Share

Part 4

"ATTACK!" saad naman ni Aki at sabay na silang kumain ni Carly. Mukhang nasarapan naman sila dahil nanahimik sila sa pagkain nila.

"Cars, grabe. Ang sarap nito. Magluluto nga ako ng ganito paguwi ko ng Maynila." komento pa ni Aki na wala ng arte sa pagkain dahil parehas sila ngayon nakakamay.

"Ako nga rin. Mukhang kailangan ko na talagang matuto magluto na."

"Oo nga, ikakasal ka na eh."

Natigilan naman sila parehas.

"Oops. Pero for the near future di ba? Saka you wanted to live alone din di ba? Alangang puro ka bili ng food. You must learn how to cook too."

Napaisip naman din doon si Carly. "Oo nga noh?"

Nagpatuloy na sila sa pagkain at nang matapos ay bumalik na rin sila ng resort.

"Hay grabe! Sobrang busog ako! Hindi ko yata mag-swimsuit ngayon!" biro pa ni Aki.

"Okay lang yan, mawawala rin yan."

"Palibhasa kasi kahit anong kain mo, ang payat mo eh!"

"Sexy ka pa rin naman, Aks."

Habang nagpapahinga sila sa may pool side, parehas silang nag-browse sa mga phone nila ng biglang may tumahuwag kay Aki.

"Yes, mom. We're fine here." tinapat pa ni Aki ang phone kay Carly.

"We're all good here, tita!" sigaw naman ni Carly.

"See? We're having so fun! Must try it too."

Habang busy naman makipagchikahan si Aki sa phone, bumalik si Carly sa pag-browse sa phone niya. Kinuha din niya sa tabi niya ang dslr na camera at chineck ang mga kuha niya rito.

Napapangiti na lang siya ng makita ang mga kuha niya kay Aki kanina habang nanghuhuli ng lobster at pagkuha ng mga halaman. May mga kuha rin sa kanya si Aki pero mas epic yung sa kaibigan niya.

Balak niya sanang iupload na ito sa I*******m niya ng may mapansin siyang message ulit. Galing kay Calvin.

How you doing?

Tila may kabog naman na naramdaman si Carly ng mabasa ito.

"Si Calvin?" tila pagtataka pa nito.

Dapat ko ba siyang replayan? Pero -- ano kayang motibo nito sa pag-contact sa akin?

I'm doing good. How about you?

Tila nasabik naman si Calvin ng makatanggap ng reply si Carly sa kanya.

Nasa beach front sila ngayon at nagpapahinga. Nakahiga sila sa resting bed habang nagpapaaraw. Ngunit naiwan siya sa pwesto nila dahil si Dion ay may kausap na babae sa hindi kalayuan, at si Oscar naman ay may kasamang magtampisaw sa dagat.

Napailing na lang siya sa mga ginagawa ng kaibigan niya kung kaya't naisipan na lamang niyang kamustahin si Carly.

Napaangat siya ng shades niya bago pa man simulang mag-type ulit.

Doing good. Just chilling here.

That's awesome. So am I.

Tila nagtaka naman siya sa sagot ni Carly kung kaya't hindi niya rin napigilan ang sarili na magtanong pa rito.

Where are you?

Why are you asking?

Napahilamos naman ito ng mukha bago maisipan mag-reply. Baka sungitan na naman kasi siya nito.

Nothing. Just asking.

At tama nga ang hinala niya na hindi na ito nag-reply pa. Napagulo na lang siya ng buhok niya at saka tinabi na ang phone niya. Sinubukan na lang niyang mag-relax na ulit.

Pero hindi na niya napansin ang pahuling reply ni Carly sa kanya.

"Hmm? Baka na-busy na yun." saad na lang ni Carly ng mag-reply siya at hindi na nakatanggap ng sagot mula kay Calvin.

"Welcome, welcome ladies..." pagpapapasok pa ni Dion sa mga babaeng dumating sa kanilang suite room.

"Alright! Let's get the party started!" sigaw pa ni Oscar at nagsimula ng magpatutog ang dj nila sa tabi ng pool.

