FAZER LOGINNapahinto si Emerson sa pagnguya. Dahan-dahan siyang tumingin kay Mildred, bakas ang pagtataka sa mga mata. "Anong koneksiyon ng pagluluto sa pagmamahal?"Ikiniling uli ni Mildred ang kanyang ulo at binigyan siya ng isang napakalambing na ngiti. "Wala po. Sinabi ko lang para malaman mo."Umiling si Emerson ngunit may bahagyang amusement sa kanyang boses. "You're weird."Agad na lumapit si Mildred at nagpacute sa tapat ng mukha ng lalaki. "Pero cute naman po, 'di ba? Umamin ka na, Sir!""Hindi," mabilis at walang kakurap-kurap na sagot ni Emerson.Natahimik nang ilang segundo si Mildred. Ang mga mata nito ay bahagyang kumurap, at dahan-dahang nawala ang malapad na ngiti. "Ah..."Sandali itong nakatitig sa kanyang sariling mga kamay sa ibabaw ng mesa. May munting kirot na dumaplis sa kanyang dibdib, ngunit mabilis din niya itong itinago. Makalipas ang ilang segundo, pilit siyang ngumiti nang napakatamis at muling nag-alok ng pagkain."Okay lang po! Babawi na lang ako bukas!" wika nito n
Pagkatapos ng almusal, wala nang escape route si Emerson kay Mildred.Hindi dahil may mahalagang emergency board meeting silang kailangang dalohan. Hindi rin dahil may nag-aalab na krisis sa kumpanya. Kundi dahil tila naging personal at cute na anino na niya ang dalaga.Saan man siya pumunta, nandoon din si Mildred—nakatitig, nakangiti, at tila laging may lihim na balak.Sa malawak na sala—nandiyan ito, kunwari'y nagpapagpag ng unan habang sumusulyap sa kanya. Sa kusina—nandiyan din ito, nagpapanggap na naghahanap ng meryenda pero nakatitig lang sa bawat kilos niya.Nang umakyat si Emerson sa kanyang study room upang magbasa ng ilang mahahalagang dokumento, nakahinga siya nang maluwag. Akala niya'y ligtas na siya. Subalit makalipas lamang ang limang minuto, may narinig siyang mahihinang katok."Pasok," malamig ngunit may pagod na utos ni Emerson.Dahan-dahang bumukas ang pinto. Unang sumungaw ang kalahati ng mukha ni Mildred. Ang dalawa nitong bilugang mata ay kumikislap sa katuwaan,
Hindi umuwi si Emerson ng gabing iyon. Buong gabi siyang naghintay, ngunit walang anino ng lalaki ang nagpakita.Nag-aalala man nang husto, hindi talaga nagawang mag-message ni Mildred sa kanyang boss. Inaatake kasi siya ng matinding hiya. Ayaw niyang magmukhang masyadong pilit o nag-o-overstep sa kanyang posisyon bilang empleyado sa bahay na iyon. Ayaw niyang mag-insist na mag-text o tumawag, dahil baka kung ano pa ang isipin nito. Baka isipin ni Emerson na tsismosa siya, o mas malala, baka isipin nitong may gusto siya rito. Kahit ang totoo, may kaunti nga naman talaga.Ang ending, hindi siya nakatulog magdamag. Pabaling-baling siya sa kanyang kama, yakap-yakap ang unan, at paulit-ulit na tinitingnan ang screen ng kanyang cellphone kung may chat o missed call, pero wala talaga.Buong gabi siyang sumisilip sa bintana at sa pintuan ng kanyang silid. Tuwing may maririnig siyang tunog ng sasakyan sa kalye o tunog ng hangin, mabilis siyang tumatayo para tingnan kung iyon na ba ang sasakya
"Wala ka bang nararamdaman para kay Mildred?" tanong ni Damon kay Emerson matapos nilang maupo sa isang VIP lounge ng bar. Bahagyang maingay ang paligid dahil sa musika, ngunit sa sulok kung saan sila naroroon, sapat ang katahimikan para magkaunawaan sila nang maayos.Inayos ni Emerson ang kanyang pagkakaopo at kinuha ang baso ng inumin sa mesa. "Wala pa sa plano ko ang magka-girlfriend o pumasok sa isang relasyon. Marami pa akong dapat asikasuhin sa pamilya at sa negosyo. Isa pa, para sa akin, hindi ko tipo ang mga katulad ni Mildred na masyadong bata. Ayoko ng ganoon, Kuya Damon," maikling sagot ni Emerson sabay iling."So, okay lang ba sa iyo kung ligawan ko siya?" muling tanong ni Damon sa kanya. Seryoso ang mukha nito at halatang hindi nagbibiro sa kanyang sinasabi.Natawa si Emerson sa paraan ng pagtatanong ng lalaki. Parang may relasyon naman sila ni Mildred kung magpaalam ito sa kanya. Hindi niya akalain na hihingi ito ng permiso sa isang bagay na wala naman siyang kinalaman.
