Drake Pov's
Ngayon ko makikilala ang magiging step mom ko na sabi ni papa ay papakasalan na daw nya. Masaya ako kasi sa wakas naka hanap na sya ng babaeng gusto nyang pakasalan. Sa dami dami kasing nag punta dito sa bahay akala ko hanggang fling nalang ang gagawin ni papa, which is nakaka ilang dahil 50s na sya kailangan na nya talagang maka hanap ng babaeng tatangap at tatagal sa kanya. "Drake anak, mamaya maya lang andito na ang magiging bago mong ina. Sana anak matangap mo sya." malambing na salita ni papa. "No issue sakin yan dad as long na masaya ka at hindi ka gagamitin ng babae na papakasalan mo, okay lang." agad kong sagot sa kaniya. Nag handa na kami sa pag dating ng babaeng sinasabi ni papa. Nagpa ayos na din kami ng kakainin at pina linis ang bahay. Kitang kita ko sa mukha ng aking ama na masaya sya sa nangyayari, ibig sabihin lang maayos ang nahanap nyang babae. Ang swerte naman ng babaeng to maliban sa mabait ang aking ama aminin na nating may mga maiiwang yaman sa kanya. "If she love my father then she deserve it." bulong ko sa sarili ko. "Ano yun anak?." "A-aah wala pa, sige na magbihis kana don at mag handa na mukhang malapit na din sila." "Sige anak, paki asikaso na muna ha pag naka dating na ang tita Ann mo." agadang sagot ni papa bago umakyat sa kanyang kwarto. Ann? Bakit kapangalan nya yung babaeng kasama lang namin sa bar last night. Co incident lang ba ang lahat? Si ann na sinabing may kausap na 50s tapos si dad Ann ang pakakasalan... (kring... kring...) "Oh pau? Napatawag ka?." "Wala kinakamusta lang kita pare, kamusta nag kaka usap na ba kayo ni Ms Ann?" "Huh?" "Wag kang mag huh dyan. Binigay ko talaga number mo kay Lei sabi ko iabot sa ate nya eh mukhang si Ms Ann na makaka basag dyan sa kahinhinan mo." "Baliw ka talaga, oo nag txt naman sya last night. Baka mag coffee din kami next day." "Naks, aba gumagalaw na ang Mr Mahiyain namin kuno ah goodluck par ipatikim mo sa kanya ang hagupit ng mala shy type na Drake Monteverde." "Baliw ka talaga osya sige na ngayon dadating ang step mom ko eh medyo busy. Mag aasikaso kasi sila sa mga papers for their wedding." "Sige sige kita kits na lang Mr. Shy Type." Lakas talaga mang asar ni Paulo kahit kelan. Habang nag aayos ako ng polo ko ay nag bukas na ang gate namin, nandyan na sila. Isinantabi ko na muna ang isipin ko kung iisa lang ba ang tinutukoy ni Ann at ni Papa. "Goodmorning sir Drake, andito na po si mam." ika ng isa naming bodyguard. "Sige papasukin nyo na, nag aayos na lang si papa mamaya bababa na din yun." Pagka pasok na pagka pasok ng Ann na sinasabi ni papa halos mapa upo ako sa sahig nang nakita kong iisa nga lang sila. Hindi ko mawari kung anong mararamdaman ko yung Ann na hinahangaan ko ay magiging Step Mom ko. Is this fvcking serious? "Drake?." gulat na bati ni Ann. "Ann? Ikaw yung tinutukoy ni papa? At yung kini kwento mo si papa?." gulat na sagot ko. Hindi agad naka imik si Ann bago pa sya makapag salita ay naka baba na si papa kaya wala na kaming chance makapag usap pa. Sobrang awkward ng scene na nangyayari ngayon. How come na sa dinami dami ng Ann sa mundo bakit sya pa ang nabingwit ng tatay ko. "Wow you look like super close na ng unico hijo ko sweety." bati ni papa kay ann. "Aah yes babe, your son is very kind. He's so fine." malambing na sagot naman nya sa aking ama. "Oh anak, meet your tita Ann and Ann meet Drake my only son." masayang wika ng aking ama. Gusto kong maging masaya para kay papa pero para akong binabalot ng hiya o ng kung anong elementong sumasapi sakin. Pinilit kong ngumiti para kahit papaano maitawid ng maayos ang araw na to. "Let's sit darling, kumain muna tayo then later we'll talk about the papers for our marriage." aya ni papa kay ann. "Sumabay ka na din sa amin Drake." aya naman ni ann sa akin. "A-aah hindi na ko magtatagal i just want to meet you po talaga. I have business to do pa so enjoy your day. Papa mauuna na din ako i have meeting today, i will come back later." malamig kong pag papa alam sa kanila. After kong maka labas sa pinto ng bahay namin duon lang ako naka hinga ng maluwag. Parang may nabunot na tinik sa dibdib ko. Paano ko pakikisamahan ang unang babaeng nagpa sabik sa akin gabi gabi. Sobrang gulo. Agad akong nagtungo sa bahay ni Paulo, sya lang naman tinatakbuhay ko kapag hindi ko kinakaya