Hahawakan niya sana ang kamay ko ngunit mabilis ko itong inalis sa mukha niya. Halos hindi maipinta ang hitsura niya. Buti nga sa kaniya. Mabuti na lang at walang sasakyan na nakasunod dito at mabuti na lang din busy ang dalawa kong kasama, kung hindi wala akong mukhang maihaharap sa kanila dahil sa sobrang hiya.
Bahala nga siya sa buhay niya, kahit customer siya wala siyang karapatang mambastos. Tinalikuran ko siya dahil tinawag ako ng kasamahan ko upang magsukli. Tinawag niya rin ako ngunit inirapan ko lang ito. Nilapitan siya ng isa ko pang kasama. Binati muna nito bago itinanong kung anong ikakargang produkto sa sasakyan niya. Napansin kong sininyasan niya ang kasama ko na lumapit pa lalo sa kaniya. Hindi ko man narinig ang pinag-uusapan nila pero parang kinakabahan ako. Ilang saglit lang lumapit sa akin ang kasama ko."Ann, tawag ka ng customer ikaw raw ang gusto niyang magkarga sa sasakyan niya," anito."Sabihin mo busy ako, kamo may ginagawa," utos ko rito. Umalis din agad ito at bumalik do'n sa bastos na customer.Bumalik ulit ito sa akin habang kumakamot sa ulo nito."Ann, lapitan mo na kasi ikaw gusto niya magkarga, ayaw raw niyang umalis kapag hindi mo nilapitan." Tumalikod agad ito at pumunta sa kararating lang na sasakyan sa kabilang island. Nilapitan ko na lang din ito kahit naiinis ako rito dahil may isang sasakyang nasa likuran nito na naghihintay."Magandang hapon po sir, ano po ang maipaglilingkod ko po sa inyo?" pormal na tanong ko rito habang nakangiti ng pilit sa kaniya."Pakikargahan ng full tank at hindi ako pusher," anitong natatawa."Sir, wala naman akong sinabing pusher kayo eh, not unless user kayo?" Diniinan ko pa ang huling salita. "Premium po ba o unleaded?" tanong ko rito.Lalo pa itong ngumiti. "Kung magiging user man ako, gusto kitang gamitin," tila nang-aakit na wika nito. "Premium."Kainis. Nanggigigil na talaga ako sa buwesit na taong 'to. Kinilabutan ako sa sinabi niya. Bastos talaga! Bakit kasi nag-e-exist pa ang mga ganitong tao sa mundo? Bakit ba kasi lapitin ako ng mga bastos?Noong una muntik na akong magahasa ng dati kong employer, ngayon may isa na namang bastos. Kailan pa ba ako tatantanan ng mga ito? Hindi ko naman siguro kasalanan kung masiyado akong pinagpala na magkaroon ng malusog na hinaharap at likod?Iniangat ko na ang nozzle at sinadya kong umikot para maitutok ko sa kaniya ito nang bigla niya ring iniangat ang dalawang palad niya upang takpan ang kaniyang mukha. Natatawa ako sa reaction niya ngunit hindi ko pinahalata rito. Saka ko naman isinalpak ang nozzle sa tanke ng sasakyan niya."Nakakadami ka na ha, susunugin mo ba ako?" Nahimigan ko ang pagka-asar sa boses nito na lalong ikinatuwa ko."Sana..." mahinang sabi ko."May sinasabi ka ba?" Bumaba ito ng sasakyan niya at lumapit sa akin."Wala po," sagot ko rito nang hindi nakaharap at ngayon ko lang din napagtanto na ang bango-bango niya kahit umaalingasaw ang amoy ng gasolina pero mas nangingibabaw ang bango niya. Ano ba itong iniisip ko? Napatigil ako sa iniisip ko nang mag-automatic stop ang nozzle.Lumingon ako rito upang tanungin ito. "Sir, automatic po ba o sagad?" Lumapit ito sa akin malapit sa tainga ko at bumulong. "Isagad mo para masarap."Tumawa ito ng mahina bago tumalikod at pumasok sa loob ng sasakyan niya.Parang pinagpawisan ako ng malapot. Napalunok din ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko ang tagal mapuno ng tanke ng sasakyan nito, 'di kaya ay may butas? Para makalayas na ito nang hindi ako buwesitin. Ang bastos talaga. Argh.Lumipat na lang din ang sasakyang nasa likuran nito na