Naalimpungatan si Clarisse. Ibinuka niya ang mga mata at agad na inilibot ang paningin sa buong paligid.
“Tang ina kasalanan mo ito!”
“Ano ba! Huminahon kayo!”
“That’s enough for you two!”
“Tsk! Ang sabi mo nagpapanggap lang siya o ano ngayon ha?! Paano kung natuluyan iyan, ha?!”
Dinig na dinig niya ang bangayan nina Drake at Carlo. Inaaninag niya ang mga ito pero sadyang nanghihina pa rin siya at inaantok kaya hindi niya maibuka nang maayos ang kanyang mga mata.
Huminga siya nang malalim bago muling sinubukan ang dumilat. Mas naaninag na niya ang mga tao sa kanyang paligid sa pangalawang pagkakataon.
Nangunot pa ang kanyang noo nang makita sina Carlo at Drake hindi kalayuan sa kanya. Hawak ni Drake ang kwelyo ni Carlo at tila hindi pa rin ito tapos sa pagbabangayan. Nasa gilid naman ng pinto si Manuel, nakahalukipkip at pinagmamasdan ang dalawa.
“Bakit ba nag-aalala ka sa traydor na iyan, ha, Drake? Parang kanina lang ay gusto mo na ring patayin iyan, ah? Anong nangyari? Lumambot ka naman agad!” nanunuyang sabi pa ni Carlo.
Mas lalong nagtagis ang bagang ni Drake at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kwelyo ni Drake.
“I said that is enough!”muling sigaw ni Manuel at pinaghiwalay na nga ang dalawa.
Napalunok si Clarisse. Hindi alam ng mga ito na gising na siya at hindi siya sigurado kung gusto niyang malaman ng mga ito na gising na siya. Ipinikit niya ulit ang mga mata. Kailangan niyang magpalakas kung gusto niyang makalabas ng buhay.
“Manuel!” Natigil sa pagsisigawan ang mga lalaki nang pumasok si Marienne. “Kausapin mo nga itong doktor na ito! Ang sabi niya ay kailangan daw munang magpahinga niyan! Hindi pa pwedeng mag-transplant!”
Ramdam na ramdam ni Clarisse ang galit ni Marienne habang sinasabi iyon. Dahan-dahan niyang ibinuka ang mga mata at sinulyapan ang mga pangyayari. Nasa loob na ngayon si Marienne kasama ang isang lalaking doktor. Nasa tabi na sina Carlo at Drake.
“Mrs. Buenaventura, we cannot risk the life of the donor and the patient as well. That might affect the transplant considering the injuries that she had. Hindi lang iyon, may signs siya ng malnutrition. She is also very week. I would suggest you for her to meet the standard weight first. After that, pwede kayong bumalik for checkup para matingnan natin kung eligible na ba siyang amg-donate ng kidney,” marahang paliwanag ng doktor. Hindi alam ni Clarisse ang kanyang mararamdaman pero parang may namuong pag-asa sa kanyang puso dahil sa narinig.
“At paano ang anak ko ha?!” sigaw ulit ni Marienne.
“Gagawin po namin ang lahat para maging stable siya…pero si Miss Clarisse po ba talaga ang magdo-donate? Kaano-ano niyo po siya? Pwede naman po kasi kayong pumili roon sa checklist ng mga willing mag-donate” tanong ulit ng doktor. Natigilan ang mga naroon at nagkatitigan pa.
“Hindi! Siya ang magdo-donate!” giit ni Marienne.
Kitang-kita ni Clarisse kung paano natutulakan ang mga ito gamit lamang ang mga tingin.
“Wala na siyang pamilya… siya ang magdo-donate…out of good will… dahil kinupkop siya ng pamilya sa mahabang panahon. That is really what she wanted…” si Drake ang sumagot.
Gustong matawa ni Clarisse pero pinigilan niya na lang ang mag-react. Nakatitig lang ang doktor kay Drake na para bang kinikilatis nito kung nagsasabi nga ba ng totoo ang lalaki. Sa huli ay tiningnan nito ang mag-asawang Buenaventura.
“Iyon lang po ang magagawa ko sa ngayon. Sabihan niyo na lang ako pag nakapagdesisyon na kayo,” anito na ikinasinghap ni Marienne.
“No! You’re Luigi Tan’s son right? I know your father! Marami kaming pinag-usapang negosyo at kung gugustuhin ko ay madali kong—”
“Maam, with all due respect, doktor po ako at hindi ako involved sa negosyo ng pamilya ko. What I care about the most are my patients’ well-being, other things than that, I am not concerned anymore. Thank you. Excuse me.”
