Umigting ang panga ni Drake nang maalala ang batang naging bunga ng pagtataksil ni Clarisse. Mariing pumikit naman si Clarisse at mahigpit na niyakap ang kanyang sarili.
Oo, nabuntis siya ng lalaking kanyang kinatalik. Ni wala siyang maalala noong gabing iyon. Halos patayin siya ni Drake nang malaman nito ang nangyari at ang naging pagbubuntis niya. Kinailangan niyang sundin ang mga ito kaya napilitan siyang ipamigay ang anak niya.
“Ano? Gusto mong patayin ko rin ang anak mong iyon? Gusto mo siyang madamay?!” Dumagundong sa buong kwarto ang boses ni Drake.
Nanlaki ang mga mata ni Clarisse at mabilis na umiling dito.
“H-hindi! P-please, huwag! Huwag inosente siya please! Malayo na siya sa akin! Malayo na siya sa inyo! M-maawa kayo please…”
Naitakip niya na lang sa kanyang mukha ang dalawa niyang kamay. Doon siya umiyak nang umiyak, nagmamakaawa sa mga ito.
“Inosente? Bakit? Inosente rin si Trina nang ipinalit ka ng nanay mo sa kanya!”
“Ahhh!” daing ni Clarisse nang sabunutan siya ni Marienne. Napahiyaw siya sa sakit. Parang gusto nitong tanggalin ang buhok niya sa kanyang anit sa higpit ng pagkakasabunot nito.
Gusto siya nitong imudmod sa sahig kung hindi lang ito napigilan ng asawa nito.
“Marienne! Tama na iyan!” Dalawang sampal pa ang natanggap ni Clarisse bago siya tuluyang tigilan ni Marienne.
“Ano ba, Manuel?! Bitiwan mo ako!”
“Tama na! Pag ma-injure iyan, hindi na iyan makakapag-donate! Nag-iisip ka ba?!”
Natahimik ang babaeng Buenaventura. Pakiramdam ni Clarisse ay namanhid na siya sa sobrang sakit ng kanyang katawan. Ramdam niya ang pagputok ng kanyang labi pati na ang pag-iinit ng kanyang mukha at anit.
Tuloy-tuloy pa rin ang pagbagsak ng kanyang mga luha habang natutulala siya sa kawalan. Kung kanina ay takot siya para sa kanyang buhay, ngayon mas lalo siyang natakot para sa kanyang anak na hindi niya alam kung nasaan ngayon.
Para siyang mahihimatay sa takot. Okay nang siya na lang. Siya na lang. Sanay na siya. Kung gusto ng mga ito na pagbayaran niya ang mga kasalanan niya, sige, payah na siya. Basta hindi lang idamay ang anak niyang walang kinalaman at ni hindi alam ang kanyang ang pinanggalingan.
Napalunok si Clarisse. Kinuyom niya ang mga kamay at saka desididong tumingala sa mga Buenaventura. Tama na. Siya na lang. Hindi na pwedeng madamay pa ang anak niya.
“Huwag niyo siyang idamay. Magdo-donate ako…wala kayong maririnig sa akin…basta hindi niyo siya gagalawin,” malamig na sabi niya sa mga ito.
Natigilan ang mga ito at nagsitinginan sa kanya.
“Good. Kung masunurin ka lang kasi at wala tayong magiging problema,” sabi pa ni Carlos at inilingan ulit siya. Napaiwas ng tingin si Clarisse.
Hinang-hina na siya at pakiramdam niya ay mahihimatay na sita roon.
“Okay, then. Dadalhin ko na siya sa itaas para ma-check siya ng doktor,” narinig niyang sabi pa ni Drake at akmang hahawakan siya nito pero agad niya itong sinamaan ng tingin.
“Huwag mo akong hawakan,” malamig at mariin niyang taboy rito.
Ngumisi si Drake sa kanya at humalukipkip pa. Hindi niya pa rin ito tinantanan ng masamang tingin. Inilingan lang siya ni Drake na para bang ang tanga niya.
Inismiran niya ito at tiningnang muli ang mga taong nagpalaki sa kanya. Matalim niyang tinitigan ang mga ito. Nanlilisik pa rin ang mga mata ni Marienne sa kanya.
“May isa pa akong kondisyon bago mag-donate…” matapang na sambit niya. Suminghap si Marienne sa kanyang sinabi.
“Aba’t ang kapal naman talaga—”
“Hindi niyo gagalawin ang anak ko at pababayaan niyo na rin ako. Iyon ang mga kondisyon ko. Ibibigay ko ang gusto niyo kapalit noon dahil kung hindi…”saglit siyang tumahimik. Kinuha niya ang isang cutter sa kanyang suot at itinutok iyon sa may parte kung nasaan ang kanyang kidney. Simula noong nakulong siya at natutong lumaban sa loob ay palaginna siyang may dalang cutter…in case kailanganin. “Hindi niyo mapapakinabangan ito. Mamatay akong hindi niyo pinapakinabangan!”
