ANNALISENAGTIPON-TIPON kami ngayon sa sala. Maaga raw kasi kaming bya-byahe para maaga raw kaming makarating. Feeling ko nga mas excited pa sila kaysa sa ‘kin. Tumikwas ang kilay ko nang makitang may dala-dalang isang basket ng pagkain si Ace. “Tukmol! Anong akala mo mag-fi-field trip tayo?!” naiinis na singhal ni Primo kay Ace. Napatigil naman sa pagkain si Ace at tiningnan ng masama si Primo. “In case of emergency lang ‘to!” Tumikwas ulit ang kilay ko dahil sa sagot ni Ace. Napailing na lang ako nang mag-umpisa na ang dalawa sa pag-aasaran. Biglang napadako ang tingin ko sa hagdan kung saan bumababa si Lucifer. Nagsalubong ang tingin namin. Nginisihan ko siya pero tinaliman niya lang ako ng tingin. Asar talaga. “Maghanda na kayo. Aalis na tayo,” halos magningning ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Lucifer. Agad kong kinuha ang aking mga bag at nauna nang lumabas. Nakita ko kasi sa labas ng mansyon na may nakaparadang isang kotse. Ramdan ko naman na sumunod sila lahat. “Sinong d
ANNALISE MATALIM NA MATALIM ang tingin ko ngayon kay Lucifer. Nakaupo kaming lahat ngayon sa luma naming sofa. Naghahanda ng meryenda si nanay samantalang si tatay naman ay masama ang mukha habang pinagmamasdan kami. “Sabihin mo nga, Annalise. Bakit asawa mo ang punggok na lalaking ‘to?” maanghang na tanong ni tatay. Nakagat ko ang aking labi nang marinig ko ang impit na pagtawa ng mga duwag. Kita ko pa na napangiwi si Lucifer. “Ahmm…a-ano, t-tinulongan niya po kasi ako, t-tay. Tapos, kailangan niya raw ng asawa, dahil may utang ako sa kan‘ya ay pumayag ako.” Lunok ako nang lunok habang nagsasalita. Tang!na, Annalise! Anong klaseng rason ‘yan?! Tumaas ang kilay ni Lucifer habang nakatingin sa ‘kin. Narinig ko naman ang mahinang tawanan ng tatlo kaya agad ko silang sinamaan ng tingin. ‘Wag nila akong mainis-inis ngayon. Akmang bubukas na ang bibig ni tatay para sermonan ako nang biglang dumating si nanay na nakangiti habang may dalang mga suman at juice. Bigla akong natakam sa naki
ANNALISEHINDI PA MAN sumisikat ang araw ay lahat kami ay gising na. Kitang-kita ko sa mga mukha nila na inaantok pa sila, naghihikab pa nga. Plano kasi namin ngayong umakyat ng bundok kaya maaga kaming gumising. Tiningnan ko sila ulit at napailing na lang dahil sa kanilang mga itsura. Sabog na sabog pa ang mga buhok nila.“Fvcker! Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa ‘yo!” rinig kong reklamo ni Primo kay Ace na ini-enjoy ang pandesal at puto maya na pinaresan ng kape. Nabilaukan si Ace sa narinig. Kami lang nandito sa labas habang nagkakape. Natutulog pa kasi ang mga kapatid at si tatay. Si nanay naman ay nag-asikaso ng almusal namin mamaya at baon na rin kapag aakyat na kami ng bundok. Pagkatapos naming mag-kape ay agad akong nag-aayos. Nakakahiya namang lumabas na ganito ang itsura ko. Nagsuot din ako ng jacket dahil malamig pa. Pagkalabas ko sa kwarto ay nakita ko na sila na handang-handa. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila. Sinong mag-aakala na hindi normal na ta
ANNALISE NAPATANGA ako sa kan‘yang sinabi. Hindi agad naproseso ng isip ko ang kan‘yang sinabi. Nabalik lang ako sa ‘king sarili nang marinig ko ang kanilang hiyawan. Wala sa sarili akong napatingin kay Lucifer na nasa harap ko pa rin. Seryoso ang kan‘yang mukha at nagtagalog din siya kaya alam kong hindi siya nagbibiro. “Agang landi naman niyan,” kantyaw ni Ace humalakhak. Napasimangot ako dahil sa pagkayamot. Tiningnan ko ulit si Lucifer na wala na atang balak na umalis sa ‘king harapan. “Tumabi ka nga! Maliligo na ako,” inis na sabi ko ngunit sa kaloob-looban ko ay tila lalabas na aking puso dahil sa sobrang lakas ng pagkabog. Umiinit na rin ang aking pisngi. Pagkatapos naming maligo ay agad na kaming umuwi. Medyo natagalan pa nga kami dahil sa napakaarteng si Lucifer. Magbibihis na sana ako pero bigla na naman siyang naging diablo. Kesyo raw nand‘yan mga kaibigan niya. Sa totoo lang, ang sarap niyang ibaon sa lupa. “Nay! Nandito na po sila ate!” Tumakbo ang kapatid ko patung
