Home / Romance / Accidentally Became The CEO's Wife / Chapter 4 - The CEO is coming

Share

Chapter 4 - The CEO is coming

Author: BIBIBHEYANG
last update Last Updated: 2022-01-28 13:36:46

Maaga akong nagising para maghanda sa pagpasok ko sa trabaho. Isang buwan na rin ang nakalipas simula ng maging sikat ako sa social media.

Isang buwan na rin akong hindi lumalabas ng apartment ko. Ubos na ang pang-isang buwang stock ko. Wala na rin akong pera kaya kahit ayuko pang lumabas kailangan kong magtrabaho. Ayukong mamatay sa gutom.

Wala naman akong ibang aasahan kundi ang sarili ko.

Pagkatapos kong mag-ayos ay pumasok na ako sa aking trabaho. Tama na ang isang buwan na pagmumukmok.

Akala ko sa isang buwan ko na hindi pagpasok sa trabaho’y makakalimutan nila ang nangyari pero hindi pala. Ang ibang kasamahan ko’y hindi nagbago ang pakikitungo sa akin ngunit ang iba naman ay parang bumaba ang tingin nila sa akin.

Unang araw ko sa trabaho pero gabundok na ang trabahong ibinigay sa akin ng mga katrabaho ko. Binibigay nila sa akin lahat ng uri ng trabaho, akala kasi nila’y hindi ko kayang magreklamo sa kanila dahil wala daw akong karapatan magreklamo.

Gabi na nang makauwi ako galling sa trabaho. Tinapos ko lahat ang mga trabahong pinasa nila sa akin para wala na akong masyadong gagawin bukas.

Kinaumagahan, gano’n na naman ang nangyari. Gabundok na naman ang dapat kong taposin. Gustuhin ko mang magreklamo ay hindi na lang ako umiimik dahil isusumbat lang nila sa akin ang nangyari sa akin noong nakaraaang buwan.

Hindi ko nakita si Nica sa building na pinagtratrabahuan namin.

Nang sumapit ang break time ay lumapit ako kay Blessy, may itatanong ako sa kaniya.

“Pwedeng makiupo?” tanong ko kay Blessy habang hawak ang tray ko na ang tanging laman ay tubig at isang bisquit.

“Tasia, Oh sure,” masayang sabi niya bago kumagat sa ulam niyang fried chicken.

Ngumiti ako sa kaniya bago umupo sa harap niya.

“Diet ka?” tanong niya nang makita ang binili ko.

Napakamot ako sa ulo at nahihiya akong tumango. Ang totoo niyan ay nag-titipid ako. Inalok niya sa akin ang fried chicken na hindi pa niya nakakagatan pero tumangi ako.

Nag-kibit-balikat lang siya at bumalik ulit sa pagkain. Nag-simula na rin akong kumain.

Nang matapos kami sa pagkain ay nag-pasya akong magtanong kay Blessy tungkol kay Nica.

“Blessy pwedeng magtanong?” ani ko kay Nica habang nakaupo lang kami dito sa canteen nag-hihintay matapos ang lunch break.

“Ano ‘yon?” sabi niya ng hindi tumitinin sa akin dahil busy siya sa pagtitipa sa cellphone niya.

“Kanina ko pa kasi hinahanap si Nica pero hindi ko makita, nasaan siya?” tanong ko kay Blessy.

Biglang napatingin sa akin si Blessy. Nag-tataka ang expresyon ng mukha niya.

“Bakit mo hinahanap si Nica? Akala ko ba magkasama kayo,” nag-tatakang sabi niya sa akin. Tumigil na rin siya sa pagtipa sa cellphone niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. “Huh?” clueless kong ani at tumingin sa kaniya.

“Mag-iisang buwan ng nakaleave si Nica, Tasia. Ang ipinaalam niya kay Ma’am ay dadamayan niya ang matalik niyang kaibigan dahil sa may malaki itong problemang kinakaharap,” sabi ni Blessy habang nakatingin sa akin.

