HUMUGOT ng malalim na hininga si Naomi nang dalhin siya ng maid sa magiging kwarto nila ni Nonoy.
"A-ate dito na tayo titira?" tila inosenteng tanong ni Nonoy.
Binalingan niya ito saka nilapitan. Bahagya siyang lumuhod para pumantay sa kapatid na naka-wheelchair pa rin.
"Nonoy, pasensiya na, huh!" Napakagat labi siya at bahagya yumuko nang bigla na namang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. "I-I'm sorry! Hindi ka naprotektahan ng ate." Kapag naaalala niya ang mga dinanas ni Nonoy, mas nadudurog siya. Napakainosente nito para maranasan lahat ng iyon.
"Ate, ok na si Nonoy, huwag ka na iyak."
Mas bumuhos ang luha niya nang maramdaman niya ang palad nitong humaplos sa balikat niya. Paano nila nagawang saktan ang katulad ni Nonoy?
Pinahid niya ang luha. "Hayaan mo, Noy simula ngayon, kasama mo na palagi ang ate, ok ba 'yon?" Tumango ito at ngumiti. "Hindi na hahayaan ni ate na saktan ka ng kahit sino. Puprotektahan ka na ng ate." Niyakap niya ito ng mahigpit.
Nagsimula na siyang mag-ayos ng mga gamit nila ni Nonoy. Naligo na rin siya at nag-ayos ng sarili. Daig pa nila ang nasa isang condo dahil sa laki at ganda ng silid. May sariling comfort room, bathroom at mayroon pang malaking TV.
Mayamaya'y may kumatok sa silid niya. Binuksan niya iyon at bumungad ang katulong.
"Madam, Naomi, pinatatawag po kayo ni Mr. Alcantara."
Kumunot ang noo niya. "Ngayon?" Tumango ang katulong. "Sige. Nasaan siya?"
"Nasa office room niya, sa may taas, dulong silid," paliwanang nito.
Ngumiti siya. "Thank you po."
"Naku, huwag niyo na po akong i-po. Katulong lang ako dito."
"Mas matanda kayo sa akin," aniya.
Ngumiti ito. "Kahit na po.
"Ano palang pangalan mo?"
"Merry po." Nagpaalam na rin ito na babalik na sa trabaho.
Bumuntong-hininga muna siya nang makarating siya sa office room ni Grayson. Kumatok muna siya.
"Come in," seryosong sagot nito.
Pumikit muna siya ng mariin bago tuluyang binuksan ang pinto at dahan-dahang pumasok sa silid. Bumungad sa kaniya si Grayson na abala sa pagbabasa sa mga papeles na nasa harap nito.
"Good evening, Mr. Alcantara," bati niya pero hindi ito nag-angat ng tingin. Mas lalo siyang na-intimidate sa binata. Hindi dahil sa nakakatakot ang aura nito pero napaka-mystery at parang palagi itong seryoso.
May pinirmahan ito bago nag-angat ng tingin. "Have a sit, Naomi."
"Pinatawag niyo raw po ako," aniya na hindi makatingin ng diretso sa kaharap niya. Nadi-distract siya sa napakagwapo nitong mukha.
"Since, you're legally my wife, dapat alam mo lahat ng tungkol sa akin." May kinuha itong papel at inabot sa kaniya. "Here's some facts about me that you should know. Dapat mo akong makilala sa pamamagitan ng mga iyan para sa paningin ng lahat, totoo ang kasal natin."
Binuklat niya iyon. Mahilig pala sa mga aso si Grayson kaya pala maraming aso sa backyard ng mansyon. Pink ang paborito nitong kulay at ayaw nito sa maanghang na pagkain. Mahilig din ito sa ice cream at favorite cartoon characters nito si Doraemon.
Napatikom siya ng bibig dahil muntik na siyang matawa sa nabasa. Seryoso? Paborito nito si Doraemon?
"Why are you laughing? Is there any problem?" seryosong tanong nito.
