Home / Romance / Accidentally Became The CEO's Wife / Chapter 3 - She's not a slut

Share

Chapter 3 - She's not a slut

Author: BIBIBHEYANG
last update Huling Na-update: 2022-01-28 13:34:23

Simula ng sumakay ako dito sa jeep na lulan ko pauwi sa bahay ay hindi na maalis-alis ang tingin ng mga kapwa ko pasahero sa akin.

Ang mga kalalakihang nakasakay dito sa jeep ay nakangisi habang nakatingin sa akin, samantalang ang mga kababaehan naman ay parang diring diri na nakatingin sa akin. Titignan nila ako mula ulo hanggang paa. 

Ano bang meron? Bakit gano'n sila makatingin sa akin? Lalo lang sumasakit ang ulo ko sa pag-iisip kaya hindi ko na lang sila pinansin.

"Siya 'yon diba?" rinig kong sabi ng isang babae na nasa harapan ko.

Nag-bingi-bingihan na lang ako. Tinakpan ko na lang ng panyo ang aking mukha at pumikit na.

Napamulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko na nasa bag, kinuha ko naman ito at binasa. Si Blessy ang nag-text isa sa mga kasamahan ko sa trabaho.

"Tasia alam mo na ba 'yong balita?" laman ng text message niya.

Ubos na ang load ko kaya hindi ko siya mareplyan, ipapasok ko na sana sa bag ang cellphone ko dahil narito na ako sa babaan papunta sa amin nang tumunog ulit ito. Tumatawag si Blessy.

"Manong para po," sabi ko sa driver at inihinto naman niya ang jeep.

Pagkababa ko sinagot ko agad ang tawag ni Blessy.

"Hello, Blessy ano 'yong sinasabi mong balita?" sabi ko habang nag-lalakad papasok sa eskenita papunta sa bahay.

"Tasia, kasi, wag kang mabibigla ha," hindi mapakaling sabi niya.

Napakunot naman ako ng aking noo. "Ano ka ba Blessy, sabihin mo na lang kasi," maalumanay naman na sabi ko, pero ang totoo kinakabahan na ako sa kung anong sasabihin niya.

"May kumalakat kasi sa social media na picture mo kasama ang isa sa pinaka mayaman na CEO sa buong mundo. Akala ko ba magcecelebrate kayo ni Troy ng 2nd anniversary niyo kaya ka nag-leave. Pinasahan kita ng load tignan mo 'yong picture na sinend ko sayo," natatarantang sabi niya.

Agad ko naman tinignan ang sinasabi niya. Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko sa nakita ko.

Nakita ko ang sarili kong walang saplot maging ang lalaking kasama ko ay wala ring saplot pero blurd ang mukha ng lalaki at 'yong mukha ko lang ang hindi.

Matagal kong tinitigan ang larawan sa cellphone ko, bakit kailangan umabot sa ganito. Ako na nga ang nawalan ako pa napasama sa mga matang mapanghusga.

Naririnig kong nag-sasalita pa si Blessy pero pinatay ko na ang tawag. Pinunasan ko ang luhang nasa pisnge ko. Nag-pasya akong takpan ang aking mukha gamit ang panyo habang nag-lalakad ako patungo sa amin para maiwasan ko ang tingin ng mga taong mapanghusga.

Binilisan ko ang paglalakad para makarating agad sa bahay, pero malayo pa lang ako rinig ko na ang sigawan nina nanay at tatay. Sinasaktan na naman ni tatay si nanay.

Tumakbo ako agad para pigilan si tatay sa pananakit kay nanay. Nang mahawakan ko ang kamay ni tatay ay malakas niya akong itinulak kaya bumagsak ako sa lupa.

"Huwag kang makialam dito, dahil sampid ka lang sa pamamahay ko. Hindi kita anak," marahas niyang sigaw sa akin habang dinuduro niya ako.

Bumangon ako para habulin si nanay dahil marahas siyang hinihila ni tatay papasok sa loob ng bahay. Natatakot akong mas lalo siyang saktan ni tatay. Nahawakan ko ang kamay ni nanay pero sampal lang ang natanggap ko mula kay tatay kaya napabitaw ako kay nanay at napaluhod sa lupa habang umiiyak. 

Naipasok na niya sa loob si nanay, kinandado niya ang pinto at sumigaw siya mula sa bintana,

"Wala kayong pinagkaiba ng nanay mo! Wala akong anak na malandi at haliparot katulad mo! Lumayas ka at huwag na huwag ka ng babalik sa pamamahay ko!" sigaw niya.

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod habang umiiyak. Nakita ko si nanay sa loob umiiyak rin katulad ko pero naawa ako sa kaniya, lagi siyang sinasaktan ni tatay.

Lumapit ako sa bintanang kinaroroonan ni nanay, "Nay," iyak ko habang pilit siyang inaabot.

Pinalo ni tatay ang kamay kong nasa loob ng bintana, "Umalis ka na sabi! Kapag hindi ka pa umalis sasaktan ko na naman tong nanay mong kagaya mo," sabi niya at aambahan na naman niya si inay pero...

