Affair With My Ex Fiance and His Brother

Affair With My Ex Fiance and His Brother

By:  Agata Gallean  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
20Chapters
103views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Limang taon na ang lumipas nang pinahiya si Clarisse ng kanyang fiance sa publiko. Sinet-up siya nito at ipinakulong sa kasalanang hindi niya naman ginawa. Ngunit nagulat na lang siya na ito pa mismo ang sumundo sa kanya nang makalaya siya. "Naaksidente si Trina. Kailangan niya ang kidney mo." "May sakit siya sa puso. Hindi siya pwedeng mag-donate." Akala ng kanyang ex fiance ay namatay siya sa operasyon. Nagulat na lang din ito nang makita siya sa bahay nito bilang asawa ng nakakatanda nitong kapatid. "Drake, stop. She's your sister-in-law."

View More
Affair With My Ex Fiance and His Brother Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
20 Chapters

KABANATA 1

“Huwag na huwag ka nang lumingon pag nakalabas ka na, kosa. Magpakasaya ka sa labas!” Umalingawngaw ang hiyawan ng mga preso sa loob. Ipinilig ni Clarisse ang ulo bago tuluyang naglakad paalis ng city jail. Ramdam niya ang pagtayo ng kanyang balahibo dahil sa lamig ng hanging yumayakap sa kanyang katawan. Limang taon. Dalawampu’t isang taon siya nang makulong, ngayon ay dalawampu’t anim na taon na siya. Ang daming nangyari sa buhay niyang hinding-hindi niya makakalimutan. “Pasok,” malamig na utos ng isang lalaki. Napatingin siya sa isang itim na sasakyang nakaparada sa tabi ng kalsada. Sa tabi noon ay ang lalaking malamig pa sa hangin kung magsalita. Ito ang kanyang Kuya Carlos, ang kanyang kapatid na lalaki na walang ibang ginawa kundi ang insultuhin at sigawan siya sa loob ng dalawampu’t isang taon pagkatapos nitong malaman na hindi naman talaga sila tunay na magkapatid. Ni hindi sila magkadugo. “K-Kuya…” malat na sambit ni Clarisse. Parang lalabas na ang kanyang puso sa sobr
Read more

KABANATA 2

Nanginginig pa rin sa gilid ng sasakyan si Clarisse. Habang binabagtas ng sasakyan ang daan papuntang hospital ay nag-iisip na siya ng paraan kung paano tumakas. Hindi na siya magpapaapi sa mga ito. Ayaw niyang mag-donate ng kidney. Hindi siya pwedeng mag-donate. Ikakamatay niya iyon. Ayaw pa niyang mamatay! “Kumusta ka nga pala sa bilangguan? Masaya ba roon?” nanunuyang tanong pa ni Drake sa kanya. Nasa kabilang gilid ito at sa gitna naman nila si Carlo. Hindi siya sumagot. Mas niyakap niya na lang ang kanyang sarili habang nakatitig lang sa kawalan. “Tsk. Sumagot ka pag tinatanong!”Nanlaki ang mga mata ni Clarisse nang biglang may humawak sa kanyang mukha at ipinaharap siya sa mga ito. “Tsk. Tingnan mo nga naman, oh.” Pero wala na siyang nagawa nang hawakan ni Drake ang kanyang baba at pilit siya nitong pinaharap dito. Impit na napasigaw at napahikbi si Clarisse nang pisilin nito nang mariin ang kanyang pisngi. Pakiramdam niya ay mabibiyak ang kanyang ngipin sa sobrang higpi
Read more

KABANATA 3

Umigting ang panga ni Drake nang maalala ang batang naging bunga ng pagtataksil ni Clarisse. Mariing pumikit naman si Clarisse at mahigpit na niyakap ang kanyang sarili. Oo, nabuntis siya ng lalaking kanyang kinatalik. Ni wala siyang maalala noong gabing iyon. Halos patayin siya ni Drake nang malaman nito ang nangyari at ang naging pagbubuntis niya. Kinailangan niyang sundin ang mga ito kaya napilitan siyang ipamigay ang anak niya. “Ano? Gusto mong patayin ko rin ang anak mong iyon? Gusto mo siyang madamay?!” Dumagundong sa buong kwarto ang boses ni Drake. Nanlaki ang mga mata ni Clarisse at mabilis na umiling dito. “H-hindi! P-please, huwag! Huwag inosente siya please! Malayo na siya sa akin! Malayo na siya sa inyo! M-maawa kayo please…” Naitakip niya na lang sa kanyang mukha ang dalawa niyang kamay. Doon siya umiyak nang umiyak, nagmamakaawa sa mga ito. “Inosente? Bakit? Inosente rin si Trina nang ipinalit ka ng nanay mo sa kanya!” “Ahhh!” daing ni Clarisse nang sabunutan siy
Read more