“Pinayagan siya ni Ma’am dahil hindi pa niya nagagamit ang 1 month leave niya at ang akala naman ni Ma’am ay ikaw ang dadamayan niya,” dugtong pa niya.

Napailing na lang ako. Sa isang buwan kong nag-kulong sa apartment ko, wala ni isa ang bumisita sa akin. Hinihintay ko siya, si Nica, na kumatok sa pintuan ko pero hindi niya ako dinalaw kahit minsan.

Iniisip ko na baka busy siya sa trabaho dahil wala ako at sa kaniya lahat ibibigay ang dapat na sa akin ipapagawa.  

Nica, where were you when I needed you?

Ako at si Troy lang naman ang matalik mong kaibigan. Sana mali ang nasa isip ko Nica.

Magsasalita pa sana ako pero tumunog na ang hudyat na tapos na ang oras ng lunch break namin. Nag-paalam na ako kay Blessy at nag-mamadaling bumalik sa table ko para taposin ang lahat ng ipinagawa nila sa akin.

Every day, I go through the same routine. Gabi na rin ako kung umuwi dahil tinatapos ko lahat ng mga gawain ko. Sinubsob ko na lang ang sarili ko sa pagtratrabaho para makalimot. Hindi ako nag-tatake ng day-off dahil kailangan ko ng pera.

Balak kong kunin si nanay kay tatay. Gusto kong maging maayos ang buhay niya. Gusto kong ilayo siya sa tatay kong walang ibang ginawa kundi ang uminom ng alak, manigarilyo, gumamit ng ipinagbabawal na gamut at saktan si nanay.

Late na ako sa trabaho, hindi kasi ako nagising ng maaga. Ewan ko ba parang ang bigat ng pakiramdam ko. Medyo nahihilo rin ako. Pero gayunpaman nag-pasya pa rin akong pumasok dahil saying ang sahod.

Napatigil ako sa pag-aayos ng mga gamit ko sa table ko nang marinig ko ang pinag-uusapan ng mga kasama ko sa ‘di kalayuan.

Sa araw na ito ay pinagtsitsismisan nila ang tungkol sa bagong CEO, na magdaraos ng isang pagpupulong na nangangailangan na lahat na dumalo.

‘Yon lang pala ang pinag-uusapan nila. Panigurado hindi na naman ako makakadalo sa pagpupulong na ‘yon dahil ipapasa na naman nila sa akin ang mga trabaho nila para makadalo sila sa pagpupulong ng bagong CEO.

“Tasia,” BLAG! Nagulat ako sa biglang sunod-sunod na pagsulpot ng mga papel at folder sa lamesa ko. Tulad ng dati gabundok na naman.

Magsisimula na sana ako sa pagtratrabaho nang magsalita ang huling nag-lapag ng folder sa lamesa ko.

“You finished those last week, take those to the meeting room. NOW!” utos sa akin ng isa sa kasamahan ko na mas mataas ang ranko niya sa trabaho.

Bumagsak ang balikat ko nang tumalikod siya sa akin.  Napabuntong-hininga ako “Okay lang ‘yan Anastasia, okay lang ‘yan,” sabi ko sa sarili ko.

Humikab pa ako bago tumayo.  Maingat kong kinuha ang tumpok ng mga folder at papel. Dala ko ang mga ito at papunta na ako sa meeting room ng may sumisigaw, "Mag-ayos kayo! Nandito na ang CEO!"

Nag-sipag-ayos ang mga tao sa paligid ko ngunit hindi ko masyadong pinansin dahil nahihilo ako at ramdam kong hihimatayin na anumang oras.  

Hindi na kaya ng katawan ko kaya bumagsak ako pero hind isa sahig kundi sa matitipunong bisig ng isang lalaki. Bago ako mawalan ng malay, may nakita akong pamilyar na mukha.

Gwapong mukha. Siya ba ang lalaking nakasama ko noong isang buwan?