Hindi na nakapagsalita si Marienne Buenaventura dahil iniwan na ito ng batang doktor. Nagpapadyak na lang ito sa inis bago nag-walkout. Sinundan naman ito ng asawa. Ilang saglit lang ay lumabas din si Carlo at Drake. Saglit pa siyang sinulyapan ni Drake bago ito tuluyang lumabas.
Nang siya na lang mag-isa sa kwarto ay parang nakahinga nang maluwag si Clarisse. Pinilit niya ang sariling bumangon. Kinapa niya ang katawan pero wala na sa kanya ang cutter niya. Hindi niya rin mahanap ang kanyang mga damit. Napamura siya at mabilis na tinanggal ang mga suwero niya. Kahit na nahihilo pa ay maingat siyang bumaba ng kama at nagpunta sa pinto. Ikinalat niya ang tingin sa buong corridor at nang makita niyang walang tao roon ay saka siya kumaripas ng takbo papuntanf fire exit.
Hindi na niya alintana ang sakit ng katawan. Sa wakas ay nakalabs na rin siya ng hospital. Sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Palinga-linga pa rin siya at baka may nakasunod sa kanya. Napalunok siya. Tiningnan niya ang sarili. Kailangan niyang humingi ng tulong. Pero saan?
Hindi siya tumigil sa paglalakad hanggang sa may nadaanan siyang payphone. Napalunok siya at agad na huminto. Tinitigan niya ang payphone. Alam na niya kung sino ang kanyang tatawagan.
Nagmamadaling pumunta siya sa booth. Kinailangan niya pang manghingi ng panghulog doon. Mabuti na lang at may naawa naman sa kanya. Natatarantang idenial niya ang kaisa-isang number na saulo niya at ang kaisa-isang taong alam niyang kinatatakutan ng mga Buenaventura at ni Drake.
“Callen…s-si Clarisse ito…” humihingal niyang sambit nang sagutin nito ang tawag.
“Hmmm. Finally decided to call me huh.”
Napapikit si Clarisse. “I-I need your help…please …”
Si Callen Giorado ang genius na business tycoonant head ng Giorado group of companies ang isang taong kinatatakutan ng mga Buenaventura at ni Drake. Ayaw man niya itong isali sa gulo niya, wala na siyang choice. Hindi na lang sarili niya ang kailangan niyang protektahan kundi pati na rin ang kanyang anak. Sa kabila ng lahat ng nangyari, never niyang sinisi ang bata. Wala itong kasalanan at gagawin niya ang lahat para lamang maprotektahan ito kahit ano pa ang maging kapalit.
“Alright…tell me what you need…”
Parang nakahinga nang maluwag si Clarisse habang pinapanood ang mga Giorado papasok ng bahay. Inihatid niya ng tingin ang mga ito bago siya nagmamadaling pumasok sa loob ng guesthouse. Samantala, sa loob ng bahay ng mga Giorado, nakaupo sina Drake at Christi sa upuan sa sala. Pinahatid na si Duke sa kwarto nito dahil iyak na ito nang iyak. Si Carlos naman na nagsilbing audience lang kanina ay umuwi na lang din. Halos hindi mapakali si Christi habang nakatitig ang kanilang ama sa kanilang dalawa ng kuya niya. Para silang mga batang kinakastigo. Sa gilid naman at sa pang-isahang sofa ay prenteng nakaupo lang si Luigi. Hindi pa rin makitaan ng emosyon ang mukha ng lalaki. “Anong kaguluhan ito?” kalmado pero malamig na tanong ng ama nina Christi at Drake. Umismid si Drake. “Bakit hindi niyo tanungin ang magaling niyong manugang, Dad?”Nanatiling nakayuko lang si Christi. “Why don’t you ask your son in law, Dad?” si Drake na masamang-masama ang tingin kay Luigi. Nabaling ang tingin n
“Daddy!” Mabilis na nalipat din ang tingin ni Clarisse nang makitang tumakbo ang anak ni Christi sa lalaking nasa likuran nina Carlos at Drake. Maging si Christi ay natulala rin at napatayo nang maayos. “L-Luigi…y-you’re back. I thought may business meeting ka pa sa Beijing?” tanong pa nito sa asawa.“Nandoon si Papa. Umuwi ako para asikasuhin ang divorce natin.” Napakurap-kurap si Clarisse at napatitig kay Christi. Kung kanina ay ang tapang-tapang nito, ngayon ay para itong pinagsakluban ng langit at lupa. Kahit pilit nitong tinatago ay ramdam at kita niya rito ang sakit.“Talagang minamadali mo iyan?” Dinig na dinig ni Clarisse ang pait sa boses ni Christi. Nawala ang matapang at mapangmataas na titig nito sa kanya kanina at napalitan iyon ng tila takot at sakit. Para itong nanliliit habang nakatitig sa asawa nito. “Tsk. Bakit hindi?” tanging sagot lang ng asawa ni Christi dito. Hindi napigilan ni Clarisse ang mapakurap-kurap dahil sa sagot ng lalaki. Napaawang ang kanyang bibig