KABANATA 4

Naalimpungatan si Clarisse. Ibinuka niya ang mga mata at agad na inilibot ang paningin sa buong paligid. “Tang ina kasalanan mo ito!” “Ano ba! Huminahon kayo!”“That’s enough for you two!”“Tsk! Ang sabi mo nagpapanggap lang siya o ano ngayon ha?! Paano kung natuluyan iyan, ha?!”Dinig na dinig niya ang bangayan nina Drake at Carlo. Inaaninag niya ang mga ito pero sadyang nanghihina pa rin siya at inaantok kaya hindi niya maibuka nang maayos ang kanyang mga mata. Huminga siya nang malalim bago muling sinubukan ang dumilat. Mas naaninag na niya ang mga tao sa kanyang paligid sa pangalawang pagkakataon. Nangunot pa ang kanyang noo nang makita sina Carlo at Drake hindi kalayuan sa kanya. Hawak ni Drake ang kwelyo ni Carlo at tila hindi pa rin ito tapos sa pagbabangayan. Nasa gilid naman ng pinto si Manuel, nakahalukipkip at pinagmamasdan ang dalawa. “Bakit ba nag-aalala ka sa traydor na iyan, ha, Drake? Parang kanina lang ay gusto mo na ring patayin iyan, ah? Anong nangyari? Lumambo
Read more

KABANATA 5

“Nasaan siya?! Paanong nakawala?! Tang ina mga bobo ba kayo, ha?! Bakit kayo natakasan ng babaeng iyon?” Halos mayanig ang buong kwarto sa pagsigaw na iyon ni Carlo. Mabilis na nagsialisan ang kanilang mga tauhan. “How could you be so lenient, Carlo?! Bakit ka natakasan ng babaeng iyon?!” sermon naman ng kanyang ina sa kanya habang hinahaplos ang buhok ng kanyang kapatid na noon ay gising na. Nasapo ni Carlo ang ulo at napasigaw na lang sa inis. “Hmm baka talagang ayaw niyang ibigay ang kidney niya, Mama,” ang mahinang sambit ni Trina. “Sabi na, eh, hindi talaga siya mapagkakatiwalaan. Akala ko pa naman may isang salita siya…” dagdag pa nito. “Ohh, Trina…shhh huwag kang mag-aalala, okay? Mahahanap natin ang babaeng iyon at makukuha mo rin ang dapat na sayo. She owed you that kidney, hija, pagkatapos ng lahat ng ginawa nila ng nanay niya…” mariing sambit nito sa kanya habang hinahaplos ang buhok niya. Tipid na ngumiti lang si Trina at nag-iwas ng tingin sa ina. “Pwede bang huwag
Read more

KABANATA 6

“Anong ginagawa niyo rito?!” Gulat na gulat si Clarisse nang biglang humarang ang kapatid niyang si Luis sa kanila ni Michael. Walang takot nitong idinipa ang dalawang kamay na para bang pinoprotektahan sila nito.“L-Luis…” tawag niya rito dahil baka kung ano ang gawin ni Drake dito. Napapikit na lang si Clarisse nang makita kung gaano kagalit si Drake. Ano nga ba ang ginagawa nito rito at paano nito nalaman ang kanilang tinitirhan? Sinunan ba siya nito? Pero sinigurado niya kaninang hindi siya nasundan ng kahit na sino. “Hindi! Hindi, Ate! Sumusobra na sila! Pagkatapos mong pahiyain ang ate ko at pagkatapos mo siyang ipakulong? Ano? Ganoon na lang iyon? Hindi pa ba talaga sapat ang mga iyon at may plano pa kayong masama sa ate ko? Sobra-sobrang kabayaran na ang mga ginawa niyo sa kanya noon kaya tigilan niyo na siya!” Humahangos si Luis habang sinasabi iyon. Mariing napapikit naman si Clarisse at mas lalong niyakap si Michael. Nakita niyang tumaas ang kilay ni Drake habang nakatiti
Read more

