KUNG DATI-RATI NA bago ang mga pagsusulit ni Daviana sa school ay gusto niyang makausap si Warren dahil isa ito sa mga inspirasyon sa kanya upang ipasa sa abot ng kanyang makakaya ang lahat ng exam. Feeling ng dalaga kasi ay sobrang proud ni Warren sa kanya kapag nalaman niyang pasado siya at hindi lang iyon, iyong kasama pa siya sa top, subalit nitong mga nakaraan lang ay biglang nag-iba na iyon. Toxic na si Warren para sa kanya. Hindi na ito inspirasyon para kay Daviana. Ang mga tawag at mensahe ni Warren ay nagpapaalala lang sa kanya ng sakit na nakuha niya dahil nagbago ito at may ibang babae ng gusto. “O sige, tatawag ako mamaya—”Hindi na iyon pinatapos ni Daviana at pinutol na niya ang tawag. Pamartsa na siyang bumalik sa loob ng room. Suot sa mukha ang sobrang iritasyon. Walang kabuhay-buhay ang kanyang mga matang panay pa ang ikot.“Tsk, e ‘di tumawag ka. Hindi ako sasagot!”Ilang araw ang lumipas bago siya muling tinawagan ni Warren. Actually, tinawagan siya nito ng araw na
MATAMLAY AT WALANG anumang lakas si Daviana ng araw na iyon. Tamad na tamad siyang gumawa ng kahit na ano, marahil dahil birthday niya. Iyon ang naging haka-haka ng kanyang isipan. Dahil nag-cancel si Warren, lahat ng plans niya ng dinner nila ay cancel na rin. Sa sunod na lang, iyon ang paliwanag niya kay Keefer at Rohi.“Hindi ka magse-celebrate? Bakit?” tanong ni Anelie nang malaman niyang hindi tuloy. “Basta, ililibre na lang kita sa ibang araw.”“Hay naku, bakit nga?”Hindi na lang siya pinansin ni Daviana kahit pa patuloy na kinulit. Pagsapit ng hapon, nakatanggap si Daviana ng lokal na express delivery. Maganda ang pagkakabalot ng kahon ng alam niya ay regalo mula kay Warren. May palumpon din ng mga purong puting rosas. Walang emosyon na tinanggap iyon ng dalaga. Hindi niya madama na masaya siya habang tinatanggap niya iyon. Siguro marahil dahil alam niyang ang presensya ni Warren ang mas kailangan niya.“Salamat po.” magalang niyang wika sabay yakap sa regalo at bouquet ng bu
NAPAIRIT NA DOON nang malakas si Anelie, wala pa man ay kinikilig na ang babae na muling mahigpit na binigyan ng yakap si Daviana na mabilis siyang itinulak papalayo. Muling sinamaan na ito ng mga tingin.“Bitaw na, para kang sawa kung makalingkis!”“Salamat, Daviana! Darrell, magkikita na tayong muli sa malapitan. Makikita ko na naman ang gwapo mong mukha!” excited na bulalas na ni Anelie na pulang-pula na ang mukha habang nangangarap na ng gising.Napailing na lang si Daviana sa kabaliwan ng kaibigang lumayo na sa kanya. Hindi niya ma-gets kung bakit masaya ito kahit ganun lang ang interaction nila ng long time crush niya. Ilang taon na din niya na kaya iyong nagugustuhan. Hindi niya sukat-akalain na may ganun pa pala. Samantalang siya, hindi maging masaya kung saan ang dami na nilang napagsamahan ni Warren. Sabagay magkaiba naman kasi sila ng sitwasyon ng kaibigan. Pinaasa kasi siya ng binata, iyon ang pagkakaiba nilang dalawa. Kaya rin siya pumayag sa gusto ng kaibigan niya ngayon
