Share

006

Author: Totoy
last update Huling Na-update: 2025-03-05 21:21:16

NAPAAWANG na lang ang bibig ni Naomi nang makarating sila sa mansyon na sinasabi ng driver na sumundo sa kanila. Sino ba namang hindi mapapangaga dahil sa sobrang laki ng bahay at halos lahat ng gamit ay kumikinang.

"Wow!" manghang sabi ni Nonoy habang magkasalikop ang mga kamay nito.

"This way, Miss Naomi, naghihintay na po sa inyo si Mr. Alcantara," ani ng driver at iginiya siya papasok sa isang silid. Mas namangha pa siya sa napakalaking silid na halos kasing laki na ng living room ng bahay ni Owen.

"Mr. Alcantara, nandito na po sila." Nag-bow pa ang driver bago tumalikod at lumabas ng silid.

Kumunot ang noo niya at tumingin sa kausap ng driver. Nakita niya ang lalaking nakatayo sa bintanang salamin habang nakapamulsa. Pamilyar na bulto.

"H-hello po," alangan niyang bati.

Hindi niya alam kung slow mo ba ang galaw ng lalaki o ganoon ang effect ng pagharap nito sa kaniya. Natulala siya at napaawang ang bibig. Anghel ba ang nasa harap niya?

"A-ate, sino po siya?" 

Saka lang siyang napakurap nang marinig ang sinabi ni Nonoy. Sino ba namang hindi matutulala kung may gwapo at matipunong lalaki ang haharap sa kaniya? Almost perfect na ata ang histura nito. Mula sa hugis ng mukha hanggang sa mga kilay nito ay masasabi niyang anghel nga ito. Bigla siyang kinabahan.

"Have a sit, Miss Naomi." Baritono ang boses nito na napakaseryosong pakinggan. 

Dahan-dahan siyang lumapit sa upuan habang tulak niya ang wheelchair ni Nonoy. 

Pinagmasdan siya nito at ang kapatid niya.

"Well, I'm sorry kung nabigla kayo." Seryoso lang ang mukha nito pero ang gwapo pa rin. "Remember the condition na sinabi ko sa iyo, Miss Naomi?" 

Kumunot ang noo niya. Siya na ba ang lalaking bigla na lang nag-alok ng kasal sa kaniya? Saka niya na-realize na ito nga ang lalaki.

"So, ikaw yong stranger na bigla na lang nag-alok ng kasal kapalit ng perang kailangan ko sa pagpapa-opera kay Nonoy?"

"Yes, it's me."

Hindi niya alam ang ire-react dahil utang niya ang lahat sa binata. Ngumiti siya at tumayo, saka nilapitan ito. Nagulat ito ng hawakan niya ang kamay nito.

"S-salamat po talaga. Thank you dahil kung hindi dahil sa inyo, hindi ma-ooperahan si Nonoy. Ka-kahit ano po, gagawin ko mabayaran ko lang ang perang ginastos ninyo kay Nonoy. Hindi ko alam kung gaano katagal, pero handa po ako." Tumulo na lang ng kusa ang luha sa mga mata niya.

Kumunot ang noo ng lalaki saka binawi ang kamay nito.

"Well, as you've said, gagawin mo lahat, right? Kapalit ng perang binayad ko sa operasyon ng kapatid mo, papakasalan mo ako sa lalong mas madaling panahon. Magiging asawa kita hangga't hindi ko sinasabing magdi-divorce tayo. Don't worry, bukod sa perang ginastos ko sa operasyon ng kapatid mo, makakatanggap ka rin ng 10 million oras na mag-divorce tayo and I will give you a house and lot para sa inyo ng kapatid mo," mahabang paliwanang nito na seryoso pa rin ang mukha.

Hindi agad siya nakaimik. Bakit parang atat na atat itong magpakasal? Pero nawindang siya sa ibibigay pa nito sa kaniya.

"M-ma...magiging asawa mo ako?"

"Bakit ayaw mo?"

Mabilis siyang umiling. "N-No, sir I mean bakit ako?"

