AVERY POV
Maaga pa lang umalis sila tito at tita may pagpupulong sila sa opisina ng abogado ni lolo. Mga kasambahay at mga pinsan ko lang ang natira dito sa bahay.Umalis ako ng walang paalam sa mansion naglakad lakad sa sakahan. Tila hinahanap hanap ng sistema ko ang hangin ng sakahan.Dinala ako ng mga paa ko sa ilog kung saan una kami nagkita . Halos magdadalawang buwan din kami hindi nagkita.Kamusta na kaya siya? Ayos lang kaya siya? Kasi ako hindi.Isang oras lang ako nagbabad ng paa sa ilog ngunit walang Atticus na lumitaw nagsimula na ulit ako maglakad.Akala ko pa naman makikita ko ito hindi maganda ang huli namin pagkikita gusto siya makausap.Napagdesisyonan ko pumunta ng bayan para makapamasyal kahit papaano makalimutan ang hinanakit ko sa pagkawala ng lolo't lola ko.Napadaan ako sa prutas ng Tita Cora niya kuno. Binagalan ko ang paglalakad baka sakali nandito siya kaso malapit ako lumagpas wala pa rin dumadating. Hindi na ako nakatiis lumapit ako doon para bumili na mangga para mas tumagal."Ay Ikaw pala yan Ms. Avery." bati sa akin ng Tita Cora kuno niya. Natawa naman ako sa reaksyon nito. "Hmm.. Opo bibili ako limang kilong mangga."Pero nagsisi ako sa sinabi hindi ko alam kung mabubuhat ko ba yung limang kilong mangga. Palinga linga ako baka nasa paligid lang si Atticus.Bagsak ang balikat ng iabot sa akin ni Tita Cora ang binili at sukli. Nahihiya naman ako magtanonh baka kung ano isipin.Natigil ang pagtalikod ko nang magsalita ito. "Hinahanap mo ba yung pamangkin ko si Atticus?"Kagat labi ako tumango. "Hmm.. Kakamustahin lang po sana." nahihiya ako ngumiti dito."Nasa munisipyo pa yun pag-uwian na niya saka iyon pupunta dito iha para tulungan ako." hindi ko mahanap ang isasagot ko.Magpapaalam na lang sana ako ng ayain niya ako sa pwesto niya may parte doon na malilim mahangin dahil may nakatagong bentilador. "Gusto mo ba siya antayin dito? Para mapahatid kita sakanya matulungan ka sa dala mo mangga.""Sige po salamat. Pasensya na po sa abala tulungan ko na lang po kayo sa pagtitinda." magalang ko sagot dito.May nilabas ito baunan ng buksan niya iyon bumungad ang malamig na kanin at hindi ko kilalang ulam. "Kumain ka na ba?""Hmm.." hindi na ako nakasagot ng inabot nito sa akin ang malinis na pinggan saka sumandok sa dala niya pagkain niya. "Naku kumain ka iha. Kumakain ka ba nitong ginataang kalabasa na may hipon?"Ngayon ko lang iyo na rin mukha naman masarap kaya sinimulan ko kainin. "Masarap po. Kayo po nagluto nito?"Malawak ang ngiti nito. "Masarap talaga magluto si Atticus." nasamid ako ng banggitin nito ang pangalan ng binata.Sa maikli nila pagsasama bago siya magbakasyong ibang bansa siya lang lalaki ang nagpapakaba sa kanya ng todo."Tita may dala ako inihaw na pusit nilibre kami ng katrabaho-- Avery?" ang masyang mukha nito'y napalitan ng pagkakunot ng noo.Kumaway ako gamit ang kamay na gamit ko pagkain isa lang kasi kutsara dala ng tita ni Atticus. "Kamusta na Atticus?" malawak ang ngiti kong bati dito.Nagulat ako ng hinablot niya ang kamay ko tinapat sa gripo sa bandang likod ng pwestong tindahan ng tita niya. Nilagyan niya ng sabon iyon bago pagkiskisin. "Ano ginagawa mo dito?" may diin nito bulalas."Teka Atticus nasasaktan ako." agad din nito binitawan ang kamay ko ng matapoa ay humarap ako sa kanya."Ang sarap ng luto mo. Pwede mo ba ako lutu--" pinutol na nito ang sasabihin ko. "Nasaan ang gamit mo?" tinuro ko naman yung malaking supot ng mangga at yung maliit ko bag.Isang kamay lang gamit niya para bitbitin ang dala ko. "Mabigat yan akin na yung bag ko." iniwas nito iyon. "Ako na." hinablot niya ang kamay para akayin."Teka Atticus." reklamo ko ng makaladkad niya ako sa bilis niya lumakad.Sumakay kami ng tricycle nakipag-usap saglit si Atticus sa driver bago kami pumasok. Ngayon lang ako nakapasok doon.Nung nag-àralan kasi hatid sundo ako ng sasakyan nila lolo. Matagal ko na sumakay sa ganitong simple masasakyan lang kaso ayaw nila lolo magcommute ako. Dahil sa delikado marami silang kakompitensya sa negosyo.Nakadungaw ako sa pinto ng tricycle. "Umayos ka ng upo baka mahagip yang ulo mo kakasilip sa labas." nilingon ko ang prenteng nakaupo