Share

Chapter 4

Lizabeth's POV

Pagkatapos ng klase ko ay pumunta muna ako saglit sa ospital para bisitahin si Mama. Nag-aabang ako ngayon ng taxi papuntang café. Nagdadalawang isip pa ako kung sisipot ba ako o i-indianin ko na lang si Kenzo.

Pero, kasi naman 5 million na 'yon girl, tapos magbubuhay reyna pa ako sa loob ng tatlong buwan, choosy pa ba? At saka si Kenzo Navarro ang magiging asawa ko! But honestly I'm not interested in that man, but also think about all the benefits I can get. 

Nang may huminto ang taxi ay kaagad akong sumakay doon. Ito na talaga, wala ng atrasan.

Nang makarating sa tapat ng café ay nagbayad na ako sa driver.

Pagkababa ay nakita ko na agad ang pigura ng isang lalaking akala mo back up dancer ni kamatayan. Naka all black ba naman from head to toes.

Humugot muna 'ko ng malalim na hininga bago pumasok. This is it pansit.

—————

"Sign this contract and you'll be living as a queen in 3 months," wika niya sa aking harapan.

I was dumb founded while looking at the piece of paper na may nakasulat na kontrata. Pipirmahan ko ba? Kapag pinirmahan ko ito ay mapapagamot ko na si Mama, pero kapalit naman nito ay pagbebenta ko sa sarili ko sa isang artista. Well nah, hindi naman siguro benta, parang renta lang kasi tatlong buwan lang naman, pero kahit na!

Nag-aalinlangan man ay kaagad kong kinuha ang ballpen at pinirmahan ang kontrata sa lamesa. Sa pagkakataong ito, mas matimbang ang buhay ni mama kaysa sa delikadesa ko. Mahal ko siya at gusto ko pa siyang mabuhay ng matagal.

Matapos kong pirmahan ay ibinigay ko na ito sa kanya. He was just looking at the contract with a playful smile na kinabubwisitan ko.

"Very well, so tomorrow we will start. Pack your things up and starting tomorrow, you will be known as..." Sandali siyang tumigil sa at tinitigan ako sa mga mata. 

"Lizabeth Villanueva Navarro."

Nagtaas ako ng kilay habang nakatingin sa kanya. Wow ha! So, pati pala pangalan ko may balak siyang pekeen. Humalukipkip ako saka sumandal sa upuan.

"Bakit pati epilyido mo kailangan kong gamitin, aber?" sabi ko habang pinagmamasdan siyang ilagay ang contract sa isang envelop.

"Para mas makatotohanan, bakit, may mag-asawa bang magkaiba ang surname?" pamimilosopo niya.

"Okay fine. So, sa mansyon mo ba ako titira?" I asked.

"Yup," tipid na sagot niya.

Napaisip ako, kung sa kanya ako mags-stay ng tatlong buwan baka hanapin ako ni Ate sa bahay. Anong pwede kong idahilan? Mag-stay muna ako kay Irene ng tatlong buwan? G*go ba me? Para naman akong pinalayas 'non. Hala bahala na nga.

"This is your order Sir, Madam." Nilapag ng isang waitress ang dalawang tasa ng kape sa lamesa.

Om-order na pala siya bago pa ako makarating. Aba inferness alam niya ang favorite coffee ko.

"So gusto ko lang iklaro Kenzo. Sabihin na nating napaniwala natin sila na mag-asawa talaga tayo, paano iyon? Pagkatapos ng tatlong buwan, imposibleng hindi sila magtanong." I watch him how he sip in his coffee then look at me while smirking and shaking his head.

"Edi sabihin natin nag-divorce tayo," simple niyang sagot na parang ang dali lang ng sinabi niya.

"Wow ha! Gano'nn lang ba kadali 'yon? Kenzo artista ka, hindi isang simpleng tao—" He cut my words.

"Shh... you're too loud, nasa public tayo." I shut my mouth then linga-linga sa paligid kung may nakarinig ba. Pero parang wala naman.

"Don't worry, bago ko pa simulan ang kasunduang ito meron na akong plano. Just go with the flow and in the end pareho tayong makikinabang," he said.

Ang dami namang cheche bureche ng lalaking ito. Ang pinagtataka ko lang, bakit sa dami ng babae sa mundong ibabaw ay ako pa? Gano'n na ba ako kaganda para maging asawa ng artista?

"Aish! Sige sige. Kailan mo ibibigay yung pera?" Napailing ako sa mga walang kwentang bagay na naiisip ko.

"First thing in the morning, tomorrow you will get what you want. And I'll give you a warning Lizabeth, kung hindi ka sumunod sa kasunduan, I will make you suffer. Mark my words." Napalunok ako sa mga huli niyang sinabi.

Wala na talaga akong kawala, mahal ko ang buhay ko kaya gagawin ko na lang ang gusto niya kaysa maagang pumanaw. Marami pa akong pangarap sa buhay ko 'no. Tumayo na ako agad.

"Uuwi na ako. Gabi na din eh." Mahigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng bag ko.

"Hatid na kita—" I cut his words.

"Hindi, hindi 'wag na! Mag je-jeep na lang ako." Bago pa man siya makapagsalita ulit ay tumakbo na ako palabas. 

Parang di ko na kayang kausapin si Kenzo. Nabubwisit na 'ko sa pagmumukha niya.

—————

Pag-uwi ko ay pinagmasdan ko ang bahay mula sa labas. Malungkot na ito ngayon at wala ng maingay na babaeng nagbubunganga mula sa loob. 

Wala nang nagdidilig ng halaman sa labas sa hapon, nakikipag chismisan sa may gate. At babaeng naka curl ang buhok na nagwawalis ng bakuran.

Ilang araw pa lang na wala si mama, parang nawalan na ng buhay ang bahay namin. Dahan-dahan akong naglakad papasok sa gate at pagbukas ng pinto ay napaka tahimik sa loob.

Nilibot ko ang paningin sa buong kabahayan namin. Huling gabi ko na ito na matutulog dito at pagkatapos n'on ay tatlong buwan na ulit bago ako makapasok dito. 

Mami-miss ko ang lahat. Sala na puro alikabok ang sofa, lababo na puno ng hugasing plato, bintanang kulang na ang bubog ng jalosy, cr na makapigil hininga ang amoy, ref na puro tubig ang laman, ang kwarto ko na iba na ang amoy dahil hindi napapalitan ang mga punda ng unan at kumot, at syempre ang kisame naming naging bahay na ng gagamba.

Nagluto na ako ng hapunan at naligo bago na ako natulog, buti na lang walang pasok bukas dahil may gagawing program sa school. Hindi ako absent. Wala namang assignment pakokopyahin na lang daw ako ni Weslynn ng notes dahil wala talaga ako sa sarili kanina habang nagtuturo ang prof namin.

Natulog na ako pagkatapos mag empake, bukas magbabago na ang takbo ng lahat ng bagay. Maraming maaaring mangyari pero pinagdadasal ko na sana... sana makaya ko lahat.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status