Share

CHAPTER 5

AVERY POV

Pinasyal siguro ako ni Ziah sa buong Paris araw araw kami nasa labas hindi kami nagpipirmi sa bahay nila dito. Pati yata lahat bar dito na puntahan na namin gabi gabi.

Nakatunganga lang ako habang nagpapakalasing at sumasayaw ito. Ayako tumikhim man lang ng alak kahit konti amoy pa lang nito nasusuka na ako.

Nakilala ko na rin mga kaibigan ng pinsan ko.

Pero dahil nahihiya ako makipag-usapan wala rin ako nakaclose mga ito. Tangi batian lang ang imikan namin sa isa't isa nakakapagsalita lang ako pag andyan na si Ziah.

May isa siya kaibigan tahimik lang na nakaupo sa sulok palagi kami na iiwan sa table namin dahil lahat sila nagsasayaw na o kaya nagpapakalasing.

Tanging paminsan minsan tinginan lang ang nangyayari buong gabi ni hindi kami nag-uusap. Ganoon lang palagi nangyayari pagkasama kami sa bar konti usap lang sa iba niya kaibigan.

"Hey Edward I saw @%#&$&$." hindi ko naintindihan ang sumunod na sinabi ng isa nila kaibigan sa lalaki ko kasama nagmumukmok sa sulok ng table namin.

Edward pala pangalan nito hindi naman ako interesado dito pero nauusisa lang ako kung bakit hindi siya nakikipagsiyahan sa mga kaibigan tuwing nagbabar. Nagpapakalunod lang ito sa alak hanggang sa iwan na lang namin ito.

Napapaisip ako sa kaligtasan nito dahil sa dami ng iniinom nito sigurado ako lasing ito pag-uuwi ng bahay niya.

Isang beses tinanong ko iyon kay Ziah inasar lang ako nito na may gusto dito kaya hindi ko na lang ulit siya kinausap tungkol kay Edward.

"Want some drink?" nagulat ako ng lapitan ako ni Edward nung magsolo kami sa table namin. Umiling lang ako dito at ngumiti. "Okey paghinanap nila ako pasabi umuwi na ako." nagulat ako ng marunong din pala ito magtagalog.

"Silly you marunong ako magtagalog." hinawakan ako nito sa ulo saka ng paalam ng nakangiti masyado ba halata nasa isip ko.

Ayun ang una at huling usap at pagkikita namin ni Edward.

Mahigit isang buwan na ako dito sa Paris masaya naman sumasagi pa rin sa isipan ko si Atticus.

Pinaka hinahanap ko sa kanya yung lalaking lalaki amoy nito at ang kanya mata tila hinahila ako papalapit lalo sa kanya.

Kakagising ko lang kaya naisipan ko na bumaba para mag-almusal pababa pa lang ako ng hagdan nang marinig ko nagkakagulo sila tita. Samantalang si Ziah nakasubsob sa lamesa humahagulhol.

"Avery pagkatapos mo mag-almusal mag-ayos ka na ng gamit mo. Uuwi na tayo sa probinsya." emosyonal na kausap sa akin ni Tito Bert.

Lumabas sila tito at tita sa kusina. "Ano nangyayari? Naguguluhan ako." saglit lang tumingin sa akin si Ziah pagkatapos may kinalkal sa cellphone niya.

Nanlumo ako sa nakita sa litrato ang lolo't lola naming wala ng buhay. Hindi ko na nagawang mag-almusal pumanhik ako sa kwarto ko tinutuluyan pinaghahagis ko na lang ang damit ko sa maleta ko pagkatapos bumaba na ako bitbit iyon.

---

Pagod man sa byahe dumiretso ako sa kinaroroonan nila ng lolo't lola ko nakaburol sila sa mansion maraming tao halos kamag-anak namin at tauhan nila.

Marami kumakausap sa akin habang papalapit sa dalawang kabaong. Hindi makapaniwala sa nakikitang walang buhay na mahal niya sa buhay.

Gusto ko magwala. Nagsisi kung bakit umalis para magbakasyon sana nakasama ko sila sa huling sandali nila.

Hindi ko man lang sila na protektahan. Napakabuti nilang tao. Kung sana ako na lang. Pwede ko ba sila hiramin kahit isang araw lang mayakap ko man lang at makausap.

Masabi ko ulit kung gaano ko sila kamahal at kaswerte na sila ang lolo't lola ko. Salamat po sa pag-aalaga sa akin napakabilis ng pangyayari.

Nang hihina na ako sa pag-iyak naramdaman ko ang pagbigay ng tuhod ko, napaluhod ako sa sahig sa harapan ng kabaong ni lola.

"A magpahinga ka na muna." kahit punong puno ng luha ang mga mata ko naaninag ko pa si manang na umaalalay sa akin paupo sa upuan malapit sa kinaroroonan ko.

"Sinong may sala ng aksidente?" matigas ko tanong.

Umiling lang ito saka ako hinila paakyat. "Magpahinga ka na muna iha hayaan mo asikasuhin ng mga tito at tita mo ang imbestiga bukas."

Hindi na ako umapila hinihila na rin ako ng antok at pagod sa isang araw na byahe.

Kinabukasan maaga ako bumababa para magbantay sa burol ni lolo't lola. Hindi pa rin nagpapaawat ang pagtulo ng luha ko kahit marami inaalo ako ni isa wala ako pinapansin doon.

Gusto kong ibuhos lahat naghinanakit kung bakit sila ang binawian ng buhay. Hustisya para sa kanila ang gusto ko makamit ng pamilya namin.

Hanggang sa nilibing ang mga ito wala akong pakielam sa paligid ko hindi ko na alam kung ano na nangyayari sa paligid mo.

Gabi na nandito pa rin ako sa harapan ng puntod nila. Ayaw ko bitawan na wala na sila sa piling ko at hindi na kailan man makakasama. Alas otso na ng napilit ako nila manang na umuwi na ng mansion, naawa na rin ako sa kanila. Dahil mukha pagod at gutom na hindi baling ako wala ako gana kumain dahil sa pangyayari sa buhay ko.

Pagkauwi pinatawag ako sa hapag ayaw ko sana sununid ngunit nakita ko naiiyak na si manang. "Sige na A sumunod ka na. Maawa ka sa sarili mo baka magkasakit ka niyan." kita ang pagod sa mukha ng matanda.

Nang makarating sa hapag agad ng salita si Tito Bert tungkol sa imbestigasyon naging aktibo ako bigla ng malaman na nahuli na ang lalaki nakabangga sa kotseng sinasakyan ng dalawang matanda.

Namuo ang galit sa puso niya ng malaman na may tao sa likod ng aksidente. Sinadya iyon gawin dahil sa lupang bilhin sa kanila na ayaw ibigay ng lolo niya.

"Marami nakakagusto ng lupa na ito ayaw lang ibente nila papa dahil mas tumatagl mas lumalakas pa ang ng cocoa."

Hindi ko na iyon inintindi ang tanging iniisip ko ay kung paano ako makakaganti sa mga tao kumitil ng buhay ng mga matatanda.

Humanda kayo. Gagawin ko ang lahat mabulok lang kayo sa bilanguan. Ayaw ko man gamitin ang koneksyon ng lolo niya pero para sa hustisya gagawin ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status