narito ka?Baka magising ang anak ko, Umalis kana please.

ang pagmamakaawang sabi ni rena.

"Hindi mo ba tatanungin kung kumusta ang papa ni ash-- hindi na naituloy ni albert ang sasabihin dahil agad itong tinakpan ang bibig ni albert.

"Umalis kana,ayukong malaman ng anak ko na may ama siyang umabando na sa amin,Alam ng anak kong wala na siyang ama,naiintindihan ako ng anak ko.Kaya nakikiusap ako sayo,wag na kayong pumasok sa buhay namin.

Paki-usap lang umalis kana,At agad nang tumulo ang luha ni rena habang nagmamakaawa itong umalis na ang binata.

Nang hindi napansin ni rina na pinagtitinginan na pala sila.

"Haynaku,Tignan mo itong babaeng ito,Hindi pa nakakabayad ng renta.May ibang lalaki nanaman siyang kasama,Imbis na asikasuhin ang pambayad,kaya siguro maagang nag kaanak kasi lalakero,iniwan siya ng asawa niya,Nakakahiya siya.

Ang Maagang chismisan sa lugar nila rena.

"Kahit nagbubulungan pa ang mga ito,Ay dinig na dinig parin.

Kung magbulungan ang mga tao rito ay sigawan.halos mabingi kana o dikaya ay mamamatay kana sa inis kung hindi ka matapang.

"Samantala sa Hotel,na tinuluyan nila harjie at rhiana.

"Goodmorning Harjie ang bati ni rhiana na may kasamang pang aakit at ngiting nakakalusaw ang tinuran niya kay harjie,Na nagpabalikwas naman ng bangon sa kanya na agad niya itong h******n sa mga labi ng dalaga.

Harjie,wait"Kaylan tayo magpapakasal?Sabik na akong makasama ka sa iisang bahay lang harjie.

"Si mama na ang nagasikaso ng lahat,itatanung ko sa kanya mamaya pag uwe natin sa bahay.

Uhmmmm!!! ayuko munang umuwe sa bahay ninyo hanggat dipa tayo kasal,saka nalang honey okay! at h******n ulit ng dalaga ang mga labi ng binata.

Samantala

Matagal nang nakaalis si albert ngunit tila ba nanatili parin siya sa posisyong iyon.

"Ano bang nangyayari bakit bigla nalang siyang susulpot at guguluhin ang buhay namin,,kahapon ang mag-ina ang nakasalubong ko at sila pa ang may-ari ng restaurant na pinapasukan ko.Gulong gulo na ang isip ko,Sabay hawak ng dalawa niyang kamay sa kanyang buhok,na parang nababaliw na ito.

"Ma bakit po?Makati po ba ang ulo niyo?bakit po kayo nagkakamot,oh baka may alaga kana po sa buhok mo mama?!ang pabirong sabi ng batang si ashley.

"Naku!!ikaw talaga,sabay kiliti sa anak.Sandali silang nagtawanang mag ina.

At bumalik na sa katinuan ang mag ina.Sige na anak maligo na tayo,baka mahuli na tayo sa pupuntahan natin,Sige ka magagalit ang teacher mo,sabay ngiti ni rena sa anak.

Nakaalis na ang mag-ina sa kanilang tinutuluyan ,Naihatid narin niya si ashley sa paaralan nito,patungo na siya ngayon sa kanyang trabaho.

"Goodmorning po maam,ang bati ni rena sa manager,Ngunit hindi manlang lumingin ang manager sa kanya bagkus ay itinuloy lang ang ginagawang pagbibilin sa mga tauhan sa restaurant.

,Habang nakapila ang lahat"

Samantalang si rena ay nahuli na sa pila. linakasan parin niya ang loob niya kahit di na siya pinansin ng manager,hindi naman siya dating ganun mabait naman siya sa akin. Ang saad ni rena.

"Rena,Wag kanang pumila,pumunta ka sa office ko hintayin mo ako roon at may paguusapan tayo.

"Bakit kaya,ayus naman kami kahapon ,wala naman naging problema,Hindi kaya dahil sa mag inang Montalcon ang dahilan.

"Nalungkot si rena sa mga naiisip nito,Pero sana nagkakamali lang ako pakiusap ,wag niyo po akong parusahan ng ganito,,ang pabulung na dalangin nito,habang binabaybay ang daan patungong office ng kanilang manager.

Manager Jaz,Anong ginagawa ng babaeng iyon dito?

Sinong babae po ang tinutukoy niyo maam halos lahat po ng tauhan natin dito ay puro mga babae.Alam na ng manager kung sino ang tinutukoy ng donya.