NANG MAGSIMULA ANG lecture, lalong nanlumo ang pakiramdam ni Daviana. Ang nilalaman ng discussion kasi ay nauugnay sa artificial intelligence. Wala siyang knowledge doon at hindi rin naman siya dito interesado. Para siyang nanonood ng pelikulang hindi niya gusto ang genre, o napilitang basahin ang isang libro kahit hindi pumapasok ang laman noon sa loob ng utak niya. Nagsimulang bumalik sa isipan niya sina Warren at Melissa. Ibang beses siyang tahimik na napatanong kung nasa Thailand na ba ang dalawa at kung ano ang ginagawa nila sa mga oras na iyon. Sumama na naman ang hilatsa ng mukha niya. Umasim na parang gusto na mang magwala. Aminin niya man o hindi ay inis na inis pa rin siya. Nagngingitngit sa pagiging panira ng moment nila ni Warren ni Melissa. Alam niyang sinadya niyang gawin iyon. Bigla siyang nilingon ni Anelie na nag-e-enjoy na sa panonood kay Darrell nang marinig ang malalim na hinga. “Huwag mo ng isipin si Warren,” lapag ni Anelie sa isang kamay ni Daviana ng tablet ni
SAGLIT NA NAPA-ANGAT na ang mga mata ni Daviana habang kumakalabog na ng kakaiba ang kanyang dibdib. Parang hindi pa siya handang malaman ang mga susunod na tagpo sa video pero kailangan niyang ipagpatuloy ang panonood doon hanggang sa bandang dulo nito. Muli niyang ibinaba ang mga mata sa pinapanood niya. Nag-resume iyon sa part na may lumabas na isang hindi kilalang bulto ng lalaki sa dulong bahagi ng pasilyo. Nang dumaan ang lalaki sa banda nila ni Rohi, tinitigan siya nito ng malagkit na tingin. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makitang parang natural na inakbayan ni Rohi ang isang balikat niya na hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niyang gawin iyon. Pagkaalis ng lalaki na halatang may dismayadong mukha ay itinaas niya ang kamay niya nang walang babala at niyakap na ang leeg ni Rohi. Nagunyapit siya sa leeg nito. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Daviana. Nanginig na ang kamay doon ng dalaga na may hawak na cellphone. Hindi na napigilang mandilat ang mga mata.‘
MAYA-MAYA, kinuha ulit ni Daviana ang cellphone niya at muling pinanood ang video. Para bang nais niyang ilang beses ulitin iyon upang siguraduhin kung tama ba ang kanyang napanood. Wala naman siyang kasama sa loob ng silid kung kaya naman nilakasan na niya ang volume at sinubukang pakinggan ang mga pinagsasabi nilang dalawa ni Rohi. Gayunpaman, maaaring dahil sa distansya ng kumuha noon kung kaya naman hindi pa rin niya marinig nang malinaw ang pag-uusap. Idagdag pa ang malakas na sounds ng tugtog mula sa loob ng bar. Hanggang dulo niyang pinanood iyon kung kaya naman nakita niyang mas malala pa pala ang nagawa niya dahil malinaw na nakita niyang sumuka siya sa katawan nito. As in parang nag-slow motion ang part na iyon ng video.“Ano pang mukhang ihaharap ko nito sa kanya?!”Umayos na ng higa sa kama si Daviana, nakataob ang cellphone niya matapos iyon mapanood nang buo. Nakatakip ng unan ang mukha niya hanggang sa hindi na siya makahinga nang maayos. Itinaas niya ang unan sa mukha
