Lizabeth's POV
"Who's that girl?" tanong ng batang babae na kung hindi ako nagkakamali ay Raen ang pangalan.
Lahat sila ay napatingin sa direksyon ko nang magsalita si Raen. Ang kanyang ama ay kagaya ng anak niyang babae, walang kaemo-emosyon ang mukha. Habang ang ina naman niya ay napaka lawak ng ngiti at hindi mo aakalaing may dalawang anak na dahil sa sobrang ganda.
"Finally, she's here." Tumayo si Kenzo mula sa kinauupuan at saka lumapit sa akin at inakbayan ako.
"Mom, Dad, this is Lizabeth, my wife."
Pilit akong ngumiti sa kanila at saka ako kumaway. Tumayo si Tita Kendra at saka lumapit sa akin. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa, niyakap niya 'ko.
"Wow, mapa-letrato at personal, napaka ganda mo pala talaga, hija."
Naaamoy ko ang napaka bango niyang pabango. Pati ang buhok niya ay talaga namang nakakahumaling ang amoy. Ku
(Continuation of chapter 33) Lizabeth's POV "Grabe, sinabi niya talaga 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ni Weslynn. Niyaya ko sila dito sa mansyon, tutal ay Linggo naman. Nandito kami sa sala at kakatapos lamang naming mag-aral. Naikwento ko sa kanila ang nangyari kaninang umaga at talaga nga namang maging sila ay nagulat. "Oo, at saka 'yong daddy ni Kenzo, parang suplado," pabulong kong sabi sa kanila at baka marinig ng ibang tao. Mahirap na, nasa iisang mansyon lang kami. Mabuti na nga lang at nasa kwarto nila si Tito Enzo at si Raen. "Tsk, may pinagmanahan naman pala," umiiling-iling pang tugon ni Kevin. "Basta kapag kailangan mo ng resbak laban d'yan sa Raen na 'yan, tawagan mo lang kami at tuturuan namin ng leksyon 'yan." Ngiti na lamang ang tinugon ko sa sinabi ni Irene. Sa aming apat, siya talaga ang pinaka palaban. War freak b
Lizabeth's POV Ilang araw din ang nakalipas matapos ang pag-uusap namin ni Raen at hindi na 'yon nasundan pa. Madalas ay nagkukulong lamang siya sa kwarto o kung minsan ay nagpupunta sa library. Si Tito Enzo naman ay madalas nasa opisina ni Kenzo. Doon siya pansamantalang nag-aasikaso ng bussiness nila. Kahit nasa Pilipinas na ay hindi pa din nila makalimutan pansamantala ang tungkol sa trabaho. Tanghali na at kakatapos ko lang maka video call ang mga kaibigan ko dahil ikinuwento nila sa akin ang napag-aralan kaninang umaga. Bumaba na ako sa hagdan ngunit napahinto ako nang may maamoy akong mabango mula sa kusina. Sinundan ko ang amoy at pagtungtong ko sa pintuan ng kusina ay nakita kong nakasuot ng apron si Tita Kendra habang naghahalo sa isang kasirola. "Wow! Anong niluluto dito?" Napalingon silang lahat sa akin maging si Tita Kendra ay nakangiting bumal
(Continuation of chapter 34) Lizabeth's POV Kumatok ako sa pintuan ng kwarto ni Raen. Nagprisinta ako na, ako na ang magdadala ng cookies at gatas ni Raen ngayong gabi. Tutal ay abala din ang ibang kasambahay sa mga ginagawa at nagpapahinga na din si Tita Kendra kasama ang asawa niya. Maya-maya ay nagbukas ang pinto at bumungad sa akin ang blangkong mukha ni Raen habang nakasuot ng rabbit na pair ng pajama. Ngumiti ako sa kanya kahit na para akong may kausap na hangin. "Ah... ito na ang cookies at milk mo," saad ko. Hindi niya 'ko sinagot at sa halip ay pumasok na siya ulit sa silid at iniwang bukas ang pinto. Sumunod naman ako sa kanya at saka ko ipinatong ang tray na dala ko sa side table ng kama niya. Napansin ko ang laptop sa kama niya at may naka-flash doong letrato. Napasilip naman ako doon at nakita ko ang picture nilang pamilya. Napansin niya sigurong nakatingi
