Tugged Between Two Billionaires

Tugged Between Two Billionaires

last updateLast Updated : 2025-10-09
By:  MARIGOLDOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
139views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

The night before her wedding, Drita Samaniego made a mistake she could never take back—a one-night stand with a stranger whose hazel eyes haunted her. But fate played cruelly. On her wedding day, he showed up again… as her husband’s half-brother.

View More

Chapter 1

Prologue

Naikuyom ni Drita ang palad sa sobrang galit na nararamdaman sa lalaking kaharap.

“Pwede bang tigilan mo na ako, Desmond? Simula ng dumating ka sa buhay ko ay naging magulo ang lahat! I was supposed to live happily in my marriage with your brother, but guess what? You're ruining everything!”

“Stop blaming me for that nonsense, Drita. Magiging magulo pa rin ang pagiging mag-asawa niyo kahit na hindi ako dumating,” putol ni Desmond sa kanya.

Napatigil si Drita at mas lalo siyang tumingala sa lalaki. Ang tingin nito ay bumaba para salubungin ang sa kanya; sobrang tangkad nI Desmond kaya kailangan pa niyang tumingala para masiguro niyang diretsong matingnan ito sa mga mata.

“Paano mo naman nasabing magiging magulo? Everything was perfect before you came into the picture! Raze is way better compared to you! You're nothing but a jèrk!” mariing sambit ni Drita.

Ang buong akala niya ay magagalit si Desmond, pero agad siyang nagulat nang makita ang dahan-dahang pagsilay ng isang nakakalokong ngisi sa labi nito.

Napaatras si Drita nang magsimulang humakbang si Desmond. Hindi ito huminto hanggang sa tuluyan na niyang maisandal ang kanyang likuran sa malamig na pader.

“Stop making me laugh, Drita. I know that Raze is way better than me, but he couldn't fúck you the way I did,” sabi ni Desmond habang patuloy na nakangisi sa kanya.

Bumigat ang paghinga ni Drita nang biglang dumapo ang palad ng lalaki sa kanyang balikat. Hinaplos niya iyon, pataas-baba, dahan-dahan, halos kapusin na ng hininga si Drita dahil sa kakaibang sensasyon na idinulot niyon sa buong sistema niya.

“See? Hinahawakan pa lang kita sa balikat mo, pero halos kumbulsyunin ka na sa mismong kinatatayuan mo. So tell me, is he really better than me?” usal ni Desmond gamit ang mababang boses.

Wala sa sariling napalunok si Drita. Iniwas niya ang mga mata sa lalaki at sinubukang alisin ang kamay nitong nakahawak sa magkabilang balikat niya. Pero masyadong malakas ang pagkakahawak ni Desmond, pinigilan siyang makaalis.

“I'm your first, Drita. At sapat na dahilan na iyon para malaman kong may nararamdaman ka sa akin. You've been in a relationship with him for years, but you gave yourself to me first,” aniya, punong-puno ng pang-aangkin ang kanyang boses.

Para bang idinedeklara ni Desmond na siya ang may karapatan sa kanya, na pag-aari niya si Drita.

“Should we tell him that you spent a night with me before your wedding day?” nakangising sambit pa nito.

Sa sandaling iyon ay natauhan si Drita. Malakas niyang itinulak si Desmond at laking pasasalamat niya na nakawala siya. Binigyan niya ito ng masamang tingin, ngunit tila bale-wala lang iyon sa lalaki dahil patuloy pa rin itong ngumingisi, animo’y tuwang-tuwa habang pinapanood ang reaksyon niya.

“Wala kang sasabihin sa kanya, Desmond! Dahil iyon na ang una at huli na hahayaan kong makalapit ka sa akin! Sa oras na sinubukan mo ulit akong hawakan, malilintikan ka talaga sa ’kin!” banta ni Drita, parang sasabog na ang mga litid sa leeg.

Mas lalo lang siyang nainis nang marinig ang mahina, ngunit nakakalokong tawa ni Desmond. Hindi siya nito tinuturing nang seryoso, tila akala pa rin nitong nagbibiro lang siya.

Sandaling yumuko si Desmond, tumatawa pa rin habang sinisipa ang mga damo sa paligid. Ilang segundo pa, dahan-dahan niyang iniangat ang tingin pabalik kay Drita.

He smirked, his tongue moving in a playful way.

“What a cutie. Sa tingin mo ba matatakot ako sa banta mo?” sarkastikong sabi niya, bago niya itinigil ang paglalaro ng kanyang binti sa mga damo.

“I already tasted you, Drita. Right now, there's no turning back. No running away. You have no other options but to get used to seeing my face every day. And seeing me every day means remembering what we did that night,” wika niya.

Nang akmang magsalita na si Drita, biglang umalingawngaw ang malakas na boses ni Raze. Naalarma siya at agad bumaling sa direksyon kung nasaan ito. Natanaw niya si Raze sa may garden, tila hinahanap siya.

Gumalaw ang mga paa ni Drita upang lapitan ang asawa, ngunit natigil iyon nang biglang hatakin ni Desmond ang kanyang braso at mariin siyang isinandal sa pader. Ikinulong siya nito sa pagitan ng mga braso niya, ang mga mata’y matalim na nakatingin sa kanya.

“You'll end up with me. Mark my words. I wanted to get my revenge against this fùcking family. And knowing that you're involved with him? Everything becomes more interesting, Drita. I can get my revenge, and I can also have you as a reward,” sambit ni Desmond.

Maya-maya lang ay gumalaw ito, ibinaon ang mukha sa leeg ni Drita. Napa-singhap siya nang maramdaman ang paghapdi sa kanyang balat.

“Kung hindi ka mapapasa akin, ay hindi ka rin para sa kanya. No one could have you but me. I will make you mine, Drita Samaniego Caruso,” bulong ni Desmond, puno ng pananakot at pag-aangkin.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status