Share

Chapter 10

ANNALISE

NAIMULAT ko ang aking mga mata nang makarinig ako ng mga ingay. Nangunot ang noo ko nang puro puti ang aking nakikita. Sinubukan kong gumalaw ngunit nauwi lang ‘yon sa ngiwi dahil sa sakit ng aking katawan.

“Gising na si Lady Anna!” Napapikit ako ulit nang biglang sumakit ang aking ulo. Nakarinig ako ng mga yabag palapit sa ‘kin.

“Lady Anna, okay ka na ba? May masakit ba sa ‘yo?” Minulat ko ulit ang aking mga mata at nakita si Ace na aligaga ang mukha habang nagtatanong sa ‘kin. Agad akong napangiwi nang batukan siya ni Primo.

“Tukmol! Daig mo pa si Lucifer na asawa!” singhal ni Primo. Humarap siya sa ‘kin at nginitian ako ng malaki. Ngumiti ako ng maliit sa kan‘ya at inilibot ang paningin sa loob ng silid. Nangunot ang noo ko nang hindi makita si Lucifer.

“Umalis muna si boss,” sabi ni Ace na para bang nababasa ang iniisip ko. Agad akong napasimangot, may kasalanan pa ang lalaking ‘yon sa ‘kin.

“Lady Anna, kain ka muna,” rinig kong sabi ni Primo at may inilahad na prutas
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status