Abala sa pag-ihip ng kalang de-kahoy si Bea kahit maluha-luha na siya dahil sa usok na nagmumula roon mapaapoy lamang iyon. Dahil alam niyang hindi magtatagal ang darating na ang kanyang nanay mula sa paglalako ng mga pagkaing pang-almusal.
Sakto namang dumingas na ang gatong nang makarinig siya na tila may tumatawag sa kanya mula sa labas ng kanilang kubo. Kaya dali-dali siyang dumiretso ng tayo at dinalawang hakbang ang direksyon patungo sa pinto mula sa kinatatayuan niya.
At doon ay natanaw niya ang kanyang nanay na hindi magkandaugaga dahil sa mga dala nitong malaking bayong sa kanang kamay at mga saging na saba sa kaliw habang nakasiksik ang bilao sa kanang kili-kili. Mabilis niya itong nilapitan at agad na kinuha ang bilao at ang mga saging na ang tanging hawakan ay ang tali.
"Mano po, 'Nay." Salubong niya rito matapos kunin ang dalang mga saging at ang bilao. Tumigil naman ito sa paglalakad at inilapag ang dalang bayong bago iniabot sa kanya ang kanang kamay para makapagmano siya.
Matapos niyang magmano ay nag-unat-unat pa ito ng mga braso kaya nagpaalam na siyang mauuna nang pumasok ng bahay dahil mayroon siyang nakasalang na sinang-ayunan naman nito.
Pagpasok niya ay agad niyang inilapag ang dala sa mahabang mesang kawayan upang silipin ang kanyang sinaing. At nang makitang kulo na iyon ay binawasan niya ang gatong at inilagay sa lupang nasa bandang ilalim ng kalanan bago binalingan ang mga saging na saba para balatan. Alam niyang iyon ang iluluto ng kanyang nanay para sa ititindang meryenda, ang minatamis na saging na saba.
At iyon ang napasukan ng kanyang nanay.
"Mamaya mo na iyan balatan. Asikasuhin mo muna itong binili kong pang-ulam," utos nito matapos ilapag ang bayong sa mahabang bangkong kawayan na katabi lang din ng mesa.
"Ano pong lulutuing ulam?" tanong niya habang inilalabas ang laman ng bayong at doon niya nakitang mayroong biniling karne ng baboy ang nanay niya.
"Magsigang ka. Pumitas ka na lang ng mga talbos ng kamote doon sa likuran," sagot nito habang umaakyat sa tatlong baitang na hagdan kung nasaan ang kanilang tulugan na katapat lang ng lamesa. "Magbibihis lang ako at basa ako ng pawis." Huling sabi nito bago tuluyang makaakyat.
Habang siya naman ay kinuha ang bilaong gamit ng nanay niya sa pagtitinda bago lumabas at nagtungo sa may bandang likuran ng kanilang bahay para mamitas ng mga gulay.
Dahil layo-layo ang mga bahay sa kanilang lugar ay naging madali lang para sa nanay niyang magtanim ng ilang mga gulay sa kanilang likod-bahay para medyo makatipid sila gastusin. At nilagyan naman ng tatay niya ng bakod na kawayan ang palibot ng bahay nila na sakto lang para makapagtanim at para hindi raw basta-basta makalapit ang kung sino-sino at basta na lang manguha ng walang paalam.
Habang namimitas ay hindi niya maiwasang magmuni-muni tungkol sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya. Hindi niya mapigilan ang sariling mangarap na sana ay nasa eskwela rin siya at nag-aaral dahil nang matapos ang pasukan noong nakaraang taon ay hindi na niya nagawang makapag-enroll sa third year dahil pinatigil na siya sa pag-aaral ng kanyang mga magulang para ang mga kapatid naman daw niya ang mabigyan ng pagkakataon.
Katwiran ng mga magulang niya ay marunong na siyang magbasa at magsulat, na kahit second year lang siya ay marunong na rin daw siyang magbilang at magkwenta kaya hindi na siya magogoyo pagdating sa pera kaya wala na siyang nagawa.
Alam naman niya ang sitwasyon nila na kahit sinasabing libre ang pag-aaral ay hindi pa rin kakayanin ng mga magulang niya lalo pa at lima ang mga kapatid niyang nag-aaral na puro nasa elementarya pa lang. Dahil bukod sa napakalayong lakarin ang gagawin na hindi niya pa rin alam kung ilang kilometro ay maghapon pa ang pasok.