"Hi, Mildred..." nakangiting bati ni Damon sa kanya ng hapong iyon. Ang kanyang boses ay may kakaibang lambing na tila nagpapahiwatig ng interes, isang bagay na agad na nagpabilis sa tibok ng puso ni Mildred dahil sa matinding kaba."Hello po, Mr. Robles..." bahagya siyang yumuko at pilit na ngumiti, sinusubukang itago ang panginginig ng kanyang mga kamay. Lumayo siya nang kaunti upang mapanatili ang propesyonal na distansya."Out mo na pala. Tamang-tama, aayain sana kitang kumain sa labas ngayon. Hindi kasi ako busy, at gusto ko sanang magkwentuhan tayo," ngumiti si Damon bago dahan-dahang tinanggal ang suot niyang mamahaling shades.Mayabang at puno ng kompyansa sa sarili ang aura ni Damon, ang uri ng lalaki na sanay na nakukuha ang lahat ng hilingin niya. Malayong-layo ang ugali niya kay Emerson na kilala bilang isang seryosong tao, tahimik, at walang panahon sa mga walang kwentang bagay."Ah... Mr. Robles... may gagawin po kasi ako ngayon sa bahay," magalang na tanggi ni Mildred.
"Mula sa araw na ito, puputulin mo na ang lahat ng ugnayan sa kanila," mariing sabi ni Emerson. "Iuurong ko ang kaso, ngunit hinding-hindi ka na babalik sa kanila. Hindi ka na nila pwedeng lapitan, kausapin, o saktan muli. Sasama ka sa akin. Magtatrabaho ka para sa akin, at ako ang magbabantay sa kaligtasan mo."Natigilan si Mildred. Batid niyang malaking sakripisyo ito, ngunit wala siyang ibang pagpipilian. Ang mahalaga sa kanya ay hindi magdusa ang kanyang mga magulang sa malamig na rehas ng kulungan. Dahan-dahan siyang tumango bilang pagsang-ayon."Opo, Sir Emerson. Tinatanggap ko po ang kondisyon ninyo," mahinang sagot ni Mildred.***************Lumipas ang isang linggo. Dahil sa magandang alaga at mga mamahaling gamot na ibinigay ni Emerson, mabilis na naghilom ang mga sugat ni Mildred. Bagaman may mga pasa pa rin sa kanyang katawan, kaya na niyang maglakad nang mag-isa.Sa araw ng kanyang paglabas sa ospital, isang mamahaling sasakyan ang naghihintay sa kanya. Doon niya nalaman
Pagkainom ng gamot, nanghina siya at napasandal sa gilid. Basang-basa siya ng pawis, na parang bagong ahon lang sa tubig. Gusto niyang sabihan si Malachi na hindi siya makakapagluto o makakalabas para kumain, pero wala siyang mabigkas na salita.Naalala niya na laging ganito kasakit ang puson niya
Naupo si Jazz sa isang upuan sa loob ng tent. Tuwid na tuwid ang kanyang binti dahil sa sugat; hindi niya ito maibaluktot dahil sa pamamaga. Kailangan na niyang bumalik agad sa tinutuluyan nilang guesthouse para maggamot.Habang nakikinig sa paliwanag ng kausap, dahan-dahan niyang hinahawakan ang k
Nagdilim ang tingin ni Jazz. Isinakbit niya ang bag sa kanyang balikat at lumabas ng tindahan. Sumunod si Sheena na nakakunot ang noo.“Gagamitin mo talaga ang bag na ’yan?” tanong ni Sheena.“May problema ba?” maikling sagot ni Jazz.Umiling si Sheena, pero bakas sa kanyang mga mata ang pagkadisma
Parang tinamaan sa mahinang bahagi si Damon.Si Malachi ang pinakamakapangyarihan sa buong pamilya Robles. Mabuti na lang at hindi naging patas ang tadhana sa kanya dahil lumpo ang binti nito. Iyon lang ang tanging dahilan kung bakit nakakahinga pa nang maluwag ang iba.Bata pa lang sila, laging na







