CHAPTER 18
Halos mapapikit ako dahil sa lakas ng tugtog pagtungtong pa lang namin sa bahay ni Belle.
Sa gate ay may mga bodyguard, kailangan pang magbigay ng invitation para makapasok.Inilibot ko ang mata ko sa kabuuan ng lugar, malaki ang bahay nila Belle, moderno at maganda ang disenyo, sa gilid ng bahay nila ay may pool na puno ng dekorasyon. May mga pamilyar na mukha akong nakikita na nagsiswimming.May mga taong naka-party dress at mayroon ding nakaswim suit.Napabaling ang tingin ko kay Ariana na namamangha at ngiting ngiti habang tinitignan din ang kabuuan ng bahay, tignan mo ng isang ito, akala mo ngayon lang nakakita ng ganyang bahay, kumpara naman sa bahay nila at ni Belle ay tiyak na mas maganda ang bahay nila Ariana. Hindi din sinabi ng isang ito na pool party pala ito. Pero hindi ko na inintindi iyon dahil may mga naka-party dress din naman.Napakagat ang labi ko nang makakuha agad kami ng atenCHAPTER 19Marahan kong iminulat ang mata ko nang maramdaman ko ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko, pero mabilis din akong napapikit at napahawak sa ulo ko nang makaramdam ako ng kirot.Nang mawala ang kirot ay dahan dahan ko ulit iminulat ang mata ko. Umupo ako sa kama. Tinignan ko ang kabuuan ng paligid. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko na nandito ako sa kwarto ko. Nandito ako sa mismong kama ko.”Anong nangyari? Bakit nandito ako?” takang tanong ko sa sarili, ipinikit ko ang mata ko para maalala kung anong nangyari kagabi.Ang naaalala ko lang ay uminom ako ng marami, pagkatapos non ay wala na akong maalala. Fucking shit.“Gising ka na pala. Masakit ba ang ulo mo?”“Oh My God!” mabilis kong naitakip ang kumot sa buong katawan ko at napa-sandal ako sa head board ng kama nang bigla kong marinig ang boses na 'yon.Nanlaki ang mata ko nang makita ko
CHAPTER 20Hanggang ngayon ay tulala pa rin ako dahil sa nangyari sa pagitan namin ni Damon.Nakakahiya ang bagay na 'yon.Pagkatapos ng aksidenteng halik na 'yon ay naging awkward na ang atmosphere sa pagitan namin ni Damon. Kung hindi pa ako maka-recover ay matagal pa na magdidikit ang labi namin.Nang matapos 'yon ay hindi na kami mapakaling dalawa. Hindi ako makatingin sa kaniya at sigurado akong hindi din siya makatingin sa'kin. Sigurado ako na sobrang pula ng mukha ko nang mga oras na 'yon.Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag nang magpaalam na siyang umuwi. Hindi ko na nga siya naihatid hanggang pintuan dahil sa kahihiyan.Mariin akong nakapikit at mahinang pinagmumura ang sarili. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon araw. Lunes ngayon, wala akong ginawa buong linggo kung hindi isipin kung anong pwedeng gawin ko para maka-iwas sa kaniya. Hiyang hiya ako sa nangyari. Baka isipin niya ay gin
CHAPTER 21“Baka matunaw naman ako niyan.”Pagkasabi niya non ay tsaka lang ako bumalik sa ulirat. Bumalik ang takbo ng oras at gumalaw ang mga bagay sa paligid, pero mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. I looked away, I blinked twice and fake a cough.Napasimangot ako nang marinig ko siyang tumawa.“May nakakatawa?” mataray na tanong ko at tumingin sa kaniya. Napairap ako nang umiling siya.Ngumiwi ako at kinuha ang isang pares ng earphone sa tenga niya. Inis siyang humarap sakin.“Ano ba?” maarteng tanong niya. Tss.“Ano din ba?” maarteng tanong ko pabalik.Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at kinuha doon ang kinuha kong pares ng earphone.“I'm listening,” aniya at isinalpak ulit iyon sa kaliwang tenga niya.“Sa'yo 'yan? Pinahiram kita?” mataray na tanong ko.“Bawal