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lydia Tolentino
so excited hope mabasa ko ending pls.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Accidentally Became The CEO's Wife   SPECIAL CHAPTER

    Masayang naglalaro sa parke si Adah, Atarah at Taniel habang pinagmamasdan sila sa ‘di kalayuan ng kanilang ina na si Anastasia nang biglang may batang tumakbo palapit sa kanila. Tumigil ang bata sa kanilang harap at hindi umiimik. Nagtitigan sila ni Taniel dahil magkamukang magkamuka sila. Ang dalawang batang babae naman ay nagpapalitan ng tingin kay Taniel at sa kararating lang na bata sa kanilang harapan. Napatayo naman si Anastasia sa kinakatayuan niya sa pagkabigla at agad na lumapit sa kanilang apat. Umupo siya upang magpantay sila ng batang nasa harap niya na kamukang kamuka ng anak niyang si Taniel, oo tinanggap niya ng buong puso ang anak ni Honey sa kabila ng ginawa nito sa kanila. Walang kasalanan ang bata, ‘yan ang laging sinasabi ni Anastasia sa kaniyang asawa. “Hi handsome,” maalumanay niyang bati sa kamukang bata ni Taniel. Ngumiti ang bata sa kaniya at mas lalong pumogi ang batang lalaki. “Hi po,” magalang niyang sagot kay Anastasia. “Where’s your mother, littl

  • Accidentally Became The CEO's Wife   A SHORT STORY OF YHASY AND YHAEL - THE END

    Fixed marriage? Uso pa ba 'yon? Hello? Mag twenty-twenty three na? I can't still believe that I am on this situation right now. Eto ako, nakaupo, nakaharap sa salamin. I am wearing my red dress now na mas nakaka paaninag sa aking kulay. Naghahanda papunta sa isang sikat na restaurant dito sa Quiapo Manila. Naghahanda para makapagkita kami ng aking hindi pa nakikilalang mapapangasawa. Oo, ikakasal na ako sa taong di ko pa nakikilala. Ni litrato niya man lang ay hindi ko pa nakikita. May kumatok sa pintuan ko ng tatlong beses bago bumakas ito. Bumungad si Mommy. “Are you ready baby?” masayang tanong niya sa akin. “Yes po mom” masayang sagot ko rin. Pero ang totoo, masaya nga ba ako? Sabagay wala naman akong kasintahan na masasaktan pag kinasal ako wala na akong balita sa kaniya. “We will wait you outside baby.” paalam niya bago lumabas ng kwarto ko. --Sa loob ng Restaurant- "Hi, ija come here!" bati ng isang napakagandang ginang sa akin, Katabi niya din ang asawa nito. Kaibig

  • Accidentally Became The CEO's Wife   A SHORT STORY OF YHASY AND YHAEL - CHAPTER 7

    Nagising ako dahil bigla akong nakaramdam na hindi ako makahinga ng maayos. Sinulyapan ko ang mga kasama ko dito sa loob ng hospital room ni Adah at mahimbing silang natutulog lahat. Nakahiga sa sofa isang si Atarah samantalang nakaupo namang tulog si Yhael.Naalala kong last na ‘yong gamot ko kaninang tinake ko kaya nagmamadali akong lumabas at hinanap ang family doctor namin.Nakahawak ako sa pader habang naglalakad patungo sa office niya. Pero hindi ko na talaga makayanan kaya natumba na ako at bago ako pumikit ay may nakita akong isang pamikyar na muka. “John,” ani ko bago nawalan ng malay. Nagmulat ng mga mata si Yhasy at napagtanto niya na nangyari na ang hindi niya inaasahang pangyayari. Sa kanyang panaginip, nakita niya ang mukha ng kanyang kaibigang si John na siyang yumao dahil sa malubhang sakit. Nalungkot siya nang mapagtanto niya na hindi na nila mabubuo ang kanilang mga pangarap para sa kanilang mga kinabukasan.Ngunit nang pagsapit ng umaga, natuklasan ni Yhasy na

  • Accidentally Became The CEO's Wife   A SHORT STORY OF YHASY AND YHAEL - CHAPTER 7