"Tay! Tama na po, aalis na po ako huwag niyo nang sasaktan si nanay," nag-mamakaawang iyak ko kay tatay.

Muli ay lumapit ako sa bintana gano'n rin si nanay, hinalikan niya ang kamay ko at sinenyasan akong umalis na.

"Babalikan kita nay, babalikan kita," iyak kong paalam kay inay pero umiling lang siya.

Gusto ko na siyang mailayo kay tatay pero si nanay mismo ang umaayaw. Ayaw niyang iwan si tatay kahit na gano'n na ang trato nito sa kaniya.

Wala akong magawa kundi ang umalis at bumalik sa maliit kong apartment dito sa siyudad malapit sa pinagtratrabahuan ko.

Ramdam kong nanghihina na ang katawan ko kaya nag-pasya akong magpahinga muna, wala na akong lakas hindi pa ako kumakain simula kahapon.

Humiga ako sa munti kong kama na sobrang nipis na, pinunasan ko ang luha na patuloy pa ring dumadaloy sa pisnge ko at pumikit, ayaw pa rin tumigil ng pag-agos ng luha ko.

"Gusto ko ng matapos 'tong masamang panaginip na 'to. Mas malala pa ito sa masamang panaginip kundi bangongot na. Sana paggising ko wala na 'yong sakit. Sana makalimutan ko na ang nangyari at sana bumalik na ang lahat sa dati," munting dalangin ko habang nakapikit.

From: Babe (Troy)

"Hey Anastasia, I hope you're doing well. I had a lot of fun getting to know you, but to be honest, I don't think we have much in common. It was a pleasure to meet you. I wanted to express how much I appreciate our conversations and how much I would like to see you again, but I believe we aren't compatible and that this relationship isn't working for me. As a result, I'd like to cease all further contact with you and wish you the best of luck in the future, I'm sorry it’s over,"

Akala ko paggising ko magiging maayos na ang lahat, pero nang mabasa ko ang text message ni Troy ay parang gusto ko na lang matulog habang buhay sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Accidentally Became The CEO's Wife   SPECIAL CHAPTER

    Masayang naglalaro sa parke si Adah, Atarah at Taniel habang pinagmamasdan sila sa ‘di kalayuan ng kanilang ina na si Anastasia nang biglang may batang tumakbo palapit sa kanila. Tumigil ang bata sa kanilang harap at hindi umiimik. Nagtitigan sila ni Taniel dahil magkamukang magkamuka sila. Ang dalawang batang babae naman ay nagpapalitan ng tingin kay Taniel at sa kararating lang na bata sa kanilang harapan. Napatayo naman si Anastasia sa kinakatayuan niya sa pagkabigla at agad na lumapit sa kanilang apat. Umupo siya upang magpantay sila ng batang nasa harap niya na kamukang kamuka ng anak niyang si Taniel, oo tinanggap niya ng buong puso ang anak ni Honey sa kabila ng ginawa nito sa kanila. Walang kasalanan ang bata, ‘yan ang laging sinasabi ni Anastasia sa kaniyang asawa. “Hi handsome,” maalumanay niyang bati sa kamukang bata ni Taniel. Ngumiti ang bata sa kaniya at mas lalong pumogi ang batang lalaki. “Hi po,” magalang niyang sagot kay Anastasia. “Where’s your mother, littl

  • Accidentally Became The CEO's Wife   A SHORT STORY OF YHASY AND YHAEL - THE END

    Fixed marriage? Uso pa ba 'yon? Hello? Mag twenty-twenty three na? I can't still believe that I am on this situation right now. Eto ako, nakaupo, nakaharap sa salamin. I am wearing my red dress now na mas nakaka paaninag sa aking kulay. Naghahanda papunta sa isang sikat na restaurant dito sa Quiapo Manila. Naghahanda para makapagkita kami ng aking hindi pa nakikilalang mapapangasawa. Oo, ikakasal na ako sa taong di ko pa nakikilala. Ni litrato niya man lang ay hindi ko pa nakikita. May kumatok sa pintuan ko ng tatlong beses bago bumakas ito. Bumungad si Mommy. “Are you ready baby?” masayang tanong niya sa akin. “Yes po mom” masayang sagot ko rin. Pero ang totoo, masaya nga ba ako? Sabagay wala naman akong kasintahan na masasaktan pag kinasal ako wala na akong balita sa kaniya. “We will wait you outside baby.” paalam niya bago lumabas ng kwarto ko. --Sa loob ng Restaurant- "Hi, ija come here!" bati ng isang napakagandang ginang sa akin, Katabi niya din ang asawa nito. Kaibig

  • Accidentally Became The CEO's Wife   A SHORT STORY OF YHASY AND YHAEL - CHAPTER 7

