LOGIN“Daddy, mahal mo pa rin ba ako kahit mataba na ako?” “Daddy, ang itim ng batok ko. Hindi ka ba natuturn off?”“Daddy, ang dami ko ng stretch mark. Hindi ka ba nandidiri?”Nakanguso kong tanong kay Din na abala sa ginagawa. Tumayo ito at lumapit sa akin. Niyakap niya ako at hinalikan pa sa batok ko. “You asked me a hundred times, Mommy. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na kahit ano pa ang maging itsura mo ay ikaw ang pinaka maganda sa akin? Halika ka dito.” Siniil niya ako ng halik sa labi ko. Pumikit ako at gumanti ng halik sa kanya.Yes tumaba ako. Nagkaroon ng stretch mark sa tiyan. At umitim ang batok ko dala ng pagbubuntis kong muli. Pero kahit minsan ay hindi ko naramdaman na nabawasan ang pagmamahal ng asawa ko sa akin. Ang pagtatanong ko ay paraan ko lang ng paglalambing sa kanya.Walong taon na ang lumipas at nagdadalantao ako sa ikalima naming anak. Oo, nakalima na kami. Marami na ang nagbago pagkatapos ng kasal namin.Yunh pamilya namin na maliit lang noon ay malaki na n
Umiiyak na humagulhol si Rhiana. Nanlaki naman ang mata ni Dave habang nakatingin sa batang karga ng kapatid ni Rhiana. “Nakunan si Rhiana noong nanggaling sila dito. Kaya nagulat din ako na may anak siya.” Sabi ni Din sa akin. Pareho kaming nakatingin sa batang buhat ng kapatid ni Rhiana. Nakakagulat dahil kamukhang-kamukha ito ni Dave. Ipapadampot sana ni Dad si Rhiana subalit pinigilan ko sila. Nilapitan ko ang kapatid ni Rhiana at kinuha rito ang bata. Lumapit ako kay Rhiana at lumuhod para ipakarga sa kanya ang anak niya. “Kapag kinitil mo ang buhay mo ay may anghel kang maiiwan. Dapat hindi ka sumuko porke iniwan ka na ng mga taong mahal mo. Nandito pa naman ang anak mo para sayo. Kailangan niya ng isang ina. Kailangan niya ng pag aaruga at pagmamahal mo. Wag mo siyang iwan, Rhiana, gamitin mo ang anak mo para magbago at bumangon. Wag kang magpalamon sa kalungkutan at poot mo, bagkus ay gawin mong inspirasyon ang anak mo at matuto ka sa pagkakamaling nagawa mo.” “Ate, tama
Awang-awa ako sa kanya sa nalaman ko. Sabi nga nito ay wala akong kasalanan. But for me ay hindi iyon totoo. Hindi naman ito gagamitin ni Rhiana kung hindi dahil sa akin. Alam pala ni Din na hindi sa kanya ang anak ni Rhiana pero handa pa rin siyang akuin at panagutan ang bata sa pag aakala na magbabago ito. Naaawa ako sa kanya but at the same time ay medyo nainis ako kay Rhiana sapagkat hindi niya pinahalagahan ang tao na tunay na nagmamahal at nagpapahalaga sa kanya. Nabulag siya sa pagganti sa akin. Abala kami sa pag uusap ng biglang may pumasok na hindi inaasahang bisita. Nagulat kami ni Din, agad naming niyakap si Dessy at binuhat upang ilayo kay Rhiana na nanlilisik ang mata habang may hawak na baril at nakatutok sa amin. “Totoo nga ang balita bumalik ka na!” Sabi nito habang galit na nakatingin sa amin. “Annaliza, bawiin mo ang sumpang iniwan mo sa akin. Bawiin mo kung hindi ay papatayin kita!” Singhal nito na ikinatakot ng aming mga bisita. Humawak sa dibdib si mommy, nag
