Share

Chapter 1

Her Three Auntie

"HEY, girls, ingat kayo sa paguwi ninyo." Bilin ko sa dalawang trabahante ko na inihatid ko sa sakayan ng pampasaherong Jeep.

"Paalam rin ho, Ma'am Amber, ingat din ho kayo sa paguwi ninyo." Karyl Balansag's smile at me.

"Bye, Ma'am Amber, ingat sa pagmamaneho pauwi." Kumaway ring nakangiti si Kayecee Dela Cruz.

"Okay, thanks, see you tomorrow. Bye." Kumindat ako sa dalawa saka kumaway.

Before I start my honda BR-V premium Amber metallic, binuksan ko muna ang stereo ng kotse ko.

I was surprised when I entered our village. Nasa labas pa ako nang bakuran ng aming bahay ng may namataan akong nakaparada na mamahaling kotse roon. I was smiling while continuing to drive inside the gate.

Pagkababa ko ng kotse ay lumabas ding muli ako sa maliit na gate. There I saw, Mark, ang matiyagang manliligaw ko simula pa ng halos isang taon.

"Hi, Mark." Nakangiti ko itong binati.

"Hi, Amber. Good evening. For you." Lumapit ito, kasabay ng pagabot ng isang punpon na pulang rosas sa akin.

"Uy, nagabala ka pa. Thank you." Tinanggap ko iyon.

"Kung para sa 'yo, no worries at hindi ito abala para sa akin." Ang sagot nito.

I simply smile. Ayoko sanang palawigin ang panliligaw nito sa akin. But then he wants it. Nakailang busted na ang ginawa ko ngunit patuloy pa rin ito sa pag-akyat ng ligaw sa akin.

Inayawan ko ito dahil. Una, hindi ako sure sa nararamdaman ko para rito. Yes, he is my first crush way back in my college days. Pero hanggang paghanga lang talaga ang nararamdaman ko sa kanya noon pa man. Pangalawa, ayaw ng tatlong tiyahin ko rito dahil kilalang matinik ito sa mga babae noon. Ngunit dahil gusto ko ng maranasan ang magmahal at mahalin ay kaya hinahayaan ko ito sa patuloy na panliligaw sa akin kahit hindi pabor sa mga tiyahin ko si, Mark.

"Thank you,"

"Uh, Amber... Pwede ba kitang maimbita sa bahay? May konting party kasi doon, birthday ni, Mommy."

"Oh, I'm so sorry but I can't—"

"Please, ngayon lang naman." Masuyong pakiusap nito habang nakatingin sa aking mga mata.

Huminga ako ng bahagya at nagisip.

Amber, hindi ba't sabi mo ay gusto mo siyang bigyan ng pagkakataong ipakita na totoo siya at seryoso sa 'yo? Why not give him a chance now? Kung hindi pa rin sa gabing ito, well, tapusin mo nalang ang lahat. Kesa umasa pa siya sa'yo ng ilang araw at buwan sa paghihintay.

"Okay, magpapaalam lang ako sa mga Mama ko at magbibihis na muna ako. Tara, pasok tayo sa loob."

"No, dito nalang ako. Um, alam mo na, baka kasi—"

"Okay, okay. I understand," ngumiwi ako rito. "Pagpasensyahan mo na lang sila, Mama."

"I understand, Amber. So, I'll wait here?"

"Sure, pasok muna ako huh?"

Tumango ito at tumalikod na muli ako rito saka pumasok sa loob ng bungalow house ng mga tiyahin ko.

Upon opening the door, nakita ko kaagad ang mga nakasimangot na mukha ng dalawa kong tiyahin, habang ang isa ay medyo seryoso lang na nakatingin saakin.

"Hi, Ma, good evening." I kissed each of their cheeks, nagmano rin ako sa mga ito.

"Kaawaan ka ng Diyos, Hija." wika ni Mama Joan Biaton, na siyang bunso sa tatlo kong mga tiyahin.

"Sino na naman yung tao sa labas?" Ang tanong naman ni Mama Flordeliz Salazar, na siyang pangalawa.

"Diba pinag-usapan na natin ito, Iya, bawal ang aakyat ng ligaw sa labas ng bakuran na ito?" Sabi naman ng panganay kong tiyahin na si Mama Shirley Hizon.

Magkakaiba ang mga apelido ng mga tiyahin ko, iyon ay dahil sa iba't ibang mga babae nagkaanak ang lolo ko na si Alberto Sason, at isa sa bunsong magkakapatid nila ang ina ko na si, Ma. Ambrosia Sason. Sa ina ng nanay ko nagpakasal ang Lolo ko noon. Apat na magkakapatid sila sa ama, at nang maagang naulila ang nanay ko noon sa mga magulang nito, si Mama Joan, Flordeliz at si Mama Shirley ang nagtaguyod bilang ina sa kanya. Sa kanilang apat din, ang Nanay ko ang unang nasawi, iyon ay dahil sa nahirapan itong isilang ako noon sa sinapupunan niya.

