Share

Accidental Bride
Accidental Bride
Author: Mairisian

Prologue

Blaze Children's Playground

March 7, 1997

"BA-BYE, ba-bye, ba-bye... Ba-bye-" Natigil ang pagkaway ng batang babae sa dumaang sasakyang panghimpapawid. Lumingon siya sa batang lalaking nakatayo at nakatanaw sa kanyag pagkaway.

Kumunot ang noo nito ng unti-unti itong lumapit sa kanyang kinatatayuan.

"Why are you waving on the plane?" Ang nakakunot noong tanong nito sa batang babae.

"Bakit, bawal ba mag-wave sa eroplano?"

"No, but I am just curious about what you are doing. First time ko makitang may nagpapaalam sa Airbus."

"Hindi naman ako nagpapaalam e. Nagbaba-bye lang naman ako."

Kumunot muli ang noo ng batang lalaki. "Bakit nga? What's the point and the difference?"

"Uso naman yun ah, tignan mo ang iba, nagba-bye rin sila." The young girl pointed her lips at those children who are also waving at the airplane. "See, diba?"

"Ah, I see. Pero bakit n'yo nga ginagawa 'yan?"

"Hindi ko rin alam. Bakit ba tanong ka ng tanong diyan? Diba bata ka rin naman, bakit hindi ka makiuso at magba-bye din tulad namin?"

"No, I won't do that. That is a kind of stupid thing. I only wave to those people who will be leaving. For example, my mom and dad left for work." Wika ng batang lalaki na siyang ikinakunot ng noo ng babae.

"So, you mean, stupid ako? Stupid kami?"

Ngumiti ang lalaki at umiling. "No, I did not say that."

"E sabi mo, stupid e."

"Forget it, I'm sorry,"

She crossed her arms. "Okay." Sagot nito saka napatingin sa hawak nitong laruan. "Ano 'yang hawak mo?"

"This," sagot nito saka iniangat ang kamay para ipakita sa batang babae ang hawak nito. "It's a plane toy."

"Wow." Namangha ito sa laruang eroplano na kulay puti.

"You want?"

"Bakit ka may ganyang laruan? Sabi ni teacher, kapag ano raw ang favorite toys mo, 'yon din daw ang gusto mo maging sa future."

"Yes. I have this stuff because I also want to become a pilot like my dad and grandfather. They are pilots."

"Wow. Piloto sila at gusto mo rin maging katulad nila?" the little girl giggles at the young boy's goals in life, and she also clapped her hands.

"And- you? What is your future goal?"

The girl pouted, she looked up at the sky and twirl her hair through her fingers. Maya-maya ay sumimangot ito. "Wala akong maisip e." Umiling-iling pa ito. "Pero sabi nila Mama, magma-madre na lang daw ako."

"What? Seriously? A nun? Oh, sayang."

"Bakit sayang, maganda naman doon kasi mababait sila. Like Mother Celine Gonzaga."

"Yeah, but you are pretty. Sayang lang kung wala kang pangarap paglaki mo."

"E, ano naman ngayon?" She said raising her eyebrow.

"Look, you can be one of our flight stewardesses, or my future flight attendant if you want. Hindi bagay sa'yo magsuot ng mahabang palda at trahe like those nuns."

"Hmp," Inirapan ito ng batang babae. "Bad ka, bakit ka ganyan sa kanila?"

Nangangamot ng ulo ang batang lalaki. "I'm only suggesting for your future goal. Basta, hindi ka bagay sa monastery of nuns."

"Ay, ewan ko sa'yo. Pakialamero ka sa gusto ko maging' e." Umirap muli ito sa batang lalaki.

"Bakit, gusto mo ba talaga maging, Madre? Gusto mo hindi ka lalabas lagi sa loob ng kumbento? Oh, that's wrong decision because it is so nice to live and move outside of the monetary. You will miss the chance to experience life, nature, and the city can offer. Katulad ng pagsakay ng airplanes or ships to tour you around the whole world."

Humarap muli ito sa kaharap at pawang nagiisip. "Uhm... Teka nga, sinabi ko ba na 'yon na talaga ang gusto ko? Diba sabi ko sa'yo, hindi ko alam e. Malay mo, maging teacher ako katulad ng mga favorite teacher ko na si, Ma'am Alleyn Coronejo, Ma'am Reylyn Geron, Ma'am Mary Ann Pervera at Ma'am Rona Arasain. O di kaya maging katulad ng kapitbahay naming pulis na si Ate, Christian Grace. O baka naman maging Doctora, nurse, engineer or accountancy ako. O baka maging Ms. Universe at Modelo pala ako. Who knows, diba?" Ang matabil na pahayag nito.