CHAPTER 22“I think I'm inlove with you.”Those lines of Damon. Paulit-ulit na umalingawngaw iyon sa isip ko.Napapikit ako at impit na napatili dahil sa inis. Umikot ikot ako ng paulit ulit sa kama. Para akong tanga dahil kanina ko pa ginagawa ang bagay na 'yon. Nahihilo na ako at mas lalo lang akong hindi dinadalaw ng antok.Nakasimangot akong tumigil sa pag-ikot sa kama. Nakatingin lamang ako sa kisame. Maga-alas tres na ng madaling araw pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Damon.I remember his face. Napaka-seryoso. Gusto ko ngang isipin na nagbibiro lang siya nung sinabi niya iyon. Pero hindi naman niya sinabing nagbibiro siya. Ayoko siyang paniwalaan, pero may parte sakin na gustong maniwala sa sinabi niya.Nang sinabi niya 'yon ay hindi ako nakapagsalita agad. Hindi din naman siya nagsalita. Hindi ko nga alam kung anong mga sunod na nangyare dahil sa sobra
CHAPTER 23Ilang beses akong napalunok at napatitig sa nakangiti niyang mukha.Marahan kong nakagat ang labi ko. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Hindi siya nagsasalita at nakatitig lamang siya sakin.Iniwas ko ang paningin ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko din alam ang mararamdaman ko. Masyado akong naguguluhan“I...” napapikit ako at hindi magawang dugtungan ang sasabihin ko.Shit! What should I say?“What?” mahinang tanong niya, ang kamay ay nasa pisngi ko pa rin.Marahang hinihimas ng isa niyang daliri ang pisngi ko. Nahigit ko ang hininga ko at parang may milyon milyong bultahe ang dumaloy sa buong katawan ko dahil sa ginawa niya.Dumilat ako at mas lalong iniwas ang tingin. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko.“Why?” halos pabulong na tanong ko, sapat na para marinig niya.Binalik ko ang tingin
CHAPTER 24“Miss nandito na po tayo.”Bumalik ako sa ulirat nang sabihin 'yon ni kuyang driver. Tinignan ko sa bintana ang labas at nakita kong nasa tapat na pala kami ng academy.Mabilis akong tumango, ibinigay ko ang bayad at tsaka bumaba ng taxi.Nakakahiya naman. Halatang lutang na lutang ako. Hanggang ngayon kasi ay iniisip ko pa din ang mga sinabi ni Damon sa'kin.Napabuntong hininga ako. Naalala ko ang kahapong pangungulit niya at pagreject ko sa kaniya. Nakakaramdaman ako ng guilt. Nakaramdam ako ng awa. Gusto ko nga siyang kausapin pero nahihiya at natatakot ako sa hindi ko malamang dahilan. I don't know what to do anymore.Kaya ko nasabi ang bagay na 'yon kahapon dahil ayun sa tingin ko ang dapat na sabihin. Alam ko sa sarili ko na may nararamdaman pa ako sa dati kon boyfriend. I don't want him to be my rebound. Ayokong bigyan siya ng pag-asa ngayong alam ko naman na mayroon pa 'kong nararamdaman.M
CHAPTER 25Tahimik ako habang nasa taxi. Nakatingin lang ako sa labas.Hindi pa din nawala sa isip ko 'yung nangyari kanina. Nakita niya 'ko pero hindi niya ako pinansin o nilapitan man lang.I bet he's mad at me.Nagpangalumbaba ako, nakalaylay ang balikat ko. What should I do? Should I say sorry? Pero bakit naman ako magso-sorry? Did I do something wrong? He got rejected because I still like someone else. Sinabi ko lang ang totoo sa kaniya, totoo naman 'yon dahil ayun ang pakiramdam ko. I don't want him to be my rebound.Napa-irap ako. Bwiset na 'yon. Ang kapal ng mukhang magalit. Dapat nga ako ang magalit dahil ginagawa niyang biro ang pagkalagusto sa isang tao. Hindi dapat niya 'yon ginagawa dahil baka may umasa.Nang makarating ako sa apartment ay mabilis akong pumasok. Dire-diretso akong pumunta sa sofa at saka humilata. Malakas akong napabuntong hininga. Nakakapagod ang araw na 'to kahit wala naman akong ginawa.I
CHAPTER 26Tahimik lang akong naka-tingin kay ma'am na nagpapaliwanag sa harap.“Are you lost baby girl?”Nanlaki ang mata ko at nilingon si Terrence nang ibulong niya 'yon sa tenga ko.“What?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya, mahina akong tumawa at hinampas siya sa marahan sa braso.“Just kidding,” aniya at mahina ding tumawa.“Ikaw talaga,” sabi ko at sinundot ang tagiliran niya.“Ouch baby girl,” maarteng sabi niya kaya lalo akong natawa.“You are so maarte,” utas ko sabay irap sa kaniya, “and don't call me baby girl,” ngiting dagdag ko.Halos matawa na naman ako nang ngumuso siya, “Why?”“Because I said so,” ani ko.Napataad ang kilay ko nang bigla siyang ngumiti.“You don't want me to call you baby girl because it makes you blush,” nang-aasar na sabi niya