Share

Chapter 1

Lizabeth's POV

"May bagong role na gaganapan ang sikat na sikat na actor na si Kenzo Navarro sa gagawing pelikula ng kilalang director na si Binibining Grace Alonzo. Hindi pa inilalabas ang mga detalye ng nasabing palabas ngunit mapapanood ang movie na ito, tatlong buwan mula ngayon," said by the reporter on the news.

"Oh my God! Bakit ang gwapo mo Kenzo?!" sigaw ng katabi kong akala mo sinisilihan ang pwet sa sobrang likot.

Napatakip ako sa aking tainga. She's Irene, isa sa libo-libong babaeng kilala kong obsessed na obsessed kay Kenzo Navarro. Nanonood kami ng TV sa kwarto niya habang kasama din ang dalawa pa naming kaibigan na sila Kevin at Weslynn. 

"He's not even handsome," sabi ko habang nanonood pa din sa TV at kumakain ng ice cream. 

"How dare you, Beth! Are you blind?" hindi makapaniwalang tanong ni Irene at sumubo din ng ice cream niya. Hindi ko 'yon sinagot at patuloy lang sa pagkain.

"Ano ka ba Irene? Alam mo namang may galit si Beth sa mga artista, nagtaka ka pa," sabi ni Weslynn na abala sa pagtipa sa cellphone niya.

"Oh my God, Weslynn! It's been a years and yet, 'yon pa din ang issue? Beth, hindi naman lahat ng artista kagaya niya 'no. At saka mas hamak na gwapo pa si Kenzo kaysa sa kanyang parang kamoteng tinubuan ng ulo," ika naman ni Kevin.

She was talking about my ex-boyfriend na nagkataong artista din.

Nagtawanan sila at maging ako ay natawa din sa sinabi ni Kevin. Kevin is actually a girl, yes I know, akala niyo lalaki siya? Noong baby pa kasi siya, ang talagang pangalan niya dapat Kelly and it turns out na mali ang pangalan na nailagay sa birth certificate niya. Hindi ko alam kung nagkamali lang ng sabi ang daddy niya or t*nga lang talaga 'yong gumawa.

"Quiet, quiet!" Napatigil kami sa pagtatawanan nang magsalita si Irene habang nilalakasan ang volume ng TV. Nagsasalita pala si Kenzo.

"Well yes, I will be partner with Allyson for this upcoming movie and I am so excited to work with her. This is a big opportunity to be her leading man. And I am sure that this movie will be a big hit," saad ni Kenzo habang tumatango-tango pa. 

"Allyson? Tss, sa dami ng babae bakit siya pa ang kailangan niyang makatrabaho?" naiinis na sabi ni Weslynn.

"Oo nga! Hitsura pa lang mukha ng malandi—" naputol ang sasabihin ni Kevin nang sundan iyon ni Irene.

"Anong hitsura? My God, girl! Sadyang malandi siya 'no. Ilang artista na ba ang naging jowa niya? Maganda nga saksakan naman ng kati sa katawan. Subukan niya lang ahasin ang Kenzo ko, ako mismo ang bubuo ng samahan ng lahat ng haters niya all over the world o kahit buong galaxy pa para lang maturuan ng leksyon ang babaeng iyan!" matapang na sabi ni Irene habang hawak ang kutsara sa ere. 

"Hay naku! Ewan ko sa inyo. Wala naman akong interes sa mga artista na 'yan. Uuwi na ako, mag gagabi na din baka hinahanap na 'ko ni Mama." Tumayo ako at inayos na ang mga gamit ko.

"Oo nga, Beth sabay ka na sa akin, uuwi na din ako. Ewan ko lang itong si Weslynn, taga d'yan lang naman 'yan kaya siguradong mamaya pa ang uwi niya," wika naman ni Kevin at tumayo na din. 

Nagpaalam na kami kay Irene at Weslynn at saka hinatid na ako ni Kevin sa bahay. May kotse kasi siyang dala. Sa aming apat, si Irene ang pinaka mayaman, sunod naman ay si Kevin, then si Weslynn na may kaya sa buhay at ako itong naiiwan sa baba. 

—————

Pagkababa ko sa kotse ay kumaway muna ako sa kanya bago na niya pinaandar ang kotse papalayo. Tumayo ako sa harap ng simple naming tahanan habang hawak ang strap ng sling bag ko.

Hindi naman kami as in mahirap na sa buhay. Ang ate ko ay isang teacher sa isang public school at sapat lang ang kinikita niya sa pang araw-araw na pangangailangan naming tatlo nila Mama. 

Pagpasok ko sa pinto ay naabutan ko si Mama na nagluluto sa kusina habang si Ate ay may ginagawang PowerPoint sa laptop niya.

"Ate Lucy, ano 'yang ginagawa mo?" tanong ko habang nagtatanggal ng sapatos sa tabi ng pintuan.