Lizabeth's POV "Anong ginagawa mo dito, Allyson?" "Hello, Liza. I'm here for my friend," nakangiti naman niyang tugon. Kahit sobrang ganda niya, halata namang plastic lang. Mahina akong natawa. "Wala kang kaibigan dito. At kung hinahanap mo si Kenzo, kanina pa siya nakaalis." "Ally!" Sabay kaming napalingon sa may bandang hagdan nang sumigaw doon ang isang pamilyar na boses ng babae. Si Raen. Tumakbo siya papalapit kay Allyson at saka ito niyakap ng mahigpit. "OMG! I miss you!" Niyakap naman pabalik ni Allyson si Raen na bihis na bihis. Nakasuot siya ng floral blue dress at saka light blue na sandals. May nakasukbit namang Louis Vuitton na bag sa kanyang balikat. "M-magkakilala kayo?!" Nanlalaki pa din ang mga mata ko habang pinagmamasdan silang magyakapan at mag-usap. "Yes! At hind
(Continuation of chapter 35) Lizabeth's POV Para akong zombie na naglalakad ngayon patungo sa banyo. Kakagising ko lang at nakita ko sa orasan na six thirty-eight na ng gabi. Kahit papaano ay nakalimutan ko ang sakit sa puso ko nang makatulog ako kanina. Pagharap ko sa salamin ng banyo ay doon ko napansin ang mugto kong mga mata dahil sa labis na pag-iyak. Maging ang buhok ko ay magulo na din. Naghilamos na ako at nagsipilyo. Nang masiguro ko na maayos na ang hitsura ko ay binuksan ko na ang pinto ngunit nagulat ako nang may nakitang nag-aabang pala sa labas nito. "Kenzo... a-anong ginagawa mo d'yan?" mahina kong tanong ngunit sa ibang direksyon ako nakatingin. Ayaw ko siyang titigan sa nga mata, lalo lang akong nasasaktan. "May pupuntahan tayo, magbihis ka." "S-saan?" "Basta, halika—" Akmang hihilain na niya
Lizabeth's POV Pagbalik ko ng mansyon ay mukhang nasa dining ang mga tao dahil napaka tahimik sa lobby. Kaagad akong umakyat papunta sa kwarto namin ni Kenzo at nag-impake. Kailangan kong magmadali, sigurado akong sa oras na maabutan niya 'ko dito ay hindi na niya ko papalabasin. Ang mga kinuha ko lamang ay ang mga dati ko pang damit noon. Iniwan ko lahat ng mga binili sa akin ni Kenzo, pati na ang mga sapatos at bags ay hindi ko na isinama sa maleta ko. May naramdaman akong mabalahibong bagay sa aking paanan nang sinasarado ko na ang maleta. Pagtingin ko doon ay si Lizenzo pala. "L-lizenzo." Kinarga ko siya at saka ko siya niyakap habang inaamoy-amoy. Gising na pala siya, palagi lang kasi siyang natutulog tapos mag-iingay kapag nagugutom. "Aalis na 'ko, ha. Ikaw na ang bahala kay Kenzo. Sana alagaan ka niya, magpakabait ka sa kanya, ha." May konting luha ang lumabas sa mga mata
(Continuation of chapter 36) Lizabeth's POV "Ma! Ate!" Sa huli ay naisipan kong umuwi na lamang kanila Mama, mabuti na lang at may dumadaan pa ding sasakyan kaya mabilis akong nakarating. Bumukas ang pinto ng bahay at inuluwa no'n si Ate na hindi makapaniwalang makita ako. "Beth?" Tumakbo siya papalapit sa gate at binuksan ito. Sandali kaming nagkatitigan. Gano'n pa din ang hitsura niya, halata sa kanyang mukha na puyat siya. Mukhang subsob siya sa trabaho nitong mga nakaraang araw. Maya-maya ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at naibagsak ko ang maleta ko. Niyakap ko siya ng sobrang higpit at doon ko ibinuhos ang luha ko. Sa lahat ng taong nakilala ko, sila lang ni Mama ang tunay na nakakaintindi sa nararamdaman ko. "Shh... bakit ka umiiyak, bunso? 'Wag ka ng umiyak, nandito na si Ate." Hinaplos niya ang likod ko na lalong na
Lizabeth's POV "Final na ba 'yang decision mo na 'yan, Beth?" tanong sa akin ni Irene habang inaayusan siya ng make-up artist. "H-hindi ko din alam, Irene." Nagpakawala ako ng buntong hininga. Graduation day na namin, maya-maya lamang ay magsisimula na ang ceremony pagkatapos naming maayusan. Wala pang masyadong tao sa school at ang iba ay naglilinis ng area kung saan magaganap ang seremonya. "Hay, naku girl! Bakit ba kasi pinapahirapan mo ang sarili mo? Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya na mahal mo din siya para naman happily ever after na kayo?" "Kung gano'n nga lang kadali, Irene ay ginawa ko na. Kaso sa lahat ng love story hindi nawawala ang mga villains." "'Yong daddy ba niya?" Hindi ako sumagot kaya mukhang nalaman na niya ang ibig kong sabihin. "Alam mo, Beth. Kapag mahal mo ang isang tao, ipaglala