Napapakamot naman ang kausap nito at napakunot ang noo. "Ang dami mo namang gusto. Isa-isa lang dapat, hindi mo kaya lahat 'yon. Like what I want to be in the future, to become a Pilot."

"Bakit gusto mo 'yon?" Naguguluhang tanong nito kasabay ng pagkunot ng noo nito.

"It's our family legacy, to be a Pilot. And... like my Lolo and Dad, gusto ko yung nagmamaneho ng eroplano while everyone is inside my plane and were flying above the clouds."

Biglang nagningning ang mga mata ng batang babae. "Talaga? Oh, gusto ko din 'yon, para silipin si Mommy ko sa langit."

The young boy scowled. "Sisilipin, why?"

"Yes, si mommy ko."

"Nasaan ba ang mommy mo?"

"Nasa heaven na siya kasama si, Papa Jesus. Pero may Mama ako. Tatlo sila."

"Huh?" Naguguluhang nangunot ang noo nito sa kwento ng batang babae.

"Mga Tita-Mama ko sila."

"Ah, I see. And, your dad?"

Umiling ito. "I have no, dad."

He frowned. "Wala?"

Sumeryoso ang mukha ng batang babae. "Don't ask me about my dad. Basta wala akong, Daddy!" She hardly said.

Tumang-tango ito at lumapit sa batang babae. "Here," sabay nitong abot ng puting laruan na eroplano.

"Aanhin ko 'yan?"

"I know you like this toy. So, I am giving it to you."

"Pero laruan mo 'yan e."

"I have a lot of this stuff. Basta sa 'yo na ito. Just smile and don't get mad at me."

The young girl smile as she accepted it. "Ang ganda nito. Parang gusto ko ng sumakay gamit ito para masilip ko si mommy sa langit."

The boy also smiles. "So, gusto mo sumakay ng airplane?"

"Oo."

"Then I would like to invite you to fly to one of our planes."

"Plane n'yo?" the boy nodded. "Wow, meron kayong plane na totoo? Yung malaki pa rito sa laruan mo?"

"Yup."

"Wow, ang galing."

"Yes. And someday, I will be the one who will navigate those. When that moment will finally happen, will you agree to ride with me and we'll fly high above the sky?"

"Gusto ko 'yan." Pumapalakpak sa kasiyahan ang batang babae kasabay ng pagningning ng mga mata nito.

"So, ano na ang pinaka-goal mo ngayon?"

"Ang sumakay ng eroplano para masilip ko si Mama. I will try to find my mom in heaven."

"Kasama ako?"

"Kung sasamahan mo ako, why not." Sagot niyang nakangiti rito.

"Sure, of course. I'm the one who offers it, right?"

"Oo nga ano." Then they both laugh.

"We've talked already, but we don't even know each other's names yet. May I know your name? What is your name?"

"I am Mar-"

"Iya... Iya..."

"Ops, sila Mama ko 'yon." Sabi nito saka nilagay ang laruan sa kamay ng batang lalaki. "Alis na ako, hinahanap na nila-"

"It is yours. Get it."

"Sure ka, akin na ito? Baka magagalit ang mommy mo at hanapin ito sa 'yo."

The young boy smiled and shook his head. "No, it is my pleasure if you accept it, Mar-?"

"Mar-"

"Iya!"

"Okay. Akin na lang ito." Sagot nito na napapalingon sa mga tumatawag rito.

"Anyway, I am, A-"

"Iya!"

"Uhfff!" the girl rolled her eyes. "Ba-bye, kailangan ko na puntahan sila Mama ko. Thank you for this, Ba-bye..."

"Wait, I haven't told you my name," malakas na sabi nito sa papalayong batang babae.

Humarap ang batang babae habang tumatakbo sabay wagayway sa bigay nitong laruang eroplano. Ngumiti rin ito ng matamis sa kanya.

"Ba-bye... Thank you..." Sigaw pa rin nito, hanggang sa tuloyan na itong mawala sa kanyang paningin.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Kitty Ann Princess
wow thank you sis............
goodnovel comment avatar
Lorena Collado
xciting guys
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status