NAPAPALO NA SA sariling noo si Daviana nang marinig niya iyon. Hindi niya na alam kung ano pa ang ire-react niya sa nalaman. Kahit kailan talaga pahamak ang kanyang kaibigan. Ginamit pa talaga siya nito para sa pansariling kapakanan lang. Naisin niya mang magtampo ay hindi niya magawa, huli na at panigurado na siya lang din sa bandang huli ang masasaktan. Ayaw din niyang palakihin pa ang kanilang gusot nito.“Oo nga, Daviana, tapos ayon pinilit niya na kailangan daw natin mag-celebrate ng birthday mo. Eh, naroon din si Darrell na napilitang sumama at saka iyong leader ng company nila na si Mr. Gonzales. Sabi pa ni Keefer, kung gusto mong magsama ng ibang mga mo ay pu-pwede naman daw.” madaldal pa rin nitong turan na animo ay hindi naramdaman ang iritasyon ni Daviana, iyong tipong akala ng babae ay ayos lang kay Daviana ang naging desisyon niya. “Sige na Daviana, pagbigyan mo na ako. Ngayon lang naman eh. Hindi ko na nga iisiping birthday mo ito eh, iisipin kong tunay naming dinner dat
HANGGANG SA MARATING nila ang destinasyong restaurant ay hindi pa rin binigyan ng pansin ni Rohi ang dalaga kahit nakikinita niya ang bulto nito sa side mirror ng sasakyan. Lalong nanlumo doon si Daviana na halatang guilty pa rin sa pagiging pasaway niya noong lasing siya. Marahil ay nainis sa kanya ang binata. Iyon ang patuloy na umiikot sa isipan ni Daviana habang lulan ng sasakyan. Ilang beses na rin niyang hindi napapansin na napakagat na pala siya sa kanyang hinliliit na kuko. Iyon ang madalas niyang gawin kapag sobrang tensyonado siya. Pumarada ang kanilang sasakyan malapit sa restaurant. Sa kabilang street iyon at kailangan pa nilang maglakad ng ilang metro at tumawid. Wala na kasing space ang harapang bahagi ng kainan kung kaya walang choice si Keefer. Jam packed kasi doon ng ganung oras. Pagkapatay ng makina ay umibis na sila doon. Magkasabay na naglakad sina Rohi at Darrell na halatang hindi pa rin tapos sa topic nila sa magiging trabaho nito, agad naman silang sinundan ni A
HINDI GUMALAW SA kinatatayuan niya si Daviana na nanatili ang malamlam na tingin sa nasa harapang si Rohi. Gusto niyang sundin ang suggestion nito ngunit pinigilan niya doon ang kanyang sarili. Pinagmasdan pa siya ni Rohi nang tahimik na may nase-sense na kakaiba kung bakit ganun na lang ang hitsura ni Daviana. Hindi mapigilan ng lalaki na punahin kung gaano kaganda ni Daviana sa kanyang suot na damit. Dangan lang at ayaw niyang purihin ito nang tahasan at sa malakas na tinig dahil paniguradong iiyak siya dahil sa ibayong sakit lang din ang dulot nito sa kanya. Hindi na nakaligtas sa kanyang mga mata ang emosyon ng pagiging desperado sa mga mata ng babae niyang kaharap. Pinatay na niya ang apoy ng sigarilyo at itinapon na iyon sa basurahan. Mabagal ng humakbang palapit kay Daviana. Gusto na niyang tanggalin ang suot na coat at ibigay sa babae dahil nakita niyang nangangatal na ang labi nito sa lamig.“Anong nangyari, Viana?”“Biglang nawala sa hotel na ito si Warren, mukhang pinuntaha
ILANG SANDALI PA ang lumipas at umahon na si Daviana sa sofa at mabagal na lumabas na ng dressing room na walang sinuman ang nagbibigay sa kanya ng atensyon. Busy ang lahat sa kanilang ginagawa kung kaya naman nagawa niyang makalabas nang walang sinuman ang nakakakita. Puno ng pananantiya ang hakbang niya sa hallway, tumitingin-tingin sa paligid kahit na kahibangan kung makikita niya doon si Warren. Hindi alam ni Daviana kung saan siya papunta. Gusto niyang lumabas na ng hotel kung kaya naman pumanaog siya kung nasaan ang banquet hall na puno na ng mga bisita. Kung dadaan siya doon, agaw pansin ang kanyang suot na damit. Paniguradong makikilala siya sa isang lingon lang nila.‘Punyeta ka talaga, Warren! Ipapahiya mo ba talaga ako? Bakit mo ako iniwan dito? Tatakas ka rin lang naman pala!’Namumutla pa rin ang kanyang mukha. Sa halip na dumiretso at ituloy ang kanyang paglalakad, muli siyang umikot upang bumalik sa kanyang pinanggalingan. Hindi siya pwedeng lumabas. Dinala siya ng kany
