Share

30. Fix the problem!

Author: SEENMORE
last update Last Updated: 2025-09-03 00:02:55

(Elijah pov)

I tried to focus on work. Kabi-kabila ang mga meeting na dinaluhan ko. Pero kahit anong gawin kong alis kay Ava sa isip ko ay palagi siyang laman ng isip ko.

Nasa akin na ang divorce paper namin. Pirma ko nalang ang kulang dito. Tapos narin ang kontrata naming dalawa. In short ay wala ng dahilan para isipin ko pa ito. Kaya siguro naiisip ko si Ava dahil nakokonsensya ako. Sinamantala ko ang problema nito at ginamit ito. Ako ang rason kaya magiging single mother ito.

Hindi man lang makikilala ng anak ko na ako ang ama nito.

Problemadong sumandal ako pagkapasok ko sa loob ng kotse ko. Hindi ko na-close ang deal dahil sa sunod-sunod na pagbaba ng sales ng kumpanya namin. Naapektuhan din ng pagbaba ng sales ang bagong modelo ng sasakyang ilalabas namin kaya pansamantalang tinigil din ang production nito.

Bilyon-bilyon ang nalugi ng kumpanya dahil sa scandal at umanong panloloko ko kay Celine kasama ng secretary ko.

Pagdating sa Appex building ay dumiretso ako sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
un pinsan cira ulo yn un mypakana KC gusto nla maagaw suyu un kompanya.. kawawa Naman c Eva pati cya nadadamay s kalokohan nya..
goodnovel comment avatar
Kulot Mo Leysa
nka my pera ka elija paimbistigahan mo simula ng dumatinh s celin at damian nagingagula na ang kompanya mo dahil sa kagagawan nya nko sana nka alis na si ava pra malayo sa stress at ind na mag papakita kahit kanino sa dalawa
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Accidentally Yours, Mr. CEO!   271. Eliot pov

    (Eliot pov) Bago pumunta sa pina-reserved kong restaurant ay dumaan muna ako sa isang Flower shop para bilhan ang asawa ko ng bulaklak. Matagal-tagal na rin ng alukin ko itong lumabas kami, naging abala ako sa paglilinis ng mga balitang lumabas tungkol sa kanya at sa nangyari sa kapatid niya. Isang kalaban namin sa negosyo ang nagpakalat ng kwento at nagpalabas ng kwento tungkol sa kwento nila ng kapatid nito. Nang maalala ko ang mga salitang narinig ko sa mga tao ay kumuyom ang kamao ko. Natakpan ang kabutihan ng asawa ko dahil lang namatay ang kapatid nito, naging bulag silang kumilala ng tunay na biktima. Pumikit ako at kinalma ang sarili ko, inalis ko ang galit sa dibdib ko. Na-resolba ko na ang problema kaya gusto ko sanang humarap sa asawa ko na walang bigat sa dibdib ko. Kilala ako ng asawa ko, tiyak na mahahalata nito na may gumugulo sa isip ko. Yup. The problem is solved. Limang Attorney ang ginamit ko upang kasuhan at pabagsakin ang nagpakalat ng walang katotohanang b

  • Accidentally Yours, Mr. CEO!   270. Ava pov

    (Ava pov) "Hanggang ngayon ba ay iniisip mo ang kasal ng anak natin?" Tanong sa akin ni Elijah pagkatapos akong bigyan ng isang tasa ng kape. Narito kami sa bahay ngayon, kagagaling lang namin sa judge na aming kakilala ang magkakasal sa anak naming si Annaliza at kay Din. Napagkasunduan namin na simpleng kasal lang ang magaganap. Kung magiging engrande ay magiging maingay pa ang magiging kasal nila, mababatikos lamang ang aming anak. Kaya minadali namin namin ang kasal ng sa gano'n ay matapos agad ang usap-usapan. "Hindi ko man lang nahalata na mahal pala niya si Din. Ikaw, Mahal? Hindi mo ba napansin? All time I thought she love Cally. Talagang hindi na bata ang mga anak natin. Kaya na nila magtago ng kanilang nararamdaman." "Exactly, sweetheart. So, don't worry about your daughter. Mainam ng naging tapat siya sa damdamin niya kaysa makasal siya sa lalaking hindi niya mahal." "Tama ka, Mahal. Nag set ka na ba ng lunch kay Cally? We need to talk to him. Bilang magulang ng na

  • Accidentally Yours, Mr. CEO!   269.

