PUNO ng saya ang puso ni Naomi Tamayo habang naglalakad siya sa pasilyo patungo sa opisina ng asawa niyang si Owen Palma. Ngayon kasi ang kanilang first year anniversary bilang mag-asawa kaya naman binilhan niya ito ng mamahaling relo na galing sa pinagtrabahuhan niya. Hindi alam ni Owen na nagpa-part time siya para makabili ng ireregalo niya sa asawa.
"Sigurado akong matutuwa ka sa gift ko sa iyo, honey." Alam kasi niyang mahilig sa relo si Owen.
"M-Ma'am Naomi, a-anong pong—"
"Nandiyan ba ang asawa ko?" masayang tanong niya.
"P-po? S-si Sir Owen po? H-hindi ko pa po siya nakitang dumating, eh."
Kumunot ang noo niya sa sagot ng sekretarya ni Owen. Bakit nauutal ito?
"Sige, kung wala pa siya hihintayin ko na lang siya sa loob." Ngumiti siya sa sekretarya at nang hahakbang na siya humarang ito.
"P-pero baka po nasa meeting pa si Sir. Sarado po kasi ang opisina niya."
"May susi ako ng opisina niya, kaya ok lang."
Mas namula ang secretary. Kita ang pagkabahala sa mukha nito.
"P-pero—"
"Sige na, maghihintay na lang ako sa loob, Cecil." Nilampasan na niya ito. Pipigilan pa sana siya nitong pumasok pero nahawakan na niya ang doorknob. Nagtaka pa siya nang bukas iyon. Bakit parang may kakaiba? Hindi niya alam pero pinagkibit-balikat na lang niya iyon dahil ayaw niyang sirain ang first anniversary nila ng kaniyang asawa.
Pinihit niya ang doorknob ng opisina ng asawa at agad napakunot ang noo niya sa narinig na ingay mula sa loob.
"Sh*t! Urgh! Ahh! F*ck!" paimpit pero rinig niya ang boses ng babae.
Nag-init ang tainga ni Naomi sa narinig. May tao ba sa loob? Pero bakit may babaeng umuungol. Nakaramdam siya ng kaba. Bumilis ang kabog ng kaniyang dibdib.
"F*ck! Baby you're so good!"
Mas nanliit ang mga mata niya nang marinig niya ang boses ni Owen. Tuluyan niyang tinulak ang pinto ng opisina at ganoon na lang ang gulat niya sa sumalubong sa kaniya. Nanigas siya at parang binuhusan ng malamig na tubig sa nadatnan.
Ang asawa niyang si Owen, kitang-kita niyang nakikipag-s*x sa ibang babae sa opisina nito. Nakaupo si Owen sa swivel chair habang nakaupo paharap ang babae habang umiindayog ito sa ibabaw ng lalaki na sarap na sarap. Ni hindi namalayan ng mga ito ang pagpasok niya.
Natutop niya ang kaniyang bibig kaya nabitawan niya ang hawak niyang regalo para sa asawa na gumawa ng ingay kaya nakuha niyon ang atensyon ng dalawa.
"Na-Naomi!" Mabilis na tinulak ni Owen ang babaeng ka-s*x nito. Nang makaalis ito sa ibabaw ng asawa niya, mabilis na tumayo ito at tinago ang tigas na tigas nitong pagkalalak! na nabitin ata.
"Hayop ka!" Sinugod niya ang asawa at pinaghahampas ito ng kamao niya. Pag harap niya sa babae, nagulat siya. "I-Ivy! Pa-paanong—"
"Gulat ka 'no?" Imbis na makonsensiya at matakot, tila proud pa ang akala niya'y kaibigan na niya dahil kaibigan din ito ng kaniyang asawa. "I'm sorry, nahuli mo pa kami. Nakakahiya," sarkastiko pa nitong sabi.
Suminghap siya. "Paano mo nagawa sa akin 'to? Tinuring kitang kaibigan, Ivy, kapatid pero bakit nagawa mo 'to sa akin? Bakit asawa ko pa?" pasigaw na sabi niya.
"Alam mo masyado ka kasing boba, paniwalain at madaling lokuhin. Sa tingin mo talaga kaibigan ang turing ko sa iyo? Since nahuli mo na kami, wala nang dahilan para itago pa namin ang mayroon kami ni Owen." Lumapit ito sa asawa niya at pumulupot sa braso nito.
"Ivy, stop!" Inalis ni Owen ang braso ng babae.
Bumuhos ang luha sa kaniyang mga mata. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon. Ayaw niyang maniwala. Sana panaginip lang iyon.
"Mga hayop kayo! Mga baboy!" Sumugod siya at agad nahawakan ang buhok ni Ivy. Sa galit niya, hinigit niya iyon ng ubod ng lakas.
"Ouch! Naomi, let me go!" sigaw nito.
"Naomi, tama na!" Inawat sila ni Owen.
