Greta Pov'sMaraming tanong na ako lang daw ang makaka sagot...Ako ba talaga ang nagkamali o sadyang may nagkulang?Ako si Greta ang ex wife ni Leo at ang ina ni Drake. Wala naman akong balak mang iwan, pero ika nga nila lahat may kasagadan.Nasakal lang ako at hindi ko na kinaya. Tao lang ako, napapagod din.FLASHBACK---Taga Quezon Province ako, duon ko din nakilala si Leo Monteverde. Duon din nag simula at mag sibol ang pagmamahalan namin. Masayang kasama si leo, simpleng babae lang ako kaya medyo nagulantang ako na ang isang mayaman na kagaya nya ay mahuhulog sa akin. Okay naman kami nung una.Hays sa una nga lang talaga...Nagtyaga si leo na ligawan ako. May business sya sa manila pero umuuwi sya sa quezon province para sa akin. Binigay nya sa akin ang lahat. Magagarbong bagay kagaya ng damit, alahas, bags ultimo bahay at lupa ibinigay nya sa mga magulang ko. Kaya nyang isugal lahat at ibigay para lang makuha ang matamis kong oo.Kaya nya ako napasagot kasi nakitaan ko sya ng pa
Ann Pov'sAndito kami ngayon sa ospital at andito ako sa harapan ng lalaking minamahal lang naman ako pero anong ginawa ko, imbis na pagmamahal ang ibalik ko binigyan ko lang sya ng sakit. Hindi ko naman gustong mangyari yun, alam kong may choice ako pero hindi ko alam bakit hindi ko mapigilan ang lintek na puso kong mahalin si drake."Ma'am ilang minuto ka na pong nakatulala dyaan kay sir leo, magpahinga ka na po muna at baka ikaw naman ang mapano." alalang bigkas ni ate emily.Tumango lang ako sa kanya at napa buntong hininga. Maya maya lang ay dumating na din si lei na may bitbit na pagkain."Ate, kain na muna." yaya nito."Wala akong gana lei, pwede bang samahan mo na muna ako sa labas?" tanong ko."Ganon ba? Sige tara palamig ka muna. Si kuya drake kinakausap lang ni ate marcela."Bumigat lalo ang loob ko, nag aalala ako kay leo pero hindi naman maalis sa utak ko ngayon si drake. Kung mabigat na ang pakiramdam ko ngayon pano pa syang anak mismo ni leo. Agad na naming tinungo ni l
Drake Pov'sAgad naming isinugod si papa sa ospital. Gulat na gulat si tita marcela, lei at ate emily sa nangyayari. Kahit si ann ay parang natuod sa kinatatayuan nya. Parang ang hirap ma sink in sa utak ang mga nangyayari ngayong gabi. Masaya lang kami kanina pero eto kami ngayon nasa Phoenix Hospital Center at binabantayan si papa. Pag aari tong ospital na to ng isa sa mga business partner ni papa. "Sino po ang guardian ng patient?" rinig kong sambit ng doctor."Ako na lang po, kapatid po ako ng patient at ito naman ang anak nya." saad ni tita marcela sabay baling ng paningin sa akin."Good evening ma'am, update ko lang po kayo sa kalagayan ng patient. Medyo lumalala na ang sakit nya sa puso. Mabuti na lang po at nadala nyo sya agad dito. Mr Leo have a heart failure, his heart doesn't pump enough blood for his body at medyo mahina na din po ang kanyang puso because of his age. Naka apekto din po ang pag inom nya ng alak. For now, he need to rest as much as possible. Iwasan po muna
Leo Pov's Kahit may alam na ako mas pinili kong manahimik. Ayokong biglain si drake at si ann. Lalo na ang sarili ko at baka may masabi pa akong hindi maganda. Umalis ako ng gabing yun para ma enjoy nila ang lahat, tila hindi pa kasi ata ako handa na makita lahat yun. Hindi ko maita-tangi na meron pa ding kirot sa akin. "Kuya? May balita na ako kay greta." Bukambibig ni marcela.Si marcela ang kapatid ko na nandito sa pinas, yung ibang kapatid namin ay nasa ibang bansa na at may masasayang pamilya. Samantalang si marcela naman ay hindi ako iniwan. Simula nung nalugmok ako sa pagkawala ni Greta. "Ganun ba? Nahanap mo na ba kung nasan sya at kamusta sya?." Tanong ko sa kanya."Oo kuya nasa Quezon Province na si Greta, ang bali-balita duon na daw sya naninirahan." Saad nito."May pamilya na ba sya?." "Wala kuya pero may anak na si greta sa ibang lalaki. Ang balita e pagkatapos daw syang mabuntis ng lalaki na yun ay hindi sya pinanagutan. Iniwanan na lang sya bigla." Salaysay ni marce
Leo Pov'sTumatanda na ako. Medyo humihina na din ang katawan ko pero hindi ang isip ko. Oo matanda na ako pero hindi ako tanga at manhid. Simula ng dumating sa buhay ko si ann masasabi kong masaya talaga ang mga nangyari. Sa araw araw maliban sa aking nag iisang anak na si drake ay isa na din si ann sa nag papasaya sa mga natitira kong buhay. Pero minsan ang mga nagpapasaya sayo ay sya din ang nagiging dahilan mo para maging malungkot. Mabait si ann at hindi mo talaga maitatago na maganda sya at nakakabighani. Maalaga din sya at alam kong mabuti syang tao. Simula ng dumating sya sa bahay namin iba ang naging sigla at takbo ng buhay. Para syang liwanag na nagsilbing buhay sa mga natitira kong araw.FLASHBACKUnang araw ng dumating si ann dito ay masaya ako dahil close na agad sila ng aking unico hijo, pero kapansin pansin ang pagkagulat sa mga mata ng aking anak. Anak ko si drake kaya kilala ko sya. Ayun ang unang reaction ni drake na isinantabi ko. Si drake ay walang wisyo o hindi ma
Drake Pov'sAfter naming matapos sa cafe ni ann ay agad naming tinungo ang mall. Binigay ko sa kanya lahat ng oras ko ngayong araw. Gusto kong maramdaman na parang wala kaming problema o kaya naman walang hadlang sa aming relasyon. Inikot namin ang kabuuan ng mall, nanood ng sine, nag-shopping at kumain. Pasado alas nuebe na din ng gabi ng mapag pasyahan naming umuwi. "9pm na pala, baka hinahanap na tayo sa bahay." wika ni ann.Tumango lang ako sa kanya at agad na chineck ang aking phone. Wala namang missed call si trixie pero may message sya na di sya makakauwi ngayon dahil sa schedule nya at sa kalagayan ng nanay nya. While checking my phone ay kinalabit ako ni ann. "Nag text pala sakin drake ang papa mo. Sabi nya baka hindi daw sya makauwi ngayon kasi may aasikasuhin sya." saad nito.Bahagya akong nagtaka maliban sa business ano pa ba ang ibang pwedeng asikasuhin ni papa ng dis-oras ng gabi. "Si lei lang ang naiwan at si ate emily sa bahay." pagpapatuloy nito."Ganon ba? Sige si