Kaya kaysa sayangin ang oras sa paglalakad pauwi at pabalik sa eskwela ay pinagbabaon na lang ang mga ito. At dahil lima ang mga ito ay malaki-laki rin ang gastos para sa kanin at ulam, idagdag pa ang miryenda.
Naputol ang pag-iisip niya nang marinig ang malakas na pagtawag ng kanyang nanay mula sa loob ng bahay kaya mabilis siyang napatuwid ng tayo at halos takbuhin na ang direksyon ng pintuan. At doon ay nabungaran niya ang nakakunot-noo niyang nanay habang hinahango ang kaldero ng kanin.
"'Nay!" Napalakas na bigkas niya habang medyo habol ang hininga.
"Ano ka ba naman, Bea! Mamimitas ka lang ang tagal-tagal mo makabalik! Ano'ng oras na? Hahatiran ko pa ng pagkain ang tatay mo hindi mo pa naluluto 'yong ulam!" sermon ng nanay niya habang hawak ang supot na pinaglalagyan ng karne ng baboy para ito na ang maglinis.
Hindi na siya umimik dahil baka mapitik pa nito ang bibig niya kaya binilisan na lang niya ang kilos sa pag-aayos ng mga rekado. Kaya ilang sandali pa ay walang imikan na silang nagkanya-kanyang gawa pero ang nanay na niya ang nagluto ng ulam habang itinuloy na lang niya ang pagbabalat ng saging.
Maya-maya pa ay naluto na ang ulam at naglagay na ang nanay niya ng kanin at ulam sa maliliit na kaldero bago isinilid sa malaking bayong at sinamahan ng tigdadalawang pares ng plato, baso kutasara at tinidor dahil sasabayan na ng nanay niya sa pakain ang kanilang tatay . Habang kinuha naman niya sa may ilalim ng batalan ang isang galon ng tubig at iniabot sa nanay niya.
"Alis na 'ko. Maglinis ka pagkatapos mong kumain. 'Tapos ayusin mo na 'yong mga iluluto ko para pagbalik ko isasalang na lang," bilin nito habang naglalakad patungo sa pinto bitbit ang may kabigatang bayong.
"Opo, 'Nay." Naisagot na lang niya habang tinatanaw itong papalayo.
Napabuntonghininga na lang siya bago naghanda para kumaing mag-isa. At sa buong maghapon na iyon ay halos wala sa sariling ginawa niya ang lahat ng gawain na kahit nakapikit yata siya ay kabisado na niya dahil sa araw-araw na niya iyong ginagawa.
***
Halos hindi na napansin ni Bea ang paglipas ng mga araw dahil tila ba nawalan na siya ng pakialam sa paligid. Dahil ayaw niyang makaramdam ng inggit sa mga kapatid at ilang kakilala na nakikita niyang pumapasok sa eskwela.
Habang siya ay tagahatid sa mga kapatid papasok ng eskwela at ang nanay na niya ang sumusundo sa hapon pagkatapos nitong maglako ng meryenda.
Pag-uwi niya ay magluluto ng pananghalian, ihahanda ang mga pinamili ng nanay niya sa tanghali, maghuhugas ng mga ginamit sa pagluluto ng meryenda at ng pinagkainan. Pagkatapos ng mga iyon ay mauupo na lang siya sa mahabang bangko at tatanghod sa kawalan habang nakapatong ang baba sa nakatiklop na mga braso sa ibabaw mesa. Dahil kahit gustuhin niyang magpahinga ay nagiging mailap ang antok kapag nakahiga na siya sa dami ng tumatakbo sa kanyang isip.
At kapag nagsawa sa kakatitig sa kawalan ay ililibot ang paningin sa buong bahay habang nangangarap na sana ay mas maganda ang bahay nila at mayroong kuryente para hindi na sila mangangapa sa dilim kapag naubusan ng gaas ang gamit nilang nag-iisang malaking gasera na gawa sa bote ng alak, gaya ng ilang mga nadadaanan niya kapag naghahatid sa mga kapatid. Na sana ay mayroon ding silang telebisyon para makapanood din siya ng mga palabas kapag wala na siyang ginagawa. Dahil hindi niya maiwasang mainggit kapag naririnig niya ang tawanan ng ilan sa nadadaanan niya habang nanonood.
