“SIGURADO ka ba na handa kang gawin lahat basta kumita ka?”
Napahigpit ang kapit ni Tiffany sa kaniyang kamay ng marinig ang sinabing iyon ng kaniyang kaibigan na nurse. Tumango siya dito ng marahan bago nagsalita.
“Y-yes, please help me Jess. Desperada na ako para mailigtas ko si mama,”
Gusto ‘man tulungan ni Jess ang kaniyang kaibigan ngunit wala siyang magawa dahil hindi sasapat ang pinahiram na pera niya dito. Pambili lang ata ito ng gamot pero ang hospital bills nito ay hindi sasapat. Tumayo siya mula sa kaniyang kinauupuan at kinuha ang kaniyang cellphone pagkatapos ay mayroong tinawagan.
Kinakabahan si Tiffany dahil wala pa itong sinasabi basta nabanggit ni Jess na mayroon siyang nalaman kagabi at handang magbayad ng pera ang mga taong iyon basta gawin ang gusto nila.
“Yes ma’am, nakahanap na po ako. Okay po,”
Nang matapos ang tawag ni Jess ay pinasama niya ang kaibigan sa kaniya at mayroon silang pupuntahan. Tiwala naman siya sa kaniyang kaibigan at kahit nga masamang gawain pa ang ibibigay nito ay walang problema sa kaniya basta lang magkaroon siya ng pambayad para sa hospital bills.
“Hindi ka ba magtatanong kung saan tayo pupunta?” maya maya ay tanong ni Jess kay Tiffany habang nasa loob na sila ng sasakyan.
“May tiwala ako sayo Jess,”
Mas lalong na frustrate si Jess dahil sa sinabing iyon ng kaibigan. Kilala niya ang kaibigan at alam niya kung gaano nito kagusto ng maayos ng pamilya kaya hindi niya mapapatawad ang sarili kung sakaling pagsisihan ng dalaga ang kaniyang naging desisyon.
“Tiff, naman umayos ka! Paano kung hindi ako ang nahingan mo ng tulong pagkatapos kung saan sasan ka lang dalhin?!”
Napangiti ng mapait si Tiffany ng marinig ang sinabi ng kaibigan. Napatingin lang ito sa bintana upang hindi makita ng kaibigan ang pagtulo ng luha niya ngunit huli na siya dahil nakita iyon ni Jess.
“Kahi ano Jess gagawin ko para kay mama. Ayoko siyang mawala sakin,"
Naiintindihan ni Jess, siguro kung siya ang nasa katayuan ng kaibigabn ay gagawin niya ‘din iyon. Ang kaibahan lang nila ay wala na siyang pamilya noon pa kaya mag isa nalang siya ngayon sa buhay.
“Pupunta tayo ngayon sa ospital namin, kagabi merong mag asawa ang naghahanap ng surrogate mother at handa ‘daw silang magbayad ng malaking halaga para sa magdadala ng anak nila.”
Agad na napatingin si Tiffany sa kaibigan ng marinig iyon.
“S-surrogate mother?”
Tumango si Jess sa tanong niya. “Tiff, hindi kita pipilitin kung ayaw mo. Alam kong gusto mo ng isang kumpletong pamilya para sa future mo kaya nga nag aalangan ako para dito,”
“N-no, lahat gagawin ko para kay mama basta gumaling lang siya.”
Napabuntong hininga nalang si Jess sa narinig habang si Tiffany naman ay hindi na naiwasang mapaisip sa mga susunod na mangyayari. Magiging ina na pala siya, sa edad niyang iyon ay wala pa siyang balak dahil ang gusto niya ay mgakaroon muna siya ng stable na buihay bago siya mag anak.
Ang kaso narealize niya na hindi naman niya iyon anak talaga dahil surrogate mother lang siya para sa ibang mga tao kaya walang problema. As long as babayaran siya ng sapat na pera para sa kaniyang ina okay na siya.
Nang makarating sila sa ospital ay naghintay lang sila sandali sa pagdating ng mag asawa, ipinaliwanag naman na ng doctor sa kaniya ang dapat niyang gawin kaya ang kailangan nalang niyang gawin ay ang makipag negotiate sa mag asawa.
