เข้าสู่ระบบSa lounge.Sinuntok ni Adonis ang pader, mahina pero may galit."Wala kang alam sa nararamdaman ko!""Alam ko. Kasi pareho tayo. Pareho tayong anak ni Victor na hindi kayang mahalin ng buo ng tatay natin dahil may kulang siya."Tinitigan ni Tyrone si Adonis. Sa labas, magkaaway sila. Pero sa loob-loob ni Tyrone, may ibang tumatakbo sa isip.Mas mabuti nga na hindi puso ang pairalin ni Adonis kundi isip. Ayaw niyang mawala si Amanda sa kanya.Kahit magkapatid sila sa dugo, alam ni Tyrone ang totoo. Alam niyang si Amanda, si Adonis pa rin ang tinitingnan kahit anong iwas. At kung magpapakatanga si Adonis at pipiliin ang puso kaysa sa plano, magugulo ang lahat. Mas safe kung magpakatigas si Adonis. Mas safe kung manatili itong galit. Kasi kapag galit si Adonis, hindi nito lalapitan si Amanda.Doon natahimik si Adonis. Pero sa isip niya, kumukulo na ang dugo."You're ungrateful!" Hindi ba nadarama at naisip man lang ng mokong na ito na mahal siya ng Daddy kaysa sa akin?! Ako ang legal, ak
Grand Ballroom ng The Entertainment Events Center - hindi sa mansion ng Montenegro, mas lalong hindi sa mansion ng Evangelista. Neutral ground. Iyon ang request ni Lola Rosa.Dahil ang 29th birthday ni Tyrone Montenegro ay hindi lang birthday. Ito ay charity gala.Sa entablado, malaking tarpaulin: TYRONE MONTENEGRO'S 29TH BIRTHDAY BLANCO'S WOMEN HOME FOUNDATION & AMANDA'S SHELTER FOR CANCER CHILDREN.Nasa baba ang mga investors, clients, sponsors - naka-tuxedo at gown. Lahat ng mayayaman sa Maynila nandoon.At nandoon din ang mga taong hindi dapat magkasama sa iisang kwarto.Sa unang table, ang Sebastian Corporation - ang parents ni Geneva, si Don Ricardo at Doña Lourdes Sebastian. Hindi sila nag-aalok ng tulong sa foundation. Nagpadala lang sila ng representative, si Atty. Cruz, pero obvious na makiusyoso lang. Gusto nilang makita ang anak nina Victor at Chloe na karibal ni Geneva Sebastian.Sa kabilang table, ang buong Evangelista - Victor, Geneva, at Adonis. Tahimik si Victor,
Nasa veranda si Geneva, nakaupo, hawak ang isang tasa ng kape na malamig na. Hindi siya natulog. Sa harap niya ang tablet kung saan paulit-ulit na nagpi-play ang clip na kumalat nang gabi ng ASEAN Bid. Nang gabi ring iyun hindi na umuwi si Adonis sa mansion. Pero kagabi, after a week, nakita ni Geneva na umuwi na si Adonis. Alam niyang nagkausap na sina Adonis at Victor. Alam din niyang nagkausap na rin ng anak ang kaniyang Lolo Ernesto. Pero sila na mag -ina, hindi pa. Hindi maiwasan ni Geneva ang mangamba, lalo na kapag maalala ang tagpo ng gabing iyon. Ang intriga, ang eskandalo, ang video at mga komento. “Oo! Anak ko si Tyrone! At oo, tinulungan ko siya!” boses ni Victor, malinaw na malinaw, kuha ng isang business vlogger.Sa baba ng video, ang comments:“LOVE CHILD REVEALED AT ASEAN BID!”“Evangelista Empire in crisis after patriarch admits Montenegro heir is his son!”“Kawawa naman si Adonis Evangelista!”Bawat basa, parang sinasaksak si Geneva.Bumukas ang glass door. S
Pagkatapos nang pag-uusap ng mag-amang Victor at Adonis sa garden ng Evangelista Mansion, o kaya ay pagkatapos ng sumbat ni Adonis sa kaniyang ama ay iniwan noya ito sa hardin na may sama ng loob. "Adonis, anak, hindi ko ginustong malaman mo sa ganung paraan," sabi ni Victor, nakaupo sa bench, hawak ang ulo."Tahasan mong simabi sa akin na anak mo si Tyrone kaya mo siya tinulungan hindi ba? huwag mo ng bawiin ang sinabi mo." giit ni Adonis. "I mean..." Victor stop and sigh. "I'm sorry." he added. "Alam niyang hindi siya maunawaan ni Adonis dahil hindi ito ama. At naintindihan rin ni Victor na nagseselos ang kaniyang panganay na anak. "Pero ang masakit ay ang eskandalo na dulot ng pagtulong mo sa Montenegro Corporation sa naganap na ASEAN Bid. Sa harap ng media. Sa harap ng buong ASEAN. Sa isang reporter na may nakabukas na mic. Do you know how humiliating that is? To find out you have a brother... on a live TikTok?" Sa isip ni Adonis, hindi na siya makawala sa mga eska
(Throwback)Alas onse ng gabi.Tahimik ang mansion ng mga Evangelista sa Makati. Pero ang katahimikan na iyon ay hindi kapayapaan, kundi katahimikan bago sumabog ang bulkan.Bukas ang pinto ng elevator. Pumasok si Victor Evangelista, bitbit ang coat niya, pagod ang mukha. Sa likod niya si Geneva, naka-red gown pa galing sa ASEAN Bid, pero ang ganda ng gown ay hindi naitago ang galit sa mukha niya.Sa buong byahe mula sa PICC hanggang Makati, walang nagsalita. Pero pagkasara ng pinto ng mansion, doon na nagsimula."So ito na pala tayo ngayon, Victor?" Unang putok ni Geneva. Malakas. Nanginginig ang boses.Hindi lumingon si Victor. Binaba niya ang coat sa sofa. "Geneva, pagod ako. Pwede ba bukas na natin pag-usapan?" Sa isipan niya, nagwala na si Geneva sa hallway doon sa PICC "Bukas? Pagod ka? Pagod ka matapos mong ibigay ang limang ASEAN bid projects sa Montenegro?! Lima, Victor! Lima! Pinaghirapan ng buong team ko yun ng anim na buwan! Pinagpuyatan ni Adonis yun!"Doon lumingon si V
"Magkapatid kayo Tyrone. Bagama't magkaiba ang inyong ina, iisa naman ang inyong ama." Hindi sumagot si Tyrone sa pahayag ni Lola Rosa. Ayaw niyang matigil ang pagsalaysay nito kaya tahimik lamang siyang nakinig. Walang larawan si Tyrone at ang mommy niyang si Chloe na magkasama na nakangiti. Lahat ng larawan ni Chloe, mag-isa lang siya o kasama si Victor, mga larawan nila yaong mag boyfriend -girlfriend pa sila hanggang sa siya ay buntis na. Walang larawan na karga niya si Tyrone na buhay siya, kasi isang araw lang siyang nabuhay pagkatapos manganak. "Capable kami na bigyan ka ng MAGANDANG kinabukasan, capable si Victor na bigyan ka ng magandang kapalaran, Tyrone. Dahil Montenegro ka, at Evangelista. Pero kahit na ayaw kang suportahan ng Lolo Ernesto mo ay okay lang. We don't need his help."Bahagyang tumigas ang tono ng pananalita ni Lola Rosa. "Pero alam kong malungkot si Victor kaya gusto ka niya na alagaan. Kasi lumaki kang walang ama at walang ina sa tabi mo. Si Victor,