naghihintay. Ilang saglit pa ay napuno rin ang tanke nito. Sa wakas, lalayas na ang demonyo."Bayad ko." Inabot nito ang pera sa akin. "Keep the change," anito sabay kindat sa akin at agad na isinarado niyo ang bintana ng sasakyan niya 'tsaka umalis.Nakahinga rin ako ng maluwag. Tiningnan ko ang pera na ibinayad niya ngunit sobra-sobra ito kahit pa man sinabi niyang keep the change pero ang laki pa rin ng sukli niya. Hindi maaari ito, kaya itinabi ko muna ang sukli niya na para sa susunod na pagpakarga niya maisauli ko ito sa kaniya. Mahirap kunin bilang tip nito sa akin baka sa pagbalik niya sisingilin niya ako at wala akong pambayad baka kung ano pa ang maisipan niyang ipambayad ko sa kaniya. Kaloka, kung anu-ano na naman ang iniisip ko.In fairness, guwapo rin ang kumag, 'yon nga lang bastos. Sana nga lang hindi na siya bumalik pa."Ann, tawag ka ni Sir Jake sa office niya. Now na raw!" sabi ng isa kong kasama sa akin."Bakit daw?" taka kong tanong dito.Nagkibit-balikat ito. "Hindi ko alam, puntahan mo na lang para malaman mo."Kumatok muna ako bago ako pumasok sa opisina ni Sir Jake."Sir, pinapatawag niyo raw po ako?" Seryoso ang mukha nitong nakaharap sa computer at agad din itong tumingin sa akin."Miss Perez, kapag oras ng trabaho, trabaho hindi kung anu-anong inaatupag mo." Malapit na magsalpukan ang mga kilay nito. Tumayo ito.Naningkit ang mga mata ko sa tinuran ni sir. Hindi ko maintindihan. May nagawa ba akong mali? Wait lang, iisipin ko muna baka may nakaligtaan akong ginawa kong mali sa report na hindi ko nasabi sa kaniya. Kaso wala eh, kasi dapat kung may mali ako sa report kanina pa niya sinabi sa akin. "May mali po ba sa report ko, sir?" mahinahon kong tanong.Napansin kong hindi ito nakatingin sa akin kung kaya sinundan din ng mga mata ko kung saan ito nakatingin. Napatakip ako sa aking bibig nang makita ko ang sarili ko sa monitor ng CCTV at ang bastos na customer kanina na halos magkadikit ang mukha namin dahil naka-pause ang video sa parting iyon.Inalis ko kaagad ang paningin ko sa monitor at tumingin kay sir at nagsimulang magpaliwanag."Sir, hindi po kasi ganoon 'yon eh, hinila niya po kasi ako kaya nagkaganiyan po. Maniwala po kayo sir at isa pa po hindi ko po siya kilala," paliwanag ko. "Naiwan pa nga po niya ang sukli niya."Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Hindi nga nakita ng mga kasamahan ko pero na capture naman ng CCTV camera. Pahamak talaga ang kumag na 'yon. Lalo akong nanggigigil sa inis. Napayuko na lang ako sa hiya kay Sir Jake. Baka isipin niya nilalandi ko ang customer. Naku, never... over my dead body! Hindi ko nga siya binigyan ng chance manligaw sa akin, makipaglandian pa ako lalo pa sa hindi ko kakilala?That's absurd."Next time, kapag feeling mo nababastos ka na magtawag ka ng kasama o 'di kaya ay umiwas ka. Hindi 'yong nilalapit mo ang sarili mo lalo," sabi nito habang nakatitig sa akin.Si sir talaga parang babae, palaging may dalaw kapag ako ang kaharap. Pero kapag mga kasamahan ko kaharap niya nakangiti naman siya. Mukhang tagilid yata ako sa kaniya simula nang binasted ko siya. "Okay po sir, hindi na po mauulit." "Okay, back to work!" anito."Sorry po talaga sir... labas na po ako." Tumalikod agad ako rito at agad ko ring isinara ang pinto.Hindi ma-absorbed ng utak ko ang pangyayari ngayon. Nabastos na, napagbintangan pa. Kung minamalas ka nga naman. Huminga ako ng malalim bago bumalik sa kaha.Lumapit kaagad ang dalawa kong kasama nang wala ng karghan. "Bakit ka ipinatawag ni sir, Ann?" tanong ng isa kong kasama."May itinanong lang." Mas lalong ayokong sabihin sa kanila