Lizabeth's POV
"Po? Papasukin niyo na po ako, please. Estudyante po ako dito maniwala po kayo," pagmamakaawa ko habang hawak ang mga bakal sa gate ng school.
Umagang kay ganda. Kapag swerte ka, swerte ka talaga. Kaya nga nakikipag-away ako sa gwardya ng school namin na ayaw akong papasukin dahil wala daw akong ID.
Hashtag: Start your day with bad vibes.
I don't even know where I placed that fucking ID. Argh! Curse that ID! Mukhang absent talaga ako ngayon.
"Sorry Miss, pero no ID, no entry," sabi ni Ate guard habang tinatapik-tapik pa ang hawak na batuta.
Kung sino man ang nakaimbento ng lintik na batas na 'yan, mamatay na siya! Hindi na ako natutuwa. Padabog akong naglakad papalayo sa gate ng school. Wala na ding sense kung papasukin ako, late na ako.
Napaupo ako sa gilid ng kalsada habang namomroblema. So, paano na 'yan? Saan ako pupulutin nito? Kung hindi ko mahanap ang ID na 'yon ngayon, bukas ay mapipilitan akong mag over the bakod.
May tumigil na itim na kotse sa harapan ko kaya nabaling ang tingin ko doon. Sino 'to? Principal ba namin?
Bumaba ang bintana sa driver's seat at sa ngalan ng pangit naming Prof sa math, bakit nakita ko na naman ang lapastangang lalaki na ito?
"You look like a homeless school girl na napalayas sa bahay," patawa niyang sabi.
Nagdidilim ang paningin ko. Pigilan niyo ako, kung hindi babasagin ko ang mukha ng artistang ito.
"Bakit ka nandito?!" pasigaw kong tanong.
"Yesterday you left your ID that fell out of your bag. And now I seem to know why you’re here on the side of the road," wika niya.
Nanlaki ang mata ko at agad na napatayo at saka humawak sa may bintana niya.
"Nasaan na 'yong ID ko?!" nanggagalaiting tanong ko sa kanya. Sumasabay pa ang init ng araw sa init ng ulo ko.
"Wait, it's here calm down."
May kinakalkal siya sa likod ng upuan niya pero makalipas ang ilang minuto ay wala siyang nailabas na ID.
"Oh, I think I left it in my room," sabi niya na aktong nag-iisip pa. Tinaasan ko siya ng kilay.
"No wonder how you became a famous actor, Navarro," madiin kong sabi.
He laugh. Pinaningkitan ko siya ng mata. Konti na lang talaga at mapipilitan akong bigyan ng pabaon na black eye ang lalaking 'to.
"Don't be serious. Babalikan ko lang saglit, dito ka lang—." Pinutol ko ang sasabihin niya.
"Hephephep. Anong babalikan?! Tapos tatakasan mo 'ko? Mauuto mo lahat ng nanonood sayo pero hindi ako. Kung uuwi ka, sasama ako para sigurado." Pagmamatigas ko.
"That's it, just get on board," he said then tap something in the door.
Kaagad akong naglakad papunta sa passenger seat sa tabi niya at nagsimula na siyang magmaneho. Walang umiimik habang nasa byahe kami.
Hindi kami close 'no. At saka may atraso pa siya sa akin.
Maya-maya ay lumiko kami sa isang gate na pinagbuksan ng mga guard doon, patuloy lang siya sa pagmamaneho at ako ay nakatingin sa nadadaanan namin. Marami ditong puno at mukha siyang hasyenda sa sobrang laki.
"Wow!" Iyon na lamang ang nasabi ko habang patuloy sa pag-andar ang kotse.
Mga sampung minuto din bago kami huminto sa tapat ng isang mansyon. Maraming bodyguards sa labas at ang mga katulong ay isa-isang nagsilabas sa malaking pintuan ng bahay.
"Do you want to stay here or go with me inside?" tanong niya.
Hindi ako sumagot at nauna pa akong bumaba sa kanya sa kotse. Narinig ko pa siyang nagsalita bago ko isara ang pinto.
"Oh, she's rude," he whispered but I heard it.
