Share

16.2: Kilig-Bonding

At habang naghihintay kay JC ay inutusan na sila ng tiya niya umorder ng gusto nilang kainin. Mabilis na dinampot ni Anne ang menu at nagsimula ng pumili habang siya ay inisa-isa muna ang mga nakasulat na ang ilan ay hindi pamilyar sa kanya.

Pero pamilyar ang mga nakalagay na picture kaya umorder siya ng pancit malabon na pamilyar sa kanya at tempura na madalas niyang makita sa ilang mga palabas na napanood niya habang iced tea sa inumin na nakita lang din niya sa t.v..

Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng dumating na si JC kasunod ang kaibigan nitong halatang nang-aasar dahil sa nakasimangot na mukha ng pinsan niya na tanaw mula sa kinauupuan nila. Siya ang unang nakakita sa mga ito dahil panay ang sulyap niya sa paligid.

Hindi niya kasi maiwasang usisain at pagmasdan ang mga bagong nakikita sa paligid niya pero nagkunwari siyang hindi nakita ang mga ito at itinuon na lang ang atensyon sa kinakain.

“Mom! Kanina pa kayo?” Narinig niyang tanong ni JC ng makalapit sa kinaroroonan nila.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status