“Aba, aba! Sumasagot ka na ngayon, ha!” Akmang lalapitan siya nito para sabunutan pero agad itong napigilan ni Christi. “No, Manang, it’s not worth it. Hindi worth it ang babaeng iyan,” mariing sambit pa ni Christi, idinidiin ang salitang ‘hindi worth it’. “Bakit hindi po natin icheck iyan siya! Nako, Maam, malay naman talaga natin!” sulsol na naman ng mayordoma na mas lalong ikinasinghap ni Clarisse. “Wala nga akong kinalaman diyan! Christi, hindi ko alam iyan!” “Sinungaling! Sige nga, hubarin mo iyang suot mo para makita naming wala ka ngang tinatago, ha? Ano?” hamon nito sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Clarisse sa sinabi ng mayordoma. Bumalatay ang takot sa mukha ni Clarisse dahil sa sinabi ng mayordoma. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito. Seryoso ba ito? Hindi siya makapaniwala sa sitwasyon na iyon lalo pa nang makita niyang tila pumapayag si Christi sa sinabi ng mayordoma. Mariing umiling si Clarisse. “Hindi! Hindi ko gagawin iyan!” Sobra-sobra na ang ginagawa ng
“Sorry, anak…sorry talaga…” naiiyak na sabi ni Clarisse habang hinahalikan ang kanyang anak sa ulo. Sinapo niya ang magkabilang pisngi nito at pinaharap ito sa kanya. Nakangiti siya sa kanyang anak habang hinahaplos ang buhok nito. “Mama…saan ka ba po pumunta? Natakot ako, eh,” nanginginig pa rin ang boses na sabi nito sa kanya. Parang may nagbara naman sa kanyang lalamunan nang marinig ang sinabi ng kanyang anak. Gusto niyang saktan ang sarili dahil nasaktan din niya ang kanyang anak. “Nasaan ba ang Tito Luis mo? Bakit ka nandito, ha?” tanong niya naman pabalik dito imbes na sagutin ang tanong nito. Ngumuso si Michael sa kanya. “Tulog po siya…lumabas ako kasi hinahanap kita…” Nasapo na lang ni Clarisse ang kanyang noo habang pinagmamasdan ang kanyang anak. Muli niya itong niyakap tapos ay hinagkan ulit ito sa kaliwang pisngi. “Ate?”Napatayo siya nang makita si Luis na palabas ng bahay. “Luis!” Nilapitan niya ang kapatid, hawak ang kanyang anak sa isang kamay. “Bakit hindi mo
“Miss Clarisse, may iilang katanungan lang po kami sa inyo.” Hindi makapagsalita at makagalaw si Clarisse sa tanong ng pulis. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin at sasabihin. Napalunok na lang siya. Ramdam niya ang titig ni Callen sa kanya. Tila gusto nitong may sabihin siya pero hindi niya naman alam kung ano ang kanyang sasabihin. Bakit ba humantong ito sa pulis? At talagang si Callen ang nagsumbong? Bakit?” “Miss Clarisse? Maki-cooperate na lang po kayo para matapos na rin po tayo agad,” muling sabi ng pulis nang hindi siya magsalita. “Just tell them who did that to you,” tila naiinis na sambit na rin ni Callen. Mas lalong napalunok si Clarisse. Palipat-lipat ang kanyang tingin mula kay Callen tapos ay sa mga pulis. Ganoon ang ginawa niya nang ilang segundo. Sobrang naguguluhan siya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin. Ni hindi niya maibuka ang kanyang bibig sa sobrang kaba niya. Nakatitig pa rin sa kanya si Callen at naghihintay ng kanyang sasabihin. Na