Bumaba na din siya at naunang naglakad kaya sumunod na lang ako. Nag-bow sa kanya ang lahat ng maids at isa-isa silang pumasok no'ng nasa loob na kami ni Kenzo.
"Prepare some juice and cake. Bring it to my office," ika niya habang naglalakad pero huminto siya sa paglalakad at itinaas ang daliri.
"Make it for two person please." Agad na nagsikilos ang mga maids papunta sa kusina.
Wow ha, para siyang hari.
"Follow me," he commanded me.
As he said ay sinundan ko nga siya, habang naglalakad ay hindi ko mapigilang mamangha sa laki ng mansyon na ito. Ang ganda sa loob at bawat mga gamit ay halatang mamahalin. Umakyat kami sa hagdan at patuloy lang sa paglalakad nang huminto kami sa harap ng isang pinto at binuksan niya ito.
"Feel at home, Miss Villanueva," sabi niya at naunang naglakad papasok.
Hindi na ako nagtaka kung bakit alam niya ang pangalan ko. Of course he find it out through my ID.
Pagkapasok namin sa loob ay naupo siya sa swivel chair at itinaas ang paa sa lamesa.
"So, nasaan na ang ID ko para makaalis na din ako?" Nanatili akong nakatayo sa harapan niya.
Prente lang siyang nakaupo at nakatingin sa akin habang nakangiti. Argh! I hate his smile!
"Forget about the ID. I actually have it in the car," sabi niya.
Nanlaki ang mata ko at kung nasa cartoons lang kami, siguro meron ng usok na lumalabas sa ilong at tainga ko.
"Pinaglalaruan mo ba ako Navarro?!" Haos mabasag na ang boses ko sa lakas ng sigaw na iyon.
"Calm down, I just want to discuss you something," kalmado niyang sabi.
"At ano naman iyon?" Humalukipkip ako at pinagtaasan siya ng kilay.
"Have a sit."
Naupo ako sa upuan na nasa harapan ng lamesa niya.
Sakto namang may pumasok na babae na may dalang juice at slice ng cake sa isang tray at nilapag ito sa lamesa.
Hinintay naming makalabas ang babae at tumayo si Kenzo.
"I found out that your mother has Lung Cancer," he said.
Namilog ang aking mga mata dahil sa sinabi niya.
"T-teka paano mo nalaman?!" hindi makapaniwala kong tanong.
"I have my own way." Kumurba ang kanyang mga labi.
Napairap na lang ako at kinuha ang cake at saka tinikman.
Hmm... masarap siya.
"So anong sasabihin mo?" tanong ko at uminom ng juice. Sarap, favorite flavor ko, orange.
"So, you need money right?" he asked.
"Hmm..." Sumubo ako ng cake at nakikinig lang sa sinasabi niya.
"And me, I need a girl." Nasamid ako sa kinakain ko at agad na uminom ng juice.
Nambibigla talaga. Ano daw? Babae?
"Easy, that's not what you think." Naupo siyang muli sa harapan ko at pinagdaop ang mga palad sa lamesa.
"Alam mo naman siguro na artista ako 'di ba?" he asked.
"Then?"
"Well, I hope that you also know Allyson Curtis?" he said with a hopefull reaction.
"Then?" Walang hiya, hindi pa sabihin ng diretso. Ayaw ko nang magtagal na kausap ang isang ito.
"And that girl is so obsessed to me." Napatikhim ako. Yes I know that girl is crazy.
"Then?" I asked.
"And she wants me to be her boyfriend but I refused. And she said she will only give up if I get married," umiiling-iling pa niyang sabi at sumandal sa swivel chair niya.
Oh, mukhang hindi ko gusto ang pinupunto niya. Kahit kinakabahan ay nanatili akong kalmado.
"And I want you to be my wife," he said while touching the bridge of his nose.
"T*ngina!" Napatayo ako at lumayo sa kanya.
"Nahihibang ka na ba?!" sigaw ko sa kanya.
"Listen, I will pay you. Uhm... 2 million? Is that enough? In that amount of money, mapapagamot mo na ang nanay mo, right?" dire-diretso niyang banggit.
Natigilan ako. He's right pero paano ako? Ayaw ko namang maging bayarang babae. Ang gusto ko maging designer in the future hindi maging prostitute.
