แชร์

Chapter 84.2

ผู้เขียน: Purple Moonlight
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-03-14 01:26:03

WALANG IMIK AT piniling hindi na lang magsalita nina Danilo at Daviana sa mgasinabing iyon ng doctor. Wala rin namang mangyayari kung magbibigay pa sila ng katwiran at ipapaliwanag kung ano ang nangyari.

“Bilhin niyo na ang mga kailangang ito ng pasyente.” tagubilin pa ng doctor at inabot na ang reseta.

At dahil public hospital iyon ay sila ang pinabili ng mga gamot na kailangan ng kanyang ina. Hindi na siya sinamahan pa ni Danilo dahil batid ng lalaki na babalik naman ang anak lalo pa at nasa ganung sitwasyon ang kanyang ina. Hindi nito magagawang iwan ito sa kanyang palad kung kaya naman panatag na siya.

“Siguraduhin mong babalik ka, Viana. Alam mo ang mangyayari sa iyong ina kung hindi.” mahina nitong usal na tanging silang mag-ama lang ang nakakaalam, “Huwag na huwag mong balakin iyon, Viana...”

“Oo, Dad, babalik ako. Hindi mo kailangang paulit-ulit na sabihin iyon sa akin. Babalik ako...”

Nanatili ang padre de pamilya nila sa labas ng ward pagbalik ni Daviana. May dextrose na s
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (5)
goodnovel comment avatar
Myles Berces Canillo
hayy naku viana,mgulo din isip mo,wala Kang isang salita.
goodnovel comment avatar
shelleflorano02
nalulungkot na ko s daloy ng kwento
goodnovel comment avatar
Jannett Padernilla
thank you sa update....
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 100.1

    NASAPO PA NG babae ang kanyang noo na para bang hindi pa tapos doon ang kanilang problema.“Tingnan mo na kung anong klaseng problema ang idinagdag mo sa balikat ni Rohi?” si Keefer na hindi na napigilan na sumawsaw sa kanilang usapan, “Dami na nga niyang isipin sa trabaho!”Kawangis ng sakit ng mga salita ni Keefer ay ang pakiramdam na tinarakan ng patalim ang puso ni Daviana. Hindi niya man tahasang aminin, apektado siya ng paratang nitong tunay naman. Sinamaan na ni Rohi ng tingin si Keefer. Tinaasan lang naman siya nito ng isa niya pang kilay.“Prino-protektahan mo talaga siya, ikaw ba? Kaya ka bang protektahan ng babaeng iyan, Bro?”Pabirong nilamukos ni Rohi ang

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 99.3

    MAKAHULUGAN NA SIYANG tiningnan ng ina. Iyong tipong parang nang-aasar ang mga mata nito. Tinakpan na ni Daviana ang kanyang mukha upang itago na ang labis noong pamumula.“Ano ang gusto mong sabihin ko sa’yo? Bilang ina, dapat turuan kita ng tamang asal na hindi magpapababa ng pagkababae mo ngunit alam ko naman na may special kang plano kung kaya katanggap-tanggap itong plano mo para sa akin kahit na sa ibang tao ay hindi.”Nabuhayan ang mga mata ni Daviana.“Pero paano mo iyon sasabihin kay Rohi? Hindi ito kagaya ng dati mong sitwasyon noong lumayas ka sa bahay. Binigyan ka na ng tahanan ngayon, dapat may valid kang dahilan anak.”“Gagawa ako ng paraan, Mommy. Saka f

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 99.2

    HINDI MUNA BUMALIK si Daviana sa loob ng bahay. Nanatili siya sa kung saan siya iniwan ni Rohi na nakatayo. Dinukot niya ang kanyang cellphone sa bulsa. Nagtipa siya ng message kay Rohi na mag-iingat ito pauwi at mag-send ng message kapag nasa hotel suite na. Ngunit hindi niya magawang i-send iyon. Panay lang ang baba ng kanyang mga luha. Na-realtalk siya ni Rohi. Hindi nito intensyon, ngunit alam niyang nais lang nitong ilabas ang kanyang nararamdaman.“Nakakainis, kasalanan ko naman kaya bakit ako ang may karapatang umiyak?”Nakagat na niya ang labi. Pilit na patahanin ang kanyang pag-iyak dahil sa sinabi ni Rohi. Upang mas libangin ang kanyang sarili, minabuti niyang tawagan si Anelie. Ayaw din naman siyang tanungin ng ina pagpasok kung bakit namumula ang mga mata niya. Magpapalipas oras muna siya. Mamaya p