ang mga pangyayari. (ding,dong) Agad akong pinag buksan ni Paulo at pina pasok sabay abot sakin ng beer. Alam na alam nya talaga ang ibibigay sakin kapag naka kunot ang noo ko. "Oh? Anyare sa mukha mo? Kanina lang malakas ka pa este masaya kapa dahil kay Ann ngayon para ka ng binagsakan ng bato." takang tanong ni paulo sa akin. "Pau, i dont know what happen. Kung papaano nangyari?." "Ang alin? Kung ini explain mo kaya par para naiintindihan ko." "Si Ann at ang step mom kung Ann iisa." "What the fvck! Dude seryoso ka ba? Baka naman namamalikmata ka lang kasi hulog na hulog ka ann?." "Baliw, hindi ako pwedeng magkamali at binati nya din ako. Akala ko nga nananaginip lang ako kanina pero totoo talaga." Tuloy tuloy ang kwentuhan namin ni Paulo at ang pagra rant ko sa kanya. Hindi ko alam paano ako mabubuhay araw araw kung makakasama ko na si Ann sa iisang bubong at hindi lang basta kasama kung hindi ituturing ko ng pangalawa kong ina. Nag inom kami ng nag inom ni Paulo sa sobrang bigat nang nararamdaman ko nilunod ko ang sarili ko sa alak. Pasado 2am na ng maka uwi ako mas malala ang pakiramdam ko ngayon mas lalong lumakas ang tama ng alak, yung tipong pag ako nauntog sa pader parang 3 days akong di makaka bangon. Habang pinipilit kong buksan ang pinto gamit ang susi na di maipasok pasok, kusa na itong nag bukas at bumungad sakin ang naka pulang sleepwear na si Ann. Namamalikmata na naman ba ako? Baka nananaginip. Sinampal sampal ko ang sarili ko. Bakit naman hanggang sa panaginip nakikita ko si Ann. Nagayuma ata ako. Kailangan ko ata ng asin. Natigil ang ginagawa ko ng biglang nag salita si ann. "Drake? Bakit mo sinasampal yang sarili mo? Tyaka ang hina mo naman mag pasok ng susi sa pinto hindi mo sinasakto." Natagalan ako bago mag salita ni hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi to panaginip totoong andito sya sa bahay namin. Sya na nga ang pumalit kay mama. Bakit sya? "A-aah hehe pasensya na Ann este what should i call you? Mom, mama, tita? Kung ano man yun its okay im sorry naingayan ka ata. Where's dad?" "Lasing kana drake, let me put you to your bed. Ang papa mo tulog na kanina pa." "No i can manage na its okay do your own thing tita thankyou." "Nabigla ka ba?." tanong nya sabay haplos sa balikat ko. Para na naman akong nag freeze nung maramdaman ko ang malambot nyang palad, Gets na gets ko si papa kung bakit si Ann ang napili nya not knowing na gusto ko ding piliin si Ann. Sa dinami dami ng makaka kompetensya ko bakit si Papa pa. I rather hurt myself wag lang si papa. Alam kong di nya to kakayanin lalo na may sakit sya. Bakit naman kasi ngayon pa nangyari to.Drake Pov's Nagdaan ang mga araw na magkasama kami ni trixie. Actually the work that i offer to her is very fun and interesting. Sobrang saya niyang kasama, sobrang kalmado, sobrang mabait pa."So ano drake bukas na yung kasal nila handa ka na ba talaga?" Mahinahong tanong sa akin ni trixie."Actually hindi pa, pero kailangan kong maging handa." Sagot ko naman sa kanya. May magagawa pa ba ako, bukas na yung kasal nila, hindi naman mag-a-adjust yung wedding nila para sa akin. So i need to put all of my efforts sa ginagawa namin ni trixie. "So ano? c'mon shopping na tayo." Yaya ko kay trixie. "Yes ready na din ako let's go."Nagpunta muna kami ng mall ni trixie upang mamili ng mga susuotin at nang ireregalo sa kasal nila. Hindi naman pwedeng pumunta kami doon ng wala kaming dala or hindi kami handa. We spend our time sa mall, halos maikot na namin yung buong lugar. Kumain kami and nilibre ko na din si trixie ng sine.Habang naglalakad-lakad kami sa mall ay nakasalubong namin si paul
Drake Pov's Konting araw na lang malapit na ang kasal nila papa at ni ann, hindi ko alam kung paano ako magpapakita doon ng maayos. Lumipas na ang ilang mga buwan pero hindi ko pa din siya nakakalimutan. This past few days, weeks and months sobrang ginugol ko ang sarili ko sa trabaho. Nagpakalunod ako para makalimutan ang lahat pero hindi pala ganun kadali iyon. "Pare ang dami mo atang iniisip, kinakabahan ka ba sa araw ng kasal nila tita ann at ni tito?" Kalabit sa akin ni paulo. "Oo eh hindi ko nga alam paano magiging maayos yung pagbabalik ko. Yung tipong wala ng magiging bakas ng nakaraan namin." Saad ko sa kanya "Ganito na lang may suggestion ako eh bakit ayaw mo kayang maghanap ng girlfriend for hire. That day lang naman or hanggang sa tuluyan kang maka-move on. Hindi na biro iyan pare ilang buwan na ang lumipas." Saan naman ako maghahanap ng girlfriend for hire. May mga ganung babae ba talaga na kayang makipagsapalaran dahil sa pera. Napabuntong hininga na lang ako sa mga