Isang malaking villa suite ang deluxe suite. May sariling pool ito at tila isang malaking bahay ang kabuuan na may tatlong kwarto. Doon sila sa pool area nagpa-party.

"Bro? Nasaan si Calv?" sigaw ni Dion kay Oscar habang nakalubog sa jacuzzi pool area.

"Ha?!"

"Calvin!!!"

Nagkibit balikat naman ito sa kaibigan at bumalik sa pakikipaginuman sa mga girls.

Hinanap naman ni Dion si Calvin sa buong suite pero hindi niya ito makita.

"Pambihirang Calvin toh, nasaan na ba yun?" napapakamot pa ito ng ulo niya dahil kanina pa siya paikot-ikot.

Lumabas na siya sa villa nila at naglibot sa paligid ng resort. Medyo malalim na rin ang gabi kung kaya't wala ng ibang tao sa resort kung hindi ang nagiisang nasa reception area.

"Miss, miss? Ahm, nakita mo ba yung kasama namin? Yung mas matangkad sa akin, medyo mestizo."

"You are at room --"

"Kami yung nasa deluxe suite. Yung may bachelor's party."

"Ah, kay Mr. Des Puvillos. Sorry sir, hindi ko po nakita dumaan si sir Des Puvillos. I'll call the security on duty kung may napapansin pa po silang guest sa paligid."

"Yes please, miss. Thank you."

Habang kausap ng receptionist ang nasa telepono, napalibot naman ng tingin si Dion sa paligid at tila may pamilyar na pustura siyang nakita.

"Ay ayun.. Miss, miss. Thank you ah, nakita ko na siya." nanakbo naman si Dion sa may common pool area ng resort dahil nakita niya roon si Calvin at mukhang may kausap sa phone.

Nalapitan niya si Calvin at hindi kaagad maistorbo. Nakita siya nito pero tuloy pa rin sa pagkausap ito sa phone.

"Yes mom, we both agreed sa strawberry flavor."

"I'm working on it. I'll call you tomorrow before heading back home. See you."

"Wow grabe naman. Ikakasal ka na, bantay sarado ka pa rin ni tita Amara?"

"Naninigurado lamg yun na makakauwi pa rin daw ako bago ang kasal."

"Tara na pre, nagiintay na ang mga chicks mo oh!"

Natawa naman si Calvin ngunit napansin niyang may message pala sa kanya. Hindi na kasi niya hinawakan ang phone simula kanina kung hindi pa tumahuwag ang ina niya.

Here in Davao.

Yun ang sagot ni Carly at tila kinabigla niya yun.

"Siya nga kaya yung nakita ko?" bulong nito sa sarili.

"Uy pre tara na ano ba?"

At sabay na silang bumalik sa suite room nila.

"Calv, Calv!" pagtawag kaagad ni Oscar ng makita si Calvin. "Tara, dito ka!" hinatak naman niya si Calvin at pinaupo sa silya. "Dyan! Dyan ka lang ah, huwag kang aalis." sumenyas naman siya na parang may pinapalapit. "Ladies, ladies! I present to you, our groom to be! Pasok!" sigaw pa nito at isa-isa lumapit at rumampa ang mga babaeng naka-swimsuit sa harapan ni Calvin.

Napapailing na lang siya at hawak sa ulo niya habang nasa magkabila niya sina Dion at Oscar na tuwang-tuwa sa mga rumarampa at nagpapa-sexy sa harapan nila.

"Yown! Ayan, ayan!"

"Wit wiw! Ang sexy mo talaga baby! Mamaya ka sa akin!"

Ngunit si Calvin ay parang seryoso pa rin at wala lang choice kung hindi tingnan na rin ang mga babaeng nagpapapansin sa kanya.

Kahit pa nagkakasiyahan na ang lahat, tila parang lutang naman si Calvin dahil hindi pa siya nakakapag-reply kay Carly. Dinukot niya ang phone niya at balak sana itong replyan.

"Oops pare!"

"Give it back!"

"Sorry Calv, bachelor's party mo nga di ba? So, no phones allowed. Bawal kumontak kahit kanino kahit pa kay future misis mo! Kaya -- confiscated muna toh." pagmamatigas ni Dion.

