Share

266. Eliot pov

Author: SEENMORE
last update Last Updated: 2025-12-27 00:00:02

(Eliot pov)

Pumikit ajo habang hawak ang kamay ng asawa ko. Hanggang ngayon ay nanginginig ako sa pag aalala at galit sa ginawa ni Dixie. Muntik na ako nitong maisahan. Kung hindi ako nakabalik agad ay baka tuluyan ng napahamak ang asawa ko sa kamay nito.

Sa kamay ng sarili nitong kapatid!

Nagtagis ang bagang ko sa galit. That bitch doesn't deserve a second chance! Pagbabayaran niya ang kasalanan niya. Tumingin ako kay Demi at hinaplos ang pisngi nito.

"Patawarin mo ako, Mhie. Pero hindi ko mapapatawad ang kapatid mo." kausap ko rito.

Alam kong sasama ang loob mo pero hindi ko magagawa ang gusto mo. Pagbabayarin ko ito. Galit na galit ako kaya naghahanda na ako sa pwedeng gawin ko dito.

Kilala ko ang mga kagaya ni Dixie, hindi sila titigil hanggang sa magtagumpay. Alam kong babalikan niya ang asawa ako at mga anak ko. Hindi ko na hihintayin na mangyari iyon. Tumayo ako ng pumasok ang Doctor na tumitingin sa kalagayan nito.

"How's my wife, Doc?" Tumingin ako sa asawa ko ng puno ng
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Accidentally Yours, Mr. CEO!   280.

    Napanganga ako ng makita ko ang likod niya. Noon hindi pa naman ganito kalaki ang katawan niya. Naalala ko noong nakilala ko ito almost 2 years ago. Hindi pa ito gano'n ka-matipuno ang katawan. But look at him now... mukha ng modelo ang pangangatawan. Malaki at matipuno, bagay sa kanyang katangkaran. Namula ako ng makita kung gaano kapintog ang pang upo nito. Mukhang matigas pero malaman. Bumaha ng laway ang loob ng bibig ko. Parang gusto kong lapitan si Din at halikan siya sa buong parte ng katawan niya.. Mula ulo hanggang paa... Nagmamadali akong lumabas at sumandal sa pinto. Sobrang lakas ng tibok ng dibdib ko. Hindi dahil sa takot na baka mahuli niya ako kundi dahil sa kakaibang init na nabuhay sa katawan ko. Si Din lang talaga ang nagkaroon ng malaking epekto sa akin ng ganito.. siya lang at wala ng iba. Hindi pa ako nakadama ng ganito sa iba. Ni hindi nga ako nag init ng ganito, sa kanya lang talaga. Pagkalabas niya ng bathroom ay binuksan niya ang pinto. Da

  • Accidentally Yours, Mr. CEO!   279.

    (Annaliza pov) Panay ang lingon ko habang naglalakad papunta sa sasakyan kung nasaan si Din. Nang masiguro ko na walang dararing ay nagmamadali akong pumasok. "Ano ang ginagawa mo dito?" Gulat na tanong nito ng makita ako. "Eh di tatabi sayo. Dito ako sasakay, nasiraan ako eh." Dahilan ko lang ito. Alam ko kasi na hindi niya ako papayagan kapag hindi ko sinabi yun. Umupo ako sa tabi niya. Wala na siyang magagawa dahil nakatabi na ako sa kanya. Nakikipag usap pa sila Lola kina mommy kaya mamaya pa sila darating. May oras pa ako para masolo si Din sa loob. "Kamusta na ang sugat mo. Masakit pa rin ba." "Ayos na." "Nagugutom ka ba?" Alam kong oo dahil hindi pa ito kumakain simula kagabi. Nakabantay ang mata ko sa kanya kaya alam ko ang ginagawa niya. "Busog ako." Tipid nitong sagot. Tiyan ko ang kumulo. Namula ako dahil ang lakas ng tunog niyon. Gutom na rin kasi ako. "Hindi pa ako kumakain simula kagabi. Tamang-tama nag ayang kumain sila Mommy. Tabi tayo mamaya ha."

  • Accidentally Yours, Mr. CEO!   278.