Ann Pov's Dumaan ang mga araw. Walang aberyang nangyayari. Lahat ng dapat tapusin sa kasal ay nagawa na namin ni leo. Invitation, venue, theme at ang aming mga susuotin pati sa mga bisita. Sobrang plakado ng mga plano. Sobrang ganda ng mga kinalabasan ng aming kasal. "Ate i'm so excited for you. Pero at the same time malungkot din ako." Ika ni lei "Ha bakit ka naman malulungkot hindi ka ba masaya sa nangyayari? Umaahon na tayo sa hirap hindi mo na kailangan gawin yung mga dati mong ginagawa. Settled ka na rin kay paulo at higit sa lahat makakabalik ka na ng pag-aaral." Paliwanag ko kay lei "Masaya naman ako sa nangyayari ate, ang akin lang malungkot ako kasi isinantabi mo ang pangarap mo para sa ating dalawa. Para sa akin." Malungkot na tinig nito Naisip ko na rin ang mga pangarap ko. Ang gusto kong kasal, ang pangarap kong lalaki, at ang masayang buhay na nais ko para sa akin. Pero ayokong maging unfair sa aking kapatid. Wala na sila mama at papa pati ba naman ako mawawala sa ka
Ann Pov'sMaaga akong gumising kinabukasan upang maghanda ng makakain namin ni leo at ni lei. Naabutan ko pa si ate emily na kakauwi lamang galing palengke."Ate emily tulungan na po kita dyan." Wika ko sa kanya. "Oh sige iha maraming salamat. Maaga ka atang gumising ngayon?" Tanong naman nito sa akin."Oho eh masaya lang po ako sa pagdating ng kapatid ko na si lei." "Ako din masaya din ako para sa inyo. Alam mo ngayon ko lang ulit nakita si don leo na masigla at masaya araw-araw simula ng dumating ka dito sa bahay." Nakangiting sambit nito sa akin. Ngumiti at tumango lamang ako kay ate emily. Sa tuwing napag-uusapan si leo ay para akong kinakain ng aking konsensya. Sinusubukan kong isang tabi ito at alalahanin si lei at ang buhay namin. Sadyang madamdamin ako at mabilis makaunawa, malambot din ang puso ko ibang-iba sa itsura ko. Madalas kasi akong napagkakamalang napakasamang babae dahil siguro sa look ko hindi ko naman sila masisisi. Nakita ko si lei na pababa na sa hagdan at ha
Ann Pov's Tuloy tuloy ang pag uusap namin ni lei, habang nag iinom. Naituro na din sa kanya ni ate emily ang magiging kwarto nya. Ibinigay na sa kanya ni leo ang guest room since tatlo naman ang guest room dito sa mansyon. Hindi maipaliwanag ang saya ko dahil natatamasa na din ni lei ang dapat nyang maranasan nuon pa. Pinagsasaluhan pa namin ito.Madaming alak at pagkain ang naubos namin, binigay todo na talaga namin ang lahat. Nalalapit na kasal, nalalapit ding kayamananan. Tapos na kami sa pagiging mabuhay mahirap, ito na ang simula ng pag ahon ng Velasquez."O sya lei, mukhang hindi na natin kaya masakit na din talaga ang ulo ko. Ipapahatid na kita kay ate emily sa kwarto mo at magpapahinga na din ako." Saad ko sa kanya.Tinawag ko si ate emily upang alalayan si lei sa kanyang kwarto parang nalantang gulay na kasi ito sa sobrang kalasingan. Ako naman ay umakyat na patungo sa kwarto namin ni leo, hindi pa naman ako ganon kalasing alam ko pa naman ang nangyayari. Nasa dulo ang kwart
Ann Pov's Dumating na ang araw na tuluyan ng nag pa alam sa amin si drake. Nagbiro pa ang kanyang ama na baka pag balik nya may bitbit na daw syang asawa. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Dapat ba akong maging malungkot, mag alala o ano ba."Tama na ang kaka isip ann, hindi na maganda ang naidudulot nito sayo." Bulong ko sa aking sarili. "Ano yung sweety?" Takang tanong naman ni Leo, ang papa ni drake."A-ah w-wala yun, so nasan na nga tayo?" Agadang tanong ko."Sabi ko mamasyal na muna tayo at mamili ng mga bagong gamit mo. Lalo na para sa kasal natin, kunting buwan na lang ang aantayin magiging Monteverde ka na." Ngiting sagot naman ni leo.Tuluyan na kaming iniwan ni drake. Umalis na sya sa bahay kagaya ng kanyang pagpapa alam sa kanyang papa. Hindi ko naman sya pwedeng pigilan dahil para saan pa? May karapatan ba ako?Wala naman talagang problema kay leo, may itsura pa din naman ito kung pagmamasdan mo ng maigi. Saan ba mamamana ni drake ang kakisigan nya malama