"Don't worry. It will take a while, after three months your life will return to normal, you will be free again," he said in a calm tone.
Nag-isip ako ng malalim. Kung magiging pretend wife niya ako ibig sabihin sisikat din ako? Tapos magkakaroon ng bashers, or worst kidnapin ako tapos hingan ng ransom money si Kenzo, pero sure akong pababayaan niya lang ako. Kahit ibenta pa laman loob ko.
I close my eyes and took a deep breath. Kailangan pinag-iisipan ito ng masinsinan. Timbangin ang lahat ng bagay. Ano ba ang consequences, before and after situation.
And now nakapag-isip na ako, hindi ako papayag.
"Hindi ako papayag!" lakas loob kong sagot.
"Oh, c'mon I know you will—" Pinutol ko ang sasabihin niya.
"Hindi ako papayag na 2 million lang!" Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.
Natigilan siya, ako naman ay taas noo pa habang sinasabi iyon. Aba kung once in a life time lang 'yon dapat lubus-lubusin na.
"3 million," I said.
"What the f*ck, Lizabeth. Anong gagawin mo sa gano'ng kalaking—" Sinundan ko agad ang sagot ko.
"4 million." Sige akala mo, ha. Mas matalino ako sayo. Graduate kaya ako ng Valedictorian noong high school ako.
"No stop—" Hindi na siya magkaintindihan kung anong dapat isagot.
"5 million," I said
"Okay deal. 5 million, with cars, expensive clothes, delicious foods, tuition fee, lahat ng gusto mo. Basta 5 million, the conversation is over," kunot noong wika niya habang madiin na magkalapat ang mga ngipin.
I wear my victory smile.
"Okay," simple kong sagot.
Minasahe niya ang sintido niya. Na-triggered ko ata siya. I smirk, nakakatuwa siyang pagtripan.
"Fine, tommorow in the café, 4 pm," he said and walk out.
Lizabeth's POV"Ano ba? Saan mo ba 'ko dadalhin?""Basta, malapit na."Hindi ko alam kung ano na namang pakulo itong naisip niya. Kanina kasi habang nag-aasikaso ako ng mga gagamitin sa kasal namin sa isang araw ay bigla na lang niya 'kong hinila palabas ng tinitirahan ko ngayon.Nakatakip ang mata ko ng isang pulang tela. Nararamdaman ko ang malamig na hangin na yumayakap sa akin at dahil naka tsinelas lang ako ay alam kong buhangin ang tinatapakan namin ngayon."Ready ka na ba?" tanong niya at dahan-dahang kinakalag ang buhol ng tela."Naku, Kenzo! Kanina pa!"Tinanggal na niya ang piring ko at namangha ako nang bumungad sa harapan ko ang isang magandang mansyon. Sa likod nito ay makikita ang mga puno. Sa tantsa ko ay tatlong palapag ang taas nitol. Gray, white, at black ang kulay nito.Pagtingin ko sa aming lik
(Continuation of chapter 50)Lizabeth's POVNang marinig ko ang sinabi ni Lloyd ay mabilis akong nagyaya na umalis na. Para akong nanlalambot habang nasa loob ako ng kotse. Hindi ako mapakali."Kalma ka lang, Beth.""Kalma? Lloyd, paano ako kakalma sa oras na 'to? Paano kung hindi ko na siya maabutan ng buhay? Lloyd, akala mo ba makakaya ko 'yon?" Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko sa mata habang natuon ang pansin sa labas.Tahimik lang ang naging byahe namin ni Lloyd. Ni hindi ko na nga pinagtuunan ng pansin ang daang tinatahak namin. Ang tanging nasa isip ko ngayon ay si Kenzo. Nag-aalala na 'ko sa kanya.Maya-maya ay huminto ang sasakyan sa parke. Nagtatakha kong tiningnan si Lloyd na ngayon ay nagtatanggal na ng seatbelt."Lloyd, anong ginagawa natin dito? Sa ospital dapat tayo pumunta, baka ano nang nangyari kay Kenzo."Hindi niya '