"May choice pa ba ako ngayon? Naoperahan na ang kapatid mo kaya bayad ka na sa trabaho mo. All you need to do, is do your job. Be my wife."

HINDI makapaniwala si Naomi nang bigla na lang siyang dalhin ng lalaki sa munisipyo ng kung saan mang lugar iyon para magpakasal siya. Iniwan naman muna niya si Nonoy sa mansyon kasama ang nurse na si Mr. Alcantara na rin ang nag-hire.

"Ganito ba ka soon as possible na makasal tayo?" tanong niya habang papasok sila sa mayor's office para magpakasal.

"I don't have time to wait for the right time, Miss Naomi. I need to be married now."

Kakaiba ang lalaking ito. Atat makasal sa taong hindi naman nito kilala.

"Mr. Alcantara, what are you doing here?" gulat na sabi ng mayor nang makapasok sila sa office nito.

"I'm sorry, mayor Billy hindi na kita natawagan. It's a sudden decision of mine to get married today," ani ng lalaki na parang nakaisip lang tumae. Pinagmamasdan lang niya ang gwapo nitong mukha.

Nagulat ang mayor. "W-what? Magpapakasal ka today? Mr. Alcantara, nagbibiro ka right?"

"No, I'm not kidding, mayor Billy. Nandito ako para magpakasal with her." Tinuro pa siya nito. "Nandito si Vincent to serve as witness," anito na ang tinutukoy ay ang driver na sumundo sa kanila sa hospital kanina lang.

"With her? And who is that girl? Ngayon ko lang siya nakita. Wala ka namang dinala o pinakilalang babae sa akin o sa mga business partners mo?"

"Mayor, stop asking ikasal mo na lang kami ngayon, pwede ba?"

"As in ngayon?"

"Ngayon, mayor."

Napailing na lang ang mayor na natatawa, saka lumapit sa table nito. "Ok, ikakasal ko na kayo."

Sumunod siya kay Mr. Alcantara nang lumapit ito sa Mayor. Tiningnan siya nito na walang emosyon ang mukha. Napaka-mystery ng binata para sa kaniya. Ang dami niyang gustong itanong pero wala pa siyang lakas ng loob.

Hindi siya makapaniwala na nagpaksal siya sa isang lalaking hindi niya kilala. Ni pangalan nga nito, hindi niya alam tapos nagpakasal siya?

"Congratulations Mr. And Mrs. Alcantara," bati ng mayor matapos ang seremonya at mapirmahan nila ang marriage contract. "Wala bang kissing?" natatawa pa nitong biro.

"Oo nga, wala bang kiss man lang?" segundan naman ni Vincent.

Kumunot ang noo ni Mr. Alcantara at nilingon siya. Bigla siyang kinabahan. Hahalikan ba siya nito? No!

"Hindi na kailangan, mayor Billy. Thank you," anito. 

Nakahinga siya ng maluwag.

Para siyang nanaginip dahil nitong nakaraan lang ay kaka-divorce niya kay Owen, tapos biglang bagong kasal ulit siya. Totoo ba talaga ang lahat? Sa isang iglap nagbago ang buhay niya. 

"HUH? Dito rin kami titira ni Nonoy?" gulat na sabi ni Naomi nang nasa mansyon na sila.

"Mag-asawa na tayo at para mas maging makatotohanan ang lahat, we should live together."

"P-pero ok lang ba sa inyo na nandito kami ni Nonoy?"

"Naomi, trabaho mo ito, ang maging asawa ko. Isa pa, may bahay ba kayong uuwian ni Nonoy?"

Napayuko siya. Wala nga pala silang uuwian.

"Simula ngayon, dito na kayo titira ni Nonoy. Wala kayong aalalahanin dahil hindi kayo magtatrabaho rito. Ang gagawin mo lang maging asawa ko, naiintindihan mo ba?" 

Tumango siya. "Salamat nga pala ulit sa pangbayad ng hospital bills ng Kapatid ko."

"May kapalit lahat iyon, Naomi."

"Salamat pa din." Tumango ito at tumalikod na. Lalakad na sana ito nang magsalita ulit siya. "Pwede ko bang malaman ang

pangalan mo?"

