Masayang naglalaro sa parke si Adah, Atarah at Taniel habang pinagmamasdan sila sa ‘di kalayuan ng kanilang ina na si Anastasia nang biglang may batang tumakbo palapit sa kanila. Tumigil ang bata sa kanilang harap at hindi umiimik. Nagtitigan sila ni Taniel dahil magkamukang magkamuka sila. Ang dalawang batang babae naman ay nagpapalitan ng tingin kay Taniel at sa kararating lang na bata sa kanilang harapan. Napatayo naman si Anastasia sa kinakatayuan niya sa pagkabigla at agad na lumapit sa kanilang apat. Umupo siya upang magpantay sila ng batang nasa harap niya na kamukang kamuka ng anak niyang si Taniel, oo tinanggap niya ng buong puso ang anak ni Honey sa kabila ng ginawa nito sa kanila. Walang kasalanan ang bata, ‘yan ang laging sinasabi ni Anastasia sa kaniyang asawa. “Hi handsome,” maalumanay niyang bati sa kamukang bata ni Taniel. Ngumiti ang bata sa kaniya at mas lalong pumogi ang batang lalaki. “Hi po,” magalang niyang sagot kay Anastasia. “Where’s your mother, littl
Nakatulala ako sa kawalan, nag-iisip kung anong pweding iregalo sa boyfriend ko sa nalalapit naming dalawang taon na anibersaryo nang, “Ang lalim ng iniisip natin best,” biglang sumulpot ang matalik kong kaibigan sa harap ko, si Nica. Tinignan ko siya, nag-babaksakaling may sagot sa mukha niya pero napabuntong hininga ako ng wala akong nakuhang sagot. “Ano bang iniisip mo best at kanina ka pa nakatulala diyan?” tanong niya. “…baka makatulong ako,” dagdag pa niya at hinila ang upuan na bakante para doon maupo. “Second anniversary kasi namin ni Troy next week best at hindi ko alam ang pweding iregalo sa kaniya,” malungkot kong turan at humalumbaba sa table ko para magsimula mag-isip ulit. “Iyon lang ba? bakit hindi ka nagtanong sa akin alam mong expert ako sa mga ganiyan. Haynaku, kanina ka pa nag-iisip dyan,” taas noong sabi niya. Napatingin naman ako sa gawi niya habang nakahalumbaba at naghihintay ng susunod niyang sasabihin. “
Nang makabawi ako sa nangyari at makaramdam ng kahihiyan sa ginawa niya sa akin. Tinignan ko siya ng hindi makapaniwalang tingin, tumawa ako ng pilit at biglang sumeryuso ng mukha. Marahas kong ibinalik ang tsekeng inabot niya sa akin kanina. Malakas kong isinampal sa matipono niyang dibdib ang tsekeng nag-kakahalaga ng 5 million pesos. "I'm not like the other females you've slept with for one night and paid with your money! I'm not like them, and I don't give a damn what you've imagined in your filthy imagination!” madiin kong sabi at isa-isang pinulot ang mga damit ko na nag-kalat sa sahig. Pumasok ako sa banyo para doon magpalit ayuko namang magpalit sa harapan niya kahit na may nangyari sa amin kagabi at nakuha na niya ang pagkababae ko. Naiiyak ako sa isiping iyon. Nang makapagdamit ako ay agad akong lumabas, hindi ko na siya tinapunan ng tingin. Pero, paalis na sana ako nang bigla siyang magsalita. "So, you're saying you're not one of them, the woman I've always had in my
Simula ng sumakay ako dito sa jeep na lulan ko pauwi sa bahay ay hindi na maalis-alis ang tingin ng mga kapwa ko pasahero sa akin. Ang mga kalalakihang nakasakay dito sa jeep ay nakangisi habang nakatingin sa akin, samantalang ang mga kababaehan naman ay parang diring diri na nakatingin sa akin. Titignan nila ako mula ulo hanggang paa. Ano bang meron? Bakit gano'n sila makatingin sa akin? Lalo lang sumasakit ang ulo ko sa pag-iisip kaya hindi ko na lang sila pinansin. "Siya 'yon diba?" rinig kong sabi ng isang babae na nasa harapan ko. Nag-bingi-bingihan na lang ako. Tinakpan ko na lang ng panyo ang aking mukha at pumikit na. Napamulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko na nasa bag, kinuha ko naman ito at binasa. Si Blessy ang nag-text isa sa mga kasamahan ko sa trabaho. "Tasia alam mo na ba 'yong balita?" laman ng text message niya. Ubos na ang load ko kaya hindi ko siya mareplyan, ipapasok ko na sana sa bag ang cellphone ko dahil narito na ako sa babaan papunta sa amin n