Lizabeth's POVPara bang namamanhid na ang kanang hita ko habang tumatagal. Nahihirapan na 'kong kumilos. Tumigil ang sinasakyan namin ni Luis sa isang lugar kung saan maraming palayan at puno sa paligid. Wala akong maririnig na ingay at tanging simoy ng hangin lang ang nadidinig ng tainga ko."We're here."Kinalas na ni Luis ang seatbelt naming dalawa at naunang lumabas ng sasakyan bago ako alalayang makalabas. Nasa kanang kamay niya ang baril na hawak habang iika-ika akong humakbang.Saka ko lamang napansin ang malawak na kaparangan kung saan kami huminto."Kuya!" sigaw ni Luis.Minulat ko ang mga mata ko at gano'n na lang ang tuwang nararamdaman ko nang matanaw sa 'di kalayuan ang mga sasakyan ng pulis at mga men in black. Naroroon din sila Lloyd at si Kenzo na kaagad na napaangat ang tingin sa amin.Nabuhayan ako ng loob nang maki
(Continuation of chapter 49)Third Person's POV"Kenzo! Nag-text si Luis, papunta na daw sila." Tumakbo papalapit si Lloyd sa kaibigan na nag-aabang sa labas ng condominium.Umaga na at saktong natanggap ni Lloyd ang mensahe mula sa kapatid."Let's go, call the police and prepare the team," maawtoridad na wika ni Kenzo ngunit papasok pa lamang sila ng sasakyan ay biglang dumating ang mga kaibigan ni Beth."Sandali!" sigaw ni Weslynn at tumakbo sa kinaroroonan ng dalawa. Nasa likuran niya sila Irene at Kevin."Anong ginagawa niyo dito, sweetheart?" Sinalubong ni Lloyd si Kevin at niyakap ito ng mahigpit."We're just hoping na pwede kaming sumama sa inyo," tugon naman niya at kumalas sa yakap.Tumingin si Lloyd kay Kenzo na seryoso ang mga matang sinasalubong ang bawat titig niya. Alam na niya ang ibig sabihin ng kaibigan at muling hinarap a
(Continuation of chapter 49)Third Person's POVNormal lang na nagmamaneho si Luis ng sasakyan habang nasa tabi niya ang mahimbing na natutulog na si Beth. Chine-check naman niya kung may buhay pa ito bawat minuto sa pamamagitan ng paglapit ng hintuturo niya sa ilalim ng ilong nito.Hapon na at medyo malayo pa ang lugar kung saan sila magtatagpo ni Kenzo at ng kuya niya. Sa huli ay nakipagkasundo siya sa mga ito para sa kaligtasan ni Beth."Beth, sana next time na mag-road trip tayo, hindi ka na duguan."Para siyang baliw na nagsasalita at kausap si Beth kahit na alam naman niyang hindi ito maririnig ng babae. Napaka tahimik din naman kasi sa loob ng sasakyan simula nang makaalis sila ng lumang building."Na-miss ko din na makasama ka kahit sa ganitong sitwasyon. Miss na miss ko lahat ng tungkol sayo." Ngumiti siya at parang sinasariwa ang lahat ng mga pinagsamahan nila ng babae s
Third Person's POV"Nasaan si Beth?!" sigaw ni Kenzo sa mukha ni Luis na nakatayo at nakapamulsa. Para bang hindi ito nasisindak sa boses ni Kenzo."How many times I need to tell you that I don't know? You're just wasting your time," walang gana niyang tugon.Kinuwelyuham siya ni Kenzo ngunit nanatili lamang siyang kalmado. Nasa likuran ni Kenzo si Lloyd na nakatingin sa ibang direksyon. Masakit din sa kanyang makita ang kapatid na sinisigawan o sinasaktan pero hindi naman niya ito kukunsintihin kapag mali na ang ginagawa niya."Mamili ka, sasabihin mo kung nasaan siya o sisirain ko 'yang pagmumukha mo?"Ilang segundo pa silang nagkatitigan. Napaka tahimik sa kwarto ni Luis kung nasaan sila ngayon."Hindi ko alam—"Bago pa man niya matapos ang sasabihin ay sinuntok na agad siya ni Kenzo sa mukha kaya napaatras siya. Si Lloyd naman ay