Lizabeth's POV
"Aish! Ano ba 'yan?! Project, project, puro na lang project! Gusto ba talaga nilang matapos ang school year na 'to na nakikita tayong nahihirapan?!" wika ni Weslynn na halos mayupi na ang gunting sa higpit ng pagkakahawak habang nandito kami ngayon sa gym at nagtutulungan sa group project namin.
"Hey, Weslynn, relax," saad naman ni Irene na kalmado lamang na naggugupit ng colored paper.
"'Di bale sana kung magte-teacher tayong lahat, 'di ba? Para naman maibalik natin sa mga estudyante 'yong hirap kaso hindi!" saad muli ni Weslynn at itinaktak ang glue sa isang papel at mukhang doon niya binubuhos ang galit niya. Hindi man lang niya pinansin ang sinabi ni Irene.
"Part naman ng life natin ang mahirapan. Kaya tiis-tiis lang kayo." Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Kevin.
"Basta magkakasama tayo, kaya natin 'to. 'Wag kayong mawalan ng lakas ng loob
(Continuation of chapter 22) Lizabeth's POV "Welcome sa show ko, Mr. and Mrs. Navarro. Grabe, napaka ingay ng pangalan niyo sa mundo ng showbiz at social media. So, naisip kong gawin ang interview na 'to para sa mga fans niyo na gusto pa kayong makilala," wika ng bakla na kung hindi ako nagkakamali ay si Vince Ganda. "Masaya din po kami ng asawa ko na na-invite kami sa show na ito," tugon naman ni Kenzo at talagang hinawakan pa ang kamay ko. Lihim namang napaikot ang mata ko. Ang plastic talaga, grabe. "So, marami nang nakakakilala sayo, Kenzo. Kaya ngayon, si Mrs. Navarro muna ang i-interview-hin ko, curious din kasi ang mga taga-hanga ng love team niyo about sayo, Liza." Ngumiti naman ako bilang tugon pero ang totoo ay binabanas ako sa pagkakahawak ng kamay ni Ken sa akin. "First question, saan ka originally nakatira?"
Lizabeth's POV "Saan ka ba nagpunta kahapon? Bigla ka na lang nawala akala namin na-kidnap ka na," wika ni Kevin habang sabay-sabay kaming naglalakad na apat papaakyat sa hagdan. "Oo nga, ang akala tuloy ng prof natin nag-cutting class ka," saad naman ni Weslynn. "And you also didn't reply to my text," naiiritang banggit ni Irene. Nagpakawala ako ng buntong hininga at saka tumigil sa paglalakad. Nakatingin lamang silang tatlo sa 'kin at hinihintay ang paliwanag ko sa mga sinabi. "First of all, hindi ako nag-cutting class. Second, hindi ako na-kidnap. Third, hindi ako nakapag-reply sayo, Irene dahil naubusan ako ng load. At ang sagot sa tanong na kung saan ako nagpunta, bigla kasi akong nahilo kaya naisipan kong umuwi na lang muna." "Sinong kasama mo?" tanong ni Weslynn. "W-wala," pagsisinungaling ko naman. &nbs
(Continuation of chapter 23) Lizabeth's POV Habang papalapit ako nang papalapit sa kanyang silid ay doon na nagtaasan ang balahibo ko nang marinig ang sunod-sunod na ungol. "Hmm... yes." "Oh..." Nang makarating sa harap ng pinto ay nanginginig pa ang mga kamay ko habang inaabot ang seradura ng pinto. Pinagdadasal ko na sana ay mali ang hinala ko. Pinihit ko na ang pintuan at saka ako sumilip sa maliit na siwang nito. Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang isang babaeng walang saplot at nakapatong sa ibabaw ni Kenzo na kapwa wala ding suot na kahit ano. Nilakihan ko ang bukas ng pintuan. "Mga hayop kayo!" Doon na sila parehong napatigil sa ginagawang milagro at saka napatingin sa direksyon ko. Mahigpit ang pagkakakuyom ng aking mga kamao habang nanginginig