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 99.1

    KAGAYA NG DATING tayo. Paulit-ulit na umaalingawngaw ang mga salitang iyon sa magkabilang tainga ni Daviana na para bang pilit na sinasalpak iyon sa kanyang isipan upang sabihin na kailangan niyang intindihin iyon. Nanigas na ang katawan niya sa kinatatayuan. Nangapal ang mukha niya na para bang nakatanggap siya ng mag-asawang sampal. Hindi niya inalis ang mga mata at nakipagsukatan pa siya ng tingin kay Rohi. Hindi niya alam na ganun na pala ang pakiramdam ng lalaki sa mga ginagawa niya pero wala lang iyon sa kanya. Hindi naman niya iyon sadya, hiningi lang ito ng pagkakataon kaya niya nagawa. Kaya lang hindi niya pwedeng iyon ang idahilan at gawing katwiran kay Rohi. Alam niyang sobrang laki ng kasalanan niya dito. Tinalikuran niya ito, ipinamukha na hindi dapat piliin pero ito pa rin ang nagligtas sa kanya dito.“Hindi mo man lang ba naisip na makasama ako habangbuhay?” may tono ng sakit ang tanong na iyon ni Rohi nang makita niyang parang walang plano si Viana na tumugon, “ Kasi a

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 98.3

    NAIS NA NI Daviana na lumubog sa kanyang kinauupuan. First time niya nga, alangan naman na magaling na siya agad? Isa pa, hindi naman kailangan na sabihin iyon ng ina niya.“First time ko pa lang naman magluto, sa sunod matututunan ko rin iyon agad. Saka hindi iyan masasayang, uubusin ko iyan. Favorite ko kaya ang mga gulay lalo na ang kangkong.”Hindi siya pinansin ng inang inilapit na ang niluto niyang ulam sa kanyang manugangin.“Hijo, kain na.” Salitan silang tiningnan ni Rohi. Maya-maya pa ay dinampot na ang kubyertos. Napatanga na ang mag-ina nang makita nilang kumuha si Rohi ng maitim na kangkong sa plato ni Daviana. Diretso niya iyong sinubo sa bibig at kapagdaka ay sumubo na rin siya dito ng kanin. Nanatili ang tingin ng mag-ina sa ginawa nitong pagnguya sa pagkain na parang ini-enjoy. “Ayos lang naman, sakto sa kanin.” komento nito na alam ni Daviana na pampalubag-loob. Alam niya sa kanyang sarili na maalat at naparami ang toyo na kanyang inilagay. Napanguso na si Daviana

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 98.2

    MALALAKI ANG MGA hakbang ni Rohi na tinulak na ang shopping cart nila. Sinundan naman siya ni Daviana habang hawak pa rin ang kanyang cellphone kung saan bukas ang kanyang bank account at handa ng i-transfer ang pera. Nang maabutan ay kinulit niya ulit. “Rohi? Scan ko na lang ang QR-code mo. Akin na.” Hindi pa rin siya noon pinansin ni Rohi. Naaalibadbaran na si Daviana. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang naging ganun ang reaction ni Rohi, gayong noong engagement sumasagot naman ito sa kanya kapag kinakausap niya. Nagsisisi na ba ito dito? Ang isipin iyon ay parang pinipiga ng invisible na mga kamay ang kanyang puso. Pakiramdam niya ay palayo nang palayo ang damdamin sa kanya ni Rohi kahit ang lapit nito. “Rohi—” Kinausap ni Rohi ang ibang staff kung saan sinabi nitong e-deliver ang iba sa kanilang pinamili dahil hindi nila kayang bitbitin ang lahat ng iyon. Itinikom na lang ni Daviana ang bibig kahit na nakalulan na sila ng sasakyan. Kung ayaw siya nitong kausapin, eh ‘di

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status