Share

Abode of the Gods
Abode of the Gods
Author: starryasteria

Simula

Before the incident.

"Anak, 'yong jacket mo nasa gilid ng kama mo ha, baka makalimutan mo! Makakalimutin ka pa naman!" Rinig kong sigaw ni mommy mula sa labas ng kwarto ko.

"Anak 'yong vitamins mo pala nasa dresser mo lang. Nakalimutan ko ilagay sa bag mo kanina!" Sumilip pa itong naka-peace sign kaya natawa na lang din ako.

Kinuha ko lahat ng mga binilin niya sa akin at inilagay sa mga bag ko. Kulang na lang dalhin ko lahat ng mga gamit dito sa bahay dahil sa walang kataposang utos ni mommy. Hay. But what can I do? I have an asian mom. 

Nang natapos na ako mag-impake ng mga gamit ay kaagad na akong nag-ayos ng sarili ko. I am just wearing white T-shirt and ripped jeans, paired with white shoes. Itinali ko lang buhok ko at naglagay ng kaunting make up. Pupunta lang naman ako sa dorm ko sa Manila dahil do'n na ako magco-college sa UST. Kasalanan 'to ng nabasa ko, maganda daw kasi 'yong UST tapos baka may kalandian din ako do'n. Na-inspired tuloy ako. Char. 

Mag-aaral ako doon at hindi maglalandi, okay.

Nag-selfie muna ako at kaagad kong pinost sa I* ko at in-off ang wifi.

Nang natapos na ako mag-ayos ay kaagad ko inilagay sa bag ko ang make up kit ko. Bumaba na ako sa baba habang dala-dala ang dalawang maleta na naglalaman lamang ng mga damit ko. 

"Honey, okay na 'yong sasakyan mo. Do you have extra money?" Tanong kaagad ni mommy at lumapit sa akin dala-dala ang malaki niyang wallet. Naka-apron pa ito at nakatali rin ang buhok. Maganda talaga si mommy kahit na medyo katandaan na. Mana lang naman ako sa kaniya.

Kumuha ito ng pera at ibinigay sa akin, "O, sampong libo lang muna. Hindi ko pa pinabuksan bank account account mo, siguro sa susunod na linggo na lang. May inaasikaso pa kami ni daddy mo 'e. Okay na ba 'yan sa isang linggo?" Nag-aalala nitong tanong.

"Opo ‘my, thank you po!" nakangiti kong wika at hinalikan siya sa pisnge. 

Sobrang okay na 'to, 'no! Imagine, in just one week?! How much more that my account will be opened? Hindi naman sa pagmamayabang, pero I amfully aware that I am more privileged than other teenager. But I don't take advantage of that, kahit na alam kong makukuha ko ang gusto ko, alam ko pa rin na dapat pahalagahan 'to at paghirapan.

"Basta uuwi ka dito every month, okay? Huwag mo kaming pag-papaalahanin ng daddy mo. Dalaga kana Davina, alam mo na mga tama at mali." Tumango lang ako at inihatid siya sa kusina dahil amoy sunog na ang niluluto niyang maja blanca.

"Sure ka ayaw mo magdala nito? Mas masarap pa 'to sa'yo."

Tumawa ako, "Mommy naman." Ang kulit! Close rin kami ni mommy kaya ganyan na lang mang-asar.

Nagpasalamat na lang ako sa kaniya at tumungo na sa kotse ko. Hindi naman kami mayaman, kumbaga average lang. May malaking bahay na kasya lang sa aming pamilya at malagong negosyo na nagbubuhay sa amin. Lumaki kasi si mama sa hirap kaya halos lahat ng gusto niya noong teenager pa lang siya ay binibigay niya sa aming magkakapatid. Tatlo kaming babae at ako 'yong panganay. 

"Okay na ba dala mo? Tawag ka lang sa'min 'pag may kailangan ka," saad ni Daddy nang nakalapit na ako sa kaniya. 

Kinuha niya mga gamit ko at inilagay sa loob ng sasakyan.

"Yes, dad!" sagot ko.

"Oh, anong pakiramdam makalaya ka sa amin?" hirit nito. Hinampas ko siya dahil nang-aasar na naman siya. Swerte lang ako sa parents ko kasi nagagawa pa rin nilang makipagsabayan sa amin. 

"Dad! Syempre mami-miss ko kayo, saka 'di ko nga alam kung ano magiging buhay ko na wala kayo, first time kaya 'to," malungkot na wika ko. Ginusto ko naman 'to 'e. UST pa more. Saka, mas mabuti na 'to nang maging independent din ako. Gusto ko matuto sa lahat ng bagay ALONE.

"Ay sus! Oo naman. Wala ka bang bilib sa sarili mo? Pinalaki kaya kitang malakas! Naalala mo no'ng may sinuntok ka?" Tumawa pa ito kaya natawa na rin ako. Malakas ata ako manuntom.

"Kaya alam ko hindi ka aapi-apihon do'n. Kilala kita anak, ayaw mong may naapi at marunong kang tumayo 'pag alam mong walang mali." Sabay gulo pa nito sa buhok ko.

"Pero 'yon lang ha, 'wag kang magyabang do'n. Be humble lang palagi." 

Ngumiti lang ako sa kaniya at inihatid niya na ako sa sasakyan ko. 

"Ingat kayo lagi dito, dad,” huling sabi ko at pumasok na sa loob. 

I started the engine and started driving. Alas otso pa lang nang umaga kaya mamayang tanghali pa ako makakaluwas. Medyo malayo kasi ang lugar namin sa Manila, mukhang mahabang byahe pa 'to. 

Marunong ako magdrive dahil si daddy rin nagturo no'n. Wala kasi kaming lalaking kapatid kaya sa akin niya binuhos lahat ng mga gusto niyang gawin. Okay naman sa akin, sobrang gusto ko nga 'yon dahil kahit saan man ako magpunta, may mga alam ako na pwede kong magamit at mapakinabangan. Knowledgeable yarn, girl?

Medyo nakakalayo na ako nang biglang nag-vibrate nang tuloy-tuloy ang cellphone ko sa right seat ng frontseat ko.

Andrew's calling.

Nanlaki mga mata ko. Oh my gad, si crush! Oh my gad, oh my gad!

Kinuha ko ito gamit isang kamay ko habang ang isa naman ay nasa manobela. I was about to answer it, pero nakadaan ako sa isang malubak na daan sa kadahilanang nabitawan ko ito at tumilapon ang phone ko sa ilalim ng right seat ko. 

Aish! Kabanas naman!

Tinignan ko ang daan at wala namang mga sasakyan kaya yumuko ako kaagad para abutin ang cellphone ko na tuloy-tuloy pa rin sa pagriring.

Huwag mo muna patayin Andrew. Sandali lang. Lalandiin pa kita! Char lang! Ahe.

"Got you!" I exclaimed as I reached the phone.

Napangiwi ako nang nakitang pinatay niya na ito ang tawag. Hay, kabadtrip! Minsan na nga lang tumatawag, hindi ko pa naabotan. Sayang naman, hays.

In-off ko na lang phone ko at tinapon balik sa lalagyan dahil sa inis.

I shifted my gaze from my phone to infront of me, and I got stiffened as I saw lots of trees were approaching. Everything was so fast and unclear. Ramdam ko na lang ang pagbunggo ko sa malaking puno at ang paglabas ng katawan ko. 

Tumilapon ako dahil sa sobrang lakas ng impact sa kadahilanang mawalan ako ng malay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status