Lizabeth's POV
Ilang Linggo na din ang nakalipas simula nang mahuli kong may kasamang babae si Kenzo sa kwarto niya pero hanggang ngayon ay hindi pa din kami nagkakaayos.
Kabi-kabila din ang TV guesting na dinadaluhan namin at may nag-aalok pa nga sa akin na maging artista din pero tinatanggihan ko ito. Kay Kenzo pa nga lang ay ang dami ko ng kamalasang nararanasan tapos papasukin ko pa ang impyerno ng buhay niya?
"Beth, matanong ko nga, bakit napapadalas ata ang pag-absent mo, ha? Halos hindi ka na pumasok, minsan half day, minsan late ka pa. Ano bang nangyayari sayo?" tanong ni Kevin.
Kasama ko silang tatlo ngayon dito sa cafeteria at kumakain ng recess. Napapadalas na din ang pagliban ko dahil sa mga biglaang guesting namin ni Kenzo.
"Oo nga, may sakit ka ba?" dagdag naman ni Weslynn.
"Wala, medyo sumasama lang talaga ang pakiramdam
(Continuation of chapter 24) Third Person's POV Matapos ang taiping nila Kenzo ay binigyan sila ng one hour lunch break. Habang kumakain sila Kenzo at Lloyd ay hindi maalis sa isip niya ang isang bagay. "Ken, ang lalim ata ng iniisip mo," wika ni Lloyd na napansin din pala ang pagkatulala ng kaibigan. "Lloyd, what's a good surprise to a woman?" Tinapunan niya ng tingin ang kaibigan na abala sa pagkain. Kumunot naman ang noo ni Lloyd. "Bakit ba ako ang tinatanong mo? Mukha ba 'kong babae?" pamimilosopo naman niya. "Sagutin mo na lang, pwede ba?" Sa huli ay wala nang nagawa si Lloyd kundi ang mag-isip ng isasagot sa tanong nito. Minsan ay naiinis na din siya sa kaibigan slash boss niya pero dahil parang kapatid na din ang turing niya dito ay nakakapagtimpi pa naman siya. "Hmm... kung
Lizabeth's POV "Mabuti naman at absent 'yong lalaking 'yon. Dapat nga mag transfer na lang s'ya!" inis na usal ni Weslynn habang nagsusulat ng notes sa notebook niya. Absent kasi ngayon si Luis dahil busy daw, ito namang tatlo kong kasama, tuwang-tuwa at hindi na naman nila makikita ang pagmumukha no'n. Hindi ko lang kasi maintindihan ang tatlong ito na kung bakit sa sobrang tagal na ng panahon, 'yong sa amin ni Luis ay hindi nila makalimutan. Ako naka move-on na pero sila dinadamdam pa din. "Bakit ba hindi na lang kayo maging nice sa kanya? Wala namang ginagawang masama sa inyo 'yong tao," saad ko naman. "No, no, no! Sinong may sabing wala siyang ginagawang masama sa amin? Heller, may atraso pa siya 'no!" tugon naman ni Irene na nakataas pa ang kilay. Napakunot ang noo ko dahil doon. "Ano naman?" tanong ko. &n
(Continuation of chapter 25) Lizabeth's POV Recess na namin ngayon at hindi din ako makapaniwala na nasa iisang klase lang din pala kaming apat. Mag-isa 'ko ngayon ditong kumakain nang biglang may sumulpot na babae sa aking harapan. "Paupo ako, ha." Namukhaan ko ito agad, siya 'yong babaeng muntik nang sampalin no'ng babaeng maarte. "Ah, eh, oo naman. W-wala namang nakaupo d'yan," tugon ko. "Kevin." Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin kaya naman tinanggap ko naman ito agad. "Lizabeth, Beth na lang." Pagkatapos naming mag-shake hands ay nagsimula na din kaming kumain. Kung titingnan mong mabuti si Kevin ay napaka simple lamang niya. Wala din akong nakikitang arte sa kanya. Medyo boyish nga lang. "Pwede magtanong?" wika ko. "Ano 'yon?" "T-tomboy ka ba?"