(Annaliza pov) Natuwa si Dad na nagkaayos na kami ni Din kaya heto nagpaparty pa ito bilang selebrasyon sa pagbabalikan namin. Ang daming nagulat dahil nagkaayos kami, may mga hindi naman nagulat dahil ang sabi nila ay makikita sa aming mga mata na mahal pa rin namin ang isa’t isa. Gustong-gusto talaga ni Dad si Din noon pa man. Minsan naiisip ko ano kaya ang pinakain nito sa daddy ko. Hmm siguro dahil alam ni Dad na bukod sa mabuting tao ay responsable talaga ito. Nagsayaw kami, nagkantahan, may speech pa si Danilo na kay haba-haba para sa aming dalawa, madamdaming speech pa na nagmula sa kanya at kay lola noong nabubuhay pa. Naluha pa ako habang pinapakinggan siya, pero agad namin kaming natawa dahil may sayaw pa itong hinanda. Naiiling na lamang ang asawa ko dahil ginawa daw circus nitong si Danilo ang selebrasyon. Habang tuwang-tuwa naman ang matatandang naroon, kagaya nila Tita Amber at Tita Lovely. Hindi pumayag sila Tita na hindi kami sumayaw. Nagpatugtog sila ng sweet s
(Ava pov) Naiiling na tiningnan ko ang aking asawa. Nang malaman namin at pormal ng sabihin sa amin nila Annaliza at Din na nagkaayos na sila ay binalita agad nito ang magandang balita. Hindi pa tapos magpropose si Din ay nag imbita na ito ng mga kaibigan at kamag anak sa muling pag iisang dibdib ng dalawa. Nagtataka tuloy na tumawag ang anak namin upang tanungin kami kung sino ang nagkalat ng balita. “Ikaw talaga. Hinintay mo dapat na manggaling sa anak mo ang balita.” Suway ko kay Elijah na malaki ang ngiti sa labi habang buhat si Dessy. “Sorry, sweetheart, sa sobrang tuwa ko ay hindi ko na napigilan ang sarili ko,” sabi niya, “Di’ba, apo? Happy ka rin kagaya ni lolo?” Tumango si Dessy sa kanya. “Dinamay mo pa ang apo natin, ikaw talaga,” nakangiti kong ani. Akala namin ay wala ng pag asa na magkaayos ang mag asawa, nawalan na kami ng pag asa, lalo na’t nagalit pa si Annaliza sa daddy niya. Ito kasing si Elijah ay nanghimasok pala ng hindi ko alam. Mabuti na lamang maganda a
“I have something to show you.” Sumisinghot na bumitaw ako ng yakap. “Ngayon na?” Nagtataka ako dahil parang ang saya ng tinig nito. Lalo akong nagtaka ng makita ko ang kakaibang kislap ng mata niya. “Pero hindi ka pa tapos kumain.” Ani ko sabay sulyap sa pagkain niya. “Makita lang kitang busog ay busog na ako.” Mahina ko siyang hinampas sa dibdib. “Bolero ka pa rin pala.” “Sayo lang… at hindi pambobola ‘yon, iyon talaga ang nagagawa mo sa akin.” Sus. Bolero nga. Magkahawak ulit ang kamay na nilisan namin ang restaurant. Pagtingin ko sa kanya napansin ko na medyo may simangot ang gwapo nitong mukha. ‘Masakit ba ang tiyan niya?’ “Napansin mo ‘yong tingin ng mga babae, pero ‘yong tingin sayo ng mga lalaki hindi mo napuna. Tss. Masyado ka kasing maganda.”
Halos hindi ako makahinga sa sobrang kaba habang lulan ng bridal car na maghahatid sa akin sa simbahan. Ngayong araw ang kasal namin ni Eliot. Simpleng kasalan lang ito pero naroon ang lahat ng malalapit na kamag anak at kaibigan ng aming pamilya. Ito na… wala ng atrasan ito. Magpapakasal na a
Pagkatapos nilang mag usap ay napansin kong malungkot ang asawa ko habang buhat si Eliana. Nang lapitan ko ito at tanungin ay humingi ito ng tawad sa akin. “Alam ko kung gaano mo kagustong bumalik sa pag aaral. I’m sorry for putting a new responsibility.” “Eliot, wag kang magsalita ng ganyan. Ma
(Dixie pov) Kinuha ko ang tseke na inabot sa akin ng sugar daddy kong MMMM. In short for matandang mayaman madaling mamatay. Dalawang buwan ko na itong customer. Hindi ako mahilig sa matatandang mayaman, lalo na pag amoy lupa at hindi magaling sa kama. Pero dahil ubod ng yaman ito, pumagag na ako
Hindi ko iyon matanggap, halos magwala ako sa kwarto ko sa sobrang pagkapahiya at selos. Wala pang nabubuo sa aking mga Plano pero tinataboy na ako nito. “Ahhh! Ano ba ang mayro’n sa Demi na ‘yon na wala sa akin?!” Tinatawagan ko ang mommy ko at umiiyak na nagsumbong dito. Spoiled ako at mahal n