    Hindi ako makapaniwala na pati ang bunso namin na kapatid ay magagawa niyang saktan. Siya pala ang taong sumagasa sa kapatid namin... planado pala ni ate ang lahat. Akala ko ako lang ang kaya niya saktan, pati pala sila Lola ay kaya niyang saktan. Walang patid ang pagdaloy ng luha namin habang pinapanood ang kabaong ni ate na unti-unti ng binabaon sa kailaliman ng lupa. "Paalam, Ate Dixie. Hindi ka man naging mabuting kapatid noong lumaki na tayo, ikaw pa rin ang nag iisang ate namin at kapatid na maaasahan noong mga bata pa tayo. Sana kung nasaan ka man ngayon ay maging payapa pa kasama ang lalaking minamahal mo." Kahit sa huling sandali lang siya nagsisi, nagpapasalamat pa rin ako dahil naramdaman ko na kahit sa huli lang ay bumalik ang dating ate na minahal at nakikala ko. Sayang nga lang dahil hindi na nito makikilala ang mga anak ko. "A-Ate, pinapatawad na kita... mahal na mahal ka namin. P-Pero inaamin ko nasasaktan pa rin ako. K-kasi hindi ko talaga akalain na magagawa mo

  • Accidentally Yours, Mr. CEO!   277. Demi pov

    (Demi pov) "H-hindi.... D-Dixie!" Ang bilis ng pangyayari. Nagimbal na lang kami ng matumba si Ate Dixie habang hawak ang leeg. Marami ang dugo na dumadaloy mula sa sugat nito galing sa tama ng baril na naggaling sa lalaking dumating. Binaril nito si Lola pero nahila ito ni Anya kaya si Ate Dixie ang tinamaan ng magpaputok ito. Sa leeg ni Ate Dixie tumama ang bala niyon. Napaluhod si Ate Dixie habang hawak ang leeg. Nawalan ng kulay ang mukha ng lalaking nakabaril dito. Gimbal na gimbal ito at parang natuod ng makita ang babae nitong minamahal na duguan ng dahil sa kanya. Nakarinig kami ng isa pang putok. Nanlaki ang mata ni Ate Dixie. Tumulo ang luha niya ng makita niyang bumagsak si Theodore. Binaril ito ni Eliot sa dibdib. "T-Theodore..." naghihingalo na tawag ni ate dito. Lumuluhang tumakbo si Lola kay Ate na duguang bumagsak. Lumalabas na ang dugo sa bunganga ni Ate ng mga oras na 'yon. Hindi ako makagalaw. Nabigla din ako sa bilis ng nangyari. Sa isang iglap lang ay

  • Accidentally Yours, Mr. CEO!   276.

    (Demi pov) Pawis na pawis ako ng magising ako. Naghahabol ako ng hininga habang sapo ang dibdib ko. "Mhie, may masakit ba?" Nag aalalang tanong ni Eliot. Pipindutin sana nito ang emergency button doon ng pigilan ko ito. "Ayos lang ako. Dhie. Nanaginip lang ako ng masama." Pawis na sagot ko. Niyakap niya ako. Nanginginig pa ako sa takot ng yakapin niya ako. Hinigpitan niya ang yakap sa akin ng umiiyak na nagsumbong ako. "Dhie, namatay daw kayo ng mga bata sa panaginip ko. P-Parang totoo kaya takot na takot ako." "Shhh, it was just a dream. Ligtas ako at ang mga bata kaya wag kang mag alala." "Paano ako hindi mag aalala. Hindi ko alam kung kailan darating ulit si Ate Dixie para guluhin ang pamilya natin. Hindi natin alam kung kailan ulit siya magpapakita para saktan ako." Naalala ko ang karumal-dumal na ginawa ni Ate Dixie sa mga anak ko sa panaginip ko. Binaril daw nito ang mga anak ko sa dibdib, sa tapat mismo ng kanilang puso. Muling dumaloy ang luha ko. "D-Dhie, pwed

  • Accidentally Yours, Mr. CEO!   275. Dixie pov

    (Dixie pov) Hinintay ko muna na umalis sila Annaliza bago ako bumaba ng sasakyan. Hindi ko magawa ang plano ko dahil ang dami ng nagbabantay sa kapatid ko. Bago ako makababa ay hinawakan ako ni Theodore sa braso ko. "Mag ingat ka. Hindi ka pwedeng pumalpak dahil mabubuko tayo kapag pumalpak ka sa plano. Bago matapos ang buwan kailangan na natin makaalis ng bansa. Mainit na tayo masyado sa batas. Kapag nagtagal pa tayo sa Pilipinas ay sigurado ako na mahuhuli tayo. Wag ka magpadala ng init ng ulo mo sa kapatid ni Eliot. Imposible ang sinasabi mo na pinagdududahan ka ng babaeng 'yon. Hindi ka naman niya kilala at hindi rin niya personal na kilala si Katty." "I know what I feel, Theodore. Malakas ang kutob ko na may alam ang babaeng 'yon!" giit ko. Hindi naman ako babarahin palagi ng Annaliza na 'yon kung hindi ito nagdududa sa akin. Binanggit pa nito na baka nadukot sila Din. Nakita ko na hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. Kumulo ang dugo ko ng maalala ulit ito. Gusto ko itong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status