Lizabeth's POV Ilang Linggo na din ang nakalipas simula nang mahuli kong may kasamang babae si Kenzo sa kwarto niya pero hanggang ngayon ay hindi pa din kami nagkakaayos. Kabi-kabila din ang TV guesting na dinadaluhan namin at may nag-aalok pa nga sa akin na maging artista din pero tinatanggihan ko ito. Kay Kenzo pa nga lang ay ang dami ko ng kamalasang nararanasan tapos papasukin ko pa ang impyerno ng buhay niya? "Beth, matanong ko nga, bakit napapadalas ata ang pag-absent mo, ha? Halos hindi ka na pumasok, minsan half day, minsan late ka pa. Ano bang nangyayari sayo?" tanong ni Kevin. Kasama ko silang tatlo ngayon dito sa cafeteria at kumakain ng recess. Napapadalas na din ang pagliban ko dahil sa mga biglaang guesting namin ni Kenzo. "Oo nga, may sakit ka ba?" dagdag naman ni Weslynn. "Wala, medyo sumasama lang talaga ang pakiramdam
(Continuation of chapter 24) Third Person's POV Matapos ang taiping nila Kenzo ay binigyan sila ng one hour lunch break. Habang kumakain sila Kenzo at Lloyd ay hindi maalis sa isip niya ang isang bagay. "Ken, ang lalim ata ng iniisip mo," wika ni Lloyd na napansin din pala ang pagkatulala ng kaibigan. "Lloyd, what's a good surprise to a woman?" Tinapunan niya ng tingin ang kaibigan na abala sa pagkain. Kumunot naman ang noo ni Lloyd. "Bakit ba ako ang tinatanong mo? Mukha ba 'kong babae?" pamimilosopo naman niya. "Sagutin mo na lang, pwede ba?" Sa huli ay wala nang nagawa si Lloyd kundi ang mag-isip ng isasagot sa tanong nito. Minsan ay naiinis na din siya sa kaibigan slash boss niya pero dahil parang kapatid na din ang turing niya dito ay nakakapagtimpi pa naman siya. "Hmm... kung
Lizabeth's POV "Mabuti naman at absent 'yong lalaking 'yon. Dapat nga mag transfer na lang s'ya!" inis na usal ni Weslynn habang nagsusulat ng notes sa notebook niya. Absent kasi ngayon si Luis dahil busy daw, ito namang tatlo kong kasama, tuwang-tuwa at hindi na naman nila makikita ang pagmumukha no'n. Hindi ko lang kasi maintindihan ang tatlong ito na kung bakit sa sobrang tagal na ng panahon, 'yong sa amin ni Luis ay hindi nila makalimutan. Ako naka move-on na pero sila dinadamdam pa din. "Bakit ba hindi na lang kayo maging nice sa kanya? Wala namang ginagawang masama sa inyo 'yong tao," saad ko naman. "No, no, no! Sinong may sabing wala siyang ginagawang masama sa amin? Heller, may atraso pa siya 'no!" tugon naman ni Irene na nakataas pa ang kilay. Napakunot ang noo ko dahil doon. "Ano naman?" tanong ko. &n
(Continuation of chapter 25) Lizabeth's POV Recess na namin ngayon at hindi din ako makapaniwala na nasa iisang klase lang din pala kaming apat. Mag-isa 'ko ngayon ditong kumakain nang biglang may sumulpot na babae sa aking harapan. "Paupo ako, ha." Namukhaan ko ito agad, siya 'yong babaeng muntik nang sampalin no'ng babaeng maarte. "Ah, eh, oo naman. W-wala namang nakaupo d'yan," tugon ko. "Kevin." Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin kaya naman tinanggap ko naman ito agad. "Lizabeth, Beth na lang." Pagkatapos naming mag-shake hands ay nagsimula na din kaming kumain. Kung titingnan mong mabuti si Kevin ay napaka simple lamang niya. Wala din akong nakikitang arte sa kanya. Medyo boyish nga lang. "Pwede magtanong?" wika ko. "Ano 'yon?" "T-tomboy ka ba?"
Lizabeth's POV "So, you're still talking to Luis, aren't you?" "Ano bang sinasabi mo d'yan? At saka cellphone ko 'yan, bakit mo pinapakeelaman?" Hinila ko mula sa kanyang kamay ang phone ko at hindi naman siya pumalag ngunit masama pa din ang tingin niya sa akin. Sasabihin ko ba o hindi? At saka bakit ba 'ko matatakot, eh wala naman akong ginagawang masama? Nagpakawala ako ng buntong-hininga at saka umupo sa tabi niya. "Relax ka lang, pwede ba? Ano bang nakita mo at mukha ka d'yang leon?" mahinahon kong tanong. "Nag-ring kasi 'yang phone mo kanina kaya na-curious ako kung sinong tumatawag sayo. Si Luis pala." Umiwas siya ng tingin at saka humalukipkip. Tiningnan ko naman ang screen ng phone ko at tama nga ang sinabi niya, may missed call nga dito. "Wala na kaming relasyon ni Luis. We're now friends so