Share

Accidentally Married to a Mafia Boss
Accidentally Married to a Mafia Boss
Author: Lady_MoonEclipseP

Intro

last update Huling Na-update: 2025-12-01 08:39:20

“Tangena kayo! Ano ba,bitawan niyo nga ako?! Saan niyo ba ako dadalhin?! Letche kayo.” inis na inis kong sigaw sa kanila pero tila walang narinig dahil patuloy parin sila sa paghila sakin palabas ng van. Oo palabas ng van at masaklap pa pinagtutulungan nila ako.

Anong akala nila sakin kingkong?

Bwesit na buhay ‘to. Nagsusuot lang naman ako kanina ng gown. Trinay ko lang na bagay ba sakin. Piste baka napagkamalan akong runaway bride. Oh my gas talaga.

“Ano ba mga goblin?! Ang sakit ng pagkahawak niyo huh!! Lintek na walang ganti kapag ako magkapasa sisipain ko mga itlog niyo! Makikita niyo mga panget kayo!” bulyaw ko sa kanila.

Napahinto ang mga panget at sabay lingon sakin. Tinaasan ko sila ng kilay at sinamaan ng tingin.

“Ano?!” maangas kong tanong.

“Can you fucking shut the fuck up?! Ang ingay-ingay mo.”

Napaawang ang labi ko dahil dun.Tangena mga bruha English speaking. May English speaking pala na kidnapper? Hanep! Paturo nga ako mamaya para matalbugan ko si Selene pero sa ngayon kailangan kong makatakas.

“Heh! Wag mo ko idaan-daan sa pag-eenglish mo tsong. Piste! Saan niyo ako dadalhin huh?! Kapag ako makawala,malilintekan ko kayong mga panget.”

“Akala mo naman gusto namin ‘to? For your information, Miss. Wala na kaming choice kaya ikaw ang kinidnap namin. Saktong-sakto kasi dahil you’re wearing a wedding gown. Tadhana na ang lumapit samin. Di na kami mahihirapan nito.”

Kumunot ang noo ko dahil dun.

Anong ibig sabihin ng panget na ‘to? Pero oo na. Oo na. Mga pogi sila pero piste wala akong pake! Lintek talaga. Sheyte na buhay!

“Che! Pake ko sayo?! Ipapakulong ko talaga kayo mga alien.”

“Sa pogi kong ito, alien? You hurt my feelings, miss.” sabat ng isa at umakto pang nasasaktan. Napairap nalang ako at napabusangot ng hinila ulit nila ako. Piste talaga!

“Talk to my hand, asshole.” masungit kong turan.

“Ouch! Dahan-dahan nga. Alam niyo bang mas mahal pa sa buhay niyo ang wedding gown nato? Kapag masira ito, hhmmpp. Kayo talaga ang isusumbong ko!” bulyaw ko.

“Fucking fuck! Ang ingay-ingay mo.”

"Kayang bayaran yan ni Bossing. Wag kang mag-alala, babes.”

“Anong babes?! Gusto mo sipa?!”

“Ahahaha! Paano ka makakasipa yan? Nakawedding gown ka?”

“Heh!”

“Sa wakas nandito narin tayo.”

Tumingin ako sa harap namin at halos mahimatay ang iyong mandirigma makita ang isang simbahan.

Aahhhhhhhhh! Di pwede. Oh my God! Oh my god! Mali itong nasa isip ko! Maaaliiiii!

Pangarap kong maikasal pero hindi ngayon. Piste! Ano?! Di ko manlang mararanasan ang propose-propose? Engagement party? Bridal shower? Di pwede! Paano na ang dream wedding ko? Langyang mga kidnapper toh panira ng pangarap! Mga hadlang sa buhay. Ayaw ko!

“A-Ah. D-Dyan tayo?”nauutal kong tanong habang nakatingin sa pinto ng simbahan.

Nakasarado ito pero I’m sure mga bruha nandon ang puncho pilatong groom ko.