Pilit inaalis ni Owen ang kamay niya sa buhok ni Ivy. Nabitawan niya iyon at dahil sa lakas ng lalaki, naitulak siya nito at napaupo siya sa sahig.
"Hindi mo pa ba alam? Hindi ka naman mahal ni Owen! Pinakasalan ka lang niya para makuha ang lupa ng pamilya mo. And now he gets what he wants from you, wala ka na ring silbi sa kaniya."
Pakiramdam niya'y dinudurog ang buong pagkatao niya. Hindi man lang ba siya ipagtatanggol ni Owen? Siya ang asawa nito.
Umiling-iling siya. "H-hindi totoo 'yan, Ivy. Pinakasalan ako ni Owen dahil mahal niya ako." Hindi na niya napigilan ang pagbasag ng kaniyang boses.
Tumawa si Ivy at inayos ang nagulong buhok. "Naramdaman mo bang minahal ka? You're trash, Naomi. Uto-uto at madaling lokuhin at iyon ang ginawa sa iyo ni Owen."
Tiningnan niya ang asawa. Hindi ito matingin ng diretso sa kaniya.
"Ivy, tama na," saway nito.
Tumayo siya at tiningnan si Owen.
"Owen, tell me totoo ba ang sinasabi ni Ivy?" Ayaw niyang marinig ang sagot pero umaasa siyang itatanggi iyon ni Owen.
"Owen, tell her the truth," si Ivy.
"Sagutin mo ako! Tell me the truth! Totoo ba na pinakasalan mo lang ako dahil sa lupa ng pamilya ko?" pasigaw niyang sabi. Malakas niyang hinampas ito sa balikat ng kaniyang palad. "Sagutin mo ako!"
Bahagya itong nakayuko at hindi magawang tumingin sa kaniya. "I-I'm sorry, Naomi!"
Sa pagbuka pa lang ng bibig nito, iyon din ang pagkadurog ng puso at pagkatao niya. Walang awat sa pagpatak ang luha sa mga mata niya dulot ng matinding sakit ng pagtataksil.
"H-hayop ka!" Pinagsusuntok niya ang binata.
"I'm sorry, Naomi pero ginamit lang kita para makuha ko ang gusto ko. Alam mo rin ang sitwasyon ng negosyo ng pamilya ko at kailangan ko si Ivy at ang negosyo ng pamilya niya para makaahon ang kompanya."
"P-pero paano ako?"
"Let's get divorce!"
MABILIS NA bumaba ng sasakyan si Naomi kasama si Martin sa tapat ng malaking bahay ng mga Fravoo. Agad silang pumunta roon nang malaman nilang aalis na sila ng bansa. Kailangan nilang maabutan ang mga ito at makuha ang anak niya.Sunod-sunod na doorbell ang ginawa ni Naomi habang kinakabahan siya. Paano kung nakaalis na sila ng bansa dala ang anak niya? Paano kung nailayo na nila ang bata? Anong gagawin niya? Natatakot siya na baka tuluyan nang mawala ang anak niya."Tao po!" sigaw ni Martin habang sinisilip ang loob ng malaking bahay. Walang lumalabas mula roon na kahit katulong.Hindi niya tinitigilan ang pagpindot sa doorbell, ulit-ulit, umaasang may lalabas mula roon. "Mr. and Mrs. Fravoo, please talk to me!" sigaw niya, naiiyak may pagmamakaawa."Lumabas kayo and talk to us! Alam naming nandiyan pa kayo at hindi kami aalis dito hanggang hindi kayo lumalabas," sigaw ni Martin. Bumuntong-hininga ito at hinarap siya. "Sigurado akong hindi pa sila nakakaalis ng bahay," tila siguradon
"NAOMI." Napakurap siya nang marinig niya ang boses ni Grayson habang kanina pa niyang pinagmamasdan si lola Marina na mahimbing na natutulog. Pasimple niyang pinahid ang luha sa kaniyang mga mata. Nasasaktan siya sa mga nangyayari. Hindi siya humarap. Nanatili siyang nakatingin kay lola Marina habang hawak niya ang kamay at braso nito. Gusto niyang maramdaman nitong nasa tabi lang siya nito. "P-pwede ba tayong mag-usap?" mahinahong tanong nito. "Alam kong hanggang ngayon galit ka pa rin sa akin at ayaw mo akong makita pero baka this time, pwede mo akong bigyan ng pagkakataong makausap ka," pakiusap nito. Bumuntong-hininga siya at bahagyang yumuko. Dahan-dahang niyang binitawan ang kamay ni lola Marina at tumayo mula sa pagkakaupo. Hinarap niya ito pero walang boses na lumabas mula sa bibig niya bago naglakad palabas ng silid. Niyakap niya ang sarili nang umihip ang malamig na hangin habang nasa dulong bahagi sila ng hallway ng hospital kung saan walang tao. Nakatingin siya sa lab
