Share

CHAPTER 2

Beauty, intelligence, and social status. The university is trying to find that.

With her attractiveness serving as the school's public face, brilliant at public speaking and lastly, the university is renowned for its top-notch tutoring because of its social standing.

Many girls fit the criteria, but Luther showed interest in the non-participant.

Nagtatakang nakakunot ang noo nito sa isinagot sa kanya ng Dean, hindi maintindihan ang ibig nitong iparating. 

Hindi niya gusto pang pahabain ang usapan ngunit hindi niya lamang mapigilang usisain ang problema. 

" Why not? She's pretty" kahit hindi naman nakita ang mukha ng babae. 

Di naman mapakali ang matanda na yumuko at pilit iniiwasan ang mga mata ng gwapong binata. " She did not enter the contest" dahilan nito ngunit hindi ito pinapaniwalaan ng binata. " Well, the contest still on, I could talk to her and---" 

" You don't understand, Mr. Cromwell" putol sa kanya ng matanda. Buntong hininga itong tumingin kung saan nandon ang magandang dalaga. "She's pretty but she's dangerous" 

Napakunot lalo ang noo ni Luther sa narinig. Panong ang isang babae ay magbibigay ng kapahamakan sa unibersidad?

" I admit that she qualifies for her beauty but her background doesn't. She can harm the university. " Dagdag pa ng matanda na mas lalong nagpagulo sa binata. "Enlighten me" 

Muling bumuntong-hininga ang matanda bago sumagot, " She's related to a Mafia which is also mean her, doing the same thing. She's a deliquent. And if the parents would saw her as the role model of this school, no parent would want their child in here." 

" Are you sure about your claim? " Kunot ang noong tanong niya na hindi makapaniwala, saglit na tinapunan ng tingin ang dalagang pinag uusapan. Tinitignan kung maaari niyang makilala kung isa man ito sa mga clan na kilala niya. Ngunit papaano nga pala niya ito magagawa kung kahit kaylan ay hindi nagkaroon ng interes tumingin sa babae.

" The students can prove." Sagot ng matanda na nagbigay dismaya sa kanya. His claims have no basis yet he judges the girl without prior investigation. He pities the girl for that. 

" But being related to mafia doesn't make her one. Have you seen her harm anyone? " Tanong ni Claude na nakakapagtakang ipinagtatanggol ang isang babae, hindi din niya malaman kung bakit, siguro ay dahil sa unfair na judgement dito nang lahat. 

Nag-iwas ng tingin ang matanda na hindi magawang sumagot. " That's it. She's not" 

" But Mr. Cromwell, making her the face of this university will gain more risk in the future. Her reputation is bad. And I don't want to risk what I have now. I'm sorry but your request is not something I can fulfill. " Ani pa ng matanda.

Naiintindihan niya gustong sabihin nito, hindi lamang niya gusto ang naging paghusga sa babae na walang sapat na basehan. 

Hindi lahat ng konektado sa mapanganib na organisasyon ay maituturing din na kakampi. 

Madami ang antas ng Mafia, the boss, underboss, consigliere, caporegime, soldier, associates and neophytes. At maaaring ang babae ay isa lamang sa pinaka huli sa listahan kung saan ito ay walang magagawa kung hindi ang sumunod sa utos nang nakatataas.

Totoo man o hindi ang sinasabi ng matanda ay hindi niya gusto ang paghusga nito ng walang matinong basehan. Pinapakita lamang ng paaralan ang kawalan ng factual basis sa lahat ng bagay. 

Naiing na nawalan na ng gana ang binata. Piniling bumalik na lamang sa loob ng auditorium kung saan idinadaos ang pagpili. Ramdam din niyang hindi siya titigilan ng matanda at bago pa siya may magawang hindi maganda dito at magdulot ng panibagong problema ay naglakad na siya pabalik sa kasamang sina Kheed at Lucas na parehas busy sa pagbibigay ng score sa mga dalagang rumarampa.

----

" Let's go. Riven texted. They're waiting"  Tumayo agad ang binata matapos makatanggap ng message mula sa pinagkakatiwalaang kaalyado, hindi man lamang napansin ang papalapit sanang dean.

" Are they coming? " Tanong pa ni Kheed ngunit hindi pinansin ng binata at mabilos na naglakad palabas ng lugar. "Bingi ba yang kaibigan mo, bro? Nagsasalita pa ko e"  

" Mabibingi ka kapag di ka pa tumayo dyan" tawa-tawang sagot lamang ni Lucas.  

" Tsk, panget naman non. Ang pogi ko tapos di ko maririnig ang mga papuri. " Iling na tingin pa sa sarili nito sa salaming bintana ng opisina.  

" Sige, magtagal ka pa, baka imbis na mabingi ka lang, lahat ng five senses mo mawala" naiiling na komento ni Lucas bago tuluyang sumunod sa binatang lumabas.  

Agad namang itong tumalima" Di naman mabiro ito. Eto na." Saka nag-inat," Time to switch from handsome Kheed to dangerous Kheed"  

The loud noise coming from the abandoned building which serves as the rendezvous of the notorious clan welcomed the three strikingly good-looking men in masks. 