“What the fuck are you doing?” kalmado ngunit galit na sabi ni Callen. Natahimik ang buong paligid. Nanatiling nakayuko si Clarisse habang pinapakinggan ang sigaw ni Callen. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari dahil nakayuko lang naman siya at nakaharang pa sa kanyang vision ang bulto ni Callen.Walang nagsalita sa mga kaibigan ni Drake. Ilang saglit lang ay narinig niya ang pag-ismid ni Callen. Napakurap-kurap si Clarisse lalo na nang hilahin siya nito patayo. Naramdaman niyang tila chinicheck siya nito. "Tsk. Let's bring her to the hospital. She's bleeding," narinig niya na lang sabi nito tapos ay hinila na siya nito paalis doon. Ni hindi niya namalayang dumugo pala ang kanyang braso. Marahil ay dahil iyon sa paghampas niua ng champagne kay Miguel. Nakarinig pa siya ng bulong-bulungan mula sa mga taong naroon. Hindi na lang iyon pinansin ni Clarisse at tuluyan na siyang nagpahila kay Callen paalis doon. Habang nasa biyahe, hindi mapigilan ni Clarisse ang mahigpit na mapakapi
Kahit anong kondisyon ni Clarisse sa kanyang sarili na huwag magpaapekto sa mga sinasabi at ginagawa ni Drake ay hindi niya pa rin maiwasan. Kuyom na kuyom ang kanyang kamay habang papunta sila sa venue ng kaarawan ni Trina. Gusto niya na lang sanang matapos ang gabing ito nang walang gulo. Ang sabi niya sa kanyang sarili ay hindi na siya papatol sa kahit anong sabihin ng lalaki pero sadyang hindi niya kaya dahil talagang walang humpay ang pang-iinsulto sa kanya. Talagang nagalit ito sa sinabi niya kanina kaya ngayon ay hindi sita nito tinatantanan ng mga masasakit na salita. Hanggang sa pagkababa nila ay patuloy pa rin ang parinig nito. Mas lalong naikuyom ni Clarrise ang kanyang mga kamay nang pagkapasok nila sa venue ay may sumalubong agad sa kanila. “My, my! Look who’s here!”“Today’s protagonist!”Kinantiyawan siya ng mga taong sumalubong sa kanila. Nang titigan niyang maigi kung sino ang mga ito ay saka lang niya makilalang ang mga ito ay ang circle ni Drake na noon ay sobran
Takang-taka si Clarisse habang nakatitig kay Drake na noon ay nasa kanyang harapan. Kasalukuyan siyang nasa sala noon at nakaupo sa mahabang couch. Ang anak niya ay nasa kwarto at natutulog pa. Umaga na iyon at hinihintay na lang niyang matapos ang kanyang niluluto. Sobrang bait ni Callen dahil sobra-sobra ang ibinigay nitong pagkain para sa kanila kaya naman may naluto pa siya kinabukasan. Mabuti na lang din iyon kasi hindi nga sila pinapalabas. Nagulat na lang siya nang biglang pumasok doon si Drake. “D-Drake…” Napatayo siya at ramdam na ramdam niyang nanginginig ang kanyang mga kamay habang magkaharap sila ni Drake. Mukha itong bagong gising at tila labag pa sa loob nito ang pagpunta nito sa kanya. Napalunok siya habang pinagmamasdan niya ito. “Tsk. Sasama ka sa akin ngayon,” mariing sambit nito. Napaawang ang labi niya at biglang kumabog ang kanyang dibdib. “H-ha? Bakit? T-teka, saan tayo pupunta?” sunod-sunod niyang tanong dito. “Tsk. Bakit ba ang dami mong tanong? Sumama k
“Ito oh. Kain pa kayo…kain ka pa, boy.” “Salamat po,” tipid na sabi ni Clarisse kay Pablo, ang assistant ni Callen. Ngumiti naman ito sa kanya. “Kain din po kayo, Maam, Sir,” sabi naman nito sa kanila ni Luis. Tumango lang ang kapatid niya rito. Nginitian niya rin ito at saka siya bumalik sa pagkain. “Kain ka pa, anak,” sabi niya pa kay Michael at muli itong sinubuan ng kanin at ulam. “Masarap ba?” tanong niya pa rito. Magiliw na tumango naman si Michael sa kanya. Mas napangiti siya at ginulo ang buhok ng kanyang anak. Hinagkan niya pa ito sa ulo. Tiningnan niya ang kanyang kapatid at tahimik lang din naman itong kumakain. Nang mag-angat ito ng tingin sa kanya ay tipid niya pa itong nginitian. Hindi siya nito pinansin at binigyan na ulit ng pagkain si Michale. “Ay teka po, may kukunin lang ako,” paalam ni Pablo sa kanila. Tumango lang sina Clarisse at Michael dito habang si Luis ay wala pa ring kinakausap. Hinayaan na lang ni Clarisse ang kapatid. Basta ba magkasama sila at nabab