Pinilit niyang maging seryoso at umiling. "W-wala po. N-noted po lahat ito, Sir Grayson," aniya.
May kinuha pa itong papel at inabot sa kaniya. Ito 'yong pinirmahan niya kanina.
"Here's the contract."
"Contract?"
"This is a legal contract tungkol sa napag-usapan natin, terms ang condition sa magiging set up natin so, you're not gonna shock sa mga pwede kong gawin sa iyo."
Kumunot ang noo niya at agad binasa ang contract. "A-anong gagawin mo sa akin?"
Suminghap ito. "I'm not doing anything bad to you, Naomi, ok? Ang ibig kong sabihin, may mga pagkakataong may gagawin akong hindi mo inaasahan because you're my wife sa mga mata nila, para patunayan sa lahat na totoo ang kasal natin. I hope you understand what I'm trying to say."
"Like, kissing and hugging?"
"Exactly. Nandiyan sa contract ang mga dapat mong malaman para alam mo ang magiging reaction mo kapag nangyari iyon. Read it now and sign the contract after you understand what's written inside."
"P-pero hindi ba sila magduda sa bigla mong pagpapakasal at sa isa pang kagaya ko na malayo sa estado mo sa buhay?" Napakagt-labi siya. Ready ba siya sa magiging sitwasyon niya?
"Don't worry about that, Naomi. Naplano ko na lahat ng sasabihin ko, just go with the flow." Tumango siya. "And hindi lang ako ang dapat mong makilala, dapat ko ring malaman ang lahat ng tungkol sa iyo."
"Noted, Sir. Gagawa rin ako ng list ng mga dapat mong malaman tungkol sa akin."
"No, don't call me, Sir. Sanayin mong tawagin ako sa pangalan ko kapag tayo lang dalawa at tatawaging nating love ang isa't isa sa harap ng ibang tao, naiintindihan mo ba?"
Tumango siya kahit pinuproseso pa ng utak niya ang lahat. Handa ba siya sa mga ganoong pangyayari? Baka masira lang ang pagpapanggap nila.
Gusto sana niyang tanungin kung bakit kailangan nitong magbayad ng malaki para sa pekeng asawa nito. Wala ba itong girlfriend na pwedeng pakasalan. Kung sabagay, magpapakasal ba ito sa kaniya kung may girlfriend ito.
"And about your brother, don't worry about him. Dahil nasa poder ko kayo, responsibilidad ko kayong dalawa kaya kumuha ako ng personal nurse, caregiver at doctor niya para regular siyang mache-check up. Kung may problema ka, don't hesitate to tell me, ok?"
Tumango siya. Sadya bang mabait si Grayson o dahil kailangan lang nito ang serbisyo niya? Nalungkot siya bigla nang maalalang buntis siya. Paano kapag nalaman nito na nagdadalang tao siya? Malalaman ng lahat na contract marriage lang ang namagitan sa kanila at walang tunay na pagmamahal. Hindi kaya mas malalagay sa kahihiyan si Grayson dahil disgrasyada ang nakuha nito?
Pilit siyang ngumiti. "S-salamat, Sir—"
"Grayson," seryosong pagtatama nito sa kaniya.
"G-Grayson. Salamat dahil malaking tulong sa kapatid ko lahat ng ginawa mo. You saved him...you save me at malaking utang na loob ko iyon sa iyo. Lumitaw ka nang mga panahong hindi ko na alam ang gagawin ko. H-hindi ko kakayanin kapag pati si Nonoy nawala sa akin. Siya na lang ang meron ako," puno ng lungkot na sabi niya.
Napasinghap si Grayson at umiwas ng tingin sa kaniya.
"Sige, ako nang bahala, Naomi. Pwede ka nang bumalik sa silid mo."
Tumango siya at tumayo na sa pagkakaupo. Aalis na sana siya nang maisip niya na dapat nitong malaman ang tungkol sa pagbubuntis niya.