Pagsapit ng hapon ay magsisimula na siyang magluto ng para sa hapunan habang may liwanag pa upang hindi na niya kailangang magsindi ng gasera. At para makakain na rin ng maaga ang mga kasama niya sa bahay pagkauwi.
Habang mag-isang nagluluto ay hindi niya maiwasang ma-excite dahil kinabukasan ay araw ng sabado, na kahit araw iyon ng kanyang paglalaba sa ilog ay ayos lang dahil makakapagkwentuhan sila ng ilang mga kaedad niyang naglalaba rin doon. At kapag natapos siyang maglaba ay pahinga na niya hanggang sa susunod na araw at pwede niyang gawin o puntahan ang lugar na gusto niyang pasyalan dahil pinapayagan naman siya ng mga magulang basta hindi lang siya aabutin ng gabi sa daan.
Kaya regular siyang nagsisimba bago mamasyal at maglakad-lakad sa mga parke o pasyalang kayang lakarin at hindi kailangan ng gastos dahil kung may dala man siyang pera ay maliit na halaga lang iyo na kasya pambili ng samalamig at fishball.
At pagsapit ng sabado ay araw nang kanyang paglalaba sa ilog na inaabot ng hapon kaya ang mga kapatid na niya ang nag-aasikaso sa bahay. Kaya pahinga na niya pagkatapos maglaba hanggang kinabukasan
JOHN CARLIlang araw nang napapansin ni John Carl ang unti-unting pagbabago kay Bea simula noong araw na ibinigay niya ang cellphone rito. Lalo na ang pagbabago sa ayos at pananamit nito, marunong na itong mag-ayos ng sarili at pumili ng nababagay na mga suot base sa okasyon o panahon kahit na wala pang isang lingo ang nakakalipas.Kaya hindi maitatangging litaw na litaw na ang kagandahang taglay nito at kahit pa morena ay pantay ang kulay ng kutis nito na tila kumikintab sa tuwing tinatamaan ng liwanag at kahit hindi niya hawakan ay alam niyang makinis iyon.At dahil sa nakikitang unti-unting pagbabago sa pinsan ay mas lalong tumindi ang nadarama niyang atraksyon para dito at isipin pa lang niya na makikita na ng iba ang gandang taglay nito sa oras na magsimula na ang pasukan ay umiinit na agad ang ulo niya.Nakikita niyang masaya ang mommy at kapatid niya sa nangyayaring pagbabago sa pinsan at inaamin niyang nagugustuhan rin niya iyon ay hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng ini
Kinabukasan matapos patayin ni Bea ang tumutunog na alarm clock na nakapataong sa drawer na katabi ng kanyang kama ay muli siyang bumalik sa paghiga ilang sandaling tumitig sa kisame para isipin ang lahat ng nangyari nang nakalipas na araw.Iniisip niya kung totoo ba ang lahat nang nangyari hanggang sa maalala niya ang tungkol sa kanyang bagong cellphone. Kaya bigla siyang napaupo at hinagilap ang cellphone sa ibabaw ng kanyang kama. Halos ihagis na niya ang kumot at unan para lang mahanap ang bagay na inakala niyang isa lamag panaginip hanggang sa makita niyang nadaganan iyon ng unan.Dali-dali niya iyong dinampot at inusisa sa takot na baka nadaganan niya iyon. At nakahinga lang siya nang maluwag ng masigurong wala iyong naging pinsala.Nakatitig pa rin siya sa cellphone nang bigla iyong umilaw at tumunog tanda mayroong nag-texr. At dahil wala pa naman siyang ibang itini-text ay nagtatakang tiningnan niya ang lumabas na pangalan.'John Carl,' bulong niya sa sarili nang mabasa ang na