    Pagkauwi ay naabutan ko sina Lola at Ate Demi sa sala. Mukhang hinintay ako ni Ate Demi na makabalik para kausapin. Nang makaupo ako ay malakas akong hinampas ni Lola sa braso. "Ikaw na bata ka ano ang ginawa mo! Nakakahiya kina Ava at Elijah!" "Aray ko, Lola!" muli ako nitong hinampas. Parang walang pinagdaanan na panghihina itong si Lola, kung makahampas ay parang maton. "Masasaktan ka talaga sa aking bata ka! Sa dami ng babae na pwedeng ikalantari ay si Annaliza pa!" Nagsawa sa kakahampas sa akin si Lola at hinihingal na umupo sa tabi ni Ate Demi. Gusto kong sabihin na hindi namin sinasadya ang nangyari dahil pareho kaming nalasing ngunit pinili kong itikom ang aking bibig. What's the point? Baka isipin lang nila na naghuhugas-kamay lang ako. Nakapag desisyon na ako, wala ng magbabago kahit magpaliwanag pa ako. "Din, kilala kita, alam kong hindi mo mahal si Annaliza." Bumuntonghininga si Ate Demi. "Mahal kita, Din. Kapatid kita eh. Pero mahalaga din sa akin si Annaliza, pa

  • Accidentally Yours, Mr. CEO!   268.

    "Kuya, tama na! Nakikiusap ako wag mo na siyang saktan!" Humarang ako kay Annaliza ng lapitan ito ni Kuya Eliot sa pag aalala ko na baka ito ay saktan. Namumula ang mukha nito sa galit sa aming dalawa. Sila Ate Demi naman ay hindi makapaniwala at dismayado. "Ikakasal ka na, Annaliza! Nakahanda na ang kasal ninyo ni Cally! Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa ginawa ninyo!" "D-Dad, I'm sorry." Nakayukong hingi ng tawad ni Annaliza sa ama niya. "Anak, paano na si Cally? Hindi ba siya ang ama ng batang pinagbubuntis mo?" "No, Dad. Hindi siya ang ama. Ang totoo hindi ako buntis." amin nito. "Plano kong sabihin sa inyo iyon pero wala akong pagkakataon. Walang kasalanan si Din, Dad. Ako ang may kasalanan sa aming dalawa, inakit ko lang siya. Wag kayong magalit sa kanya." ako nito sa lahat. "Wala kaming relasyon, ngayon lang nangyari ito. Kung mayro'n man na may kasalanan ay ako 'yun." Maang akong tumingin kay Annaliza. Hindi ko akalain na aakuin niya ang lahat ng kasalanan p

  • Accidentally Yours, Mr. CEO!   267.

    "Ano ba ang nangyari? Bakit umiiyak ka? May nanakit ba sayo?" Naghahalo ang galit at pag aalala sa timbre ng boses na tanong ko sa kanya. Umayos siya ng upo at luhaang tinakpan ang mukha gamit ang kanyang palad. Napansin kong nanginginig ito sa takot at pangamba. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan siya sa balikat. Lalo akong nag alala. "Blackwoodss ka hindi ka dapat matakot sa banta. Tama ba ako? May nagbanta sayo?" Nag iwas siya ng mata habang patuloy pa rin ang pagdaloy ng masaganang luha sa maganda at makinis niyang mukha. "Gusto mo ba na tawagan ko si Tito Elijah at si Kuya Eliot?" "W-wag, Din. Hindi nila ito dapat malaman." Kumunot ang noo ko at kinain ng kuryusidad ko. Nang kunin niya ang cellphone at ipakita sa akin ang dahilan ay nawalan ng kulay ang mukha ko. Kuha namin itong dalawa sa ibabaw ng kama na tanging kumot lang ang takip sa katawan namin. "I-Ito ang rason kaya hindi pwedeng malaman ito nila Dad, Din. I-ikaw lang ang tinawagan ko tungkol dito, tungkol sa

  • Accidentally Yours, Mr. CEO!   266. Din pov

    (Din pov) "Ayos ka lang ba, apo? Kanina ko pa napapansin na malalim ang iniisip mo. May problema ba?" Inayos ko ang nagkalat na bubog ng baso sa sahig bago sinagot ito. "Ayos lang ako, wag niyo akong intindihin, dumulas lang ito sa kamay ko." Pagkatapos linisin ang bubog sa sahig ay nagpaalam ako kay Lola na lalabas sandali. Ilang beses akong bumuga ng hangin ng maalala ang naganap sa amin ni Annaliza. Dalawang araw na ang nakalipas ng huli kaming magkita at magkasama sa Motel. Hanggang ngayon ay malinaw pa sa isip ko ang eksenang namulatan ko ng mata. Pareho kaming hubo't hubad sa ibabaw ng kama. Tumanggi dapat ako uminom ng gabing iyon. Wala sanang naganap sa amin kung hindi nalasing. Bilang lalaki ay malaking apak ito kay Cally. Malaki ang magiging epekto nito sa kanila kapag lumabas ang nangyari sa amin. "Relax, Din. Walang makakaalam ng nangyari kaya ipalagay mo ang loob mo. Walang may gusto na mangyari iyon, pareho kayong lasing at nakainom kaya nangyari ang hindi dap

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status