Marangya ngunit mapanganib ang lugar kung saan taon-taon dumadalo ang mga kilalang mafias sa bansa upang mapabilang sa X Organization.  

Ito ay isang organisasyon kung saan binubuo ng sampung pinakamayayamang mafia boss sa bansa na maaaring mabago kung mayroong balak kumalaban sa isa man sa sampung clan na ito. 

Malaki at makapagyarihan ang kompanyang ginawa ni Luther at may kakayahang umakyat sa hanay ng X Organization. Ngunit ang binata ay walang pakialam dito. He has his reason on entering the Mafia world and it's not about the rank.  

The impression of the knives and guns reverberating in the place gives calm to Luther. He undoubtedly loves fighting and getting feared, the only thing he enjoys the most yet his grandmother restricts him from doing so. 

" Aye yo, midnight!" Bati ng isang binatang puno ng tattoo sa katawan at pinuno ng isang gang na kaalyado nila. "Riven" tawag ni Luther sa codename ng kaharap kasabay ng pakikipagdaop-palad dito.  

" Kanina ka pa namin hinihintay, sigurado akong matutuwa ka" Panimula nito na nagpatuloy sa paglalakad. " Nandito ang Asano"  

Pagkarinig sa pangalan ng grupo ay agad na sumilay ang ngisi sa mga labi ni Luther.  

Dumadalo lamang siya ng paulit-ulit a ganitong pagtitipon, nagbabakasakaling makita ang isa sa pinakakinatatakutang mafia clan sa bansa at ito nga ang grupong binanggit ni Riven.  

Ang Asano ang isa sa mga kinatatakutan sa mundo ng mafia, dahil na din sa kaliwa't kanan nitong koneksyon sa gobyerno at di mabilang na negosyong iligal. Mas matagal ito kaysa sa kanyang binuong organisasyon ngunit kung galing at kayamanan lamang ang pagbabasehan ay pantay ang antas ng dalawang grupo.  

" Oh and speaking of the devil, they're here" muling sambit ni Riven na nakatingin sa likuran.  

A group of people wearing masks arrived. With the rose imprinted on their jacket and a rose-like mask, It was indeed the infamous group, Black Roses o mas kilala sa kanilang apelyido. Ang Asano. 

The gray-haired man with slanted eyes and a dragon tattoo, given of a spine-chilling aura was none other than; Dragon, the presumptive boss of their organization. 

Kasama ang napaka-sexy at gandang babaeng katabi nito ay hindi napigilan ni Kheed ang umikot ang mata. " Pinangangalandakan na naman ang maladyosa nyang girlfriend " 

" Aba kung ganyan din naman ang girlfriend ko, ganyan din ang gagawin ko. Baka nga pinabillboard ko pa haha"  komento ni Riven habang nakatingin sa babaeng naka maskarang sumunod sa lider ng Asano clan.  

" Tss, antayin nyang makahanap kami ng muse, kayang-kayang makakuha ng boss namin ng higit pa kay Vixen " pagtawag ni Kheed sa codename ng babae. " Mas sexy at mas maganda"  

" You wish, sa ugali nito? Asa ka na lang" iling na sali ni Lucas sa usapan sabay tingin sa lider nilang walang pakialam na nakatingin sa boss ng Asano clan.   

" Any report?" Tanong ni Luther habang minamasahe ang ulo, ignoring their jokes.

Tumikhim ang binata bago bumulong, pilit na ginagawang kaswal ang sarili upang hindi makatawag ng pansin ang pagpapalitan nila ng impormasyon. "The Lopez family will hold a birthday party for their only son, Jin Danielle."  

Kunot na tinignan ito ni Luther na hindi malaman kung anong koneksyon ng sinasabi nito sa itinatanong niya. " Who fvcking cares?"  

" But I know you'll care about what's going to happen behind that party" hindi naman nagsalita pa ang binata at hinintay na magpatuloy si Kheed. 

" From what I gathered; they are planning to gain alliances on Asano. And knowing how that family owns a trading company that exports a lot of high-end caliber guns and bullets, Asano won't miss that opportunity." 

" Having Asano at their backs, their business will gain more supremacy in terms of trading. They will get more clients. Gaining more money, more power. " Analisa ni Lucas sa ibig mangyari ng pamilyang tinukoy ni Kheed. " It's a win-win situation for both clans. But a disadvantage for us. We are going to be left far behind the target. " 

Matiim namang nakikinig sa sinasabi ni Lucas ang binata, gumagawa ng sariling analisasyon ukol sa pinag-uusapan. " When was it?"  

" Two days from now. At the white palace. 7 pm sharp, oh and it's a masquerade party" sagot ni Kheed.

" Then that would be easy to sneak into"  

" Throwing such a big party means tight security. And using that plutocracy for mafia alliances, they will take precautions for sure. Don't forget about that, bro. " 

Tumango naman si Lucas sa sinabi ni Kheed saka tumingin sa kaibigan nilang kanina pa tahimik na nag-iisip.  

 “So, what are you going to do about it, boss? " Tanong ni Kheed. Ang binata naman ay ngumisi at tumingin sa dalawa, " a hi-jack"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status