Bumuntong-hininga siya. "P-pero, Grayson m-may kailangan kang malaman tungkol sa akin."
"What?"
"I'm—" Hindi na niya natapos ang sasabihin nang makaramdam siya ng pagkahilo at pagdilim ng paningin. Napakapit siya sa gilid ng upuan.
"Hey! N-Naomi, what happened? Are you—"
Tuluyan siyang nawalan ng lakas at nawala ang paningin. Bumagsak siya pero hindi sa sahig kung 'di sa makikisig na bisig ni Grayson.
"PERO TEKA NGA, wala ka bang balak sabihin kay Owen ang tungkol sa anak ninyo?" biglang tanong ni Luna habang nagmamaneho ito ng sasakyan. Tinawagan kasi niya ito para ihatid sila pauwi dahil simula ng umamin si Martin sa kaniya, hindi na ulit sila nag-usap. Tila ba umiiwas ito sa kaniya. Katabi ito ni Naomi habang abala naman sa paglalaro si Nanoy sa backseat. Pauwi na sila galing sa hospital pagkatapos niyang isauli si Kalus kay Ashley. Nalungkot pa nga si Yuan nang umalis si Kalus dahil naging magkaibigan na silang dalawa at palaging magkalaro. Pero sana hindi roon matapos ang nabuo friendship nilang dalawa dahil alam niyang naging mabuting influence si Yuan kay Kalus. Umaasa rin siya na magiging mabuti at huwarang ina na si Ashley para sa anak.Suminghap siya at saglit na tiningnan ng kaibigan. Dapat pa bang malaman ni Owen ang tungkol sa anak nila? "H-hindi ko alam, Luna. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin sa kaniya ang ginawa ni Ivy sa anak namin. Dapat pa ba niyang mal
DAHAN-DAHANG IMINULAT ni Grayson ang mga mata niya pero agad siyang napangiwi at nasapo ang tagiliran ng maramdaman niya ang kirot mula roon. "Grayson!" Agad siyang nilapitan ni Ashley kasunod si Christopher na bakas ang pag-aalala sa kanilang mga mukha. Dinaluhan siya ni Ashley. "Don't move, Grayson baka bumuka ang sugat sa tagiliran mo at dumugo," paalala nito. Binalingan niya ang tagiliran. Inalis niya ang kumot na nakapatong sa kaniyang katawan at tumambad ang benda sa kaniyang tagiliran. Nakagat niya ang pang-ibabang labi dahil may nararamdaman pa rin siyang sakit at kirot dulot ng sugat. Pumikit siya at bumuga ng hangin. Pinilit niyang hindi gumalaw dahil mas sumasakit iyon. Kapagkuwa'y nagmulat siya at tiningnan ang dalawa. Luminga siya at may hinahanap sa paligid. "S-si Nonoy? K-kumusta si Nonoy? Ok lang ba siya? Hindi ba siya nasaktan?" sunod-sunod at nag-aalalang tanong niya. "Gusto ko siyang makita." Tuluyan niyang inalis ang kumot sa katawan at bumangon sa pagkakahiga
"HEY ARE YOU OK?" Bahagyang napapitlag si Naomi nang maramdaman niyang may umuga sa kaniyang braso. Kanina pa siyang malalim ang iniisip. Hindi mawala sa isip niya ang naging pag-amin ni Martin sa kaniya. Iyon ang kinakatakot niyang mangyari noon pa dahil alam niyang hindi niya kayang suklian ang pagmamahal nito para sa kaniya dahil hanggang ngayon si Grayson pa rin ang tinitibok ng kaniyang puso. Natatakot din siya na pagkatapos ng pag-amin nito, magbago ang lahat sa kanila at iyon ang ayaw niyang mangyari. Napakamot siya sa kaniyang noo at bahagyang yumuko. "P-pasensiya na, Luna may iniisip lang ako," aniya. Nasa carpet ng silid si Nonoy at abal ito sa paglalaro, obvious na na-miss nito ang mga laruan nito at ang pakiramdam na binibigay ng paglalaro. Ngumuso si Luna at humalukipkip. "Kanina pa akong nagsasalita dito, eh hindi ka naman pala nakikinig," nagtatampong sabi nito. "Kanina ka pang tahimik at wala sa sarili, ano bang iniisip mo, huh? Tungkol ba kay Grayson? Nag-aalala ka