“Number two ay ang mag-practice umarte, kumanta at sumayaw sa harap ng salamin para makita ko kung ano ang reaksyon ng mukha ko.”Isinulat niya ang lahat nang nabasa niyang sa tingin niya ay kailangan niyang tandaan kahit na alam niya sa kanyang sarili na hindi pa niya iyon matutupad, gaya nang pagsali sa mga reality show o ang pag-o-auditon.Hindi na niya matandaan kung ilan na ang mga nabasa niya dahil halos lahat ng nakasulat ay pare-pareho na lang, mapa-English man iyon o Tagalog.“Sana lang maintindihan ko kung ano ang mga nakasulat…” bulong niya habang tinitingnan ang mga pamagat ng mga lumabas na English article. Pero muli siyang napailing nang makita na halos lahat ng nabasa niya ay pare-pareho lang ang unang dapat gawin―ang maging maganda at maayos ang panlabas na hitsura at mag-practice sa pag-arte.“Okay, dapat kong simulan bukas ang pag-aayos ng sarili at ang mag-practice. Tapos ang susunod ay ang paghahanap ng mga lugar na mayroong mga audition para makapaghanda ako na pu
Matapos siyang turuan ni JC ay nagpaalam na itong babalik sa kwarto kaya naiwan na siyang mag-isa sa kusina. Ilang sandali rin siyang natulala dahil pakiramdam niya ay napakaraming nangyari sa kanya ng araw na iyon.Naroon ang pagpunta nila sa mall para mamili ng mga kailangan sa darating na pasukan, ang pagkakakilala nila ng kaibigan ni JC, ang sobrang hilo dahil sa byahe at pagkatapos ay ang isang hindi inaasahang regalo na natanggap niya mula sa kanyang tiya.Tila ba nananaginip siya dahil alam niyang hindi ganoon kasimple ang pagbili ng isang mamahaling gamit para lamang ibigay sa kanya.Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pressure dahil sa regalong natanggap, ibig sabihin lang kasi noon ay kailangan niya talagang pagbutihin ang mga ginagawa para sa sarili at sa kanyang pamilya.Nang muli siyang mapatingin sa hawak na cellphone ay biglang sumagi sa kanyang isip ang naiwang pamilya sa probinsya at kalagayan ng mga ito.Hindi niya alam kung nagawa ba ng kanyang mga magulang na mapag-ar
Wala sa sariling napatingala siya rito at hindi sinasadyang nagsalubong ang kanilang mga mata. Hindi rin niya napigilan ang pagkawala nang isang mahinang singhap, pakiramdam niya ay saglit na tumigil ang oras habang magkahinang ang kanilang mga mata.Pakiramdam niya ay hinihigop siya ng mga mata ng lalaki at hindi niya magawang iiwas ang tingin. Maging ang kanyang paghinga ay unti-unting bumibilis kasabay nang panunuyo ng kanyang lalamunan kaya wala sa sariling ilang ulit siyang napalunok bago pinaglandas ang dila sa nanunuyong mga labi. Nakita niyang saglit dumako ang mga mata nito roon bago muling tumitig sa kanyang mga mata. Natauhan lang sila nang makarinig ng tunog mula sa kung saan kaya mabilis silang nag-iwas ng tingin sa isa't isa.Nanlalambot na napaayos iya ng upo habang hinila naman ni JC ang upuan na malapit sa kiaroroonan niya bago naupo.Hindi siya makatingin sa direksyon nito dala ng hiya at kaba kaya itinuon na lang niya ang pansin sa cellphone.Sakto naman na lumapit
Ni hindi niya namalayang nakapikit na siya habang sinisinghot ang amoy nito na kumalat sa loob ng kanyang kwarto.“Ayos ka lang ba?” usisa nito nang mapansing nakapikit siya kaya mabilis siyang napadilat habang sunud-sunod na napailing dahilan para mapahawak sa sariling ulo nang muling makaramdam ng hilo.“Ha? Ano? Ahm… Medyo masakit lang ang ulo ko,” napapangiwing dahilan niya na siya rin ang may kagagawan. “Gusto mo ba dalhan na lang kita ng lugaw dito?” suhestyon nito na akmang tatayo niya kaya mabilis niya itong hinawakan sa braso pero nang mapagtanto ang ginawa ay tila napapasong napabitaw siya roon.“’Wag na, kaya ko namang bumaba,” sagot niya kasabay nang pagtayo. Hindi na siya nag-abalang maghanap ng suklay at ginamit na lang ang mga daliri para ayusin ang magulang buhok. “Tara,” yaya niya at inunahan na ito sa paglabas ng sariling kwarto. Hindi na siya nag-abalang lumingon dahil alam niyang susunod na rin ito kaya tuluy-tuloy siyang bumaba ng hagdan at dumiretso sa kusina na