"Grayson."

Paano kapag nalaman nitong buntis siya at kaka-divorce lang niya sa ama ng bata? 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
naku ipagtapat mo na agad Naomi na buntis ka para nman d magalit sayo c Mr. Alcantara
goodnovel comment avatar
Dimple
ipagtapat mo na agad Naomi, para wala kang tinatago Kay Grayson...
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • After Divorce: I Married A Stranger    265 (Last Chapter)

    "ANONG PAKIRAMDAM na kayo naman ang nasa likod ng mga rehas, Ivy at Levie?" Napatingin kay Naomi si Levie at Ivy na nakaupo sa gilid ng masikip na selda na alam niyang hindi sila comfortable dahil malayo ito sa lugar na kinasayan nilang tirhan. Kita niya sa mukha ng dalawa ang pandidiri. Tumayo ang dalawa at lumapit sa mga rehas. "Hayop ka, Naomi! Hayop ka, palabasin mo kami rito!" sigaw ni Ivy habang kinakalampas ang mga bakal. "Maghitay ka dahil makakalaya kami rito," ani naman ni Levie. Ngumiti siya. "Hanggat hindi ninyo napagbabayaran ang lahat ng kasalanan ninyo, hindi ko hahayaang makalaya kayo. Kulang pa iyan sa lahat ng paghihirap na pinaranas ninyo sa akin at sa kapatid ko. Sinisingil ko lang kayo." "Hayop ka ikaw ang dapat nandito sa loob," giit ni Ivy. "Kahit nakakulong ka na, matapang ka pa rin. Hindi mo pa rin nare-realize ang lahat ng kasalanang ginawa mo. Ni hindi ka man lang nagsisisi." Suminghap siya. "Masanay na kayo sa lugar na iyan dahil sisiguraduhin kung hi

  • After Divorce: I Married A Stranger    264

    "H-HAYOP KA, Naomi! Hayop ka!" Agad na sumugod si Ivy sa kaniya pero agad na humarang si Grayson at Martin. Hindi na rin nakatiis si Rovert at Owen, sumugod ito na agad naman sinalubong ni Martin at Grayson. Nagpangbuno sila habang lumapit naman sa kaniyang si Ivy. Nilapitan naman ni Christopher si Levie at hinawakan ito sa braso ng akmang susugod din ito sa kaniya. Sasampalin sana siya ni Ivy pero agad niyang nahawakan ang braso nito. Ginawa nito ang buhok niya gamit ang kaliwang kamay kaya napangiwi siya. Mahigpit niyang hinawakan ang braso nito at hinila ng malakas ang buhok nito kaya napatingala ito. Kapagkuwa'y kinagat niya ang braso nito na nakakapit sa buhok niya kaya nabitawan nito iyon. Mas hinigpitan niya ang hawak sa buhok nito. Pilit niyang iniingatan ang tiyan niya. "Ouch! H-hayop ka, Ivy!" sigaw nito. "Mas hayop ka, Ivy! Ikaw ang hayop sa ating dalawa. This time, ako naman ang manonood na naghihirap ako, ako naman ang tatawa habang nakakulong ka!" Nang magkaro

  • After Divorce: I Married A Stranger    263

    "ORAS NA para maningil sa lahat ng kasalanang ginawa ninyo sa amin!" madiin at puno ng poot na sabi ni Naomi, walang takot at pangamba.Natawa si Rovert. "Paano? Wala na kayong kakayahang gumanti dahil wala na ang lahat sa inyo kaya paano kayo maniningil? Kilala ninyo ako, I have money, power and influence kaya kahit anong gawin ninyo, may magagawa pa rin ako.""Influence and money? Sa tingin mo ba, Rovert may magagawa pa ang mga iyan kapag nasa likod ka na ng mga rehas na magiging bagong tahanan mo? Wala nang magagawa lahat ng influence at yaman mo dahil kahit mayroon ka ng lahat, hindi ka ligtas sa bata," sagot ni Christopher."Security! Security! Palabasin ninyo ang mga outsiders na iyan!" sigaw ni Ivy pero walang lumapit na security guard.Natawa si Naomi. "See? Wala nang magagawa ang pera at influence ninyo dahil sa gabing ito, malalaman ng mga tao ang kasamaan at kademonyohan ninyong lahat!" madiin niyang sabi, ramdam ang matinding galit doon at kagustuhan niyang maningil. Nakak