HINDI RIN SUKAT-AKALAIN ni Daviana na biglang tatakbuhan siya ni Warren. Kahit siya ay hindi naisip na magagawa niya ang bagay na iyon lalo pa at mayroon silang matinong kasunduan. Hindi nila nahulaan na angyayari ito kaya pati ang kanilang magulang ay nagawang mag-relax lang at makampante. Akala niya magiging kuntento na ito sa kanilang pekeng engagement, kaya bakit niya ginawa ang tumakas? Wala iyon sa choices.“Hindi siya nag-iisip! Ano na lang ang mangyayari sa kahihiyan ng ating pamilya?!” problemadong sambit ni Welvin na hindi na mapalagay, kung sinu-sino na ang tinawagan nito at kinakausap. “Mabuti sana kung tayo-tayo lang din na pamilya ang nakakaalam. May mga invited ka pang mga media, Carol!” baling na nito sa kanyang asawa.“Ano ba talaga ang nangyari, Daviana? Tumakas ba siya kasama ang babaeng iyon?” baling muli ng babae kay Daviana upang magtanong muli. “Hindi ko po alam, Tita Carol. Ang sabi lang po ni Warren ay may tatawagan lang siya.” hindi na niya sinabi pa ang pan
MAKAHULUGAN NG TININGNAN ni Anelie si Daviana na para bang binabasa nito ang laman ng kanyang isipan ng sandaling iyon na nabanggit ang lalaking alam naman nilang pareho na laman ng puso ni Daviana at hindi ito si Warren. Napaiwas na ng tingin si Daviana sa kaibigan niya. Kilala niya ang mga tinging iyon. Ayaw niyang kaawaan siya nito na iyon na ang nakikita dito.“Oo, Viana. Hindi lang din kaming dalawa ang narito. Actually, marami kami sa mga employee ng Gonzales Group kabilang na si Keefer. Nasa banquet hall na kami kanina malapit doon sa may pagdadausan ng engagement niyo. Inutusan lang ako ni Keefer na pumunta dito sa'yo upang alamin kung nagkita ba kayo ni Rohi. Alam mo na, iniisip lang namin na baka gumawa pa siya ng gulo.” Bumigat ang pakiramdam ni Daviana na para bang may invisible na mga kamay na pumipiga sa kanyang puso paulit-ulit at ayaw bumitaw. Bakit pa siya pumunta ng araw na iyon doon? Hindi naman na niya kailangan pang magpakita. Ayaw din naman niyang makita ang lal
HINDI SUMAGOT SI Melissa. Umiyak lang nang umiyak. Umiihip pa rin ang malakas na hangin sa pandinig niya. Pakiramdam ni Warren ay malapit na siyang liparin ng napakalakas na pressure ng hanging iyon. “Sige na Melissa, please? Bumaba ka na diyan at pumasok ka sa loob ng silid. Pag-usapan natin mabuti ang suggestion ko. Hmm? Makinig ka na…” That was a life, not to mention na girlfriend niya iyon. Umiinit na ang kanyang ulo pero pilit na kinakalma upang huwag siyang magalit. Nanghihinang sumandal na ang katawan niya sa pader. Pumikit na siya nang mariin. Tila may dumaang picture ni Melissa sa balintataw na nahulog ito mula sa palapag, may dugo at scenes na lumilipad sa kanyang isipan.“I don't want you to get engaged…” nabubulunan ng sariling luha na sambit ni Melissa, “Hindi ko kayang tanggapin. Sinabihan na kita noon di ba? Bakit ayaw mong umalis ng bansa at sumama sa akin? Pumunta tayo sa lugar na walang nakakakilala sa atin. Lugar na hindi nila tayo mapipilit na maghiwalay, Warren.
