Share

17.1: Unexpected Gift

Nang nasa byahe na sila ay muli na naman siyang natahimik dahil ang hilong naramdaman niya kanina ay muling bumalik at mas lumala pa dulot ng kabusugan. Pakiramdam niya ay tila hinahalukay ang kanyang sikmura kaya kahit naririnig niyang may kumakausap sa kanya ay hindi na niya iyon magawang tingnan dahil sa tuwing ididilat niya ang kanyang mga mata ay para bang umiikot ang kanyang paligid.

Dahil nanatiling nakapikit ay hindi na niya namalayang nakaidlip na siya at nagising lang dahil sa pagyugyog ng kanyang katawan. Halos ayaw pa niyang dumilat dahil tila umiikot pa rin ang kanyang paligid at pakiramdam niya na anumang oras ay lalabas ang lahat ng kanyang kinain.

“Bea, kaya mo ba’ng tumayo?” tanong ng isang tinig malapit sa kanyang kaliwang tainga. “Halika, tulungan na kita.”

Kahit hindi pa siya sumasagot ay naramdaman na niya ang paghawak nito sa kanyang kaliwang kamay kaya kahit bahagya pa ring nakapikit ay nagawa na niyang bumaba ng sasakyan.

Ilang ulit muna siyang nanatiling nakay
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status