"HINDI na ako makapaghintay na makita at makausap si lola Marina, Martin," masayang sabi ni Naomi habang lulan siya ng sasakyan nito. Nang malaman nila mula kay Vincent na gising na raw si Lola Marina, agad silang bumyahe papunta sa hospital. Masaya siya at natutuwa sa nalaman. Mas binilisan pa ni Martin ang pagmamaneho sa sasakyan nito. "Ngayong gising na si lola Marina, mapapatunayan na natin ang lahat ng ginawa ni Levie at Ivy sa kaniya at mas madali natin silang masisingil sa lahat ng kasalanan nila," ani Martin. Ngumiti siya. Hindi na siya makapaghintay na makitang nasa kulungan ang mga taong gumawa ng masama laban sa kaniya at kay lola Marina. Ilang sandali pa at nakarating na sila sa hospital. Agad silang bumaba ng sasakyan at pumasok sa gusali. Nasapo niya ang umbok na niyang tiyan dahil pakiramdam niya'y bumibigat na iyon. Nakakaramdam din siya ng sakit ng balakang at pagkapagod dahil sa paglalakad. Kapagkuwa'y naramdaman niyang hinawakan ni Martin ang braso niya para
"ANONG balak mong gawin kay, Kalus?" tanong ni Martin kay Naomi habang sakay sila ng sasakyan nito patungo kay Kalus. Habang nasa backseat si Yuan, abala sa paglalaro sa cellphone nito. "Sa tingin ko hindi na natin magagamit si Kalus laban sa kanila lalo't wala na sa panig nila si Grayson at tito Christopher." "Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong nito. "Sa tingin mo ba may pakinabang pa sa kanila si Kalus at Ashley gayong hindi na nila kailangang magpanggap sa harap ng mga Alcantara? Sigurado ako ngayong nakuha na nila Ivy ang posisyon ni Grayson, hindi na rin nila kailangan si Kalus at Ashley. Katulad ni Gino, itatapon na lang din nila ang mag-ina na parang basura pagkatapos nilang gamitin." Napaisip si Martin at kapagkuwa'y tumingin sa kaniya. "Kung ganoon ibabalik na natin kila Grayson ang bata?" Umiling siya. "Kapag lumabas na ang DNA results ni Kalus at napatunayan kong anak siya ni Grayson, ibabalik ko siya sa kaniya pero kapag hindi siya anak ni Grayson, hahayaan k
"BABALIKAN natin ang anak mo, Naomi," ani Martin habang lulan sila ng sasakyan pauwi. Kanina pa siya walang kibong dahil gustong-gusto na niyang makita ang anak na nawalay sa kaniya. Hindi na siya makapaghintay na mayakap at makasama ito.Gusto sana niyang makita ang umiiyak na bata sa bahay ng mga umampon dito pero pinigilan siya ni Martin dahil baka raw malaman ng mga katulong kung anong totoong pakay nila roon at kapag nangyari iyon, baka ilayo ng mag-asawa ang kaniyang anak."Hindi nila pwedeng malaman na alam na natin ang tungkol sa batang inampon nila dahil sigurado akong hindi nila basta ibibigay sa atin ang bata lalo't mahigit isang taon na rin nilang inalagaan ang anak mo." Saglit siya nitong tiningnan at hinawakan ang kaniyang kamay at marahan iyong pinisil. "Pero huwag kang mag-alala dahil sigurado akong wala silang matibay na panghahawakan para angkinin ang bata. Kapag napatunayan nating siya ang anak mo at hindi nila ibinigay sa atin, dadaanin natin sa legal na proseso."
"NGAYON na nakuha na ni Owen at Levie ang posisyon ni Grayson sa kompanya, sa tingin mo ba may panahon pa si Ivy para balikan ka rito at tuparin ang pangako niya sa iyo? Kung wala kang pera at kapangyirihan kagaya ni Owen, hindi ka niya mamahalin. You're useless to her! Isa ka lang niyang kasangkapan, gagamitin sa sarili niyang benepisyo. Ilang beses ka ba niyang dinadalaw dito? Did she tell you that she loves you? Anong pinanghahawakan mo para sabihin mong ikaw ang pipiliin niya?" Ngumisi pa si Naomi dahil alam niyang alam ni Gino na totoo ang lahat ng sinabi niya.Hindi ito nakaimik at bahagyang yumuko, kita ang sakit at pait ng katotohanan."Papayag ka bang ikaw ang nakakulong habang malayang nagmamahalan si Owen at Ivy?" segunda naman ni Martin. Kapwa batid nila na ginagamit lang ni Ivy si Gino para sa sarili nitong kapakanan at paraan nilang saktan ito at ipamukha ang masakit na katotohanan para malaman nito ang totoong intensyon ni Ivy sa rito."Kaya kung ako sa iyo, hindi ako p