Share

Chapter 2

Lizabeth's POV

"Kamusta na si Mama?" maluha-luhang tanong ni Ate na kakadating lang galing sa paaralan.

Nandito kami sa ospital kung saan dinala si Mama pagkatapos ng nangyari kanina. Mahimbing siyang natutulog habang hawak ko ang kamay niya.

Halos tawagin ko na ang lahat ng santo sa langit para lang hilingin na sana ay maayos lang ang kalagayan niya.

"Mamaya pa malalaman ang result, Ate. Pero mukhang maayos lang naman siya," nakangiti kong tugon at hinalikan ang kamay ni Mama.

"Excuse me po," wika ng isang matangkad na lalaking nakaputi at may hawak na mga papeles.

Pareho kaming napatingin ni Ate sa doktor na lumapit sa amin. Napatayo kami at kapwa kinakabahan sa sasabihin ng doktor. Wala naman sigurong problema kay Mama 'di ba? Siguro ay nanghina lang siya kaya siya 'di makahinga 'di ba?

Positivity is spreading all over my mind at ang tanging hinihiling ay maayos lang si Mama.

"May sakit po ba si Mama?" tanong ni Ate at napapansin ko ang panginginig ng kamay niya.

"Magiging honest ako sa inyo mga hija. Ang kondisyon ng nanay niyo ay malubha na," sabi ng doktor.

Lalo akong kumabog ang dibdib ko dahil sa narinig. Napahigpit ang kapit ko sa bakal na railings ng hospital bed.

"A-ano pong sakit niya?" nanginginig na tanong ni Ate at pilit na pinipigilan ang pagtulo ng mga luha niya sa mata. 

Kagaya ni Ate Lucy ay takot akong mawala si Mama. Siya na lang ang meron kami ngayon simula nang mamatay si Papa dahil sa aksidente. Kaya kung ano man ang sakit na meron si Mama ngayon ay gagawin namin ang buo naming makakaya para lang mapagaling siya, even if it is cost an arm and a leg. Or even our life.

"Your mother is diagnosed with Lung Cancer," diretsong saad ng doktor.

Hearing the result makes my heart beats rapidly and all of a sudden, everything just stops.

—————

"Sorry Beth, parang hindi ko ata kaya 'yong hinihingi mo. Masyadong strict si Dad pagdating sa money, eh. Pero kung may ibang bagay na pwede akong itulong, sabihin mo lang. Pero sa hinihingi mo, sorry talaga dahil hindi ko maibibigay eh," sabi niya na talagang ramdam ko ang panghihinayang sa tono ng pananalita.

Kausap ko si Irene ngayon. Matapos ang sinabi ng doktor kahapon ay nangangailangan daw ng malaking pera kung gusto pa daw naming makasama si Mama. It's a lifetime medication, and I don't know if makakaya namin ni Ate 'yon.

"Okay lang, salamat pa rin. Naiintindihan ko naman, Irene. Sige na, uuwi na ako, may pasok pa bukas." Nagpaalam na ako sa kanya at kumaway siya mula sa labas ng gate nila.

"Oo sige. Take care, Beth, balitaan mo na lang ako about sa condition ni Tita Ganda, ha," she said while waving her hand. Pumasok na ako sa taxi at kumaway din sa kanya bago ito umandar.

Wala na akong ibang paraan na alam para pagkuhanan ng malaking halaga ng pera.

Magpakawala ako ng buntong-hininga habang nakatingin sa bintana ng taxi. This is too much, I really need to unwind.

Nagpababa ako sa isang café. Pagkatapos magbayad ay pumasok na ako at um-order sa counter.

"Isang cappuccino nga, Miss," sabi ko sa babaeng nasa counter.

"Okay Ma'am, 5 minutes po for your order." May sinulat pa siya sa papel at ako naman ay humanap na ng mauupuan.

Napadpad ako sa isang upuan na katabi ng glass wall, kaya kitang-kita ko ang ganda ng mga liwanag sa labas na nagmumula sa mga tindahan at matataas na building. Isabay na din ang mga sasakyang nagpaparoon at nagpaparito. 

"Mind if I join you?" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko ang isang lalaking naka black cap, face mask, at shades.

Hindi pa man ako nakakasagot ay umupo na siya sa harapan kong upuan at tumingin din sa glass wall ng café. His voice seems familiar pero hindi ko mawari kung saan ko ba napakinggan. 

"I'm sorry? Did I know you?" I ask.

"Maybe."

Kahit naka face mask siya ay alam kong ngumisi siya. Wow ha! Lakas ng amats ng isang 'to. 

"Kung may kailangan ka Sir, pwede mo nang sabihin. Because I don't know you, and I don't talk to strangers," lakas loob kong sabi. I heard him laugh, pero mahina lang. Teka, may nakakatawa ba sa sinabi ko?!

"But you're talking to me, aren't you?" Binaling niya ang tingin sa akin. Ako naman ay tinaasan siya ng kilay at sarcastic na tumawa. 

"Pasalamat ka kahit mukha kang riding in tandem pinaupo kita," bulong ko sa hangin.

"Miss, I don't know you either. But don't you notice that the café is full and it just so happens that the empty seat is here. So, can I just wait for my order here and if you don't want to talk to me, I don't care," wika niya habang inililiyad pa ang kaliwang kamay sa paligid.

Napatigil ako sa pagtawa at napalinga sa paligid. At doon ko lang napansin na puno na nga ang café. Namula ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Ano na lang sasabihin ng lalaking ito? Assumerang frog ako? Feelingera? Hampas lupa?

"Here's your cappuccino, Ma'am." 

Mabuti na lamang ay dumating na ang waitress na dala ang baso ng kape ko.