GANUN NA LANG ang naging pag-iling ni Warren matapos na huminga nang malalim. Nasa screen pa rin ng kanyang cellphone ang mga mata; sa nunero ng nobya na patuloy pa rin sa ginagawang pagtawag.“Hindi na. She might be a little emotional today…alam mo na, engagement natin. Ayokong marinig ang boses niya na umiiyak at nasasaktan dahil baka hindi ko kayanin.” sagot nitong nakatitig pa rin sa screen. Napakunot na ang noo ni Warren nang may picture na sinend si Melissa at nag-appear iyon sa notification bar ng kanyang cellphone. Nagbago ang hilatsa ng kanyang mukha nang makita iyon. Masusi at tahimik na pinanood pa ni Daviana ang kanyang reaction. Nahuhulaan na niyang may mali sa kaharap.“Anong meron, Warren?” tanong niya nang mapansing namutla pa ang kanyang mukha, napuno ng takot ang mga mata ng malingunan na si Daviana. “V-Viana, saglit lang ha? Tatawagan ko lang siya.”Ipinagkibit-balikat iyon ni Daviana kahit na medyo bothered na siya sa naging reaksyon ng lalaki. Alam niyang may ma
ILANG SANDALI PA ay pumanaog na si Daviana hawak ng magkabila niyang kamay ang gilid ng damit upang huwag niyang maapakan. Nang makita niyang naroon na si Warren ay bahagya lang siyang tumango dito at naglakad na patungo sa ina niyang si Nida. Nakatitig pa rin sa kanya si Warren ng mga sandaling iyon. Ang tagal niyang hindi nag-react. Nang bumalik siya sa kanyang katinuan, ang kanyang puso ay marahas na tumitibok na animo ay tinatambol. Hindi niya maiwasang tumingin ulit sa likod niya kung nasaan ngayon si Daviana kausap pa ang kanyang ina. Mula sa anggulo ni Warren ay kitang-kita niya ang magagandang collarbone nito ba nagmistulang butterfly at balingkinitan naman na puting swan ang leegnito. Binawi ni Warren ang tingin, ngunit ang bilis pa rin ng tibok ng puso niya. Kasama niyang lumaki si Daviana, kaya kailan pa siya naging ganito kaganda at bakit hindi niya ito nakita?Malalim ang hinga ni Nida nang pinagmamasdan ang anak na bihis na bihis. Malaki na ang anak na hindi man lang ni
SA BISPERAS NG kanilang engagement ay nagpadala ng message si Melissa kay Warren. Pinag-isipan niya itong mabuti. At nang hindi makatanggap ng reply sa kasintahan, minabuti na lang niya na katawagan na si Warren na kinailangan pang patagong lumabas ng kanilang bahay dahil sa maraming tao doon. Kinukumpirma nila ang mga detalye ng mangyayaring engagement nila ni Daviana kinabukasan. Sumasakit ang ulong sinagot na niya ang tawag ni Melissa. “Hey, bakit ka tumatawag? Alam mo namang busy ako—” “Ang engrande ng magiging engagement niyo ni Daviana aat halos mga kilalang tao ang bisita. Sa tingin mo magagawa mong i-cancel iyon at hindi matuloy na mauwi sa kasalan?” puno ng lungkot, selos at pagdududang turan ni Melissa dito. “Sinabi ko naman sa’yo di ba? Gagawa ako ng paraan. Hahanapan ako ng paraan. Wala ka bang tiwala sa akin, Melissa?” Suminghot na doon si Melissa na halatang umiiyak na naman dahil sa sinabi niya. “Sinabi ko rin naman sa’yo na hindi ko hawak ang lahat. Wala akong kon
IBINUKA NA NI Warren ang kanyang bibig upang lumaban, ngunit ang mga salita ay natigil lang sa dulo ng kanyang dila. Ano ang sasabihin niya naman? Noong una ay gusto niyang igiit na kung gusto niya, maaari rin naman niyang puntahan ang lalaking nagugustuhan anumang oras, ngunit hindi niya ito masabi. Ayaw ni Warren na makita niya ulit ang lalaking iyon. God knows whether that mysterious man is good or bad. Anyway, simula nung nainlove si Daviana sa lalaking ‘yun, wala ng nangyaring maganda sa buhay ng dalaga. “Ano pa nga bang magagawa ko sa inyo, Warren?” “Wala, Viana. At most I can see Melissa less before we break off the engagement. Sinabi ko na rin sa kanya na dapat hindi na kami magkita ng madalas gaya ng dati. Okay na sa’yo iyon? Masaya ka na ba ha?”Wala namang pakialam si Daviana kung magkita pa sila o hindi na. Ang sa kanya lang ilugar nila dahil maaaring simulan iyon ng iba’t-ibang uri ng tsismis. Ayaw din naman niyang maging laman ng mga iyon. “It was you who proposed th