"Oh, nandito ka na pala. Wala naman, lesson lang para bukas," sagot naman niya at tumipa na muli sa kanyang laptop.

"Lucy, nandyan na ba ang kapatid mo? Halina kayo at kakain na," tawag sa amin ni Mama na nasa kusina. Tumayo na din si Ate at sabay na kaming pumunta sa kusina at umupo sa hapag kainan.

—————

"Oo nga pala anak, Beth. Samahan mo akong mamalengke bukas at wala namang pasok. Itong si Ate Lucy mo ay may gagawin sa school para sa program," wika ni Mama habang naglalagay ng kanin sa pinggan.

"Sige po, no problem," nakangiti kong tugon at kumain. 

"Paano ba yan bunso? Isang taon na lang at gagraduate ka na. Natutuwa ako dahil malapit mo nang makamit ang mga pangarap mo," sabi ni Ate na may ngiti sa mga labi.

"Aba siyempre! Ang kapatid mo ata ang magiging sikat na designer sa buong mundo," sabi naman ni Mama at pabirong tumawa. 

Sandaling natahimik ang hapag nang tumigil sa pagtawa si mama at sumeryoso ang mukha.

"Basta kung saan kayo masaya mga anak, doon ako." Bahagyang napatingin kami ni Ate kay mama.

"Sana sa panahon na may mga pamilya na kayo, makarga ko pa ang mga apo ko." Tumawa siya pero halatang peke.

She's always like that. Iyong feeling na parang namamaalam na siya agad. Simula pagkabata, kapag hindi kami tumutulong ni Ate sa mga gawaing bahay, ang palagi niyang sinasabi: "Kapag ako namatay kawawa na kayong dalawa!"; "Malalaki na kayo Lucy, Beth. Hangga't buhay pa ako, sana naman ay tulungan niyo na ako. Kapag namatay ba ako matutulungan niyo pa akong bumaba sa langit?"

Lahat naman siguro ng nanay nasabi na ang mga script na 'yan.

"Aish! Ma naman! 'Wag ka magsalita ng gan'yan, siyempre makakarga mo pa ang mga magiging apo niyo. Dadalhin pa tayo ni Beth sa Paris at makikita niyo pa ang Eiffel Tower, 'di ba Beth?" Sinenyasan ako ni ate kaya tumango ako agad.

"O-oo naman, naku Ma magiging donya, señorita ka pa sa magiging mansyon natin kaya dapat malakas ka pa 'non ha," saad ko habang nakatingin sa mga mata ni Mama. Pilit kong pinipigilan ang luha na lalabas sa mata ko. Ayaw kong isipin niya na malungkot ako.

Bahagya siyang ngumiti at nagpatuloy sa pagkain. Wala nang nagtangkang magsalita pagkatapos no'n.

Hindi ko ma-imagine ang buhay namin ni Ate na wala si mama. Malungkot ito at napaka tahimik dahil wala nang magbubunganga. Lalo na kapag may nakatiwangwang na panty sa CR. Kaya hangga't maaari gusto namin ni Ate na mabigyan ng magandang buhay si Mama habang kapiling pa namin siya.

—————

Kinabukasan ay kagaya ng sinabi ni Mama, sinamahan ko siyang mamalengke. Ako ang nagbibitbit ng mga pinapamili niya at siya naman ang naghahanap ng mga lulutuin.

Napansin kong madalas hirap huminga si Mama pero sinasabi niya lagi na okay lang siya. Ang palaging dahilan niya ay kalabaw lang daw ang tumatanda.

"Ay suki, isang kilo nga niyang manok mo," nakangiti niyang sabi kay Aling Melba na suki namin sa pagbili ng manok. 

—————

Matapos naming mamalengke ay naghihintay na kami ng tricycle sa tabi ng kalsada nang biglang humawak si Mama sa braso ko at habol-habol ang hininga.

Nataranta ako.

"Ma! Ma! Ano pong problema?" tanong ko habang hinahawakan siya sa braso.

"H-hindi ako makahi—nga." Napaluhod siya sa kalsada habang hawak ang dibdib at habol ang hininga na para bang tumakbo sa marathon.

"Ma!" Naibagsak ko ang mga plastic ng mga binili namin at napaupo ako sa kalsada habang yakap-yakap siya.

"Tulong! Tulungan niyo kami! Parang awa niyo na!" Sumisigaw na ako habang tumutulo ang luha sa kongkretong kalsada. Ang ilan sa mga nakakita ay kaagad na lumapit sa amin at tumawag ng ambulansya.

"Ma, please 'wag muna ngayon. Hindi pa po ako handa," bulong ko sa pagitan ng aking paghikbi. 

Sa 'di kalayuan ay naririnig ko na ang tunog ng ambulansya papalapit sa amin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status