Pero ayaw itong ipahalata,bukod kasi sa mabait si rena ay masunurin at matiyaga pang nagtratrabaho kahit nahihirapan siya sa mga gawain sa restaurant.

Nakaraan -

Kung maaalis siya sa trabaho paano na sila ng anak niya.

"Si rena ang tinutukoy ko,Alam kung alam mo iyon.

Ano po bang problema kay rena maam??mabait,masipag at madaling natututu sa trabaho.

Alisin mo siya sa trabaho,,ayuko nang makita siya ulit dito pagbalik ko,Ang galit na sabi ng donya. Hindi na naka-imik si Jaz,Ayuko siyang alisin sa trabaho.Ang saad ni jazz sa kanyang isip.

Manager"May problema ba??may nagawa po ba akong mali?

"Rena pasensiya kana,pero dikana pwedeng magtrabaho dito,,Kinalulungkot ko ang nangyari,kung ako lang ang masusunod,hindi kita aalisin dito,bukod sa mabilis kang matuto mas marami kapang naipapasok na mga custumer dito.

"Nalulungkot ako,ayuko kasing pagsisihan ang gagawin kong ito rena,patawad talaga.

Ang pagpapakumbaba ni jaz kay rena.

Dahil ba ito sa kanila?

Sorry,, Tanging iyon nalang ang huling nasabi ni jaz at pinaalis na si rena sa restaurant na iyon.

Anong gagawin ko ngayon,pag nalaman ito ng may-ari ng paupahan,siguradong palalayasin na kami.

"Bakit puro kamalasan nalang ang nangyayari sa akin,Ne hindi naman dapat nangyari sa amin ito ng anak ko.

"Oras na siguro para maningil ako sa kanila,ang matapang nitong sabi!!

"Pero paano kung kunin nila sa akin si ashley,Naku hindi!!ayukong mangyari iyon!!sabay bawi sa balak nitong gawin.

Maghahanap nalang ako ng ibang mapapasukan.

Pero Saan at paano!!Sinubsub niya ang kanyang mukha sa dalawa nitong palad,parang nawawalan na ako ng pag asa,,paano kami ngayon ng anak ko.

OMG!!!Tignan mo anak kung sino ang nakita ko!ang natatawang sabi ng donya cristina.

Pinalayas na siya sa trabaho!!Medjo nalungkot naman si harjie ng palihim.

Alam kung kagagawan nanaman ito ni mama,subrang tagal na ang lumipas,pero galit parin si mama sa kanya,,Talaga kayang hindi ko anak ang dinadala niya noon?Ang malungkot niyang sabi.

Harjie buntis ako masayang sabi ni rena sa kanyang asawa.

Talaga!Ang gulat niyang tanong.

Hindi kaba masaya na magkakababy na tayo?

"Hindi naman sa ganun kaya lang nag aaral palang tayo.

"Okay lang sa akin na tumigil na ako sa pag aaral,aalagaan ko ang magiging anak natin.

"Pero hindi iyon ganun,paano si mama!diba usapan natin bago tayo ikinasal na mag aaral muna tayo,,Mapapawalang bisa ang kasal natin kapag dinatin tinupad ang kasunduang iyon.

"Bakit ko paba binabalikan ang nakaraan,,tapos na iyon at hiwalay na kami ngayon,,ikakasal narin ako kay rhiana.

"By the way nasaan si rhianna bakit hindi mo siya kasama?

Ayaw pa niyang umuuwe sa atin ma,Gusto niyang maikasal muna kami bago kami tumira sa bahay natin.

"Uhmm!!Ganun ba!!ang buntong hininga ng

donya.Okay ako na ang bahala sa lahat.

Sa Hotel kung saan nakatira si Rhianna.

"Ding dong! Ang sunod sunod na tunog ng doorbell..

Haynaku!!sino ba yan!nakakainis,gusto ko nang maligo.

"Ako ito si Darwen,Hindi mo naba ako kilala,Ang tanong ng nasa kabilang linya.My god.

Ikaw pala,bat dika nagpasabi na pupunta ka rito!! baka mahuli tayo ni harjie,mabubulilyaso ang mga plano natin!!!Darwen.

Miss na kita,miss mo agad ako samantalang don naman ako nakatira sa bahay mo nung galing ako abroad.Sabay tawa ng malakas ang dalawa.

Kasinungalingan lang pala ang nakita nilang galing siya sa abroad,nasa pilipinas lang pala ito at magkasamang naninirahan kay darwen.

Nagtungo lang pala si rhianna sa airport para magkunwaring galing siya sa ibang bansa at doon nag-aral.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status