"Thank you," sagot ko at kaagad na humigop sa kape. Nagkunwari na lang akong hindi ko nakikita ang lalaking ito. 

"Sir, your order." Kasunod lang ng order ko ang sa kanya at bago pa man ito ilapag ay tumayo na siya at naglakad papalabas ng café.

Oh thank God, akala ko may balak pa siyang magtagal. 

Habang abala ako sa pag-inom ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa bag kaya binaba ko muna ang iniinom kong kape at saka iyon kinuha. 

From: Ate Lucy

[Nakauwi ka na ba? Magluto ka na lang ng kakainin mo mamaya, ha. May mga stock pa naman d'yan, baka bukas na ako makauwi. Babantayan ko pa si Mama.]

Nagtipa ako agad sa aking CP para ireply sa text ni Ate.

To: Ate Lucy

[No problem Ate, kaya ko na sarili ko. Pauwi na din ako.]

Nilagay ko na ang phone ko sa bag at saka na ako tumayo at lumabas ng café.

Gabi na din at kailangan ko na ngang umuwi, baka mamaya may akyat-bahay na sa amin, nakawin lahat ng gamit. 

Medyo malayo ang paradahan ng jeep kaya kinailangan ko pa itong lakarin. Hindi naman ako nabagot sa paglalakad dahil nakikita ko ang ganda ng paligid kapag gabi. Maliwanag ang mga ilaw ng bawat tindahan at ang langit na namumutiktik sa mga bituin.

"Relaxing," I whispered while gulping my coffee.

Sa di kalayuan ay may natatanaw akong tumatakbo... papalapit sa akin?

Napatingin ako sa likod ko upang tingnan kung may tao ba doon pero wala naman. Pagbaling ko ng tingin sa harapan ay ilang metro na lang ang layo niya at nang makalapit ay bigla niya akong hinila sa may eskenita kaya nahulog ang kape ko sa kalsada.

Walanjo! Hindi ko pa nakakalahati 'yon!

Sinandal niya ako sa pader. Teka, parang ito 'yong lalaki sa café kanina ah, pero wala na siyang face mask at ang shades niya ay nakasabit na sa damit niya. Paano ko nalaman na siya? Napansin ko kasi ang suot niyang damit.

"Ikaw na naman—" pasigaw ko 'yong sinabi at 'di pa man tapos ang sasabihin ko ay tinakpan niya ang bibig ko.

"Be quiet," sabi niya sa pabulong na paraan. Malikot din ang mga mata niya at mo'y may pinagtataguan.

"OMG! Did you see him?" sigaw ng isang babae.

"Hindi nga eh, pero ang alam ko nakita ko siyang tumakbo papunta dito," sigaw ng pangalawang babae.

"Ano ba 'yan?! Nasaan na ba siya?" nanghihinayang na saad ng pangatlong babae.

"Kenzo, Babe! Nasaan ka na?!" sigaw ng huling babae.

Dinig ko silang nagsisigawan at pakiramdam ko ay malapit na sila sa pwesto namin. At ano daw? Kenzo? Sinong Kenzo?

Tinanggal niya ang pagkakatakip sa bibig ko at lumingon sa pinanggalingan ng sigaw ngunit mabilis lang iyon at muling bumaling sa 'kin. 

"Sh*t, they're here," mahina niyang mura at hindi magkanda-ugaga sa pauli-uling lakad sa aking harapan at ani mo'y nag-iisip ng gagawin.

Hanggang mag-sink in sa utak ko lahat ng nangyayari at napakinggan. Pinakatitigan ko ang taong kaharap ko ngayon. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa napagtanto.

"T*ngina, ikaw si Kenzo Navar—," naputol ang sasabihin ko.

Oh. My. God.

H-he's a jerk! H-he kiss me!

Nakatalikod siya sa daan kaya kitang-kita ko ang mga babaeng nagtakbuhan papalampas sa amin. Nang makalayo na sila ay saka niya lang ako binitawan.

"That was close," sabi niya habang nakapamewang at nililingon pa ang mga babae kanina. Ako naman ay nanatiling nakatulala sa kanya at hindi makapaniwala sa naganap kani-kanina lang.

"By the way thanks, and yes. I am Kenzo," he said while showing his perfect teeth.

"K-kenzo Navarro?" kandautal kong tanong.

"The one and only." He wink at me at ako naman ay namumula nansa galit habang madiin na magkalapat ang mga ngipin dahil sa ginawa niya.

He stole my first kiss! Ang pangarap kong first kiss ay sa isang romantic na lugar at hindi sa madilim na eskenitang puno ng b****a!

"G*go ka!" Kaagad ko siyang sinugod ng hampas at sapak at siya ay walang magawa kung hindi ang umilag.

"Hey! Stop! Miss, calm down! I said stop!" todo sigaw siya at pilit dinedepensahan ang sarili laban sa mga hampas ng bag ko sa kanya.

Hindi ako nagpatinag at patuloy pa din ako sa paghampas sa kanya. Sa lakas ng paghampas ko ay natapon lahat ng laman ng bag ko dahil sa pagbukas nito. Nakalimutan ko palang i-zipper kanina.

"Argh! Kapag minamalas ka nga naman, oh!" Nilimot ko ang mga naglaglagan kong gamit at pinasok sa bag.

Tinulungan niya pa akong limutin iyon at tumayo na ako agad nang sa tingin ko ay nailagay ko na lahat. Walang paalam na tumakbo ako palayo sa kanya. Gusto ko nang umuwi, sunod-sunod na kamalasan na ang nangyayari sa akin. Hindi naman Friday the 13th ngayon, pero why?!

Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko at may sinabi pa pero hindi ko na siya nilingon.

This is definitely the worst day ever!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status