"I'll just --"

"Na ah ah! Bukas mo na siya kausapin. Sa ngayon, mga girls muna natin dito ang intindihin mo." paghatak naman na sa kanya ni Oscar at wala na rin siyang nagawa.

Kumuha na lang ng drinks niya si Calvin at nahatak naman siya sa round table para maglaro sila ng spin the bottle.

"Oohh! Sayo natapat! Truth or dare?" saad naman ni Dion ng matapat sa katabi niyang babae ang nguso ng bote.

"Ahm, dare!"

Nagkantsawan naman ang lahat ng naroon maliban kay Calvin.

"Sige, I dare you to lap dance our groom!"

"Woo! Lap dance! Lap dance!"

Nanlaki naman mata ni Calvin na parang nagbabanta kay Dion.

Lumapit ang babae kay Calvin at nagpumilit na makaharap ito.

Pilit namang yumuyuko si Calvin na tila umiiwas sa babaeng sinusubukang mag-lap dance sa kanya.

Nagpatuloy ang party nila na tila sina Oscar at Dion lang ang nag-e enjoy. Umiinom na lamang si Calvin at kahit nilalapitan siya ng mga babae ay hindi niya ito pinapansin.

Nang tamaan na ng lasing ay umakyat na siya sa kwarto niya kahit pa nagpa-party ang mga ito sa baba. Ngunit wala pang ilang sandali ay may kumatok na sa pintuan niya kung kaya't pinagbuksan na lamang niya ito.

"Pass out na ko. Kayo na lang mag-party."

"Eh di mas masosolo na kita?"

Tila natauhan si Calvin ng makita ang babaeng kanina ay gustong mag-lap dance sa kanya.

"May I help you?" tanong niya rito ngunit bigla siyang sinunggaban nito ng yakap at napatulak siya sa loob ng kwarto niya.

"No please miss, wait!" pagpigil naman ni Calvin rito.

"What's wrong? I know you're getting married but let's just forget everything tonight. I'm all yours now." pagpupumilit pa ng babae na mahalikan siya, mabuti na lamang ay matangkad siya kaya hindi siya maabot mabuti nito.

"No miss, please stop!" sabay malakas na tulak ni Calvin rito at napahawak sa magkabilang braso nito. "Please leave my room!" pagtutulak na nito para makalabas yung babae na halatang inis na inis at dismayado sa pangtanggi sa kanya ni Calvin.

Sinara naman din kaagad ni Calvin ang pintuan ng kwarto niya at ni-lock kaagad. Hinarangan pa niya ito ng isa sa mga side table niya para kung sakaling may magtangkang pumasok pa sa kwarto niya.

Naalala na naman niya ang text ni Carly ngunit naalala niya ring na kay Dion nga pala ang phone niya. Hindi niya tuloy malaman kung papaano makakapag-reply sa dalaga.

Napabuntong hininga na lamang siya at nagtungo na ng banyo. Sa isip isip niya, bukas na nga lang niya ito kukunin habang tulog pa.                

Kinabukasan...

Day 3 of 'Escape getaway'

Kahit pa maingay noong gabi ay nakatulog pa rin si Calvin dahil na rin sa kalasingan. Hindi niya mawari amg oras kung kaya't lumabas na siya ng kwarto at bumaba.

Tumambad sa kanya ang napakagulong lugar nila. Naroon sa tila sala ang ibang babae at natutulog na katabi si Oscar. Pagdungaw naman niya sa labas ay hinanap ng paningin niya si Dion. Lumabas siya ngunit wala ito roon, tanging yung dj lang at ibang babaeng naroon na halos nasa sahig na natutulog.

Pumanik naman siya sa kwarto ni Dion at tama nga ang hinala niya. Nasa kama ito at may katabing ilang babae sa kama.

Hindi na niya nilapitan ang mga ito at hinanap na lang niya sa sahig ang shorts ni Dion.

Ilang sandali pa ay may naririnig siyang tumutunog. Alam niyang phone niya ito kaya hinanap niya itong mabuti.

Nagmumula ang tunog sa ilalim ng kama kung kaya't dumapa siya roon at dinungaw ito. Nakita niya roon ang pantalon ni Dion at mukhang naroon nga ang phone na tumutunog.

