Share

Chapter 2 - She's not a prostitute

Nang makabawi ako sa nangyari at makaramdam ng kahihiyan sa ginawa niya sa akin. Tinignan ko siya ng hindi makapaniwalang tingin, tumawa ako ng pilit at biglang sumeryuso ng mukha.

Marahas kong ibinalik ang tsekeng inabot niya sa akin kanina. Malakas kong isinampal sa matipono niyang dibdib ang tsekeng nag-kakahalaga ng 5 million pesos.  

"I'm not like the other females you've slept with for one night and paid with your money! I'm not like them, and I don't give a damn what you've imagined in your filthy imagination!” madiin kong sabi at isa-isang pinulot ang mga damit ko na nag-kalat sa sahig.

Pumasok ako sa banyo para doon magpalit ayuko namang magpalit sa harapan niya kahit na may nangyari sa amin kagabi at nakuha na niya ang pagkababae ko. Naiiyak ako sa isiping iyon.

Nang makapagdamit ako ay agad akong lumabas, hindi ko na siya tinapunan ng tingin.  Pero, paalis na sana ako nang bigla siyang magsalita.

"So, you're saying you're not one of them, the woman I've always had in my bed? Who I met in a pub or on the street," he said rudely.

Salubong ang kilay kong tumingin sa kaniya, samantalang siya'y seryuso ang mukha. Mabilis akong nakalapit sa kaniya, nakahanda na ang aking kamay na sampalin siya pero natauhan ako sa gagawin ko kaya binaba ko rin ito at yumuko. Hindi ako gano'n pinalaki ng nanay ko.

"Are you sure you're not a prostitute?" muling tanong niya at mapanlukong ngumiti.

Nag-igting naman ang aking panga sa tanong niya.

" It doesn't matter to me what you think. I knew I wasn't a prostitute from the start," madiin kong sabi at lumabas na ng silid na iyon.

Hindi ko na hinintay pa ang susunod niyang sasabihin. Baka kung ano nang gawin ko sa kaniya kapag nag-tuloy tuloy ang mga hindi kanais-nais niyang mga sasabihin pa sa akin.

Napabuga ako ng hangin at nakahinga ng maluwag nang makalabas ako sa kwartong pinanggalingan ko. Napasandal ako sa pader nang makaramdam ako ng panghihina.

Tinignan ko ang aking paligid, nasaan ako? Anong lugar itong napuntahan ko kagabi? Hindi ito ang lugar na pinag-usapan namin ni Troy.

Dali-dali akong umalis sa lugar na iyon at nagtungo sa hotel na pinagcheck-inan namin ni Troy.

Pagkatapos ko maligo at mag-ayos pinuntahan ko ang kwartong kinaroroonan ni Troy pero mga staff na ang naabutan ko roon na nag-lilinis. Wala na rin ang mga gamit ni Troy.

Hey miss," agaw ko sa atensyon ng isa sa mga nag-lilinis.

Lumapit naman siya sa akin, "What can I do for you ma'am?" magalang na tanong niya.

"May I know where the man who checked into this room is?" tanong ko sa kaniya.

"He already checked out mam, at 6 in the morning," sagot naman niya.

Tumango lang ako at umalis na. Malungkot akong bumalik sa kwartong inookupahan ko. Pabagsak akong humiga sa kama, kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Troy pero laking gulat ko nang makitang meron siyang 68 missed call at 43 messages.

Napabangon ako mula sa pagkakahiga, binuksan ko ang pinaka resent na text message niya. "I've been waiting for you all night. Where did you go? I'm going home, what a nice gift you gave for our 2nd anniversary," laman ng text message niya.

Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya. Nag-simula ng tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Paano ko sasabihin sa kaniya ang nangyari kagabi. Napahilamos ako sa aking mukha.

Wala na, wala na ang pinaka ingat-ingatan ko, na dapat siya ang nakakuha. Pero bakit naman gano'n, sa ibang tao pa!

Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon, sobra akong nasasaktan. Pakiramdam ko ang dumi-dumi kong babae. Naiinis ako sa sarili ko! Dahil hindi ko man lang maalala kung anong nangyari sakin, samin kagabi.

Nag-dadalawang isip ako kung tatawagan ko ba siya o itetext dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya ang nangyari. Ayuko naman magsinungaling sa kaniya dahil mahal ko siya.

Biglang tumunog ang cellphone ko hudyat na may nag-message na naman. Tinignan ko kung sino, si Nica pala na bestfriend ko.

"How's your anniversary best?" Sabi sa text message niya na may emoji pang heart at happy face.

Rereplayan ko sana si Nica ng may sumunod pa siyang text, "Where are you na TJ?" napakunot noo ako nang mabasa ang huling message ni Nica.

TJ? si Troy 'yon ah, TJ short for Troy James kaya TJ ang tawag ni Nica kay Troy.

Na-wrong send si Nica.

May hindi ba ako alam Nica? May kinalaman ka ba sa nangyari sa akin kagabi? Senet-up mo ba ako? gusto kong tanungin 'yan sa kaniya. Pero wala na akong lakas para magtipa pa sa cellphone ko.

Pagod na ang isip kong mag-isip sa sobrang dami kong katanungan. Nag-pasya akong humiga sa kama at umiyak nang umiyak.

Gabi na nang magising ako, nakatulog pala ako kakaiyak kanina. Nagpasya na akong bumangon at nag-tungo sa banyo.

Mugto ang mata ko nang tignan ko ang aking sarili sa salamin, narinig kong tumunog ang cellphone kong nasa kama kaya lumabas ako ng banyo para tignan kung sino ang tumatawag, baka kasi Troy.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang tumatawag, Mommy ni Troy. Kinakabahan man ako ay sinagot ko na ang tawag niya, ito ang unang beses niyang tumawag sa akin.

"Hel..." hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang nag-salita mula sa kabilang linya.

"Anastasia, I called you to tell you to stay away from my son, Troy! you don't suit him. I can't believe you made my Troy fall in love with you. You’re a flirtatious woman," galit at diretsahang sabi ng Mommy ni Troy.

Pinatay na rin niya ang tawag matapos sabihin iyon.

Kinaumagahan, nagpasya na akong umuwi, magdamag pa rin akong umiyak dahil sa nangyari sa akin at sa mga masasakit na sinabi ng mommy ni Troy.

Nakakapanghinayang lang, ang akala kong masayang celebration ng 2nd anniversary namin ni Troy ay magbibigay pala ng bangungot sa buong buhay ko.

Paano ko pa haharapin si Troy, ang lalaking mahal ko. Wala na akong mukhang maihaharap sa kaniya dahil sa isang gabing pagkakamali.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Calista Dale
Bakit wala ka man lang maalala Anastasia??
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status