Naku naman Lord sana naman pogi, ayos na! Aayy naku! Dapat makatakas ako dito. Ayokong makasal. Ano ito? Shotgun Married? Punyemas lang.

Feeling ko tuloy ang putlang-putla ko na. Sino bang hindi Sana di ko nalang sinuot ang wedding gown. Ahuhuhuhuhuhu.

“Yes, miss. Either you like it or not you have to walk in the aisle or else we will kill you?” Napakagat ako ng labi.

“Pwedeng or?” Sinamaan niya ako ng tingin pero nag paawa epic ako.

Malay niyo maawa siya sa cute na kstulad ko pero inirapan lang ako. Ano bang klaseng mga lalaki ‘to? May sungay eh. Hinila nila ulit ako pero pinigilan ko sila kaya ayon buong lakas nila akong hinila. Halos mapaupo na ako sa semento para lang hindi nila ako mahila pero lahing kingkong ata sila dahil nadala nila ako.

“Waaaahhhh! Hindi ako ang bride! Tangena kayo! May groom bang agad-agad magpakasal kahit di pa niya ako kilala? Dapat know each other first kami. Jusko kayo! Teka lang. Teka lang. Tym pyers. Hhhoooo.”

Pero hindi nila pinansin ang pagwawala ko. ako ng mariin. Shutness! Lintek!

“May boyfriend ako.” bigla kong sabi. Napatigil kami kaya lihim akong napangiti at dumilat pero nawala ang kasiyahan sa loob ko sa sinabi ng isa.

“Break up with him or our boss will kill him.”

“Ano ba?!” Napahinto ako sa pagwawala ng bumukas ang pinto. Napanganga akong makita ang loob at halos maiyak. Jusko!

Nakakaiyak mga bruha. Grabe talaga. Dream wedding ko talaga. Grabe.

Nagsimulang tumugtog ang piano at halos mapahagulgul ako ng marinig ito.

Lord why? Why? Bakit panglamay? I mean—ahuhuhuhu. Nakakaiyak Lord. As in. Wedding song ba talaga yun? Bakit tumaas balahibo ko? Pampatay eh! Pampatay!

“Move.” utos ng tao sa likuran ko.

Dahan-dahan akong humakbang at tila binagsakan ng lupa at langit. Dream wedding ko talaga. Inilibot ko ang tingin at naiiyak na naman ako.

Walang tao.

Jusko! Anong klaseng kasal toh? May mga tao nga nakaitim naman.Lamay ito eh.

Lamay!

Lutang akong dumating sa harap ng altar at tumitig kay father. Buti pa si father nakangiti pero itong naghintay sakin. Mabilis akong tumingin sa kanya at nanlaki ang mga matang makilala kong sinong puncho pilato ito.

Lupa, buka! Now na!

Umatras ako ng tinignan niya ako. Putrages! Tatalikod sana ako ng magsalita siya.

“Try to fucking escape or else you’re dead.” masungit at malamig niyang sabi.

Napaikot ang mata ko pero mga bruha kinabahan ako. Bakit siya pa?! Anong kailangan niya sakin?! Dahan-dahan akong humarap sa kanya at kemeng ngumiti.

“Ahehehe. N-Naku! Hindi ako ang bride m Sige! Aalis na ako. Bye.” paalam ko at tumalikod pero laking gulat kong hinarangan ako ng mga alagad niya. Wala talaga akong takas.

Humarap ulit ako sa kanya at kita ko ang walang emosiyon niyang mukha. Dahan-dahan siyang lumapit sakin na kinaiwas ko ng tingin at humigpit ang hawak ko sa wedding gown. Lord bigyan niyo po ako ng power yung teleportation. Gustong-gusto ko ng umalis dito. Ayokong matali sa demonyo.

Nagbalik ako sa realidad ng magsalita siya.

“Be my bride or I’ll be your groom?”malamig niyang tanong.

“Or? Hehehehe.”sagot ko pero mali ata ang pinili kong sagot dahil tinutok niya sa noo ko ang baril niya. Napalunok ako.