Nanginig ang kalamnan niya sa galit. Kita niya naman kung paanong namutla ang mag-asawang Buenaventura. Kita niya kung gaano nagalit si Carlo. Maging si Drake ay hindi nakapagsalita. Akmang susugurin siya ni Marienne pero agad itong napigilan ni Manuel.
Tumikhim ang matandang Buenaventura.
“Sige. Papayag kami. Tuluyan ka na naming kalilimutan at hindi ka na namin gagalawin…maging ang bastarda mo.”
Naikuyom ni Clarisse ang kamao sa huli nitong sinabi pero pinigilan niya ang sarili. Huminga siya nang malalim tapos ay dahan-dahang tumayo. Napahawak pa siya sa kanyang ulo dahil bigla siyang nahilo. Nakagat niya ang labi at napapikit.
“Sige na, dalhin mo na iyan sa doktor,” narinig niyang utos pa ni Manuel. Naramdaman niya ang paglapit ng isang bulto pero talagang umiikot na ang kanyang paningin at nawalan na ng lakas ang kanyang paa.
“Risse!” sigaw ng isang pamilyar na boses. Si Drake… huh naalala pa pala nito ang tawag nito sa kanya noon. Ito lang kasi ang tumatawag sa kanya ng Risse. Espesyal iyon para sa lalaki…
“Tsk! Ano ba, Drake! Huwag kang maniwala diyan! Nag-iinarte lang iyan!” sigaw naman ni Carlo pero huli na dahil nasalo na siya ni Drake.
“What the fuck, Carlo? Nahimatay nga!”
“So? Tsk. Bakit ka nag-aalala ngayon? Tang ina! Hindi mo na iyan fiancee! Nahimatay lang nawala na agad ang galit mo?!” Naramdaman niya ang pagkuha ni Carlo sa kanya mula kay Drake. Nakapikit na ang kanyang mga mata at konting-konti na lang talaga ay mawawalan na siya ng ulirat. “Tsk. Baka nakakalimutan mong si Trina na ang fiancee mo, Drake! Niloko ka ng babaeng ito! Nagpaanak pa! Asikasuhin mo ang kapatid ko dahil ikaw rin naman ang dahilan kung bakit siya naaksidente!”
Tila binuhusan ng malamig na tubig si Clarisse pero hindi nagtagal ay tuluyan na rin siyang nilamon ng kadiliman.
Parang nakahinga nang maluwag si Clarisse habang pinapanood ang mga Giorado papasok ng bahay. Inihatid niya ng tingin ang mga ito bago siya nagmamadaling pumasok sa loob ng guesthouse. Samantala, sa loob ng bahay ng mga Giorado, nakaupo sina Drake at Christi sa upuan sa sala. Pinahatid na si Duke sa kwarto nito dahil iyak na ito nang iyak. Si Carlos naman na nagsilbing audience lang kanina ay umuwi na lang din. Halos hindi mapakali si Christi habang nakatitig ang kanilang ama sa kanilang dalawa ng kuya niya. Para silang mga batang kinakastigo. Sa gilid naman at sa pang-isahang sofa ay prenteng nakaupo lang si Luigi. Hindi pa rin makitaan ng emosyon ang mukha ng lalaki. “Anong kaguluhan ito?” kalmado pero malamig na tanong ng ama nina Christi at Drake. Umismid si Drake. “Bakit hindi niyo tanungin ang magaling niyong manugang, Dad?”Nanatiling nakayuko lang si Christi. “Why don’t you ask your son in law, Dad?” si Drake na masamang-masama ang tingin kay Luigi. Nabaling ang tingin n
“Daddy!” Mabilis na nalipat din ang tingin ni Clarisse nang makitang tumakbo ang anak ni Christi sa lalaking nasa likuran nina Carlos at Drake. Maging si Christi ay natulala rin at napatayo nang maayos. “L-Luigi…y-you’re back. I thought may business meeting ka pa sa Beijing?” tanong pa nito sa asawa.“Nandoon si Papa. Umuwi ako para asikasuhin ang divorce natin.” Napakurap-kurap si Clarisse at napatitig kay Christi. Kung kanina ay ang tapang-tapang nito, ngayon ay para itong pinagsakluban ng langit at lupa. Kahit pilit nitong tinatago ay ramdam at kita niya rito ang sakit.“Talagang minamadali mo iyan?” Dinig na dinig ni Clarisse ang pait sa boses ni Christi. Nawala ang matapang at mapangmataas na titig nito sa kanya kanina at napalitan iyon ng tila takot at sakit. Para itong nanliliit habang nakatitig sa asawa nito. “Tsk. Bakit hindi?” tanging sagot lang ng asawa ni Christi dito. Hindi napigilan ni Clarisse ang mapakurap-kurap dahil sa sagot ng lalaki. Napaawang ang kanyang bibig
