Share

III

Chapter 3

Gabi na at hindi ko pa rin alam kung ano gagawin ko. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Hindi na rin ako nakabalik pa sa campus dahil nga wala ako sa sa sarili ko. 

Dito na ako tumuloy sa dorm at hanggang ngayon ay wala pa sila Haelyn. Natatakot din ako lumabas dahil baka nasundan ako ng dalawang binata at naghihintay sila sa akin para makaganti. 

Tumayo ako at tinignan sarili ko sa salamin. Hinawakan ko ang labi ko at naaalala naman ang nangyari kanina kung paano ako natumba sa harapan niya at paano nagtagpo ang labi naming dalawa. Kanina pa ako pabalik-balik ng tingin dito sa salamin pero hindi pa rin ako makapag-isip ng tama.

Kasalanan ko ba?

O kasalanan niya kasi kinuha niya ang cellphone ko?

Pero buti na lang nakuha ko ang phone ko at nasama sa pagtakbo. Tumakbo ako pabalik sa kama at maharas na kinuha ang phone.

Napangiwi ako nang makitang basag ang screen nito. I turned it on and got disappointed as I saw how big the damage of my phone is right now. May mga guhit-guhit na sa loob at kahit ang mga letra ay hindi na mabasa. In short, sirang-sira na talaga. 

Napasalpok ata 'to sa upuan. 

Kailangan ko pa rin bumalik sa kotse para kunin mga gamit ko doon. Kahit na hindi ako makaalis ngayon, at least nandito mga gamit ko sa akin. Maghahanap na lang ako ng bagong tyempo.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at nakita si Haelyn. 

"Oh my gosh! Nandito ka lang pala! Isang oras kami naghintay sa'yo doon 'no! We even scanned the whole classrooms because we thought, naliligaw ka lang but then here you are— sitting pretty! Gosh! Saan ka nagpunta?" Si Haelyn. 

Napakamot ako sa ulo. 

Anong irarason ko dito?

Na hindi ako pumasok para sana lalabas pero may nakita akong dalawang gwapong lalaki at ang isa ay nahalikan ko pa?? Sobrang landi ko naman ata 'yon!

"Sumakit kasi ulo ko 'e, kailangan ko magpahinga." 

Ang kaninang mga matang nagugulohan ay napalitan kaagad ito ng pag-alala. 

"Aw, we are sorry. How are you? Nahihilo ka pa rin ba? Sorry talaga, baka hindi umepekto ang chant namin sa iyo."

Tumawa ako ng peke. Saka na rin ang maamong mukha ni Haelyn, she is really the best.

"I am good."

Sabay na kami kumain at natulog. Kinabukasan ay ganoon pa rin ang routine. Magpapaganda ang lahat at sabay-sabay kaming lumabas.

Hindi pa rin ako sanay sa mga nakikita kong mukha. Kaya medyo distant ako kasi hindi dahil sa natatakot ako sa kanila, natatakot din akong mabuko nila. 

Bago kami nagkaniya-kaniya ay nag-habilin muna si Haelyn na sa cafeteria kami magkita-kita kapag break time. Huwag daw muna ako maglibot at hintayin na sila mismong magtour sa akin para hindi ako mawala at mapahamak. Halos lahat kasi ng tao dito ay gumagamit ng powers nila, which is true naman because I have noticed, parang normal na lang talaga sa kanila ang pagkikitang gilas. 

Well, they are son of gods and goddesses. They are half-breeds. Malamang wala ka nang ibang gagawin kundi ishowcase talent mo. Kahit ako ba naman, kapag meron ako nito ay gugustohin ko rin iexplore. 

I agreed to her and then we parted our ways. 

Pumasok na ako sa classroom at thank God, wala pa 'yong prof na mataray kahapon. 

Pero nandito ang babaeng sumalpal sa akin. What was her name again? Sofia?

"So, which clan are you came from?" Kaagad na bungad nito sa akin.

Kakaupo ko pa lang ay pinalibutan na kaagad nila ako. Pero anong clan? Hindi ata nabanggit nila Haelyn sa akin 'to ah.

"Are you deaf?" She laughed then her friends as well.

"You seemed so unfamiliar to me, and I guess to everyone, right guys?" she asked. Nag-agree naman ang lahat at ngayon alam ko na na interesado na sila sa akin.

Pero wala akong alam sa tinatanong niya. Paano ko sasagutin?

"From Haelyn," matipid kong sagot at umiwas ng tingin. Hindi ako sure sa tanong niya pero sinagot ko pa rin ito nang matahimik na.

I heard her gasped. "Oh, so you were came from that poor family? Well, no doubts why you looked so cheap." Saka tumawa ito at ang lahat. 

"Be nice to the newbie, Siofra." Napatingin kami kaagad sa prof naming half-kabayo. Nakalimutan ko kung ano tawag sa kanila. 

