Share

Chapter 17-Manliligaw (Act 2)

Nag-impake na ako ng mga dadalhin kong gamit para sa camping trip. Bumili na din kami ni Arius at Gray ng Butane gas upang hindi kami mapasubo kung sakaling hindi kami makapaggawa ng bonfire upang magluto ng aming kakainin. Bumili na din sila ng tent at cooler dahil doon kami magpapalipas ng gabi. Nagpaalam na ako kay Mother Superior na mawawala ako ng ilang gabi. At pumayag naman siya katulad nang dati. Nagulat pa nga ako ng bigyan niya ako ng isang maliit na pouch na pwedeng gawing protection charm. Ang alam ko may tawag ito eh. Lomamiri? Amamiro? Ah! Omamori charm! Sabi ni Mother Superior, bukod sa paniniwala ko kay Lord, bibigyan din daw ako nito ng proteksyon. Hindi ko nga lang alam kung paano.

“Handa na ba ang lahat?” ang tanong ko kay Gray.

Nagthumbs up naman si Gray at itinaas nito ang trapal na siyang nakabalot sa generator na aming dala. Akala ko ba camping gagawin namin? Bakit may generator siyang dala?

Napailing na lang si Arius. Alam kong walang ideya si Gray sa ibig
KnightOfSilverSky

Hello po! Pasensya na kung nagyon lang po ako ulit nakapag-update! Hope na magustuhan ninyo ang story ko! Thank you sa mga sumubaybay sa kuwento ng trio ng Phantom Club! Malay niyo soon maging apat na sila!

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status