"M-mga mama, um." Napatingin ako sa bunso nila na si Joan. "In-invite ako ni, Mark sa birthday party ng mommy niya. Pumayag ho ako."

"Ano ka 'mo, Iya?" Ang nakakunot noo na tanong ni Mama Shirley.

"Amber, bakit pumayag ka? Diba alam mo na naman ang isasagot namin diyan sa pagpapaalam mo?" Untag naman ni Mama  Flordeliz.

"Tinanggap ko na ho ang imbitasyon niya. Um, pwede naman ho siguro akong sumama—"

"Hindi pwede! Are you out of your mind, Iya? Look, lalaki yung sasamahan mo and then mismo sa bahay pa nila gaganapin kuno ang party? Paano kung mapahamak ka? Sa tingin mo matutulongan ka namin kung pupunta kang mag-isa roon?"

"H-hindi naman ho niya siguro gagawin 'yon. Malaki naman ang respeto ng tao sa akin, Mama Shirley." pangangatwiran ko.

"Hindi pa rin kami papayag. Kung may pagkain doon, may pagkain din rito. You go to your room now and change your clothes ng makapaghapunan na tayong apat."

"P-pero—"

"Sige na, Amber, magbihis ka na at hindi ka namin papayagang lumabas kasama ang lalaking 'yon." Segunda naman ni Mama Flordeliz at nakisabay pa ito sa pagtalikod sa akin ni Mama Shirley.

They are always like that sa tuwing may nagaakyat ng ligaw saakin. Maayos ang relasyon ko bilang pamangkin sa kanila. Sobra nila akong inaalagaan at tinuring na nila akong parang tunay na Anak. They love me that much and they provide all my needs. The love, care, and everything. Wala na akong masabi sa sobrang kabaitan nila. Pero minsan ay nakakasakal din ang sobra-sobra.

I grew up listening to them, and I always followed their rules. I almost obeyed them at halos sila ang nagpapatakbo ng buhay ko. Siguro sa buong buhay ko, isa lang ang hindi ko nasunod sa gusto nila. Iyon ay ang pagkuha ko ng kurso ko bilang fine-arts, ang gusto kasi nila ay maging isang guro ako, katulad ni Mama Shirley at Flordeliz na parehong retired teacher. Ngunit ang pinaka-gusto rin nilang gawin ko ay pumasok sa kumbento at maging isang ganap na Madre.

"Lagi naman ho, e," napatigil ang paghakbang ng dalawa at lumingon muli sa aking dereksyon.

"Amber," tawag sa akin ng bunso sa magkakapatid na nasa tabi ko.

"What did you say?" Pareho at nakakunot noong tanong ng dalawa pagkatapos na humarap muli sa akin.

"Mga ate—"

"Ma," I stop my mother, Joan. "Aalis ho ako at sasama kay, Mark. Whether you like it or not, at least nagpaalam na ho ako ng maayos sa inyo."

"Amber!"

"Mama Joan, please, matanda na ho ako. Kaya kong protektahan ang sarili ko. And to tell you, Mark is not like what you think. Ginagalang niya ako at nireresprto bilang isang babae."

"Nirerespeto? Saan siya? Nasa labas diba? Respeto ba ang tawag diyan? Iya, he never showed his face here. Ang kapal nga at sa labas ka pa niya hinintay at inaya—"

"Dahil sa naiilang siya sa inyo? You never treat him nice kung dito siya papasok sa bahay para ipagpaalam ako sa inyo!" Hindi ko pinatapos si Mama Shirley sa sasabihin nito.

"At pinagtatanggol mo pa siya sa aming tatlo ngayon, huh?" Untag naman ni Mama Flor na nakakunot ang noo dahil sa aking pagsagot sa kanila.

"Mga ate, Amber—"

Napatampal ako sa aking noo. "Hindi ko siya pinagtatanggol sa inyo, I just want to express what is the truth here. Masyado kayong mahigpit saakin. Look, I am not your little, Amber anymore. I am going 25 years old next month, matured na akong masyado at kaya ko ng magdesisyon para sa sarili ko. Sana naman ho maintindihan n'yo ang point ko."

A disappointed look is shown on the two adults' faces. Napapailing ang mga ito sa aking sinabi.

"Joan, kausapin mo 'yan!"

"At huwag mo 'yang hayaang lumabas ng bahay para sumama sa lalaking iyon. Maliwanag, Joan?!"

Napapailing na lang ako at nag martsa patungong silid ko. Ramdam ko naman ang pagsunod sa akin ni Mama Joan.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Mairisian
Opo. Dito na po. ...️
goodnovel comment avatar
Joan Biaton Olido
thank you. d2 mna e2 tatapusin
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status