    Mabilis naman akong nakarating sa pinaka malapit na Mall. Pumasok na ako agad. Naglakad lakad muna ako sa loob ng Mall. Nang biglang may tumawag. Unknown number. Tinitigan ko muna bago ko sinagot. "Sino naman kaya ito? Kabago-bago ng number ko ah!" Nagitla naman ako ng magsalita ang tumawag sakin "Hello it's me Yhael. I get your number to Atarah. I don't know where you is so I get it to her" ani niya. Umirap na naman ako sa hangin. Atarah. Magbabayad ka talaga! "Then?" tanong ko. "I'm here. Where are you?" tanong niya. Nag-isip naman ako kung ano ang gusto kong kainin. At nagliwanag ang mga mata ko ng maisip kong… "Kita na lang tayo sa Jollibee!" ani ko. Kahit pilit kong itago ang saya ko ng banggitin ko ang Jollibee hindi ko mapigilan eh.Kaya binaba ko na ang tawag niya. After how many years makakakain na rin ulit ako. Ganado akong naglakad papunta sa Jollibee. Nauna akong makarating doon sa kanya pero ilang minuto lang ay dumating na rin siya. "Let's go! Ikaw na

  • Accidentally Became The CEO's Wife   A SHORT STORY OF YHASY AND YHAEL - CHAPTER 6

    "Y-you!" Malakas na sigaw niya sakin. Inirapan ko lang siya. "Anong you! ka jan! You know her? You know each other?" Nagtatakang tumingin sakin at ibinalik sa lalaking nasa harap ko. "No!" sabay na sagot namin. "Huh? Why you act like that!?" Tanong niya sa lalaking nasa harap namin. "Siya ang bestfriend niyo ni Adah?" At tinuro pa ako "Ummm" tango-tangong sagot ni Atarah. Tulala siya habang nakatingin sakin. "What the!" ani niya. "Atarah! I want to eat dessert! If youre done talking to that man. Let's go!" ani ko. Nauna na akong naglakad pero ng makatapat ako sa lalaking iyon.Bumulong ako sa kanya. "Very Nice meeting you again Yhael" malambing pero sarcastic tone. Nakita ko naman ang pagkagitla niya tulad kahapon. "Hahaha" Siya yong Nambadtrip kahapon habang hinahanap ko ang ballpen ko. Napatakip ako sa bibig ko. "My ballpen!" lumingon ako kay Atarah at patungo na siya sakin pero kasama niya 'yong Yhael. Hinintay ko silang makalapit.Tumingin ako sa watch ko and its al

  • Accidentally Became The CEO's Wife   A SHORT STORY OF YHASY AND YHAEL - CHAPTER 5

    Bumangon akong masigla. Dahil sapat na sapat ang tulog ko. Kahit 'di ko nahanap iyong ballpen ko. Sabi naman kasi sakin nila Adah at Atarah na tutulungan nila akong hanapin iyon. Iniiwasan ko rin namang wag masyadong mag-isip at magdibdib para 'di umatake itong pesteng sakit ko. Baka tuluyan akong mag Homeschooling. Pagkatapos ko maligo at magpalit bumaba na ako. Isinama ko na mga gamit ko sa pagbaba. Nakapalit na rin naman ako eh. Pagkababa ko. "Good morning!" ani ko. "Good morning, too! Ang aga natin ah?" Nakangiting bati sakin ni Atarah. 'Di ko na lang siya pinansin. At umupo sa isa sa mga upuan dito sa kusina. Sakto namang pababa na si Adah. "Good morning! Wow! Ang aga natin Yhasy ah?" bungad ni Adah. "Tsk!" Bakit ba ang big deal sa kanila na maaga akong nagising at bumangon? Nakakabadtrip lang! "Easy Yhasy." Nakaharang pa ang kamay niya sa mukha ko. Inirapan ko lang si Adah. Pumunta siya sa sala at may inayos Tsaka bumalik dito sa kusina at nagpaalam naman itong mali

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status