“Again. Be my bride or I’ll be your groom?” Kinalabit niya ito na kinapit ko ng mariin at natatarantang sumagot.

“I do. I do. I do.”

Shit!

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Accidentally Married to a Mafia Boss   Chapter 24 WARNING: SLIGHT SPG

    WARNING: SLIGHT SPG! Tulala akong pumasok sa kwarto. Kahit na lutang ako ay nakuha ko pang magtaka ng makita ko ang ayos ng kwarto. Black and white ang theme. Isang tingin mo lang ay malalaman mong lalaki ang may-ari at ang manly ng dating. Nagkibit-balikat nalang ako at sinawalang bahala ang nangyari kanina. Pinatong ko ang slingbag sa isang mesa at dumiretso sa bathroom. Pagkatapos kong maghilamos ay pumunta ako sa walking closet at kumuha ng t-shirt. Nagpalit ako ng damit at as I always say kapag matulog ako ay nakapanty lang ako. Tumalon ako sa kama at dumapa. “Ang lambot naman. Ang bango ng kwarto ah!” Nagpagulong-gulong ako bago mapag-isipan matulog. Bukas ko nalang problemahin ang tungkol kay Athena, Hestia at kay tukmol. Ang mahalaga ngayon ay makatulog ako ng mahimbing. Di ko namalayan nakatulog pala ako. Nagising ako ng may naramdaman akong mabigat na bagay sa bandang likuran ko at sa mga hita ko. Nakadapa akong tumingin kung sinong hampas lupang damagan sakin. Napakura

  • Accidentally Married to a Mafia Boss   Chapter 23

    Dinala niya ako isang napakalawak na dining area. Halos malula ako sa nagkikintaban na chandelier. Grabe siya na talaga! Napatingin ako sa mahabang mesa. Isa lang ang masasabi ko. Gagawin niya ata akong baboy sa dami ba naman ng pagkain. Halos mag laway ako sa sobrang sarap ng mga ito sa mga mata ko. Damn! Di baleng mamatay ako ngayon at least nakakatikim ng masasarap na ibat-ibang putahi. Pinaghila ako ng tukmol na kinagulat ko. Aasarin ko sana siya pero mamaya na baka ipatapon ako sa labas di na tuloy ako makakain ng masasarap na pagkain. Dumiretso siya sa upuan niya kung saan sa gitna. Nasa gilid niya ako buti’t dito niya ako pinaupo dahil ayaw ko sa dulo no’! Nasa magkabilang gilid ang mga maids habang nakayuko. Bawal silang tumingin samin kundi isang bala lang sila sa amo nilang unggoy. Di ko nalang sila pinansin at kumain na lang. Magpapabusog ako ngayon sayang ang grasya mga bebe. Lamon lang ako ng lamon hanggang sa napatingin ako sa tabi ko. Napataas ang kilay ko nang mapa

  • Accidentally Married to a Mafia Boss   Chapter 22

    Dinala niya ako sa isang village. Ang alam ko lang malalaki ang mga bahay dito. Ay hindi! Mukhang mga mansion ata ang mga ito. Grabe! Ang gaganda! Nakatunganga ako habang pinagmasdan ang paligid hanggang sa huminto ang sasakyan namin. Bumaba ang tukmol at di man lang ako pinag buksan. Diretso lang ito sa loob mansion. Dahil sa sobrang inis ko ay kumuha muna ako ng litrato sa loob ng sasakyan. Bahala siya maghintay sa loob. Wait! Hihintayin ba ako nun? Hindi siguro. Pagkatapos nun ay may lumapit sa sasakyan at siya ang nagbukas para sakin. Buti pa ang bodyguard may care pa sakin yung amo niya? Hmmp! Nevermind nalang! Nakangiti akong bumaba sa sasakyan at dumiretso sa loob ng mansion. Pagpasok ko palang isang kumikintab na chandelier ang nag-welcome sakin. Kulang na lang mapanganga ako dahil sobrang elegante ng bahay ni tukmol. Siya na talaga! Ang ganda! Dahan-dahan akong naglalakad papasok ng mansion habang di pinansin ang mga maid ni tukmol nakatingin sakin. Tingin na isang