    Nagising ako dahil bigla akong nakaramdam na hindi ako makahinga ng maayos. Sinulyapan ko ang mga kasama ko dito sa loob ng hospital room ni Adah at mahimbing silang natutulog lahat. Nakahiga sa sofa isang si Atarah samantalang nakaupo namang tulog si Yhael.Naalala kong last na ‘yong gamot ko kaninang tinake ko kaya nagmamadali akong lumabas at hinanap ang family doctor namin.Nakahawak ako sa pader habang naglalakad patungo sa office niya. Pero hindi ko na talaga makayanan kaya natumba na ako at bago ako pumikit ay may nakita akong isang pamikyar na muka. “John,” ani ko bago nawalan ng malay. Nagmulat ng mga mata si Yhasy at napagtanto niya na nangyari na ang hindi niya inaasahang pangyayari. Sa kanyang panaginip, nakita niya ang mukha ng kanyang kaibigang si John na siyang yumao dahil sa malubhang sakit. Nalungkot siya nang mapagtanto niya na hindi na nila mabubuo ang kanilang mga pangarap para sa kanilang mga kinabukasan.Ngunit nang pagsapit ng umaga, natuklasan ni Yhasy na

  • Accidentally Became The CEO's Wife   A SHORT STORY OF YHASY AND YHAEL - CHAPTER 7

    Mabilis naman akong nakarating sa pinaka malapit na Mall. Pumasok na ako agad. Naglakad lakad muna ako sa loob ng Mall. Nang biglang may tumawag. Unknown number. Tinitigan ko muna bago ko sinagot. "Sino naman kaya ito? Kabago-bago ng number ko ah!" Nagitla naman ako ng magsalita ang tumawag sakin "Hello it's me Yhael. I get your number to Atarah. I don't know where you is so I get it to her" ani niya. Umirap na naman ako sa hangin. Atarah. Magbabayad ka talaga! "Then?" tanong ko. "I'm here. Where are you?" tanong niya. Nag-isip naman ako kung ano ang gusto kong kainin. At nagliwanag ang mga mata ko ng maisip kong… "Kita na lang tayo sa Jollibee!" ani ko. Kahit pilit kong itago ang saya ko ng banggitin ko ang Jollibee hindi ko mapigilan eh.Kaya binaba ko na ang tawag niya. After how many years makakakain na rin ulit ako. Ganado akong naglakad papunta sa Jollibee. Nauna akong makarating doon sa kanya pero ilang minuto lang ay dumating na rin siya. "Let's go! Ikaw na

  • Accidentally Became The CEO's Wife   A SHORT STORY OF YHASY AND YHAEL - CHAPTER 6

    "Y-you!" Malakas na sigaw niya sakin. Inirapan ko lang siya. "Anong you! ka jan! You know her? You know each other?" Nagtatakang tumingin sakin at ibinalik sa lalaking nasa harap ko. "No!" sabay na sagot namin. "Huh? Why you act like that!?" Tanong niya sa lalaking nasa harap namin. "Siya ang bestfriend niyo ni Adah?" At tinuro pa ako "Ummm" tango-tangong sagot ni Atarah. Tulala siya habang nakatingin sakin. "What the!" ani niya. "Atarah! I want to eat dessert! If youre done talking to that man. Let's go!" ani ko. Nauna na akong naglakad pero ng makatapat ako sa lalaking iyon.Bumulong ako sa kanya. "Very Nice meeting you again Yhael" malambing pero sarcastic tone. Nakita ko naman ang pagkagitla niya tulad kahapon. "Hahaha" Siya yong Nambadtrip kahapon habang hinahanap ko ang ballpen ko. Napatakip ako sa bibig ko. "My ballpen!" lumingon ako kay Atarah at patungo na siya sakin pero kasama niya 'yong Yhael. Hinintay ko silang makalapit.Tumingin ako sa watch ko and its al

  • Accidentally Became The CEO's Wife   A SHORT STORY OF YHASY AND YHAEL - CHAPTER 5

    Bumangon akong masigla. Dahil sapat na sapat ang tulog ko. Kahit 'di ko nahanap iyong ballpen ko. Sabi naman kasi sakin nila Adah at Atarah na tutulungan nila akong hanapin iyon. Iniiwasan ko rin namang wag masyadong mag-isip at magdibdib para 'di umatake itong pesteng sakit ko. Baka tuluyan akong mag Homeschooling. Pagkatapos ko maligo at magpalit bumaba na ako. Isinama ko na mga gamit ko sa pagbaba. Nakapalit na rin naman ako eh. Pagkababa ko. "Good morning!" ani ko. "Good morning, too! Ang aga natin ah?" Nakangiting bati sakin ni Atarah. 'Di ko na lang siya pinansin. At umupo sa isa sa mga upuan dito sa kusina. Sakto namang pababa na si Adah. "Good morning! Wow! Ang aga natin Yhasy ah?" bungad ni Adah. "Tsk!" Bakit ba ang big deal sa kanila na maaga akong nagising at bumangon? Nakakabadtrip lang! "Easy Yhasy." Nakaharang pa ang kamay niya sa mukha ko. Inirapan ko lang si Adah. Pumunta siya sa sala at may inayos Tsaka bumalik dito sa kusina at nagpaalam naman itong mali

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status