Nadukot niya ito at nakitang ang mama niya ang tumatawag.

"Hello mom?" pagsagot niya kaagad at nagmamadaling lumabas ng kwarto. "What's wrong mom?"

Sa kabilang banda...

"Magiingat ka palagi, Cars ah? Kapag nagkaproblema ka, kahit ano, kahit nasaan ka pa, pupuntahan kita." pagmamaktol pa ni Aki habang nakayakap kay Carly. Narito na sila sa airport dahil pabalik na ng Maynila si Aki, at didiretsong Surigao naman si Carly.

"Huwag ka ng magalala, Aks. A-update naman kita. Basta alam mo na ang gagawin ah? Nakatawag ka na nga kina mommy kanina na nawawala na ako. For sure, magpapadala na ng mga tao nila dito yun para mahanap ako."

"Oo, they're seems so worried on what I've said to them. Feeling ko makakalbo ako pagbaba ko ng eroplano sa NAIA. Hays."

Natawa naman si Carly at humiwalay na sa pagkakayakapan nila.

"Naka-off ang phone ko ngayon, but once I landed on Surigao, iti-text kita ha? Don't worry." panigurado naman nito sa kaibigan.

"Okay. Good luck talaga sa journey mo. Magiingat ka ha?"

At sa huling sandali ay nagyakapan ulit sila bago pa maghiwalay ng landas.

Totoong kaninang umaga ay nagpanggap na si Aki na nawawala na si Carly sa hotel room nila na walang pasabi sa kanya ngunit dala nito ang lahat ng bagahe niya. Totoong napagtanto ni Helena na baka tumakas na si Carly dahil sa ayaw nito magpakasal. Halos mahimatay ito ngunit nakuha ni Thomas ang phone at ito na ang nakausap ni Aki. Nagi-guilty man, pinanindigan nito ang pakiusap ng kaibigan sa kanya. Kaya ngayo'y pabalik na siya ng Maynila dahil ang alam na ng lahat ay nawawala na si Carly.

I'm so sorry mommy, daddy. But I cannot marry Calvin yet. He's quite a good man, pero hindi pa talaga ako handa. Soon, you'll understand me.

Sa isip isip na lamang ni Carly habang nakatanaw sa bintana ng eroplano. Naalala niya rin na ano kayang iisipin ni Calvin kapag nalamang nawawala na siya? Magaalala kaya ito sa kanya?

"Hindi yun magaalala sayo. Ni hindi ka na nga nireplyan kahapon. Does mean wala siyang paki kung nasaan ka man!" medyo inis nitong bulong sa sarili at napansin niyang parang narinig siya ng matandang babae na katabi niya kaya nanahimik siyang muli at dumungaw na ulit sa bintana.

Sa kabilang banda...

"Mom? Would you please calm down? Wala akong naiintindihan." mahinahong saad naman ni Calvin sa ina niya habang kausap sa phone. Lumabas pa siya sa may pool area para makasagap ng mas malakas na signal.

(Si -- si Carly!)

"What happened to Carly?" tila may pagaalala siyang nadama ng marinig ang pangalan ng dalaga.

(She's missing. I mean, her friend said she left their hotel room without even short noticed)

"Are you sure? Baka naman naglibot lang mag-isa somewhere?"

(No, Calvin! She's gone! She left us! Naglayas siya siya dahil ayaw niyang magpakasal!)

Mariing saad ng ina niya sa kanya at hindi niya mawari kung bakit may kirot siyang nadama sa nalaman. Totoo nga kayang naglayas ito para makatakas sa kasal nila? Hindi kaya totoo pala ang plano nito sa pagpapatigil ng kasal nila?

"I'll see what I can do. I'll try to contact her."

(Please Calvin, find her! Baka kung anong mangyari sa daddy mo kapag malaman niya ito kaya hindi na muna namin pinaalam ng parents ni Carly. Find her, Calvin)

Napaisip namang mabuti si Calvin kung nasaan ito. Nabasa niyang muli ang huling text sa kanya ni Carly at sinabi nitong nasa Davao siya.