  • Accidentally Married to a Mafia Boss   Chapter 21

    Dahil sa nangyari kagabi with tukmol, kinabuksan ay nagpalit agad ako ng sim. Sana naman di niya malalaman number ko kahit super impossible. Ang tukmol na yun di niya malalaman? Ambot lang! Pero ready na ako. Bumili na ako ng mga sim for emergency like kagabi. Ayoko siyang makausap! Ayokong marinig boses niyang higanti! By the way high way! Bakit nga ba niya ako hinahanap? As I remembered tapos na role ko sa buhay niya. Like duh! Ano naman gagawin niya sakin pagkatapos ng kasal alangan naman mag honeymoon kami. Sa mukhang yun? Tsk! Bukod sa papatayin niya ako in the end, wala na akong maisip na dahilan para i-keep niya ako dahil alam ko naman na he see me as other women who fucked him.Hay naku! Good influence din pala ang mukong nayun. Napapaenglish ako nang di ko namalayan. Naol! Nevertheless mga bebe, may pasok ngayon. So let’s ready! Bababa na sana ako ng jeep nang may nahagip ang mga mata ko. Agad akong nataranta pero syempre let’s calm. Imbis na bababa ako ay hindi nalang. M

  • Accidentally Married to a Mafia Boss   Chapter 20

    Napatumba rin namin sila lahat at sakto din dumating si mahal na hari. Bakas sa kanyang mukha ang galit at inis. Nagkibit-balikat nalang ako at lumapit kay Hestia na ngayon ay nagtitipa sa phone niya. Sisilip sana ako ay bigla niya itong inilayo sakin. Damot! “Che!” Singhal niya. “Sino ba kase ka-text mo?” Tanong ko at hahawak sana sa kanya pero agad niya akong pinalakihan ng mata at dinuro. “Wag na wag kang lalapit sakin. Maligo ka! Amoy dugo ka, binibini!” Napairap ako. Arte talaga! “And for your information, sina Narnia ka text ko kaya wag kang malechoso.” Dugtong niya. Kukuntra sana ako nang tinaas niya kamay niya. “Hep! Kilala kita. Alam ko kung ano ang takbo ng utak mo.” “Weeh? Sige nga. Ano ang nasa isip ko ngayon?” Tanong ko at ngumiti. Tignan natin. Alam niya daw kaya pagbigyan natin. Ang yabang ng bruha. “Wag na. Alam kong tinawag mo na naman akong mayabang. So, no comment.” Walang gana niyang sagot. Napairap ako. Edi siya na! Lalapit sana ako kay Belial nang big

  • Accidentally Married to a Mafia Boss   Chapter 19

    At sa kasamaang palad walang reception! Tama po kayo! Walang reception! Walang kainan na nagaganap at ang pinaka exciting na part para sakin ay ang pag-pins ng mga pera habang sumasayaw ang bagong kasal. Ibang klase ang tukmol! Biruin niyo? Pagkatapos kong pirmahan ang marriage certificate, wala na! Tapos na ang kasal! Ang bongga ng kasal namin no’? Halatang pinaghandaan. Ang yaman-yaman niya talaga. Heto ako ngayon nakatunganga sa loob ng sasakyan. Wag niyo ng itanong kung na saan ang dakilang kong ASAWA dahil wala akong paki dun. Basta ang alam ko lang lumabas ang tukmol habang may kinakausap sa phone. Sana di na siya babalik dahil tatakas ako. Kanina ko pa ito pinaplano pero di ko alam kung kailan ako tatakas. Sa dami ba naman bodyguards na akala mo isang dragon ang tatakas sa hawla. Pisteng buhay! Kaliwat-kanan ba naman sila? My gosh! Nastress ako lalo papanget ako nito. No! Hindi pwede! Breath Azura. Hindi pwedeng maging chakadoll ka! Okay?! Sumilip ako sa bintana at napabunt

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status