Suminghap si Martin at pasimplebg pinahid ang luha sa gilid ng mga mata. Ngumiti ito. "No, don't say sorry dahil wala kang kasalanan. It was my choice to try kahit alam kong masasaktan ako at the end." Pinagdikit nito ang mga labi at ngumiti. "Alam mo bang the moment I saw you on the street, alam kong may kakaiba sa iyo." Nagtaka siya at napakunot ang noo. "Nahimatay ka noon sa gitna ng kalsada at ako ang driver ng sasakyang muntik ng makabangga sa iyo. Dinala kita sa hospital at nalaman kong buntis ka. Nang dumating si Luna, narinig ko ang nangyari sa iyo. Naawa ako sa iyo noon at gusto kitang i-comfort. There's something in you that I get intrigued about. Until we met again at the rooftop, alam kong nahihirapan ka at nabibigatan sa kung anumang pinagdadaanan mo noon so I thought you were gonna jump from the rooftop." Natigilan siya, kasunod ng mga alaalang nagbalik sa ispan niya. So, si Martin pala ang lalaking nagdala sa kaniya sa hospital ng mawalan siya ng malay sa kalsada dahil
"SA SUSUNOD na linggo, gaganapin ang malaking announcement ni Owen sa lahat bilang bagong CEO ng kompanya ni Grayson at kasama ang celebration ng kompanya nila ni Levie dahil sa deal na nakuha nila. Malaking celebration ang nakahanda kung saan dadalo ang mga press at ang lahat ng mga kilalang business tycoon na naging katrabaho nila at maging ni Rovert kaya kailangan nating paghandaan iyon," mahabang sabi ni Martin na hanggang ngayon ay may sugat pa rin sa mukha at sa ibang bahagi ng katawan. Kanina pa itong tahimik at ngayon lang umimik. Hindu rin siya nito tinatapunan ng tingin. Kadarating lang nila galing sa hospital dahil ayaw nitong mag-stay at magpagaling doon. Nauna na sa loob si Jack kasama si Nonoy.Dahan-dahan siyang lumapit kay Martin at hinawakan ito sa kamay. "Saka na natin pag-usapan ang magiging plano natin sa kanila, Martin ang kailangan mo ngayon, magpahinga at magpagaling. Tingnan mo nga 'yang sarili mo, puro sugat at galos." Tiningnan niya ito sa mukha at saktong n
DAHAN-DAHANG humakbang si Naomi papasok sa silid kung saan nandoon si Grayson na wala pa ring malay. Hindi niya maintindihan ang sarili dahil naguguluhan siya sa kung anong dapat niyang maramdaman sa mga nangyari. Sapat na ba ang ginawa nitong pagligtas kay Nonoy at pagsasakripisyo ng buhay nito para patawarin niya sa lahat ng ginawa nito sa kaniya? Suminghap siya at tumigil sa paghakbang ng tuluyan siyang makapasok sa silid. Nakahiga si Grayson sa kama habang wala itong malay. Sa hindi niya alam na dahilan, kusang bumagsak ang luha sa kaniyang mga mata. Bahagya siyang kumiling at agad pinahid iyon. Hindi siya magiging ipokrita para pilit itanggi na hindi na niya mahal ang asawa at hini ito pinananabikan. Hindi rin siya ganoon katigas para hindi lumambot sa ginawa nitong pagligtas kay Nonoy at hindi siya masama para hindi maging thankful doon.Dahan-dahan siyang humakbang palapit dito. Pinagmasdan niya ang gwapo nitong mukha na mahimbing na natutulog. Maraming beses na gusto niyang