  • After Divorce: I Married A Stranger    262

    "KUNIN MO ang papel!" utos ni Ivy sa isa sa mga tapat dito. Agad namang kinuha ng lalaki ang isang papel at iniabot kay Ivy. Marahas nitong hinablot ang papel at agad binasa ang nakasulat doon. Agad namang lumapit ang mga press.Natigilan si Ivy maging si Levie at Owen nang makita kung anong nakalagay sa papel. "W-wanted!" mahinang basa ni Levie. Nandoon ang larawan nilang apat habang nakalagay ang malaking WANTED sa taas niyon at sa baba nakalagay ang mga salitang; kriminal, magnanakaw, mang-aagaw ng asawa, human-trafficking at illegal dr*gs.Umiling-iling si Ivy! "N-No! Sinong may gawa nito? Bakit may ganito?" Lumingon ito sa paligid. "Sinong may pakana nito?" sigaw nito. "Hindi totoo ang lahat ng nakasulat dito!" Bumaba ito ng entablado at nilapitan ang mga bisita, isa-isa nitong kinuha ang hawak nilang papel at ginusot iyon. "Huwag ninyong basahin! Hindi iyan totoo!" Patuloy ito sa ginagawa, bakas ang kaba at pagkabahala. "Hanapin ninyo kung sinong may kagagawan nito!" baling nito

  • After Divorce: I Married A Stranger    261

    TILA SUMABAY SA musika ang pagpalakpak ng mga tao nang tawagin ng host ang mahahalagang tao sa gabing iyon. Lumabas mula sa backstage si Ivy, Owen, Rovert at Levie. Hindi matatawaran ang kanilang masasayang ngiti dahil sa kanilang mga tagumpay. Nag-uumpaaw ang saya sa kanilang mga puso habang tinitingala sila ng marami dahil sa pag-aakalang ang success na tinatamasa nila ay kanilang nakuha sa masidhing pagsisikap pero hindi alam ng lahat na ang success na kanilang ipinagdiriwang ay success ng ibang tao na ninakaw lang nila."Thank you, everyone for coming tonight and celebrating with us for our successful journey in the business industry!" masayang sabi ni Rovert habang nakangiti at kumakaway pa sa mga tao. "This win wasn't possible without the help and support from the investors and partners.""Good evening, everyone! Tonight, we gather to celebrate a remarkable milestone in our company's journey," simula naman ni Levie. "And I'm happy to have every one of you, your trus, support, an

  • After Divorce: I Married A Stranger    260

    NATIGILAN SI NAOMI nang bumukas ang pinto ng silid ng hospital kung nasaan siya at niluwa niyon si Grayson. Blangko ang mukha at hindi niya makita ang kahit anong emosyon sa mga mata nito pero bakas doon ang pagluha. Alam niyang hindi ito ok nararamdaman niya at nag-aalala siya para rito. "Grayson," banggit niya sa pangalan nito. Hindi niya alam kung galit pa ba ang nararamdaman niya para rito o simpatiya. "Pwede ka ng lumabas ng hospital, ako nang maghahatid sa iyo. Saan mo gustong umuwi, sa sarili mong bahay o sa mga Phantom?" tanong nito at hindi niya maiwasang maramdaman ang lungkot doon. Anong bahay ang tinutukoy nito? "G-Grayson," naguguluhang aniya. "Kung uuwi man ako, sa mga Phantom ako uuwi dahil doon ko naramdaman ang tahanang hinahanap ko," aniya. Bahagya itong kumiling habang nakabulsa. "Pero ang mansyon ng mga Alcantara ang totoong tahanan mo, Naomi." Hindi niya alam ang mararamdaman sa mga sinasabi nito. Galit ba ito o dahil nalulungkot lang dahil sa hindi ito totoon

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status