Katawan niya ang gagamitin kung kaya hangga’t maaari ay gagawin niya ang kaniyang best para makuha ang dapat na kailangan niya. Hindi biro ang magbibit ng sanggol sa sinapupunan. Mabuti at healthy naman siya kung kaya sabi ng doctor ay magiging madali lang ang kanilang gagawin.
Maya maya pa ay dumating na ang couple. Nakita ni Tiffany ang babae at lalaking disensteng disente ang anyo, mahahalata mo na mayaman ang mga ito.
Maganda ang babae lalo na at kitang kita ang hubog ng katawan nito sa fitted tea length skirt nito at ang pang itaas niya ay isang itim na corset, labas na labas ‘din ang malaki nitong dibidb. Mayroon itong nunal sa may bandang dibdib kung kaya iyon agad ang unang napansin ni Tiffany.
“Good morning Ms. Aurelia and Mr. Josh,” bati ng doctor sa dalawang kadarating lang. “This is Tiffany, siya ang magiging surrogate mother natin. Tiffany, ito naman sina Ms.Aurelia and Mr.Josh,”
Napatingin kay Tiffany ang dalawa at ngumiti sa kaniya ang babae kung kaya ngumiti pabalik si Tiffany.
“It’s nice to see you Tiffany, kung alam mo lang kung gano kalaking halaga nito para saaming dalawa ng boyfriend ko.”
Niyakap pa siya ni Aurelia kung kaya agad na pumasok sa isip ni Tiffany na mababait ang mga ito. Naisip niya na karamihan naman talaga ng mga nagpapa-surrogate mother ay ang couples na hindi binibiyayaan ng sanggol at lahat sila ay mababait.
“Nice to meet you too Ms.Aurelia. Nakakahiya man po pero mayroon po sana akong kundisyon bago po ang lahat,”
“Sure, tell us everything Tiffany at kaming bahala ng girlfriend ko.”
Dahil sa sinabi ng lalaki ay gumaan ang loob ng dalaga. Buong akala niya ay magagalit sa kaniya ang mga ito sa sinabi niya ngunit hindi naman pala. Kaya sinabi na niya agad ang kailangan niya wala ng paligoy ligoy pa.
Mayrong sakit sa puso ang kaniyang ina kaya kailangan nito ng agarang transplant ng puso kung hindi ay mawawala ito sa mundo.
Ang request niya ay ang monthly na pagtulong sa kaniya sa hospital bills at ang bayad sa kaniya na siyang ipapang opera niya sa ina. Bukod pa ang kaniyang monthly allowance para sa magiging anak ng mga ito.
Nagkatinginan ang couple sa kanilang narinig at sabay na tumango.
“Pumapayag kami sa gusto mo Tiffany basta dalhin mo lang ang sanggol na ito,”
Mayroong inilabas na isang maliit na lalagyan ang lalaki at naglalaman iyonng sperm na siyang gagamitin nila para makabuo ng sanggol.
“I can handle from now here Mr.Josh, wait for us before half an hour.”
Bago tuluyang gawin ang pag surrogate ni Tiffany ay mayroon silang pinirmahan na kasunduan maging ang halagang 1.5M na pera, hindi makapaniwala si Tiffany na ganon kadali para sa mga ito na maglabas ng ganong kalaking halaga ng pera.
Pero sabagay, alam naman niya na mayaman ang mga ito kaya hindi na dapat siya magulat. Naiyak pa nga siya ng yakapin niya ang dalawa dahil sa pasasalamat at sawakas ay maooperahan na ang kaniyang ina.
Nagpasalamat ‘din sa kaniya ang couple at pumasok na sila sa isang silid kasama si Jess at ang doctor para iturok na sa kaniya ang sperm nanroroon. Mabuti nalang at andoon ang kaibigan niyang si Jess para suportahan siya at para na ‘rin alalayan ang doctor sa kanilang gagawin. Hindi pa umabot ng isang oras ng matapos ang kanilang ginawa.
Inaalalayan ni Jess ang kaibigan ng makalabas sila at nakangiting sinalubong sila ng couple.
