Share

CHAPTER 1

CHAPTER 1

CHAPTER 1

 "Boyfriend kita?" Gulat na tanong ng dalaga habang nakatingin sa napakagwapong Mukha nang nagpakilalang kasintahan nito. 

"Yes, he is," tugon nang isa sa kasama ng lalaki. " Pretty handsome, isn't it?" Dagdag pa nito na nagbigay siya sa dalaga, "ang swerte ko!"

Iling naman na tumalikod na lamang ang lalaking nagpakilala, iniisip ang panibagong problemang sumibol. 

Their operation was supposed to be successful, but due to a single miscalculation, his plan failed. Hindi niya inaasahan ang aksidenteng ito. 

Iling na lumabas ng kwarto kung saan nagpapahinga ang babaeng kanina niyang kausap. 

"Are you sure about this?" Tanong ng isa sa mga kasama ng lalaki, "you know I don't have a choice, Lucas."

" Well, I think she doesn't know anything, so we could just let her go."

"No. The plan was ruined because of one miscalculation, and I will never allow another one to happen," sagot nito kasabay ng pag-alala kung paanong ang isang pagkakamali ay babago sa takbo ng buhay niya.... 

---

" Nandito na siya!" Sigaw ng isang babae na nagmistulang signal sa ibang kababaihan na mag-ayos ng kani-kanilang sarili. Ang iba ay nagpahid pa ng makulay na kolorete sa mukha habang ang iba naman ay siniguradong ayos at pulido ang suot. Ilang sandali pa ay maririnig na ang yabag na siyang nagpapakaba sa lahat ng kababaihan sa loob ng istraktura.

Razor's sharp nose, fixed to a broad, sparsely emotionless face. Eyes with a grilling gaze, enough to freeze even the warmest of hearts at a glance. He stood tall, like the sarcastic monstrosity, Well, isn't it expected, if he is one of the youngest CEO in Forbes's top 10 wealthiest billionaires? 

" H-hi!" Mapang-akit na bati ng isang babaeng estudyante na para bang kinulang sa tela sa ikli ng suot na palda. Ngunit kahit pa gaano kaganda at kaakit-akit ang itsura nito ay hindi man lamang ito tinapunan ng tingin ng binatang dumating. Dire-diretso nagtungo sa opisina ng dean kasama ang dalawang binatang hindi din naman nalalayo ang kisig at kagandahang-lalaki. 

Ang isa sa mga binata ay ngumiti at siyang humingi ng paumanhin sa ginawi ng kasama. " Pagpasensyahan, binibini. Ganyan talaga kapag masama ang gising. Pero ako'y nagagalak na makakita ng magandang dilag sa umaga." Sabay halik sa likod ng palad ng babae, Namula ang kanina pang mapupulang pisngi nito sa kolorete at mabilis na gumanti ng malagkit na ngiti. Kumindat pa ang binata bago tuluyang pumasok sa loob ng opisina. Madidinig mula sa loob ang tilihan ng mga kababaihan. 

" Pinairal mo na naman ang kamanyakan mo sa umaga" iling na turan ni Lucas sa binatang kapapasok lamang. Tinawanan naman ito ng binata saka umupo sa tabi nito. "Nagselos ka naman agad, babe" sabay akbay dito. 

Iling naman na tinanggal nito ang pagkaka-akbay, " Tigilan mo ko, Kheed. Ang aga aga nasusuka ako" tinawanan lang naman ito ng binata nang madako ang kanina pang tahimik na kasama.

Luther Devmon Cromwell, ang CEO ng Cromwell Enterprise. Ang pinakamalaking hotel and resorts company sa buong pilipinas. Gwapo, makisig at ubod ng yaman; Katulad ng mga katangian ng ideyal na lalaki ng mga kababaihan. Ngunit sa gwapong mukha nito ay nagtatago ang isang mapanganib na katauhan. 

Isang Mafia boss na kinatatakutan, lider ng isang organisasyong kaliwa't naman ang iligal na gawain at ang dalawa nitong kasama na sina Lucas at Kheed ang tanging nakakaalam ng pagkataong ito. 

Mafia bosses are feared for their ruthlessness and willingness to take lives to exercise their influence while profiting from criminal activity. They typically have complete or nearly complete control over the other members of the organization. 

The boss alone has the authority to approve killings both within and outside the family and can promote or demote family members as they see fit.

However, Luther doesn't want to involve his family in the matter. He, who is in complete charge of the business, must obey instructions from his grandmother in order to hide his deadly persona.