ANNALISE LUMAKAD papunta sa ‘kin si Lucifer kaya napaatras ako ng kaunti. Umupo siya sa harapan ko at hinawakan ang aking mukha. Napalunok ako dahil sa kan‘yang mukha.“Tell me, who hurt you, wife?” malamig na tanong ni Lucifer habang hinihimas ang aking pisngi. Wala sa sarili akong napatingin kina Maryosa na mukha ng bruha ngayon. Nang hindi ako sumagot ay walang pasabi niya akong binuhat na ikinasinghap ko. Agad akong kumapit sa kan‘ya ng mahigpit. Inilapag niya ako sa upuan na nasa harap ng bahay bago sila hinarap. Ngayon ko lang din napansin na nandito sina nanay. “Maryosa, bakit mo na naman ginugulo ang anak ko?” seryosong tanong ni tatay. Nakagat ko ang aking labi. Alam ni tatay ang mga nangyayari sa ‘kin dito. Naalala ko pa na garbe ang galit niya noong nalaman niyang pinagsamantalahan ako. “E-eh, siya naman ang nauna!” matapang na sabi ni Maryosa at tiningnan ang kan‘yang mga kaibigan na agad na tumango. Hindi siya pinansin ni tatay at hinarap ang mga kaibigan ni Lucifer n
“A-ano ‘to, Lucifer?”Parang nanghihina ang aking katawan nang makita silang dalawa na naghahalikan. Matagal na akong may hinala sa mga kilos nila pero, ang sakit pala kapag nakita mo na sa mismong harapan mo sila naghahalikan.“Why are you here?” malamig na habang nakatingin sa ‘kin ng walang emosyon. Tumulo ang aking mga luha nang dumapo ang tingin ko sa kan‘yang braso na nakapulupot sa baywang ni Heather.Hindi ko siya pinansin at sinugod si Heather na nakangisi sa ‘kin. Nang mapansin niya ang gagawin ko ay agad siyang kumapit kay Lucifer na para bang natatakot. Tang!na! Ang galing umarte.“Walang hiya ka malandi!” galit na sigaw ko at hinablot ang kan‘yang buhok. Sumigaw siya ng malakas pero mas lalo ko lang hinigpitan ang paghawak sa kan‘yang buhok.“ANNALISE!” Napasinghap ako nang may biglang tumulak sa ‘kin. Agad kong hinawakan ang tiyan ko para maprotektahan. Napahagulhol ako, yakap niya si Heather habang galit na galit na nakatingin sa ‘kin. Ako dapat ang kailangan niyang pr
ANNALISE Pagod akong napaupo habang pinupunasan ang aking sarili. Kakarating ko lang dito sa s‘yudad kahapon para maghanap ng trabaho. Mas malaki raw kasi ang kitaan dito kaysa sa probinsya kaya agad na akong lumuwas dito. Uminom ako ng tubig at tiningnan ang resume ko. Kaninang umaga pa ‘ko naghahanap ng trabaho, pero ni isa walang tumanggap sa ‘kin. First year college lang ang natapos ko dahil sa kahirapan, pero kahit gano‘n ay may alam naman ako. Bumuga muna ako ng marahas na hininga bago magpasya nang tumayo at mag-pa-tuloy na sa paghahanap ng trabaho. “Sorry, wala na kaming bakante.” Bumagsak ang balikat ko at nakasimangot na tumalikod. Gusto ko ng lumupasay dito sa sobrang inis na nararamdaman. Pero sabi nga nila, kapag may tiyaga, may nilaga. Hoo! Kaya ko ‘to. Para sa pamilya ko kakayanin ko ‘to! Akmang maglalakad na ako nang may biglang humawak sa balikat ko. Napaigtad naman ako dahil sa gulat at agad na nilingon ito. Nakita ko ang lalaking naka-shade at nakaitim. An
Kung ano mang mangyari sa ‘kin bukas, bahala na. Basta gagawin ko ito para sa pamilya ko. Pagkatapos ko lang naman sirain ang kasal ay tapos na ang trabaho ko at makukuha ko na ang kalahating pera na nakasaad sa kontrata. Bigla akong napaisip, ano kaya ang itsura ng groom? Gwapo ba kaya? Nagwala naman ang mga mahaharot na inner ko. Napailing ako, ano naman ang pakialam ko sa itsura ng lalaking ‘yon?! Baka nga ugod-ugod na ‘yon! Napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong tumunog. Kinuha ko ito at tiningnan. ‘****** church, 10 am. Don't be late.’ Napakamot ko ang aking kaliwang kilay atsaka ibinaba ang cellphone ko. Lagot, hindi ko pa naman kabisado ang lugar na ‘to kaya sigurado ako na maliligaw ako bukas. Napahilamos ako sa ‘king mukha at ibinagsak ang aking katawan sa kama. Pagod na pagod na ako, bahala na kung anong mangyayari bukas. Hindi na nakayanan ng mga mata ko at tuluyan ng naipikit ito. NAGISING ako ng maaga nang maalala kung ngayon ang kasal. Napabuga ako ng mar