Naalala niya ang resort na nakita niya sa Davao Del Sur. Alam din siguro ng pamilya nito na doon ito pumunta ngunit saan pa kaya ito maaaring magpunta pa.

"Yung list niya?"

Tila napagtanto ni Calvin ang list na nakita niya noon sa laptop ni Carly. Naalala niya ang mapa ng pilipinas kung kaya't nag-check siya ng mapa ng pilipinas sa internet at minasdan ito.

"Kung dito siya nanggaling, dito daw siya sunod na -- tama! Dito sa Surigao ang next destination niya."

Nagmamadali man ay nagbihis na muna si Calvin bago lumabas ng deluxe suite nila bago dumiretso ng reception area.

"Miss, housekeeping request sa deluxe suite and -- do you have a rent car here? I need to get into the airport."

"Ahm, I'll check sir if we have still available services by now. Just a moment."

Medyo busy ang resort at may mga dumarating pang turista lulan ng ilang service van at private cars.

Tumanaw-tanaw siya sa paligid habang iniintay ang nasa reception.

*kriiing kriiing

Tumunog ang phone niya at nasagot niya rin kaagad ito.

"Hello mom?"

(Did you contact her? Where is she?)

"Not yet mom. Patay ang phone niya. But I'm trying to find her at the airport, I'll try to ask the management in some airlines"

(Thank goodness, Calv. I know you can help to find her. Please, let me know.)

"Sure mom -- wait, I think I know how to find her. I'll call you later." tila nagmamadali nitong tugon sa ina at nanakbo sa entrance ng resort.

Nagtago siya sa may malalaking halaman hanggang sa makita niyang mabuti ang minamatyagan. Nang makompirma niya ito ay hinayaan na niya muna itong makapag-check in sa resort.

Para mang kriminal, pasimpleng sinundan ni Calvin ito hanggang sa makarating sa kwarto niya. Magisa nga lang ito at may dalang ilang gamit.

"Here's your key card mam. As soon as your luggage arrive, we will take it here at your room."

"Thank you."

At tuluyang nakapasok na ito sa kwarto niya. Hindi ito kalayuan sa kwarto nilang deluxe suite.

Hindi naman niya malaman ang gagawin. Kung kokomprontahin na ba niya ito o ipapaalam muna nito sa ina niya na nahanap na niya si Carly ay narito ngayon sa resort kung nasaan din siya.

Nakatayo lamang siya sa tapat ng kwarto nito at tila nagiisip.

Naisip niya rin na baka ito lang ang tanging paraan ni Carly para matupad ang nasa list niya? Pero paano ang kasal nila? Paano ang posisyon ng ama nito at ng posisyon niya sa kompanya?

Naguguluhan man, pero nagpasya na lamang siyang komprontahin muna ito.

Patungo na sana ito sa kwarto ng dalaga para mag-doorbell pero bago pa man ay bumukas na ito.

"Ca -- Calvin?"

"We need to talk."

Kaagad na napaatras si Carly papasok ng kwarto niya at pumasok rin si Calvin doon. Sinara niya ang pinto at hindi pa rin makapaniwala si Carly sa nakikita.

"Ah -- anong ginagawa mo rito?" halos nauutal nitong tanong.

"Ikaw? Anong ginagawa mo rito? I thought you were in Davao, right?"

"Oo, ahm.." hindi naman makatingin ng diretso si Carly sa binata na mukhang seryosong sinisiyasat siya. Hindi niya rin sigurado kung alam na ba nitong naglayas siya. At paano kapag nagsumbong ito na natagpuan na siya nito?

"Tell me, is it true? You've ran away to avoid getting married?" seryosong tanong ni Calvin sa kanya ngunit hindi siya makasagot kaagad. "If you're not gonna tell me, I'll call your mom and tell her --"

"No!" halos sigaw niya rito kaya natigilan naman si Calvin sa pagdukot ng phone niya at napatingin lang kay Carly na iniintay nito ang sagot niya. "Please, don’t tell them you found me here." mahinahong pakiusap naman nito.

"Why did you do that?"

"Kasi --" napatingin naman na si Carly sa kanya. "Kasi I'm not really ready yet. There are still some things I wanted to do before got married. "

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status