Lizabeth's POV "So, you're still talking to Luis, aren't you?" "Ano bang sinasabi mo d'yan? At saka cellphone ko 'yan, bakit mo pinapakeelaman?" Hinila ko mula sa kanyang kamay ang phone ko at hindi naman siya pumalag ngunit masama pa din ang tingin niya sa akin. Sasabihin ko ba o hindi? At saka bakit ba 'ko matatakot, eh wala naman akong ginagawang masama? Nagpakawala ako ng buntong-hininga at saka umupo sa tabi niya. "Relax ka lang, pwede ba? Ano bang nakita mo at mukha ka d'yang leon?" mahinahon kong tanong. "Nag-ring kasi 'yang phone mo kanina kaya na-curious ako kung sinong tumatawag sayo. Si Luis pala." Umiwas siya ng tingin at saka humalukipkip. Tiningnan ko naman ang screen ng phone ko at tama nga ang sinabi niya, may missed call nga dito. "Wala na kaming relasyon ni Luis. We're now friends so
(Continuation of chapter 26) Lizabeth's POV "Good afternoon, Mr. and Mrs. Navarro. Humihingi po kami ng paumanhin dahil sa biglaang interview na ito sa inyo. May nag-send po kasi sa amin ng signal na today na ang interview para sa inyo. Pero 'wag po kayong mag-alala, thirty minutes lang naman," wika ng isang babaeng nakasuot ng white blouse na halos nipple na lang ang tinatakpan. Nakapalda siyang itim at stockings tapos black shoes. Nakasuot din siya ng black framed eyeglasses at naka braid naman ang mahaba niyang buhok. "It's okay," tugon naman ni Kenzo at ngumiti dito. Nagkatitigan pa silang dalawa ng ilang segundo. Pinakatitigan ko ang mukha ng babae, parang namumula pa ito. Teka, kinikilig ba siya? "Ehem, baka naman pwede na tayong magsimula, Miss? We're both busy so please make this fast." Ayaw ko mang magtunog suplada pero naiinis ako sa hitsur
Lizabeth's POV "Isang pink lemonade, milktea na taro, wintermelon, at lichee flavor." Inililista ng waiter sa isang maliit na papel ang lahat ng sinasabi ni Irene at saka na ito umalis. Imbis na sa school ang punta ay dito ako dinala ng tatlo sa pinaka malapit na tea shop. Nasa harap ko si Weslynn at Irene habang katabi ko naman si Kevin. "So, pwede bang i-explain mo sa amin ang nangyayari? Kung bakit nasa mansyon ka ni Kenzo Navarro, ang sikat na artista, at kung anong ginagawa mo doon?" wika ni Welsynn na imbis na nakatutok sa cellphone ay naka focus din sa akin. Itatanggi ko pa ba? Nakita na nila eh, caught in act na 'ko imposibleng maniwala pa sila sa alibi ko. Siguro ito na nga ang tamang oras para malaman nila ang katotohanan. "First of all, ipangako niyo munang lahat ng malalaman niyo ay mananatili lang sa ating tatlo," seryoso kong s
(Continuation of chapter 27) Lizabeth's POV "Pasensya na kayo sa inasal ko kanina. Ayaw ko lang kasi na may ibang taong tumutungtong sa mansyon lalo na kung walang permiso ko," mahinahong wika ni Kenzo. Kumakain na kami ngayon ng hapunan kasama pa din ang mga kaibigan ko. Akala ko nga ipapakaladkad niya palabas kanina sila Irene nang makita niya kaming magkakasama sa lobby. Mabuti na lang ay kumalma siya nang sabihin kong mga kaibigan ko sila. No'ng una ay medyo nainis siya pero sa huli ay wala na siyang nagawa kundi ang kilalanin sila Irene, Welsynn, at Kevin. "O-okay lang, ano ka ba?! A-ang gwapo mo pala talaga sa personal," saad ni Irene habang hindi maalis ang tingin kay Kenzo. Kanina din ay parang natuod sila sa kinatatayuan nang lumapit na sa kanila ang lalaking 'to. Hindi ko na ata mabilang sa daliri sa kamay at paa kung ilang beses nilang binanggit
Third Person's POV "Argh! Bakit ba kasi hindi pa maghiwalay ang dalawang 'yan?!" Hinawi lahat ni Allyson ang mga gamit sa kanyang lamesa kaya nahulog itong lahat sa sahig at ang iba ay nabasag. Padabog itong umupo sa couch at saka napamasahe sa sintido niya. "Destroy all you can, Ally." Sa harap naman niya ay nakaupo si Luis habang abala sa pagbabasa ng libro. Naka-dekwatro pa ito. "Para namang walang nangyayari sa ginagawa natin, Luis! Akala ko ba maayos na kayo ni Lizabeth?" Sinarado ni Luis ang binabasang libro at saka ito inilapag sa lamesa. Walang emosyon niyang tiningnan ang dalaga na kanina pa namumula ang pisnge dahil sa galit. "Yes, we are. Pero parang iniiwasan naman niya 'ko," tugon nito. Napairap na lang ang babae at kumuha ng sigarilyo mula sa drawer sa ilalim ng center table. Sinindihan naman niya ito ng