Maaga akong nagising para maghanda sa pagpasok ko sa trabaho. Isang buwan na rin ang nakalipas simula ng maging sikat ako sa social media. Isang buwan na rin akong hindi lumalabas ng apartment ko. Ubos na ang pang-isang buwang stock ko. Wala na rin akong pera kaya kahit ayuko pang lumabas kailangan kong magtrabaho. Ayukong mamatay sa gutom. Wala naman akong ibang aasahan kundi ang sarili ko. Pagkatapos kong mag-ayos ay pumasok na ako sa aking trabaho. Tama na ang isang buwan na pagmumukmok. Akala ko sa isang buwan ko na hindi pagpasok sa trabaho’y makakalimutan nila ang nangyari pero hindi pala. Ang ibang kasamahan ko’y hindi nagbago ang pakikitungo sa akin ngunit ang iba naman ay parang bumaba ang tingin nila sa akin. Unang araw ko sa trabaho pero gabundok na ang trabahong ibinigay sa akin ng mga katrabaho ko. Binibigay nila sa akin lahat ng uri ng trabaho, akala kasi nila’y hindi ko kayang magreklamo sa kanila dahil wala daw akong karapatan magreklamo. Gabi na nang makauwi ako
CEO’S (DANNIE) POV *TOK! *TOK! *TOK! Nagising ako sa sunod-sunod na katok mula sa pintuan ko. Sinulyapan ko ang orasan ko, pumikit ako ulit nang makitang 6am pa lang. Hindi naman maaga ang meeting ko ngayon kaya gusto ko munang matulog ulit. *TOK! *TOK! *TOK! May kumatok ulit kaya nag-takip na ako ng unan sa tainga ko. *TOK! *TOK! *TOK! “URGH!” sabi ko bago tumayo at binuksan ang pintuan ko at bumalik ulit sa higaan ko. “Sleepyhead! Wake up, Dannie!” rinig kong ssabi niya. Hindi ko mabosesan kung sino siya dahil inaantok ako, nanatili pa rin akong nakapikit. “I SAID, WAKE UP DANNIE!” sigaw niya sa tainga ko. Napabangon ako bigla. Sumimangot ako ng makita kong nakangisi sa akin ang nanay ng nanay ko, si Grandma. “Why are you here at my house so early?” tanong ko bago humigop sa coffee ko. Nasa harap ko si Grandma nag-kakape rin, hindi umiimik. Tinuloy ko na lang ang pagbrebreakfast ko. Ano kayang ginagawa niya dito sa bahay ko ng ganito kaaga. “Dannie, I'd like to have a gr
ANASTASIA’S POV Unti-unti kong minulat ang mata ko ng makarinig ako ng boses. Nasaan ako? Linibot ko ang aking paningin at tanging puti lang ang nakikita ko. “You’re awake, how are you feeling?” nag-aalalang tanong niya at ipinasok niya sa bag ang kaniyang cellphone. Nagulat naman ako sa kaniya dahil bigla na lang siya sumulpot at nag-salita. Hindi ko siya kilala, hindi pamilyar ang mukha niya sa akin. Tinignan ko siya ng mabuti, ang gara ng kasuotan niya pati na rin ang amoy niya pang mayaman. Sino kaya ang babaeng nasa harap ko? “Hey, stop staring at me,” sabi niya. Natauhan naman ako kaya iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Ang tantya ko sa edad niya ay nasa 40 years old. “Sorry po,” hingi ko ng tawad at yumuko na. Napahawak ako sa ulo ko ng biglang sumakit ito. Nataranta naman ang babaeng kasama ko dito at nag-tawag ng nurse. Dumating naman ang nurse at cheneck ako. Matapos niya akong i-check ay ngumiti siya sa akin. Nakakapagtaka. “Misis ano pong nararamdaman niyo?” tanong
“Manong para po,” sabi ko sa driver nitong jeep na sinakyan ko. Tumigil naman ito at bumaba na ako. Tinanaw ko ang building na pinagtratrabahuan ko, medyo malayo ang pinagbabaan sa akin ngayon ni manong. Hindi kasi pwede magbaba sa tapat ng building namin baka daw magkaroon ng traffic. Ang daming alam, kahit saan ka naman pumunta ngayon ay traffic na. Nag-simula na akong maglakad dahil baka malate na naman ako, buti na lang at umayos ang pakiramdam ko habang nag-bibihis ako kanina. Habang nag-lalakad naman ako ay may nahagip ang mata ko kaya napatigil ako at unti-unting tumingin sa loob ng isang restaurant. Nag-init bigla ang aking ulo sa nakita. Kitang-kita ko ang saya at galak sa kanilang mga mukha, samantalang ako ilang buwan nang nag-dudusa. Marahas kong itinulak ang pintuan at pumasok sa loob. May mga napatingin sa akin pero hindi ko sila pinansin. Nag-diretso lang ako sa pwesto nilang dalawa habang ang sarap ng higop nila sa kanilang mga kape. Nasa harap na nila ako pero hi