“ Pfft! Natatawa pa din talaga ako kada maaalala ko kung bakit tayo nandito ngayon haha. Ngayon lang ako nakakita ng mafia boss na inuutos-utusan lang haha" natatawang pang-aasar pa ni Kheed.

" Don't start with me, Johnson " matalim ang matang ipinukol sa kaibigan. 

Pigil ang tawang itinaas ng binata ang kamay bilang pagsurrender. Alam naman nila kung bakit kaylangang sumunod ng kaibigan, hindi lamang niya matiis na hindi asarin ito. 

Magkakaron ng taunang pagpili nang magiging modelo ang paaralan. At dahil isa ang kanilang kompanya sa malaking shareholder ng nasabing eskwelahan ay isa ito sa napiling maging hurado. 

Ang madalas dumalo sa ganitong pagtitipon ay ang Lola ng binata, ngunit dahil ito ay nasa ibang bansa pa ay ang apo ang pinilit na dumalo sa pagtitipon. 

At kahit na napakapangyarihan ng binata ay wala itong nagawa kung hindi sumunod sa iniutos nang kanyang Lola. 

" Are we going to attend the same event later?" Tanong ni Kheed habang nakatingin sa bintana ng kwarto habang naghihintay sa pagdating ng Dean ng unibersodad. " Yeah" 

" We been attending that damn plutocracy and they never showed up. " dagdag pa ni Kheed.

" Alam mo naman na masyadong mailap ang pamilyang yon, kaya wala tayong magagawa kung hindi maghintay na makahanap ng tyempo. " Sali ni Lucas sa usapan. 

Kibit-balikat na lamang ang tanging naging sagot ni Kheed nang ilang sandali lang ay nagbukas na ang pinto ng kwarto kasabay ng pagluwa sa isang matandang lalaki.

" Mr. Cromwell" bungad sa tatlo ng isang matandang lalaki. Ito ay ngumiti saka nag-alok ng kamay. " Welcome to RiverStone University, we are glad to have you here" 

Pinaunlakan naman ito ng binata ngunit hindi mo kakikitaan ng pagngiti. " Ow, before I forgot, I'm Agustin Remullo. The Dean of this university." 

"I'm glad to meet you" walang siglang bati nang binata na lihim na ikinailing ng dalawang kasama nito. 

" Mrs. Cromwell is right. You really are good-looking, I will be expecting the school to be chaotic and noisy haha" Sabi pa ng dean na hindi ikinatuwa ng binata, bagkus makikita pa ang iritasyon sa sinabi ng matanda.

" Di talaga marunong mangplastik tong kaibigan mo, Lucas. pfft" bulong ni Kheed sa naiiling na binata. 

Nagsimula na ang pagpili at napakadaming dalaga ang dumalo hindi dahil sa pagiging modelo ngunit upang masilayan ang apo at batang CEO ng Cromwell Enterprise. Maririnig sa paligid ang tili na nagbibigay iritasyon sa binata. 

Magaganda lahat ng dilag at nagpakita ng mabuting dulot sa paaralan, ngunit walang pakialam ang binata. It doesn't interest him. He's not gay, that is for sure. He just don't like noisy environment, and everybody knows how ear-splitting girls are. One of the main reason why he doesn't recruit girls on his organization. 

Iling na umalis sa lugar ang binata at hinayaan na lamang na sina Lucas at Kheed ang mamili sa mga dalaga. 

Naglakad-lakad at ginala ang sarili upang maibsan ang pagka-inip ng mapansin ang pagsunod sa kanya ng matandang kaninang nagpakilala. " I'm going for a walk" 

" Well, I can tour you around." Ngiting sagot ng matanda. " This school has so much to offer" 

" I wanted to walk alone." Walang ngiting turan niya dito na nagbigay kilabot sa matanda sa hindi maipaliwanang na dahilan. " a-ahm.. the c-contest will start in a m-minute" 

" I know, my employees are there to choose. " 

" But Mr. Cromwell, your grandmother asked me to make sure you choose the candidate " 

Iling na ramdam ni Luther ang inis ngunit upang hindi na mas lalo pang lumala ang sitwasyon at magbigay ng komento sa kanyang Lola ay pinili niyang kalmahin ang sarili. 

Tumingin sa paligid, naghahanap na pupwedeng ituro upang matapos na ang usapan nang makita niya isang dilag sa ilalim ng puno na wari mo'y nagmumuni-muni. 

Agad niyang itinuro ang babae, "There. How about her" 

Lumingon ang matanda sa kanyang itinuro at mabilis na nawala ang mga ngiti nito sa labi. " Please, Mr Cromwell. Not her"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status