ang nakita ni sir baka pagtawanan lang ako ng mga ito.Tumango lang ito at hindi na nangulit pa. Pagkatapos ng trabaho ko agad din akong umuwi. Pagdating ko ng boarding house, nakapagtataka sobrang liwanag ng buong kabahayan. Bakit kaya? Anong mayroon? Halos nakabukas lahat ng ilaw at may naririnig akong maingay sa may garden. Napatutop ako sa aking bibig. Hindi kaya ay may nangyaring hindi maganda kay Nanay Cita? Sana 'wag naman... Dali-dali akong pumasok sa bahagyang nakabukas na gate at tumakbo papasok sa loob ng bahay. Hindi ko napansin ang taong palabas ng pinto kung kaya't bumangga ako rito.Tumilapon sa damit niya ang laman ng baso na bitbit nito. "Sorry po, hindi ko po kayo napansin. Sorry po talaga." Hinging paumanhin ko rito ng bahagyang nakayuko ang ulo ko. Natakot akong tumingin dito baka galit sa akin. Sabagay may rason siyang magalit dahil kasalanan ko rin naman, 'yon nga lang natatakot akong tingnan ito.Kinuha ko sa bulsa ko ang panyo para pagpagan ang damit niya. Mabuti na lang at tubig lang ang natapon sa damit nito, kung hindi magmamantsa talaga. Naka white shirt pa naman siya. What a day? Mukhang minamalas talaga ang araw ko ngayon.Nanatili kami sa Bohol ng dalawang linggo. At sa dalawang linggo na 'yon ay marami ang nangyari at isa na doon ang pag-iisang dibdib namin ni Kenneth. At ngayon ay isang ganap na Misis Samson na ako. Naging malapit na rin si Kenneth sa aking pamilya. Isang representative ng pamilya lamang ni Kenneth ang dumalo sa kasal namin at kasama ni Winona ng araw na iyon. At pagkatapos na pagkatapos ng seremonya ng aming kasal ay agad na bumalik din ang mga ito ng Manila."Kenneth, ingatan mo ang aking anak. Utos ko 'yan sa'yo at hindi pakiusap," seryosong wika ni tatay habang kausap niya kami sa isang kubo sa labas ng aming bahay. "Opo, tay. Pangakong iingatan ko po ang anak niyo." Saglit na tumingin si Kenneth sa akin sabay ngiti."Maliwanag kung ganoon. Dahil kapag umuwi 'yan dito na umiiyak at ikaw at ang pamilya mo ang dahilan siguraduhin mong hinding-hindi mo siya makikita kahit kailan. Iyan ang tatandaan mo." Pagbabanta ni tatay sa kaniya."Pangako pong hindi po mangyayari 'yon. I will
Namayani ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Alam kong galit sila sa ginawa ko kaya hindi ko alam kung ano ang puwede kong gawin upang mawala iyon.Maya maya pa ay pumasok si tatay pero hindi ko nakikitaan ito ng galit bagkus kalmado ito."Tawagin mo ang mapapangasawa mo at anak niyo," utos nito sa akin.Napatingin ako kay Jena dahil may isa pa akong hindi sinasabi sa kanila na hindi si Kenneth ang ama ni Matthew."Ano na? Ipakilala mo ba sila sa amin ng maayos o hindi?" wika ng tatay na tila galit.Sa halip na tumayo at tawagin ang mag-ama ko ay nanatiling nakaupo pa rin ako. Tumikhim muna ako bago nagsalita dahil pakiramdam ko ay may bumara sa aking lalamunan. "Tay, Nay, si Kenneth po kasi ay hindi tunay na ama ni Matthew." Nakita ko ang pagkagulat sa mata ng aking mga magulang."Jusko, anak, ano ba iyang pinasok mo!" wika ni nanay sabay tayo sa kinauupuan.Nanatiling nakatingin lang ang tatay ko sa akin pero alam kong nagtitimpi lang ito ng galit dahil nanlilisik na ang mga
