Share

Accidentally Married To A Mafia Boss
Accidentally Married To A Mafia Boss
Author: Missezme

Prologue

“A-ano ‘to, Lucifer?”

Parang nanghihina ang aking katawan nang makita silang dalawa na naghahalikan. Matagal na akong may hinala sa mga kilos nila pero, ang sakit pala kapag nakita mo na sa mismong harapan mo sila naghahalikan.

“Why are you here?” malamig na habang nakatingin sa ‘kin ng walang emosyon. Tumulo ang aking mga luha nang dumapo ang tingin ko sa kan‘yang braso na nakapulupot sa baywang ni Heather.

Hindi ko siya pinansin at sinugod si Heather na nakangisi sa ‘kin. Nang mapansin niya ang gagawin ko ay agad siyang kumapit kay Lucifer na para bang natatakot. Tang!na! Ang galing umarte.

“Walang hiya ka malandi!” galit na sigaw ko at hinablot ang kan‘yang buhok. Sumigaw siya ng malakas pero mas lalo ko lang hinigpitan ang paghawak sa kan‘yang buhok.

“ANNALISE!” 

Napasinghap ako nang may biglang tumulak sa ‘kin. Agad kong hinawakan ang tiyan ko para maprotektahan. Napahagulhol ako, yakap niya si Heather habang galit na galit na nakatingin sa ‘kin. Ako dapat ang kailangan niyang protektahan. 

“If something bad happens to my child, you will really feel my wrath,” banta niya habang matalim ang mga tingin sa ‘kin. 

Umaayos akong ng tayo at nilabanan ang tingin niya habang lumuluha. Ayoko na, suko na ‘ko. Pagod na ako kakaintindi sa kan‘ya! 

“Tandaan mo ‘to, Lucifer. Sa oras na lalabas ako sa gusaling ‘to ay hindi mo na ako makikita. At kung magkita man tayo, sasabihan talaga kita ng karma is a bit*h! Bwesit ka!” 

Galit na tumalikod ako sa kanila habang pinupunasan ang aking mga luha. Simula ngayon, sarili ko na lang ang iisipin ko, para na rin sa kapakanan ni baby. 

Hihintayin ko ang araw na luluhod siya sa harapan ko habang ako ay natatawa siyang titingnan. At, sa panahong iyon ay wala na ang dating ako. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
psynoid_al
hmm, a different scene from what I read in the blurb... very intriguing:D
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status