“Aba, aba! Sumasagot ka na ngayon, ha!” Akmang lalapitan siya nito para sabunutan pero agad itong napigilan ni Christi. “No, Manang, it’s not worth it. Hindi worth it ang babaeng iyan,” mariing sambit pa ni Christi, idinidiin ang salitang ‘hindi worth it’. “Bakit hindi po natin icheck iyan siya! Nako, Maam, malay naman talaga natin!” sulsol na naman ng mayordoma na mas lalong ikinasinghap ni Clarisse. “Wala nga akong kinalaman diyan! Christi, hindi ko alam iyan!” “Sinungaling! Sige nga, hubarin mo iyang suot mo para makita naming wala ka ngang tinatago, ha? Ano?” hamon nito sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Clarisse sa sinabi ng mayordoma. Bumalatay ang takot sa mukha ni Clarisse dahil sa sinabi ng mayordoma. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito. Seryoso ba ito? Hindi siya makapaniwala sa sitwasyon na iyon lalo pa nang makita niyang tila pumapayag si Christi sa sinabi ng mayordoma. Mariing umiling si Clarisse. “Hindi! Hindi ko gagawin iyan!” Sobra-sobra na ang ginagawa ng
“Sorry, anak…sorry talaga…” naiiyak na sabi ni Clarisse habang hinahalikan ang kanyang anak sa ulo. Sinapo niya ang magkabilang pisngi nito at pinaharap ito sa kanya. Nakangiti siya sa kanyang anak habang hinahaplos ang buhok nito. “Mama…saan ka ba po pumunta? Natakot ako, eh,” nanginginig pa rin ang boses na sabi nito sa kanya. Parang may nagbara naman sa kanyang lalamunan nang marinig ang sinabi ng kanyang anak. Gusto niyang saktan ang sarili dahil nasaktan din niya ang kanyang anak. “Nasaan ba ang Tito Luis mo? Bakit ka nandito, ha?” tanong niya naman pabalik dito imbes na sagutin ang tanong nito. Ngumuso si Michael sa kanya. “Tulog po siya…lumabas ako kasi hinahanap kita…” Nasapo na lang ni Clarisse ang kanyang noo habang pinagmamasdan ang kanyang anak. Muli niya itong niyakap tapos ay hinagkan ulit ito sa kaliwang pisngi. “Ate?”Napatayo siya nang makita si Luis na palabas ng bahay. “Luis!” Nilapitan niya ang kapatid, hawak ang kanyang anak sa isang kamay. “Bakit hindi mo
“Miss Clarisse, may iilang katanungan lang po kami sa inyo.” Hindi makapagsalita at makagalaw si Clarisse sa tanong ng pulis. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin at sasabihin. Napalunok na lang siya. Ramdam niya ang titig ni Callen sa kanya. Tila gusto nitong may sabihin siya pero hindi niya naman alam kung ano ang kanyang sasabihin. Bakit ba humantong ito sa pulis? At talagang si Callen ang nagsumbong? Bakit?” “Miss Clarisse? Maki-cooperate na lang po kayo para matapos na rin po tayo agad,” muling sabi ng pulis nang hindi siya magsalita. “Just tell them who did that to you,” tila naiinis na sambit na rin ni Callen. Mas lalong napalunok si Clarisse. Palipat-lipat ang kanyang tingin mula kay Callen tapos ay sa mga pulis. Ganoon ang ginawa niya nang ilang segundo. Sobrang naguguluhan siya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin. Ni hindi niya maibuka ang kanyang bibig sa sobrang kaba niya. Nakatitig pa rin sa kanya si Callen at naghihintay ng kanyang sasabihin. Na
“What the fuck are you doing?” kalmado ngunit galit na sabi ni Callen. Natahimik ang buong paligid. Nanatiling nakayuko si Clarisse habang pinapakinggan ang sigaw ni Callen. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari dahil nakayuko lang naman siya at nakaharang pa sa kanyang vision ang bulto ni Callen.Walang nagsalita sa mga kaibigan ni Drake. Ilang saglit lang ay narinig niya ang pag-ismid ni Callen. Napakurap-kurap si Clarisse lalo na nang hilahin siya nito patayo. Naramdaman niyang tila chinicheck siya nito. "Tsk. Let's bring her to the hospital. She's bleeding," narinig niya na lang sabi nito tapos ay hinila na siya nito paalis doon. Ni hindi niya namalayang dumugo pala ang kanyang braso. Marahil ay dahil iyon sa paghampas niua ng champagne kay Miguel. Nakarinig pa siya ng bulong-bulungan mula sa mga taong naroon. Hindi na lang iyon pinansin ni Clarisse at tuluyan na siyang nagpahila kay Callen paalis doon. Habang nasa biyahe, hindi mapigilan ni Clarisse ang mahigpit na mapakapi