Share

Chapter 24-Mesmerized

Iminulat ko ang aking mga mata. Napakapit naman ako sa aking ulo matapos kong kainin ang mainit na sabaw na niluto ni Rosalia. Bumabalik tuloy sa aking isipan ang maamong mukha ng Mahal na Prinsesa. Sa pangalawang pagakakataon ay muli kong natampal ang pagmumukha ko dahil naalala kong nahawakan ko ang dibdib niya. Pero iyon na yata ang pinakamalabot na nahawakan ko. Sinubukan kong bumangon sa aking kama ngunit muli akong bumagsak dahil sobrang masakit ang ulo ko.

“Sa susunod talaga ay hindi ko na hahayaan si Rosalia na magluto,” ang sambit ko.

Narinig ko na tumatawa si Cryon sa gilid. Dahan-dahan niya akong inalalayan na makabangon sa kama at inabutan niya ako ng isang baso ng malamig na tubig. Tinungga ko iyon at bahagya nitong nabawasan ang sakit ng ulo ko. 

“Kamusta ang pakiramdam mo?” ang tanong ni Cryon.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. Alam niya naman siguro ang sagot base sa aking reaksyon. Bigla naman siyang humaglapak

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status