“Thank you so much Tiffany! Tanggapin mo ito bilang paunang bayad namin,”
Mayroong inabot na cheque si Ms.Aurelia sa kaniya at nakita niyang nagkakahalaga iyon ng 500k na pera. Nanlaki ang mata niya at hindi napigilan ang sarili na yakapin ang babae.
“Maraming salamat po ma’am! Pangako aalagaan ko ang anak niyo!”
Tumango ang dalawa at nagpaalam na sa kanila dahil mayroon pa silang pupuntahan. Sobrang tuwa ni Tiffany at agad siyang nagpasama sa kaibigan sa hospital para masimulan na ang operation ng kaniyang ina at makapag bayad sa mga hospital bills nila.
“YOU may now kiss the bride!” Nang marinig iyon ni Seth ay itinaas na niya ang vail na suot ni Tiffany. Nasa harapan sila ngayon ng simbahan at ginaganap ang kasal na matagal na hinintay ng maraming tao. Mayroon pa ngang mga reporters na naroroon para ipalabas ang kanilang kasal sa social media. Marami ang nanonood sa kani kanilang bahay at ibang bansa. Tinawag nga nila itong wedding of the century dahil sa dami nilang supporters na nakaabang. Na featured na ‘rin sila sa mga magazine at kinuwento nila ang kanilang buhay kung kaya alam na alam ng lahat ang love story nila ni Seth Fleur. Nagkatinginan naman si Tiffany at Seth. Kapwa nakangiti sa isa’t-isa ng hawakan ng lalaki ang kaniyang pisnge. “Finally, my Mrs.Fleur.” Iyon ang huling sinabi ni Seth bago niya tuluyang hagkan ang asawa na siyang ikinatayo ng lahat habang pumapalakpak. “Congratulations Mr. And Mrs. Fleur!” Naroroon ang kanilang mga kaibigan para saksihan ang kanilang pag iisang dibdib. Syempre nangunguna ang ka
MATAPOS ang dalawang oras na pag paplano sawakas nakaisip na ‘rin sila ng strategy. Magkasama na si Seth at Tiffany ngayon sa sasakyan papunta sa lugar kung nasaan sila Josh. Iyon ang sinabing address ni Josh kung kaya ito ang pinuntahan nila. Kapwa kinakabahan ang dalawa lalo na si Tiffany dahil hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa loob. Mayroon silang suot na bullet proof para kung sakaling tamaan man sila ng bala ay hindi ito tatagos sa kanila. Kailangan lang nilang maging maingat dahil maaari pa ‘rin silang tamaan sa mga parte na hindi natatakpan ng bullet proof. Pag pasok nila sa loob hindi nga sila nagkamali at mayroong ibang kasama si Josh na armadong lalaki. Napahigpit ang kapit ni Tiffany sa kamay ni Seth at mas inilapit naman siya nito sa kaniya dahil alam ni Seth na natatakot ito. “Congratulations! Nakarating kayo!” Napatingin sila kay Josh na lumabas sa isang silid at tumawa. Nasa gitna silang dalawa habang napapalibutan sila ng tauhan nito,. “Nasaan
AKALA pa naman niya mamumuhay ito ng masayang buhay lalo na mayaman ang kaniyang magulang ngunit hindi pala. Well, past is past kung kaya tanggap na niya iyon. “Matagal na iyon ma’am, alam kong napatawad ka na ‘rin ni Samantha,” Dahil doon kusang napangiti pabalik si Aurelia sa babae. Doon biglang pumasok sa kaniyang isipan ang tungkol kila Tiffany. Nanlaki ang mata niya at naalala ang mga sinabi ni Josh sa kaniya. “Narinig mo ba ang sinabi ni Josh?! Siya ang tunay na masama hindi ako!” “Ma’am calm down, wag po kayong mag alala dahil rinig ko lahat at na record ko pa.” Hindi makapaniwala si Aurelia sa sinabing iyon ni Rhian at plinay pa nito ang record na nagawa. Agad iyong naisip ni Rhian ng mabanggit ng lalaki ang pangalan ni Tiffany. Hindi naman siya nagkamali ng hinala dahil inamin nito lahat ng kaniyang kasalanan at kuhang kuha niya ito sa record. Malakas na ebidensya iyon para mapakulong ito. “T-thank you Rhian! Isa kang malaking tulong! Pwede mo ba ako pahiramin ng cellp