si Atticus habang matigas na nakatingin sa akin.Napanguso na lang ako sa kasungitan nito galit pa rin ba siya sa akin dahil ng bakasyon ako sa ibang bansa kahit ayaw niya.Umayos na lang ako ng upuan hindi ko maiwasan mapatingin sa kanya sa kaharap namin pahabang maliit na salamin. Ito naman parang pasong paso pag nagtatama ang mata namin.Nagbaba ang tingin ko sa labit nito kagat labi ko naalala ang una halikan namin sa labi. Wala sa sariling hinawakan ko ang sariling labi.Nahuli nito ang paghawak ko sa sarili ko labi agad naman ako umayos ng upo. "Baba kanina pa tayo sa tapat ng bahay niyo. Kung anu ano kasi iniisip." rinig kong bulong nito habang pababa kami.Hawak nito ang mga gamit ko inabot niya ang maliit ko bag at may kinawayan sa sa loob ng bakuran namin. Lumabas naman kaagad doon ang isang katiwala nila lolo.Nang mapag-iwan kami ulit. "Hmm.. Hindi ka na pumupunta sa ilog." tampo ko sumbat.Mahabang katahimikan bago ito sumagot. "Hindi mo naman ako sinunod. Sige na pumasok ka na mainit dito sa labas."Tinitigan ko muna ito ng ilang minuto at buong tapang ko pinatakan ng halik sa labi. Hindi ko na nakita ang mukha nito kumaripas ako kaagad ng takbo sa loob ng bakuran.ATTICUS POV Masakit sa akin iwan siya pero tuwing nagkakausap kami na humahantong sa pagtatalo tila nawawalan na ako ng pag-asa ayusin ang relasyon namin. Nasasaktan din ako sa pagkawala ng anak namin pero never ko siya sinisi. I love her so much at mas lalo ko siya minahal ng malaman nagdadalang tao siya sa anak namin. Kung sana nasa tabi niya ako ng panahon na yun na pigilan ko sana siya at ako ang rumesponde agad sa problema ng sakahan. Nakatikim kami ng pagsubok nagkasakitan pero nang magsama muli tumatag. Gusto ko lang magpahinga pakiramdam ko habang magkasama kami ni Avery unti unti akong na uubos. Mahal ko siya pero hindi na nakakabuti ang pagsasama namin. Ayaw ko man pirmahan ang divorce paper namin. Nang makita ko ang kalungkutan ng mata nito nilunok ko ang sakit para sa kalayaan niya. Baka nga tama siya mas makakabuti sa amin maghiwalay pansamantala. Maghihiwalay man kami ngayon pero sisiguraduhin ko maayos na kami sa pagbabalik ko. Hinding hindi ko na siya p
AVERY POV Nagsimula muli kami. Mas magiging matatag. Pinagmamasdan ko ang kalawakan ng sakahan it's been a month since we married again. Hindi ko akalain na aabot kami sa ganito. Akala ko nung magdivorce kami hindi ko na siya magiging pag-aari muli. "Nanay!" masayang tumakbo sa akin si Rowen samantalang marahan na naglalakad si Atticus sa kinaroroonan ko. May mga dala itong supot. "Lunch!" nilapit pa nito ang mga dala niya supot sa harapan ko. "Mauna na kayo sa kubo susunod ako. Tatapusin lang yung huli kakargahan na truck." bago ito pumayag ay humalik muna sa ulo ko bago niya saka tinawag ang anak namin. Kahit ganito ako kabusy hindi hinahayaan ni Atticus na hindi kami nagkakasabay sa lunch. Last month nasa ibang bansa siya dahil sa business niya ngayon ay nakabakasyon siya the next month babalik muli siya doon. Ganon ang naging set up namin hindi ko maiwan ang sakahan para samahan namin siya sa ibang bansa at hindi rin naman niya pwede pabayaan ang negosyo niya
AVERY POV Nang araw na iyon masaya kami kumain ng hapunan sa mansion kahit mukhang kating kati sila Tita Cora at manang sa totoo estado namin ni Atticus nung umuwi kami ng hapon. Halos hindi na ako pinakawalan ni Atticus kahit pagtulog sa kwarto namin ulit siya nakitulog. At ngayon nga pinamamasdan silang mag-ama na payapang natutulog hindi mawala ang ngiti ko ng makita ko magkayakap sila. Ang isang braso ni Atticus ay nakayakap sa bewang ko. Ang payapang pagmasdan ng mag-ama kaya naman marahan ako tumayo para ipaghanda ko sila ng almusal kahit malapit na magtanghali. Paniguradong may pineprepare na sila manang. Hindi pa kami nakakapag-usap ni Atticus sa mga nangyari sa amin sa nagdaan taon sa amin dalawa ng magkahiwalay. Ayako magmadali mahaba pa ang panahon para sa amin para mapag-usapan ang bagay na yun. "Tutulong ako sa paghahanda sa hapag." bulong ko dito nag-iingat na hindi magising ang anak namin na himala na magtatanghali na ay tulog pa. "Hindi na kailangan."