PAGKATAPOS ng pangyayari kagabi ay agad na nag propose ng kasal si Kenneth sa akin. At ang proposal na iyon ay ginanap sa garden ng villa.Kasabwat nito si Winona at si Matt-Matt sa proposal niyang iyon sa akin. Simple lang ang proposal niyang iyon pero sobrang na appreciate ko dahil pinaghandaan niya talaga. Isang simpleng 'WILL YOU MARRY ME?' lang na nakalagay sa mga bond paper na pinagtagpi-tagpi habang nakasabit ito sa maliliit na puno ng mga palm tree, at siya naman ay nakatayo sa likod ng mga ito. Hindi mapigilan ng mga mata ko ang mamasa ng makita ko ang mga nakasulat sa papel. "Hindi naman siguro ako nananaginip, 'di ba?" tanong ko sa aking sarili sabay pikit ng aking mga mata baka kasi nananaginip lang talaga ako.Nang hindi ko pa naimumulat ang aking mga mata ay hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala ang aking anak at kinakalabit nito ang aking kamay."Mommy, daddy is waiting. He's waiting for you for five hours until you wake up," anito na lalong nagpamulat ng aki
Araw, linggo, buwan, at taon na ang lumipas ngunit hindi ko pa rin nakakausap ang ina ni Kenneth kahit ilang beses na rin itong umuwi ng bansa. Sa tuwing tatawagan ko naman ito sa condo unit na pagmamay-ari ng kanilang pamilya ay palagi ako nitong binabagsakan ng telepono.Pinanghihinaan na rin ako ng loob na makausap ito dahil kahit na ano pa ang gagawin ko ay hinding-hindi pa rin ako nito matatanggap para kay Kenneth.At hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaayos ang mag-ina ng dahil sa akin. At kahit ilang beses na rin ipaliwanag ni Kenneth na wala akong kasalanan ayaw pa rin nitong tanggapin, na tila sarado na ang kaniyang pag-iisip at ayaw nang makinig sa kahit na anumang paliwanag.Nagpakawala na lamang ako ng malalim na hininga.Kasalukuyang nasa garden ako kasama si Winona at ang anak ko. "Ang bilis ng panahon parang kailan lang kalong-kalong ko lang si Baby Matt, ngayon ang laki niya na," wika ni Winona habang nakikipaglaro sa anak ko.Napatingin ako sa kanilang dalawa at
Lumipas pa ang mga araw, hindi na muling bumalik ang ina ni Kenneth sa villa. Hindi ko maiwasan ang ma-guilty nang dahil sa akin ay nag-aaway ang mag-ina. "Hon, parang ang lalim yata ng iniisip mo?" tanong ni Kenneth ng makalabas ito ng banyo."Iniisip ko lang kasi ang mama mo hindi na siya pumunta ulit dito.""Don't worry about her, okay lang siya." Tumabi ito sa akin sa kama."Kumusta naman kayo?" tanong ko sa kaniya habang nakaunan ako sa braso niya.Nagpakawala muna ito ng malalim na hininga. "Hindi pa kami nakapag-usap ulit.""Sorry, hon. Nang dahil sa akin hindi pa rin kayo okay. Ano kaya kung kausapin ko siya?" Tumingala ako sa kaniya."Really? Gagawin mo 'yon, hon?" hindi makapaniwalang wika niya.Tumango ako."Pero dapat kapag kinausap mo si mama, dapat kasama ako. I know my mom, hindi siya madaling kausap.""Paano ko naman siya makausap ng maayos kung nandoon ka?""Just pretend na wala ako." Tumawa ito."Sira!" "I love you, hon," anito at agad na ginawaran niya ako ng hal
Ilang araw na lang at binyag na ni Baby Matt. Handa na rin ang lahat. Habang natutulog ang aking anak ay nakatitig lamang ako sa kaniya at bahagyang nakangiti. Parang gusto ko lamang siyang titigan nang titigan. At habang titig na titig ako sa aking anak ay bigla ko namang naalala ang tunay na ama nito. "Kumusta na kaya siya?" tanong ko sa aking sarili. Hindi ko rin naman lubusang makakalimutan iyon, lalo na at may isang buhay ang nagpapaalala sa akin tungkol sa kaniya. Pilit kong winawaksi sa isipan ko ang tungkol sa ama ng aking anak dahil mas kailangan kong pagtuunan ng pansin ang ngayon. At iyon ay si Kenneth, na palaging pinaparamdam sa akin na mahalaga ako.Dumating na nga ang araw ng binyag ng aking anak. Pinili namin na sa restaurant na lang gaganapin ang handaan upang hindi na rin mapagod ang mga tao sa villa sa paghahanda. Hindi rin naman kailangan ang sobrang garbong handaan, ang mabinyagan si Baby Matt ay sapat na. Kaya lang pakiramdam ko parang may kulang... ang pami