ISANG oras ang lumipas ng umalis sila Josh at ang kambal dumating si Jess. Ngunit nagtaka si Tiffany kung bakit kasama nito ang magulang ni Seth. “Tito, tita, bakit po kayo naparito? Nakakahiya naman po hinatid niyo pa ang libro sana pinabigay niyo nalang po kay Jess.” Nahihiyang abi ni Tiffany sa mga ito pagkatapos magmano. Nakita niya ‘rin si Leona at nginitian ito. Pero dalawa sila ni Jess at leona na mayroong pagtataka sa muka kung kaya lalong nataka si Tiffany. “Hindi lang tungkol sa libro ang pinunta namin hija, mayroon kaming sasabihin sa inyo.” Dahil doon nag decide si Tiffany na paupuin ang mga ito sa kanilang sofa. Kung kanina sila Jess at Leona lang ang nagtataka ngayon maging si Tiffany na ‘rin. “Ano po iyon?” ngiting sabi ni Tiffany at pilit na pinapagaan ang atmosphere dahil masyadong seryoso ang magulang ni Seth. Hindi niya tuloy mapaisip na baka mayroon siyang nagawa o kung ano pa man. “Nasaan ang kambal?” tanong ni Angel ng mapansin na wala doon ang dalawa. “K
NATAPANGO si Leona sa sinabi ni Jess at muling nagsalita. “Alam na ba ni Tiffany at Seth ‘yan?”“Hindi pa, sasabihin ko pag uwi ko. Kunin ko lang yung pinapakuha saakin ni Tiffany,” Nakatanggap ng palo si Jess sa kaibigang buntis na ikinareklamo nito. “Aray ha!”“Aray mo muka mo! Importanteng information yan hindi mo agad sinabi kila Seth! Kunin mo na nga sa taas ang kailangan mo! Andoon sina mom and dad sa library!” Napatayo si Jess dahil pinapalo siya ng kaibigan. Ang bigat pa naman ng kamay nito. “Grabe ka sakin Leona! Nakalimutan ko lang e! Eto na aakyat na po!” Umakyat na si Jess sa taas at tulad ng sabi ni Leona nasa library ang mga ito. Alam naman niya kung saan iyon kaya walang problema lalo na alam nilang magkakaibigan na library ang paburito ng mag asawa. “Pasok Jess!” narinig niyang sigaw ng ina ni Seth sa loob. Alam na ‘rin kasi ng mag asawa na pupunta si Jess para ibigay nila ang pinapakuha ni Tiffany sa kanila. Naabutan niya sa loob ang daddy ni Seth na busy sa
NAPAKURAP lang si Aurelia sa sinabi ni Josh at nagsimulang mag kwento. “Naalala mo ‘yung panahon na nagkita tayo? Hindi ‘yun tadhana tulad ng sabi ko sa’yo noon nung nililigawan kita. Sadya iyon para mapunta ka saakin. Noong una nahirapan ako at akala ko nga hindi na ako mag tatagumpay pero masyado kang marupok at nakuha kita.Kung tinatanong mo mahal kita kaya ko ginawa ‘yun? Hindi. All those years hindi kita minahal at ginawa ko lang ‘yun dahil kasama iyon sa plano namin. ‘Yung tungkol sa anak niyo sana ni Seth sa surrogate mother? Sino ba ang nagpumilit sayo na pagpalitin ‘yun? Ako diba? Dahil parte iyon ng plano ko. Kaso namatay si Samantha kaya wala na akong pakialam sa kaniya. Ang kaso mas naging exciting pa ng mag apply si Tiffany sa kumpanya ni Seth. Syempre ako ‘din ang dahilan kaya napunta sa list ni Tiffany ang kumpanya ni Seth. Masyado kang bulag sa galit mo kaya hinayaan kitang gawin lahat ng gusto mo. Akala ko nga tatapusin mo na ang mission namin pero hindi pala. May