KABANATA 7

Kitang-kita ni Clarisse kung paano nanlaki ang mga mata ni Drake nang marinig ang boses na iyon. Napalunok si Clarisse at napatitig din sa lalaking nakatayo ilang metro lang ang layo sa kanila. Si Callen.Hindi niya alam kung nakita ba siya nito kasi natatabunan sila ng kahoy na nasa gilid ng gate. Nanliit ang mga mata ni Clarisse habang nakatitig kay Drake. “Kuya….k-kailan ka pa nakauwi?” tila kinakabahang tanong nito sa lalaki. Hindi gaanong nakita ni Clarisse ang naging reaksyon ni Callen pero halatang-halata kay Drake na kinakabahan ito. Nakita niya pa kung paano pasimpleng sumenyas si Drake sa maid nila para dumalo sa kanila. Agad namang tumalima ang maid.“Bring them to the maid’s house. Sa likod kayo dumaan,” bulong pa nito. “Kuya,” sabi nito at tuluyan nang pumasok sa bukana ng mansyon para salubungin ang kapatid nito. Binalingan sila ng maid na inutusan ni Drake. Ang sama pa ng tingin nito sa kanya kaya napayuko na lang si Clarisse. “Tara na. Sundan niyo ako,” malamig na
Read more

KABANATA 8

“K-Kuya…” Ramdam ni Clarisse ang takot at panginginig sa boses ni Drake nang sabihin iyon. Nanatiling nakayuko si Callen kay Michael na noon ay hawak na ni Clarisse. Gustong-gusto na ni Clarisse ang umalis sa sitwasyong iyon pero hindi niya alam kung paano at hindi niya rin sigurado kung ano ang gagawin. “Anong nangyayari dito, Drake?” Pakiramdam ni Clarisse ay nanayo ang lahat ng balahibo sa katawan niya sa paraan ng pagkakasabi noon ni Callen. Hindi tinitingnan ni Clarisse si Drake pero pakiramdam niya ay nanginginig na ito base na rin sa boses nito. “K-Kuya…s-si Trina kasi… naaksidente siya…kailangan niya ng transplant…” panimula nito. Tila hindi pa nito kayang tapusin ang sinimulan. Mas humigpit ang yakap ni Clarisse sa kanyang anak. Nakayuko lang siya, naghihintay ng kung ano mang sasabihin ni Callen.“Anong kinalaman ni Clarisse?” Nag-angat na ng tingin si Callen at kitang-kita ni Clarisse kung paano nito titigan ang kapatid. “S-siya ang magdo-donate, Kuya….may malaki siya
Read more

KABANATA 9

“Sir Callen, natagpuan na raw iyong tagapagmana ng mga Ocampo!”Natigil sa pag-iisip si Callen nang marinig iyon. Agad niyang binalingan ang kanyang secretary na malawak ding nakangiti sa kanya. “Sino?” tanong niya pa rito. “Iyong panganay at tagapagmana ng mga Ocampo! Si Miss Iris Ocampo.”“What?” Napasinghap si Callen sa narinig. “Isn’t she dead? She had depression 6 years ago, right?” takang tanong pa nito. Isa sa mga importanteng tao ang mga Ocampo sa kanilang negosyo. At malaki ang kontribusyon ng mga ito sa kanilang pamilya. Higit pa roon ay may utang din ang kompanya nito sa kanila.Hindi niya nga akalaing magpapakamatay ang dalaga noon eh. Ngayon ay hindi niya alam kung bakit biglang ganito ang nangyayari. He smelled trouble and she really didn’t want this to be a problem. Malay ba niya kung press release lang ng mga iyon ang nangyari noon para hindi makabayad ng utang. Ang pinakaayaw niya pa naman ay iyong lolokohin siya at iti-take advantage siya. He just hates it when he’
Read more

KABANATA 10

“Mama nanalo ako sa painting contest! Tayo ni Tito ang ni-paint ko!” Napangiti na lang si Luis sa sinabi ng kanyang pamangkin. Huminga siya nang malalim at tinuloy ang pag-video gamit ang cell phone na hiniram pa niya sa kapitbahay nila dahil wala naman siyang pambili ng kanya. “Sige pa, ano pa ang gusto mong sabihin sa mama mo,” aniya pa sa kanyang pamangkin na game na game naman sa pagbibida ng mga award nito. Hindi niya pwedeng isama ang bata sa tuwing bumibisita siya sa kanyang ate sa kulungan kaya naman binibidyo niya ito para makita ng ate niya ang kalagayan nito at para na rin masabi nito sa ate niya lahat ng gusto nitong sabihin. Ngumuso ito sa camera. “Mama, kailan ka po uuwi? Sabi po nila kasi wala daw akong magulang. Saan po ba ang papa ko, Mama? Asan po ba kasi si Papa? Kailan po kayo uuwi. Mama? Bakit niyo po ako iniwan? Nasaan po ba kayo?” Nakanguso si Michael na tila ba isang tulak na lang ay iiyak na ito. Napapikit na lang si Luis at pinigilan na rin ang kanyang s
Read more
DMCA.com Protection Status