Itatanong ko na lang kay Haelyn mamaya. 

Dali-dali bumalik lahat ng kaklase ko sa kani-kanilang upoan habang si Siofra naman ay sekseng tumayo pa at rumampa sa kabilang right side ko. 

So, magkatabi lang pala kami. And Siofra pangalan niya, hindi Sofia. Weird. 

Nagsimula na ang klase at mas lalo akong nawewerdohan but at the same time, I am having fun naman. Isa sa mga gusto ko noong kabataan ako ay maging sirena. Kaya natuto rin ako lumangoy dahil palagi ako nagrerequest sa kanila mommy at daddy na pumunta sa dagat o swimming pool. 

Speaking of them, kamusta na kaya sila? It's been two days since I lost my contact to them. Hindi na ako nakapag-update na nandoon na ako kasi nandito ako. I know for sure, sobrang nag-aalala na sila sa akin. I missed them so much. 

Kaya as much as possible, kailangan ko na talagang makalabas dito. 

Natapos na ang klase at ang tinuro lamang ay ang mga basic swims of mermaids. Sa next class kay may skills na ituturo which I don't have, kaya aalis na talaga ako bago pa nila mabuko. 

Malapit lang ang cafeteria rito sa side ko kaya tumungo na ako doon at hinanap silang tatlo. 

Malapit lang sila sa entrance kaya kaagad ko silang nasipat at lumapit. 

"So, kamusta ang klase? May nang-aaway ba sa'yo, may nakahalata?" Si Haelyn.

"Yeah, just tell us and we will confront that bitch," Alexa. 

Habang si Hanielle naman ay tahimik lang nakatingin sa akin at naghihintay sa sagot ko.

Should I tell them about Siofra? Pero hindi naman ako inaway talaga, parang tinanong lang at mukhang normal lang ata sa mga baguhan 'yon. Besides, nakasagot naman ako ng tama at ayoko ng gulo.

Umiling ako. 

"Wala naman, mababait silang lahat." 

Sabay sila ni Haelyn at Alexa napahinga nang maluwag. 

"'Yon naman pala 'e, so tara kain!" Alexa giggled. 

"Pero basta huwag kang matakot magsumbong sa amin ha? Para nang maiwasan natin 'yan at magawan nang paraan in case," nag-aalalang saad ni Haelyn.

Tumango ako sa kaniya at ngumiti.

"Promise." 

Kahit hindi naman ako magtatagal dito.

May pagkain na sa harapan ko at malamang umorder na sila kanina. Ang weird ng kulay. 

Kulay green siya na jelly tapos sa kabila ay may square na kulay violet. Tatlo ang dish ko. Ang pangatlo ay mukhang black na spaghetti. I really don't have an idea about their food. 

Is this safe to eat?

Nilingon ko silang tatlo at enjoy na enjoy ang pagkain nila. 

'Yong mga kinain namin kahapon mukhang okay naman ng itsura noon, unlike today, nasobrahan sa pagiging weird.

"Oh, that's what you called Tancho,” Alexa introduced.

"Masarap 'yan. Tikman mo. 'Yong second subject natin kasi mamaya ay art. Kailangan maging creative utak natin so they served the Tancho meal. It's a minor subject here kaya sabay-sabay ang schedule."

Oh, so mayroon din pala silang art.

"OMG!" Napatingin kami kay Haelyn na nagtakip ng bibig at tila yatang gulat na gulat sa nakita niya. 

"OMG! OMG! OMG GUYS!" Natataranta na siya at pinaghahampas na niya kami. 

"Bakit ano ba?!" naiinis na sabi ni Alexa.

"Ackkkkk!!! Look at your back!" 

Sabay naman kami ni Alexa napalingon sa likuran, at saktong paglingon namin ay umalingaw-ngaw ang ingay at sigawan ng lahat ng kababaihan sa cafeteria. 

"AHHHHH ZALE!"

"AHHHHHHHH XAVE!!!"

Nanlaki mga mata ko nang makita ang dalawang lalaking pumasok sa entrance. Kasunod nito ay mga ilang pang kababaihan. Marami sila pero tanging sila lang dalawa ang nasa unahan na siyang nakakuha ng attention ko.

Kasi sila 'yon! Sila ang nakita ko at isa sa kanulang dalawa nahalikan ko!!

Kinalabit ako ni Haelyn kaya napatingin ako sa kaniya.

"Sila. Silang dose ang mga dapat natin iwasan! They are sons and daughters of the 12 gods and goddesses! Sobrang makapangyarihan nila lalo na ang dalawang 'yan, si Zale at Xave."

Napalunok ako.  

"Kung may atraso ka sa kanila... anong gagawin nila?" 

At halos mahimatay ako sa kaba dahil sa narinig ko.

"They will kill you."

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status