AVERY POV At dahil magaling maglambing ang anak ko. Nandito kami apat sa ilog. Kasama si Mila ang psychiatrist ni Atticus na girlfriend niya panigurado. Mas close pa sila kesa amin. At ang Mila naka bikini din. Pero bakit ayos lang kay Atticus na revealing yung suot niya samantalang noon parang ang laki ng kasalanan ko. Nakasimangot ako naglalagay ng sunblock sa may batuhan habang pinagmamasdan silang tatlo masayang nagtatampisaw. Papayag ba ako masaya silang dalawa. Para ginawa na nilang anak na dalawa si Rowen ko. Excuse me ako umire dyan at nag-aruga habang hindi pa kaya ni Atticus. Marahan ako lumubog sa tubig na hindi nila namamalayan. Hindi ko alam kung tahimik lang ako kumilos o masyado lang sila maharot... I mean maingay dahil sa kalandian damay pa anak ko. Bitter Avery. Pag-ahon ko hindi ko namalayan napalapit ako sa banda nila ang bumungad sa akin si Atticus. Kahit ito nagulanta sa lapit namin sa isa't isa. Kita ko ang mangha sa titig niya sa akin bumaba pa
AVERY POV "I forgive you hush! Shhh!" tahan niya sa akin habang mahigpit ko siya yakap. Napangiti ako ng mapait ng maalala ang huli namin pinag-usapan sa ospital. At rumehistro ang huli namin pagkikita sa condo unit niya kasama ang kasintahan niya. Simula nun hindi ko na binalak sumama kay Tita Cora kahit halos kaladkarin na ako nito masamahan ko lang siya. "Hindi ka talaga sasama? Nakahanda na si Rowen." kita ko ang mapaglarong ngisi sa mga labi nito. "Baka mamaya itakbo na naman nun si Rowen." biro nito nang haba lalo ang nguso ko. "Ayaw mo talaga iha?" this time malungkot na ito. Umiling na lang ako. Pinagmasdan ko sila lumabas ng bulwagan ng mansyon. Isang maingay na busina ang nagpalundag sa puso ko. It's his jeep wrangler. Nanghahaba ang leeg ko sumilip sa labas. Nakita ko siya lumabas at agad siya sinalubong ng anak namin pero na dako ang mata ko sa babae nito kasama. His girlfriend or wife. Mabilis ako umiwas ng tingin saka tumungo sa opisina. Magtatrabah
AVERY POV "Paano ko sasabihin iniwan mo ako ng hindi ko alam kung saan ka napadpad. Sinukuan mo na ako." napapikit ito nang marinig ang sarili ko. "Pasensya na kung naging mahina ako para sa atin my love." namamaos nitong bulong pilit ako inaabot. "I was diagnose depression. Kailangan ko magsession as my psychiatrist advice." "I'm sorry!" agad ako lumapit dito para pigilan sa pagtayo. "It's all my fault I cost you pain. Na dapat ako lang." "Kasalanan ko na nawala ang una natin anak. Kasalanan ko na nagkahiwalay tayo. I deserve this pain." halos yakapin ko na siya sa hinanakit sa mga nagdaan taon. Akala ko na baon ko na sa limot pero masakit pa rin. Nakalimutan ko lang saglit dahil dumating ang anak ko na palitan ng saya dahil kay Rowen pero ng babalik ang ama nito. Agad ko naramdaman ang pagsisi at sakit na dulot ng mga mali kong desisyon. After makalabas ng ospital ni Atticus nung gabing iyon sa condo na namin siya hinatid. Tito's still furious, mas lalo siya na gali